ANG sabi ni Sahara sa sarili, pipigilan niyang magbigay ng motibo kay Armando at susubukan niyang maghintay na ito ang unang gumawa ng unang hakbang pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit sa tuwing napapalapit siya sa lalaki ay nag-iinit ang pakiramdam niya. Katulad na lamang nang gabing iyon nang maabutan niya ito na nag-iisa’ng nakaupo sa wooden lounge chair sa pool area. Iyon ang unang pagkakataon na nakita niya itong naka-sando at board shorts. At the age of 49, Armando still got that body to die for. Mascular, athletic – which always make her wonder how his body would feel to her touch.
“Hi,” bati niya.
He just looked at her blankly, didn’t even say a word. Lalo itong natulala nang tanggalin niya ang suot na bathrobe. She wasn’t expecting him to be there so she wore her simple black one-piece bikini but if she only knew that Armando would be there, she would’ve worn something more revealing.
“Come on, why don’t you join me?” tanong niya. Sinawsaw muna niya ang isang paa sa malamig na tubig ng swimming pool bago tuluyang lumusong roon.
“No. Dito na lang ako.”
“Please?” pakiusap ni Sahara.
Nakita niya ang malalim na paghigit nito ng hininga. Bahagya itong ngumiti at saka hinubad ang suot na sando. Tumayo ito at iiling-iling itong sinaluhan siya sa tubig. The expression on Armando’s face was a mixture of excitement and concern, as if it was his first time to jump into the water.
“Afraid of the water or afraid of me?” biro niya.
“Now, there’s the question,” mahina nitong tugon pero sapat ang lakas niyon para marinig ni Sahara. Magkatabi na sila ngayon sa pabilog na pool, kapwa nakatayo at nakaharap sa napakagandang tanawin ng siyudad.
“Are you afraid of me?” ulit niyang tanong. Now that it came straight from the horse’s mouth, it seemed to explain everything – that is if he was indeed afraid of her. But why would he be afraid of her?
Umiling si Armando. “I don’t know. Siguro dahil masyado kang maganda…masyado’ng…” Tumingin muna ito sa kanya bago nagpatuloy. “…tempting.”
“And that makes you afraid of me because?”
“I…don’t…know,” ulit nito.
Tinitigan niya ito at pilit pinaharap sa kanya sa pamamagitan ng paghawak sa magkabila nitong pisngi. “You know what, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon, nagpapa-mysterious effect ka pa rin, Mr. Armando Tantoco,” malambing niyang sabi. Mas inilapit niya ang sarili sa rito at sa saglit na pagkakadikit ng katawan nila ay agad itong napaurong. “You got me already. I’m yours now. ”
“Sahara…”
“You don’t have to be afraid of me, Armando. I don’t bite,” biro pa niya.
And with that, she leaned forward, looked into his eyes and tried to kiss him on the lips. Pero maagap ito at agad na nakaiwas at kitang-kita ang pagkabigla sa mga mata nito. Napailing si Sahara. Ngayon lamang siya na-insulto nang ganoon, na halos ipagpilitan na niya ang sarili kay Armando pero wala pa rin. Na ultimo isang simpleng halik ay hindi nito magawa na para bang diring-diri ito sa kanya. Kung gayon ay bakit pa siya nito ginawang kasintahan at pinilit na tumira roon?
“Is this some kind of a game? Ano ‘to, patagalan kung sino ang hindi bibigay, kung sino ang mas matatag? Because if it is, congratulations, you’ve won.” Tinalikuran niya ito at pilit na binilisan ni Sahara na maglakad sa tubig palayo sa kausap hanggang sa makaahon. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman nang mga oras na iyon, kung magagalit ba siya kay Armando o maaawa sa sarili pero ang sigurado siya ay ang pagka-insulto sa naging reaksiyon nito sa ginawa niya.
“W-wait, Sahara!” sigaw ni Armando. Mabilis itong umahon sa tubig at sumunod sa kanya. Kinuha niya ang roba at isusuot na sana nang mahawakan nito ang kanyang isang braso. “I-I’m sorry. This isn’t a game…at hindi ko sinasadyang isipin mo na pinaglalaruan kita.”
“So what is this?”
“Sahara. I like you…I love you…so much. It’s just that…
“Please, sabihin mo kung ano ang problema mo sa akin…ayaw mo ba ng pabango ko, ng ayos ng buhok ko, ng isinusuot ko? Sabihin mo sa akin kung ano ang ayaw mo sa’kin, kung ano ang dapat kong baguhin. I am willing to change for you, kahit ano’ng gusto mo, gagawin ko, just tell me what it is.”
Sa buong pagsasalita ni Sahara ay umiiling lamang si Armando. Ito naman ang humawak sa magkabila niyang pisngi. “Walang problema sa’yo, Sahara, trust me. You are perfect…and I’m sorry if I made you feel that way.”
“So, ano nga ang problema?” mangiyak-ngiyak niyang tanong, pilit na iniintindi ang nobyo.
“Ako ang problema.” Mula sa kanyang mukha ay bumaba ang mga kamay nito sa kanyang balikat. “It’s been too long since I had a girlfriend, you know that. Masyado akong nag-focus sa trabaho at sa mga negosyo nang maraming taon kaya ngayon, h-hindi ko na alam kung paano ang magkaroon ng…tulad mo sa buhay ko. I don’t remember how it felt like having someone so…I don’t know how to act around you. I’m really sorry, Sahara. Wala sa’yo ang problema, nasa akin.”
Hinaplos niya ang pisngi nito at ngumiti. “I love you, Armando at kung ano man ang problema mo, handa akong tulungan ka para malampasan mo ‘yon.”
“But you won’t understand.”
“Then help me understand…”
Tinitigan ni Armando ang kanyang mga mata. Mula sa kanyang balikat ay naglakbay ang mga kamay nito paitaas, hanggang sa maikulong nitong muli ang kanyang mukha sa malalaki nitong mga palad.
She just looked at him and didn’t dare to move an inch. She’s going to wait for him to do the first move, she told herself. She tried to control herself and just stood there, a mixture of emotions. And then, it happened.
Mainit ang mga labi ni Armando nang lumapat iyon sa bibig niya. Malambot, maingat na para bang hindi ito sigurado kung tama ba iyon o mali. Ramdam ni Sahara sa halik nito ang alinlangan, ang takot – sa kung saan ay hindi niya alam. Pumikit siya at tinugunan ang halik ni Armando sa paraang alam niya. Sobrang tagal na mula nang huli siyang mahalikan kaya naman hindi niya iyon napigilan.
He smelled fresh and sweet, just like how his lips tasted – fresh with a hint of mint and wine. The kiss felt good and she knew that if she let this carry on, they would end up doing more than she bargained for. But hell, she’s enjoying this and based on the way he kisses her and touches her, she’s certain that he’s feeling the same.
“Sahara…” Isang marahang halik sa noo ang iginawad nito sa kanya. “Huwag mo ‘kong iiwan, please. Ikaw na lang ang meron ako.”
“Promise, hindi kita iiwan kahit ano ang mangyari, Armando.”
And suddenly, it struck her. She genuinely loves the man. Na kahit ano’ng klase’ng problema mayroon ito ay kaya niyang sabihin sa sarili niya na mananatili siya sa tabi nito, ano man ang mangyari.