Chapter 77

“SAHARA!”

Pinilit ni Sahara na idilat nang husto ang mga mata. Pamilyar ang boses niyon, narinig na niya iyon pero hindi niya masigurado kung saan o kailan. Mukhang bagung-bago ang suot na amerikana ng lalaking iyon at makintab ang sapatos nito. Sa unang tingin, aakalain mong isa itong kagalang-galang na lalaki. Lumapit siya sa kinatatayuan nito at nang ilang hakbang na lamang ang layo nito sa kanya ay bigla siyang natigilan. Ayaw maniwala ng kanyang mga mata sa nakikita.

“Ang tagal kitang hinanap, Sahara. Kung saan-saan na ‘ko nagpunta, dito lang pala kita makikita,” anito. Bukod sa pagkakagupit ng buhok nito at pagkakaroon ng balbas at bigote ay wala pa ring nagbago rito. “Kumusta ka na? Ang huli kong balita sa’yo, big time ka na eh. De-hatid-sundo ka pa nga ng BMW, hindi ba? Ano’ng nangyari sa’yo? Ano’ng ginagawa mo sa ganitong klaseng lugar? Kumakanta ka na ba uli?”

Sa buong pagsasalita nito ay gusto na niyang tumakbo palayo pero hindi niya magawang maihakbang ang kanyang mga paa. Nanatili lang siyang nakatayo sa harap nito, punung-puno ng kaba ang dibdib.

“Sahara, magsalita ka naman, ang tagal nating hindi nagkita eh…miss na miss na kita.”

“H-hindi ba dapat nasa…kulungan ka, ano’ng ginagawa mo rito?”

“Matagal na ‘yon, Sahara. Napagbayaran ko na lahat ng kasalanan ko sa loob. Good boy na ako ngayon, alam mo ba?” anito, natatawa. “At narito ako para…humingi ng tawad sa’yo, sa lahat ng nagawa ko. Nasaktan kita, alam ko ‘yon kaya sorry. Sabi ko sa’yo noon, babalikan kita, diba? Heto na ‘ko ngayon. Mag-umpisa tayo uli, Sahara…’yung tayong dalawa lang. Umalis tayo, ilalayo kita sa lugar na ‘to.”

“Ano ba ‘yang sinasabi mo? Matagal nang tapos kung ano ang meron tayo…tigilan mo na’ko, please.”

Umiling ito at ngumisi. “Hindi p’wede ‘yon, Sahara. Naalala mo noon, may ipinangako ako sa iyo noon, hindi ba? Sabi ko sa’yo noon, kahit ano ang mangyari, babalikan kita…hahanapin kita kahit saang lupalop ka pa, hahanapin kita at makikita kita. Akin ka lang, Sahara at walang ibang makikinabang sa’yo kundi ako lang.”

Napalunok siya sa narinig. Sa tinagal-tagal, akala niya ay hindi na niya ito makikita dahil sa tinagal-tagal, pilit na niya itong kinalimutan. Walang pinagbago sa itsura nito, magandang lalaki pa rin, matikas pa rin.

“Sino ba ang kinakasama mo ngayon, ha baby ko?” kunut-noo nitong tanong sabay sindi ng panibagong stick ng sigarilyo. “’Yung Ricardo Aguas pa rin ba o may bago ka na namang nauto?”

Kung paano nito nalaman ang tungkol doon ay hindi niya alam pero hindi na rin siya nagtaka dahil kilala niya ang buo nitong pagkatao, lalo na kung gaano kaitim ang buto nito.

“Oh, sorry.” Yumuko ito, humithit ng sigarilyo at tsaka humarap sa kanya. “Hindi mo naman ako masisisi kung magselos ako. Sorry, sorry. Nagbago na ‘ko, Sahara, para sa’yo. Siyempre, sa estado mo ngayon, nakakahiya naman kung asta’ng kalye ang magiging bago mong boyfriend.”

“Boyfriend?” Gusto niyang masuka sa naririnig. “Nababaliw ka na ba?”

“Alam mo namang matagal na ‘kong baliw na baliw sa’yo, hindi ba?”

“H-huwag kang lalapit,” mahina ngunit matigas niyang sabi nang makita niyang hahakbang na ito palapit.

“Sahara naman, hindi mo ba ako na-miss?”

Napaurong si Sahara hanggang sa masukol siya sa nakaparadang kotse sa kanyang likuran. Tuluyan na itong nakalapit sa kanya at mabilis siyang hinawakan sa magkabilang braso. Malalim ang paghigit niya ng hininga dahil sa sobrang lapit ng mukha nito sa kanyang mukha. Pinilit niyang hindi gumalaw dahil sa oras na gawin niya iyon ay tiyak na mahahalikan siya nito.

She shivered just by the thought of what he’s going to do next. Everything went back to her – the way he manipulated her just to get what he wanted…the pleasure he never failed to give her every time...the desire he taught her to feel…

Matalim ang mga mata nitong nakatitig sa kanya, mga titig na tila ba kayang-kaya siya nitong hubaran. Walang sabi-sabi ay hinatak siya nito palayo sa mga tao hanggang sa makarating sila sa madilim at masikip na eskinita, ilang hakbang lamang mula sa club.

“Akala ko hindi na kita makikita…akala ko hindi na kita mahahalikan…”

Pakiramdam ni Sahara ay para siyang nahipnotismo. Nang lumapat ang mga labi nito sa kanyang pisngi ay hinayaan lamang niya ito. Nakaringgan niya ito ng mahinang pag-ungol at pati iyon ay parang musika sa kanyang pandinig.

Pero para siyang nabuhusan ng malamig na tubig nang maramdaman niya ang isa nitong kamay na naglakbay paitaas sa kanyang dibdib. Bigla siyang napadilat lalo na nang magsimula nang maging mapangahas ng mga labi nito sa paghalik sa kanyang leeg. Impit ang pag-ungol, nagpalinga-linga siya, nagbabakasakali na may makitang ibang tao na maaari niyang mahingan ng tulong. Pero sadyang ilang ang eskinita na iyon na kahit yata sumigaw siya ay walang makakarinig.

Nang maramdaman niyang darang na darang na ito sa kanya ay kumuha siya ng tiyempo at tinuhod ito sa maselang bahagi ng katawan, dahilan para mapasigaw ito, mapaupo at mamilipit sa sobrang sakit. Ginamit niya ang pagkakataon na iyon para makatakbo palayo, palabas ng eskinita.

“Tulong!” malakas niyang sigaw para makakuha ng atensiyon.

“Shit Sahara! Babalikan kita! Hahanapin kita!”

Mabilis ang ginawa niyang pagtakbo palayo at dahil na rin sa halu-halong pagod, antok, kaba at pagkalasing, hindi na niya naiwasan ang isang kotse na parating…

~~

“MAXIMO Sandoval. Nakulong na sa kaso’ng domestic violence, substance use, illegal possession of firearms, battery at estafa pero nakapagpiyansa noong isang taon kaya nakalaya.”

Nanginginig pa rin si Sahara kahit pa tapos na ang kanyang paglalahad ng buong pangyayari at paglalarawan sa pisikal na anyo ni Max. Hindi rin niya napigilan ang mapaluha nang biglang nagbalik sa kanya ang nakaraan, ang lahat ng kasamaan at kahayupang ginawa nito sa kanya noon.

Mabuti na lamang at naroon si Mr. Tantoco sa kanyang tabi habang ginaganap ang interogasyon ng dalawang pulis. Isang payat at isang may kalakihan ang tiyan ang pumasok sa kanyang kuwarto nang umagang iyon para sa dagdag na impormasyon tungkol sa nangyari. Sa paraan ng pakikipag-usap at pakikitungo nito sa kanila ay halata niyang malaki ang paggalang at pagrespeto ng mga ito kay Mr. Tantoco. Halos isang oras rin ang inabot ng imbestigasyon at bago tuluyang umalis ang mga pulis ay nagpasalamat ang mga ito sa kanyang pakikipagtulungan at nangako na gagawin ng mga ito ang lahat para mahuli kaagad ang may-sala.

“Who is Maximo Sandoval? Do you personally know him?”

Yes, she knew him too well. Pero hindi niya iyon isinatinig. “P-p’wede na siguro akong umuwi sa apartment ko,” sa halip ay sabi niya. Tinanggal niya ang pagkakakumot sa kanya ng makapal na blanket at tatayo na sana ng pigilan siya ni Armando.

“Are you crazy?” galit nitong tanong. “You are not going anywhere at kung p’wede ka nang umuwi, wala kang ibang uuwian kundi sa akin. Don’t be such a stubborn young lady. Sa tingin mo papayagan kitang tumira nang mag-isa sa kung saa’ng apartment pagkatapos ng nangyari sa’yo kagabi?”

Bumuntung-hininga siya at dahan-dahang tumayo. “I appreciate your concern but I’ll be fine, Mr. Tantoco. Okay na ‘ko sa bago’ng apartment na nilipatan ko, I’m getting used to it.”

“No. The man is still on the loose. Paano kung balikan ka niya? Paano kung sundan ka niya hanggang sa tinutuluyan mo? Babalik ka sa condo, ipapakuha ko ang mga gamit mo sa apartment mo.”

“Sandali lang, Mr. Tantoco,” kunut-noo niyang simula. “P’wede bang paki-paalaala sa akin kung ano nga ba ako sa buhay mo? Because as far as I can remember, we don’t have any relationship or whatsoever. Hindi kita boyfriend, hindi mo ako girlfriend. Ni hindi ko nga alam kung magkaibigan tayo, eh. Oh yeah, malaki ang naitulong mo sa akin dahil sobrang naawa ka sa sitwasyon ko at ‘yon lang naman ‘yon, hindi ba? Wala akong naaalala na binigyan kita ng awtoridad para makialam sa mga desisyon ko sa buhay dahil wala naman tayong relasyon sa isa’t-isa, hindi ba? Oh baka mayroon nga, hindi ko lang alam…hindi ko lang maalala. Baka may mga bagay at pangyayari na nakalimutan ko dahil sa aksidente.”

Mr. Armando Tantoco didn’t say anything, he just looked puzzled, looking at her.

“What is it, Mr. Tantoco? Ano ba talaga ang gusto mo sa akin? Gusto mo ba akong patirahin sa bahay mo para lang meron kang makasabay sa breakfast? Para may mapagbuntunan ng inis sa tuwing may problema sa trabaho mo? Ang totoo kasi, litung-lito na ‘ko. Kung gusto mo ‘ko, bakit hindi mo sabihin?”

Si Armando naman ang napabuntung-hininga. “Can we talk about this some other time?” Tumalikod ito, hinimas-himas ang sintido at muling humarap.

“No. We’re going to talk about this now.” Masakit ang ulo at buo niyang katawan pero hindi iyon naging hadlang upang ilabas niya ang lahat ng kanyang hinanakit. “Now tell me, bakit mo ‘to ginagawa? Bakit mo ako tinutulungan?”

Hindi ito sumagot at sa tingin ni Sahara ay wala itong balak sagutin iyon kaya naman mabilis siyang tumayo at kinuha ang kanyang maliit na bag na nakapatong sa nightstand.

“Look, Mr. Tantoco. Tulad ng sinabi ko, I appreciate everything that you’ve done but I’m sorry. Mas mabuti siguro na ito na ang huli nating pagkikita. Goodbye.” Tinalukuran niya ang kausap at akmang bubuksan ang pinto pero pinigilan siya nito.

“Sahara, please…stay.”

“No, I won’t…unless you give me a reason to do so.”

“I’m never good at this,” mahina nitong sabi bago muling humarap sa kanya. Noon lamang nakita ni Sahara na ganoon si Armando – namumula ang mukha nito, at ang mga mata nito ay nasa pagitan ng galit at kalungkutan. “Sahara, I’m no good when it comes to women…I don’t know if I…I’m not sure if…the thing is…well…you are…I…”

“Do you like me? Yes or no?” lakas-loob niyang tanong.

“Fine. I like you…and I want you to be my…girlfriend. Now, will you stay?” Parang daig pa ni Armando ang nakainom ng ilang baso ng whiskey dahil mas lalo pang namula ng buo nitong mukha.

~~

“HMM, ang bango!”

Kalalabas pa lamang ni Sahara ng kuwarto nang umaga’ng iyon ay naamoy na agad niya ang masarap na adobo na niluluto sa kusina. Inaasahan niya si Manang V na abala sa pagluluto pero nagulat siya sa kanyang nadatnan.

“Armando? Bakit ikaw ang nagluluto?” taka niyang tanong. Naka-puti itong T-shirt, itim na jogging pants at itim rin na apron. At naalala niya, Sabado nga pala ng araw na iyon.

“Do you like Adobo?”

“Yeah, I love it.” Napangiti si Sahara habang pinapanood ang lalaki. Tinabihan niya ito sa harap ng lutuan at tiningnan itong mabuti.

“Good. Ito pa lang ang na-perfect ko’ng recipe, eh.”

Sinimulan nang linisin ni Armando ang mga ginamit sa pagluluto at nang mag-alok siyang tutulong ay tumanggi ito. Pinaupo siya nito sa kabisera kung saan ito parating umuupo at sinimulan na siyang pagsilbihan. Ito ang naglagay ng kanin sa kanyang plato.

“So, any plans for today?”

“No,” aniya. “How about we stay here together, all day?” Makahulugan ang ngiti niya, na agad na ikinapula ng pisngi ni Armando. “P’wede tayong mag-swimming or tutulungan kita sa pag-aayos ng mga bonsai, puwede rin tayong magluto together, anything.”

“Ayaw mo bang mag-shopping?” Ngumiti ito at naupo na rin sa upuan sa kanyang tabi.

Umiling siya.

“Ah, a good friend of mine just opened his 12th restobar near the area. Let’s visit the place and then let’s watch a movie. What do you say?”

“How about we stay here?” ulit niya. She looked at him and waited for his reaction.

After a few seconds, he smiled. “Fine, fine.”

That Saturday was their 4th Saturday as a couple at simula nang mapaamin niya ito ng nararamdaman para sa kanya, ang inaasahan niyang pagbabago sa kanilang set-up ay hindi nangyari. Bukod sa kinakausap na siya nito ngayon at nakakabiruan, halata niya na ilang pa rin ito sa kanya, lalo na sa tuwing lumalapit siya rito.

Armando Tantoco has always been the aloof type. It’s probably because he’s very much used to being on his own that he finds it difficult to deal with having somebody in his life. He’s been divorced for many years and according to hearsay, he detests women in general.

For Sahara, he was a breath of fresh air. It’s been a month since they got together but he never dared touch her. Kumpara sa ibang mga lalaking nakilala niya, isang tunay na maginoo si Mr. Tantoco at kung tungkol sa pagrespeto sa kanyang pagkababae ang pag-uusapan, wala na sigurong mas hihigit pa sa lalaki dahil kahit halik sa pisngi ay wala pa siyang natatanggap mula rito. At oo, magkaiba pa rin sila ng tinutulugang kuwarto. Minsan, gusto nang ma-insulto ni Sahara sa mga ipinapakitang paggalang ni Armando sa kanya pero habang tumatagal, mas napapahalagahan na niya ito.

Iba pala ang pakiramdam nang iginagalang, naisip niya. Noon pa man, sanay na siya na parati na lamang nababastos at napagnanasaan at ngayon lang siya nakaranas nang ganoon – na titigan siya sa mga mata nang walang halong pagnanasa, na literal na tratuhin siyang isang prinsesa – ibinibigay ang lahat ng gusto, pinagbibigyan ang bawat niyang hiling.

With Armando, she couldn’t ask for anything more and if there’s such an idea as a perfect man, it’s him and nobody else.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.