ALAM ni Sahara na hindi na dapat siya nagpunta pa roon dahil alam naman niya na hindi na siya welcome sa buhay ng mga ito. Pero nang makita niya sa balita ang tungkol doon ay hindi napigilan ang sarili. After all, Baste had been a huge part of her life and nothing is going to change that.
Sahara was shocked upon learning the news and she couldn’t help but visit the wake to give respect and extend her condolences to Baste. Nang makarating siya sa chapel ay halos mapuno ng tao ang kabuuan ng lugar kung saan nakalagak ang mga labi ng ina ng dating kasintahan. Sa unang tingin pa lamang ay halata na’ng may mga kaya sa buhay ang mga naroon - sa paraan ng pananamit, pagkilos at pananalita. Most were Mr. Montinola’s colleagues while the others were Karen’s elite friends.
Bilang isa sa mga nangungunang kandidato sa pagkasenador, naging bahagi na ng balita ang pangalang Agusto Montinola at lahat ng mga mahahalagang pangyayari sa buhay nito. Kaya naman hindi na nakakapagtaka na maging ang pagpanaw ng ina ng asawa ng anak nitong si Karen Montinola ay maisama rin sa balita.
Huminga muna nang malalim si Sahara bago tuluyang pumasok sa loob. Suot ang simpleng itim na blusa at pantalon at malalaking shades sa mata, walang makapagsasabi na ang bagong dating ay ang modelong si Sahara Smith. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa puting kabaong na pinaliligiran ng magagarang mga bulaklak, habang simple’ng inililigid ang paningin, nananalangin na makita ang lalaking matagal na niyang gustong muling makita.
“Sahara?”
Mula sa nakahimlay ay nag-angat siya ng tingin sa pamilyar na boses. And there, she saw him standing next to her.
Malaki na ang ipinagbago ng itsura ni Baste mula nang huli niya itong makita. Mas pumayat ito pero mas naging maskulado. Mas pumuti rin ito at mas naging presentable ang pananamit. Hindi makikitaan ng anumang emosyon ang mukha nito, maliban na lamang sa kunot nito sa noo habang matamang nakatitig sa kanya.
Walang anu-ano ay bigla ang ginawa nitong pagyakap sa kanya at ang kasunod niyon ay mahina nitong paghikbi. Ramdam niya ang pagyugyog ng balikat nito.
“Iniwan na ‘ko ni Nanay, Sahara.”
Patuloy lang ito sa pag-iyak habang nakayakap sa kanya. Ilang minuto pa ang itinagal nito sa pagkakayakap sa kanya bago nito nakuhang humarap. Mahigpit ang pagkakahawak ni Baste sa magkabila niyang kamay na para bang wala itong balak na bitiwan ang mga ito. Titig na titig ito sa kanya, katulad ng mga titig nito sa kanya noong magkasintahan pa sila.
“Hindi ko kayang tanggapin na wala na siya...”
“Kailangan, Baste,” mahina niyang tugon. “Isipin mo na lang na ngayon, tapos ang lahat ng paghihirap niya, na nasa mas maayos na siyang lugar ngayon.” Maging si Sahara ay hindi na napigilan ang mapaluha. Kahit hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na makita at makilala nang personal ang nanay ni Baste, pakiramdam niya ay naging malapit na siya rito dahil sa mga kuwento ng dating kasintahan.
Tumangu-tango ito at bahagyang ngumiti. “Salamat sa pagpunta, Sahara.”
Umiling siya at hinubad ang suot na over-sized shades. “Sa totoo lang, ilang beses kong pinag-isipan kung pupunta ako ngayon dito o hindi. Hindi kasi ako sigurado kung napatawad mo na ‘ko sa nagawa ko sa’yo noon. Kaya...salamat.”
“Matagal na ‘yon. Matagal na kitang napatawad, Sahara. Sa totoo lang, napatawad ka na rin ni...Karen.”
Hindi napigilan ni Sahara na tumaas ang kilay pero napangiti rin siya pagkatapos. “W-well, I hope so. Sana nga, dumating ‘yung panahon na maging okay tayong lahat.”
“Sahara...” mabilis nitong hinawakan ang isa niyang kamay at tiningnan siyang mabuti. “Hindi mo alam kung gaano ako nagpapasalamat na nandito ka ngayon.”
“Ako rin, actually. Pero hindi sana sa ganitong pagkakataon.”
Muling tumulo ang mga luha ni Baste nang tapunan ng tingin ang nakahimlay na ina. Hinimas-himas nito ang salamin niyon. Alam ni Sahara ang sakit na pinagdaraanan ni Baste dahil sigurado siyang ganoon rin ang mararamdaman niya sa oras na mangyari iyon sa kanya. Hinagod niya ang likod nito habang tahimik na nagdadalamhati.
“I’m sorry kung ngayon lang ako nakabisita. Kanina ko lang nalaman...kung hindi ko pa nakita sa TV, hindi ko pa malalaman ang nangyari.” Sinabahayan siya ni Baste palabas ng chapel, malayo sa mga mapanuring mata.
“Hindi ko nga alam kung bakit kailangan ng media dito. Hindi naman sikat si Nanay para bigyan ng ganitong klaseng atensiyon.”
“Una sa survey si Mr. Montinola sa pagka-senador. Kilala siya ng lahat at gusto ng lahat na malaman kung ano ang nangyayari sa buhay niya. Parte ka na ng pamilya Montinola, Baste, sa ayaw mo man o sa gusto.”
Napabuntung-hininga si Baste at napailing. Alam nito na kailangan nitong tanggapin ang bagong buhay kapalit ng pagmamahal nito kay Karen.
“Ikaw, kumusta ka na nga pala?”
Tinanggal ni Sahara ang suot na shades bago tumugon. “I’m getting married at the end of this year.”
“W-wow.” Bahagyang lumaki ang mga mata ni Baste. “Congratulations,” bati pa nito kahit pa nga hindi kakikitaan ng ni katiting na tuwa sa mukha. “P'wede ko bang malaman kung sino siya?”
"Armando Tantoco," mahina niyang tugon. Sigurado siyang kilala nito si Armando dahil sigurado, narinig na nito ang pangalan ni Armando sa mga balita.
Wala na siyang anupamang narinig mula kay Baste. Nanatili lang itong nakatitig sa kanya na parang hindi pa rin makapaniwalang naroon siya. Lumapit ito sa kanya at ngumiti, katulad ng mga ngiti nito noong may namamagitan pa sa kanilang dalawa. She could feel that there’s something in Baste’s stare, something which shouldn’t be there anymore.
“Sebastian? What is she doing here?”
Magkasabay na napalingon sina Sahara at Baste at mula sa loob ng chapel ay nakita nilang palapit si Karen. Awtomatiko siyang lumayo kay Baste dahil kitang-kita niya ang matalim na tingin nito sa kanya. Karen was gorgeous as always, with her expensive black dress and sparkling jewelries.
“Karen, honey.” Agad na lumapit si Baste sa asawa at inakbayan matapos halikan sa pisngi. “Dumaan lang siya sandali para makiramay kay Nanay.”
“Hindi na rin ako magtatagal,” mahina niyang sabi. Kung iba lang siguro ang sitwasyon, hindi siya magdadalawang-isip na patulan ito kung sakaling maghanap ito ng away. “Sige, Baste, mauna na ‘ko. Condolence uli.”
She didn’t hear anything from Karen but she strongly felt those piercing stare from her. Kahit matagal na niya itong hindi nakikita, alam na alam pa rin niya ang ibig sabihin ng bawat nitong tingin at galaw. Alam niyang hindi ito masaya na makita siya roon na kasama at kausap si Baste. Ang hindi lang niya maintindihan ay kung paano nito nagagawang magkunwari. Karen probably loves her husband more than Sahara ever did and maybe, she’s willing to do everything to keep him, which she wasn’t able to do in the past.