Chapter 90

KITANG-KITA ng dalawang mata ni Karen ang pagdating ni Sahara nang gabing iyon, ang pag-uusap ng dalawa, lalo na ang pag-iyak ni Baste sa balikat ng dating kasintahan. It shouldn’t really bother her but it did. Big time. It felt like a part of her was crushed inside while watching the two reunite.

“I’ve never seen you cry like that since your Mom died,” she commented, almost in a whisper.

It took her a while before she was able to talk to Sebastian about it and now, she almost regrets it. Tinapunan siya ng tingin ni Sebastian matapos humigop ng kape. Nang muli lamang itong tumungo, alam na ni Karen ang ibig no’ng sabihin - na ayaw na nitong pag-usapan pa ang tungkol doon.

“I’m sorry, it’s just that...” Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay nito. “Ngayon lang kita nakitang umiyak nang gano’n in front of your Mom’s coffin. All along, I thought you were holding up just fine.”

“Namatayan ako ng Nanay, Karen. Siguro naman, okay lang na hindi ako maging okay?”

“Of course, it’s okay,” she agreed. “Wala naman akong sinabing hindi ‘yon okay. It’s just that...” But she just let out a deep sigh. When she looked at Baste again, she could see the grief on his face, as well as his irritation. “Okay, I’m sorry,” she said softly.

“Akala ko ba, kinalimutan mo na ‘yung tungkol kay Sahara?” Nagsalita si Sebastian nang hindi tumitingin sa kanya. “Karen, nagpunta siya rito para makiramay. ‘Yun lang. Sana naman huwag mong lagyan ng kulay.”

“Hindi naman ‘yung fact na narito siya ang point. It just bothers be a bit na nakaiyak ka nang gano’n sa harap niya pero sa akin, hindi. I can’t help but think that your connection with her is still deeper than ours.”

Doon nakuha ni Karen ang atensiyon ng asawa. Umiling-iling ito at tumayo. “Huwag ngayon, Karen, please.” Inilapag nito ang tasa ng kape sa mesa bago tuluyang pumasok sa loob ng chapel.

Wala siyang nagawa kundi ang sundan na lamang ito ng tingin hanggang sa matabunan na ito ng mga tao’ng labas-masok sa chapel. Mag-aalas-onse na noon ng gabi, ang ikatlo at huling gabi ng lamay ng Ina ni Sebastian. A part of her is actually thankful that everything’s going to be over soon but she’s certain that it won’t be the case for Baste.

Hindi inasahan ni Karen na magiging ganoon ka-grabe ang epekto sa fiance ng pagkamatay ng nanay nito. Maraming taon na rin naman itong nasa ospital at nasabi na ng doktor nito ang tunay na kalagayan ng kalusugan nito, na dapat ay ihanda na nila ang kanilang mga sarili dahil hindi na rin magtatagal ang buhay nito. Baste’s mother was just able to live longer with the help of a ventilator and her death was inevitable.

But as it turns out, it wasn’t like that for him. Though he acted strong and collected in the passed days, he’s hurting and what torments her the most was the fact that Sebastian had to see Sahara face to face to be able to cry and express how he really feels inside.

Matagal na niyang pilit kinalimutan ang anumang ugnayan niya kay Sahara, lalo na ang mga nagawa nitong masama sa kanya. Hindi dahil iyon ang gusto niya, kundi dahil iyon ang hiling ni Sebastian. It’s been years since they last talked about her and she didn’t expect that they are having a discussion about her now.

Not now that they have finally decided to get married and settle down. She knows that she doesn’t have to worry because for the passed years that they’ve been together, walang anumang ginawa si Sebastian na ikasasama ng loob niya. She didn’t require him to give her access to his cellphone or e-mail because she trusts him dearly. Sinasabi nito ang lahat ng plano nito at kung saan ito pupunta, hindi dahil sa inoobliga niya ito kundi dahil gano’n talaga si Baste noon pa man. At nagpapasalamat siya rito.

Pero nang dahil sa muling pagpasok ni Sahara sa buhay nila, hindi na niya alam.

~~

“SUMAMA ka na kasi sa akin, come on. I can arrange a private flight to Cebu for us.”

“Hindi na. Okay na ako dito. Besides, balak kong dalawin si Nanay sa ospital at marami pa akong aayusin sa guest room para pag-uwi niya rito pagkatapos ng kasal, diba?”

Tumangu-tango si Armando. “Fine, fine. By the way, I’ve already hired a private nurse for her so no need to worry. Si Henrietta na mismo ang pupunta rito for her check-up.”

Patuloy na bumubut ang lagay ng kanyang ina at may mga pagkakataon na nagagawa na nitong tingnan siya at ngitian, bagay na ipinagpapasalamat niya. Mula nang mamatay ang ina ni Baste, pakiramdam niya ay mas higit niyang pinahahalagahan ang tulong ni Armando. Mas naging malakas ang kagustuhan niyang gumaling nang tuluyan ang ina at makasama ito nang mas matagal. She saw how Baste grieved for his mother and she’s certain that she’d be devastated if ever it happens to her.

Hindi tuloy niya maiwasang maalala ang paghagulgol ni Baste sa harap niya, na para bang katapusan na ng mundo. Kung sabagay, ganoon nga siguro ang pakiramdam ni Baste nang mga oras na iyon - katapusan na ng lahat. Kung mayroon mang saksi sa pagmamahal nito sa ina, siya iyon at wala nang iba. Alam niyang para sa nanay nito ang lahat ng pagsusumikap dahil tulad niya, tanging ang ina na lang ang dahilan nila para mabuhay at wala nang saysay ang lahat kung wala na ito.

Sa tagal ng pagkakakilala niya kay Baste, ngayon lang niya ito nakitang umiyak. At sa tingin niya, kung pagbabasehan ang ekspresyon sa mukha ni Karen habang nakatingin sa kanila ay noon lang rin nakita ni Karen na umiyak nang gano’n si Baste.

Karen is still furious about her, Sahara is certain about it. Kahit pa nga sinabi na ni Baste na napatawad na siya ng dating kaibigan, hindi siya naniniwala. Kilala niya ang pagkatao ni Karen at hindi ito basta-basta nakakalimot at nagpapatawad.

How about her? Is she still mad at Karen? A part of her says yes but deep inside, she actually misses her best friend and if she could only turn back time, she’d probably have chosen the better path.

“Thanks, hon.” Isang matamis na ngiti at marahang halik sa labi ang ibinigay ni Sahara kay Armando bilang pasasalamat, na ginantihan naman ng isang mahigpit na yakap ng huli.

“You are always welcome. Alam mo namang gagawin ko ang lahat para sa iyo, diba? Anyway, are you sure you’ll be fine without me?”

“I’ll be okay. Hindi na ako bata, kaya ko na ang sarili ko.”

“Fine, fine. Don’t miss me too much, okay? I’m gonna call you as much as I can.” Alas siyete noon ng umaga at handa na itong umalis para sa business trip nito sa Cebu. Bitbit na nito sa isang kamay ang isang brief case at hawak ng kabila ang carry-on luggage.

Ngumiti siya at inayos ang necktie nito. Kahit kailan naman ay hindi nito nalimutang tumawag sa tuwing umaalis ito. Lahat yata ng ginagawa nito ay naka-report sa kanya – kung ano’ng oras nakarating sa hotel, kung nakakain na ito, kung ano ang nangyari sa meeting, kung ano’ng oras ang flight pabalik.

“I’m so sorry about this. Alam kong dapat nagre-relax na lang tayo ngayon pero heto, kailangan ko pang umalis. I just really have to talk to Mr. Lee in person about his urgent business proposal. He’s leaving for Korea tomorrow kaya kailangan ko siyang habulin dahil sayang naman kung hindi ko mako-close ‘yung billion-dollar hotel deal sa Cebu.”

“I understand. Besides, it’s not as if you’ll be gone for a long time.”

“Oh yes, I won’t be gone for long. Before you know it, I’m back because I want to help you with the wedding preparations, okay?”

“Okay,” nakangiti niyang sagot.

“Ah, I still can’t believe that a few months from now, you will be officially mine…that in just a few more months, you will be Mrs. Sahara Smith-Tantoco,” matamis ang ngiti nitong sabi matapos siyang bigyan ng magaang halik sa labi. “Oh well, I better get going, honey. You take care, I love you.”

"Tumangu-tango siya. Hinalikan niya ito sa pisngi bago tuluyang lumabas ng pinto. Sahara let out a deep long sigh.

Armando has been an angel, giving her what she wanted and being patient with her tantrums. She’s thankful for everything that he’s done and so she should promise to love him forever.

If only she could lie to herself.

Because truth is, she still has feelings for Ace and she can’t do anything about it. Hindi niya kayang kalimutan ang mga panahong pinagsamahan nila ni Ace, ang mga ginawa nito sa kanya noon, kung paano siya nito pinapangiti at pinapatawa. He wasn’t just a lover, he was her friend – a very good friend at that.

Ace told her he still loves her despite everything that has happened between them. She didn’t believe him at first, considering the things he did just to get even. Pero kalakip ng pagtatapat nito ay ang panunumbalik ng dati nitong ugali. Bumalik na ang pagiging mabait nito at maalaga, ang pagiging masayahin at pagiging positibo. Bumalik na ang dating Ace na minahal niya noon.

Maging si Armando ay napansin ang malaking pagbabagong iyon ni Ace at natutuwa ito para sa anak. Ang sabi pa nga nito ay magandang impluwensiya raw si Tatianna kay Ace kaya nararapat lang na matuloy ang kasal ng mga ito sa lalong madaling panahon. Natawa na lang si Sahara sa tinuran ni Armando dahil kailanman ay hindi iyon mangyayari at kung mayroon mang pakakasalan si Ace, siya iyon at wala nang iba.

Oh yeah, he’s been talking about living together and finally getting married, just like what he has planned for them a long time ago. Ace is still willing to leave everything and forget everything just to be with her.

Alam niyang mali pero hindi niya kayang pigilan ang sarili na hindi mahalin ang binata lalo na kung paulit-ulit nitong ipinaparamdam kung gaano siya kahalaga rito. May mga pagkakataon na gusto niyang tanungin kung karapat-dapat ba niya ang lahat ng pag-ibig at atensiyon na ibinibigay sa kanya ni Ace dahil kahit sino siguro ang tatanungin, sasabihin na malayung-malayo siya sa pagiging perpekto. Aminado naman siya na marami siyang nagawang kasalanan at hanggang ngayon ay hindi niya maaaring itanggi na malaking kasalanan ang ginagawa niyang panloloko kay Armando at malamang na habang-buhay niya iyong pagbayaran.

Should she tell him about how she feels about Ace? A part of her wanted to do so, no matter how painful it will cause him but on the other hand, natatakot siya sa maaaring maging epekto nito sa relasyon ng mag-ama.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.