“JACE, what are you doing here? You are supposed to be in Madrid, right?”
“Supposed to be. But my flight has been rescheduled until later this afternoon,” tugon ni Ace sa tanong ng ama. Halos limang minuto pa lamang nakakatuntong sa loob ng condo ang ama niya nang dumating siya roon.
“So, ano’ng ginagawa mo rito?”
“I was in the neighborhood, naisip kong dumaan muna bago tumuloy sa airport.”
“I see.” Nagtuluy-tuloy ito sa living area at ibinaba roon ang mga bitbit na gamit. “By the way, have you seen Sahara? I texted her about my early flight back. Ang sabi ko sa kanya, sabay kaming magla-lunch pagdating ko,” kunut-noo nitong sabi sa kanya.
“Hindi mo siya kasama?” taka niyang tanong habang nililibot ang paningin sa kabuuan ng condo. He was supposed to meet her yesterday afternoon but something came up so he had to cancel. Pinadalhan niya ito ng text message para ipaalam ang biglaang meeting pero hindi siya nakatanggap ng sagot mula rito. Kaya naman napagpasyahan niyang puntahan ito ngayon.
“Sa Antipolo? No. I wanted her to come but she refused. You mean, she wasn’t here when you arrived?”
Umiling siya. “I used my own key.”
“So where the hell is she?” Kinuha ni Armando ang cellphone sa bulsa ng pantalon at pumindot ng mga numero doon. Ilang sandali pa ay napailing ito at ibinaba ang telepono sa center table.
Walang sabi-sabi ay nagmamadali itong bumalik sa kuwarto. Sinundan niya ito hanggang sa malaking walk-in closet kung saan isa-isang binuksan ng ama ang mga cabinet doon at drawers.
“All her stuff are still here except her handbag.” Napatingin ito sa kanya matapos maupo sa gilid ng kama. Matagal itong natahimik at natulala.
“Well, of course her stuff will still be here. Where else should they be? She’s probably just out shopping or meeting with friends," paglalahad niya kahit pa nga nagsisimula na siyang makaramdam ng kaba. She hasn't been answering his messages and not returning his calls either.
“She’s not the type who’d just leave without notice, Jace. Ngayon ang alam niyang balik ko, alam niyang dapat narito siya pagdating ko.” Sinapo nito ng dalawang palad ang ulo at ginulo ang buhok. “Oh my…do you think she left me?”
“B-bakit naman niya gagawin ‘yon?” Napaupo rin si Ace sa kama sa tabi ng ama at alanganing hinagod ang likod nito. “I mean, she loves you and you’re already getting married, so why would she leave you?”
“Do you think she really loves me?” Tumayo ito, nagpalakad-lakad sa harap niya at muling naupo. “Because…I don’t know…I’ve been having this bad feeling. I feel like something like this is going to happen sooner or later, you know. Hindi ko alam kung paranoid lang ako or something pero pagkatapos kong mag-propose, parang biglang may nag-iba sa kanya. Madalas siyang tahimik, parang malalim ang iniisip. Napansin ko rin, these past few days, she seemed quite edgy,” Nilingon siya nito at tiningnan siyang mabuti. “Jace, alam kong naging malapit na rin kayo sa isa’t-isa…may nabanggit ba siya sa iyo na kahit na ano tungkol sa amin? May nasabi ba siyang problema or something?” malungkot nitong sabi.
Marahang umiling si Ace. “Hindi na kami nagkakausap nitong mga nakaraang araw and if we happen to talk, it’s just about work,” pagsisinungaling niya.
Ngumiti si Ricky at tumangu-tango. “Hindi niya ako kayang iwan. Sahara loves me and she’s going to marry me…right, son?”
“Of course, Dad. So just relax, okay? Makakasama sa’yo ‘yang masyadong stress,” sabi pa niya sabay tapik sa balikat ng ama.
Muli, tumangu-tango ito, tumayo ito at tuluyan nang lumabas ng kuwarto. Mabilis niya itong sinundan hanggang sa sala.
“I’ll go ahead, Dad. Do you want me to go to her agency’s office? They might know her whereabouts.” Binuksan niya ang pinto at lalabas na sana roon nang pigilan siya ni Armando.
Nanatili lang itong nakatingin sa kanya, nakakunot ang noo. “No, I don’t think that’s necessary. Sabi mo nga, baka may pinuntahan lang. I’m sure babalik rin ‘yon.”
“I will try calling her friends at The Gents, anyway. Baka sila ang kasama ni Sahara.” mahina niyang tugon matapos muling kunin ang cellphone sa bulsa.
“Now you’re the one who’s overreacting, don’t you think?” natatawa nitong tanong.
“Well…she’s going to be my stepmom and I think it’s just normal for me to be a bit worried about her.”
“Is there something you’re not telling me, son?” Biglang sumeryoso ang mukha ni Armando. Bahagya itong lumapit sa kanya at tinitigan siyang mabuti.
“W-what do you mean?” he stammered. Napalunok si Ace. Does his father already know about their secret? “Dad, there's a possibility that Sahara's actually missing, for Christ’s sake. Let’s focus on that, shall we?”
“Tell me the truth, son. Gusto ko lang marinig mula sa iyo so that I’ll have peace of mind. Is there something going on between you and Sahara?”
“Dad, where did that come from? That’s the most stupid idea I’ve heard. You’re just...being paranoid,” tugon niya. He couldn’t possible tell the truth because he perfectly knew that his father won’t be able to handle the truth especially now.
“Just tell me,” ulit ni Armando. “I’ve been hearing things about the two of you and I don’t like it.” Pulang-pula na ang mukha nito at nakakuyom ang dalawang kamao.
“Things like what?”
“Nasty things. May mga kakilala akong nakakakita sa inyo sa restaurants and they tell me that you two act like lovers.”
“W-what?” Ace’s brows knitted in a frown. “For Christ’s sake, Dad! Are you gonna believe those hearsay than your own son?”
Yumuko si Armando at umiling.
Napabuntung-hininga siya. “I’m telling you, there’s nothing between me and Sahara, Dad.”
Napayuko si Armando at napailing. “You know how much I love her and I don’t know if I can take it if I lose her. Hindi ko alam kung ano ang kaya kong gawin kapag iniwan niya ako, lalo na kapag ipinagpalit niya ako sa iba.” Dahan-dahan itong naupo sa armrest ng couch matapos mailapag ang cellphone sa ibabaw ng mesa. “Hindi ko alam pero…baka makapatay ako…baka mapatay ko kung sino man ang lalaking ipapalit niya sa akin.”
~~
DAHAN-DAHANG binuksan ni Sahara ang mga mata at inaninag ang madilim na paligid. Wala siyang makita maliban na lamang sa repleksiyon ng buwan na kumikislap sa salamin ng basag na bintana at ang mga bubog ng mga iyon sa sahig. Sinubukan niyang gumalaw pero hindi niya iyon magawa dahil sa mahigpit na pagkakatali ng kanyang kamay sa kanyang likuran. Maging ang paa niya ay nakatali rin at nang tatangkain niyang sumigaw para humingi ng tulong ay tanging ungol lamang ang kanyang nakayanan. Mahigpit ang pagkakabusal sa kanyang bibig at tulad ng pagkakatali sa kanyang kamay at paa, kahit ano’ng pilit niyang tanggalin iyon ay hindi niya kaya. Napapikit siya nang biglang makaramdam ng matinding kirot sa sintido, na lumalala sa tuwing sinusubukan niyang gumalaw.
Pilit niyang inisip kung ano ang nangyari at kung bakit siya napunta sa lugar na iyon. Ang huli lang niyang naaalala ay nagpunta siya sa restaurant para makipagkita kay Ace pero sa halip na si Ace ay iba ang nadatnan niyang naghihintay sa kanya.
Biglang bumukas ang pinto kasabay ng pagbukas ng ilaw na nagpasilaw kay Sahara. Muli siyang napapikit dahil doon pero agad rin siyang napadilat nang maramdaman niya ang mga yabag ng paa na palapit sa kanya. Pumikit-pikit siya para sanayin ang paningin sa liwanag at ilang sandali pa bago niya makayanang idilat nang husto ang mga mata. Napansin niyang bukod sa maliit na kahoy na mesa sa kanyang harapan ay wala nang ibang gamit sa maliit na kuwarto’ng iyon. Maraming nagkalat na mga piraso ng kahoy, mga basag na salamin sa sahig at mga lumang sirang gamit. Punung-puno rin ng alikabok ang paligid at naaaninag niya ang paglipad ng mga iyon sa marahang paggalaw ng malaking bumbilya sa tapat ng kanyang ulo.
“Uy, gising na pala ang baby ko.”
Gusto niyang murahin ang lalaki sa kanyang harapan pero hindi niya iyon magawa. Gusto niyang sumigaw, gusto niya itong sipain at suntukin pero wala siyang magawa kundi ang lumuha. Gusto niyang kumawala sa pagkakatali pero kahit nga ang paggalaw sa kamay ay hindi niya magawa.
“Shhh…huwag ka nang umiyak. Tatanggalin ko itong nasa bibig mo pero ipangako mo na hindi ka sisigaw, okay ba ‘yon?”
Para itong napakabait na anghel kung makiusap at kung hindi niya ito kilala ay maniniwala siyang ito ang kanyang tagapagligtas. Nang tingnan niya itong nakaluhod sa kanyang harapan ay nakita niya ang maganda nitong ngiti na para bang nagsasabing huwag na siyang mag-alala dahil tatapusin na nito ang paghihirap niya.
Dahan-dahan nitong tinanggal ang itim na panyo’ng nakatakip sa kanyang bibig at saka nito hinaplos ang kanyang pisngi.
“Oh, wala man lang bang ‘thank you’?”
Ayaw niyang umiyak pero bago pa niya iyon mapigilan ay mabilis nang tumulo ang mga luha niya dahil sa napakaraming bagay – sa galit, sa pagod, sa takot.
“Shh, huwag ka nang umiyak. Ngayon na nga lang tayo uli nagkita, iiyak ka pa nang ganyan.”
“A-ano ‘to, Max, bakit mo ‘to ginagawa?”
Ngumiti muna si Max bago sumagot. “Kaya ko nga ginagawa ito, dahil sa iyo. Dahil mahal kita. Nagbago na ako para sa iyo. Sabi ko sa sarili ko, sa oras na makalabas ako ng kulungan, magbabago na ako para sa iyo, para sa ating dalawa. Gusto kong itama ang lahat ng maling nagawa ko sa iyo, Sahara.”
Hirap si Sahara na paniwalaan si Max kahit pa nga kitang-kita sa mukha nito ang sinseridad dahil sa napakaraming bagay na ginawa nito noon at sa ginagawa nito ngayon sa kanya. “H-hayop ka, Max,” matigas niyang sabi habang titig na titig sa mga mata nito.
Isang mapangutyang ngiti naman ang itinugon ni Max. “Matagal ko nang alam ‘yan, he, he.” Tumayo ito sa pagkakaluhod at naupo sa ibabaw ng mesa. “Pero alam mo bang ‘tong hayop na ‘to, eh mahal na mahal ka pa rin hanggang ngayon?” pabulong nitong sabi sa tapat ng kanyang mukha.
Napapikit si Sahara nang mas ilapit pa ni Max ang mukha nito sa mukha niya at hawakan nang kanyang leeg. Wala pa rin nagbago sa itsura nito, maliban na lamang sa pagtubo ng bigote at balbas, na lalo lamang nakapagpalakas ng dating nito. Amoy na amoy niya ang alak sa hininga nito, maging ang paborito nitong pabango, na nagpaalala sa kanya sa nakaraan.
“Hay, sorry kung kinailangan kitang itali nang ganyan, ha. Ikaw kasi, eh. Hindi ka marunong tumupad sa usapan, eh. Sinira mo ang pagtitiwala ko, tsk, tsk.”
Umiling si Sahara dahil hindi niya naiintindihan kung ano man ang sinasabi nito, Naubo siya nang lalong higpitan ni Max ang pagkakahawak sa kanyang leeg. Ga-hibla na lamang ang pagitan ng mga labi nila ni Max at kaunting galaw lamang niya ay mahahalikan siya nito.
“Pero dahil nga sa mahal na mahal kita, bibigyan kita ng isa pang pagkakataon. Basta susundin mo lang lahat ng sasabihin ko, wala ka dapat ipag-alala.”
“A-ano pa ba ang gusto mong mangyari?” naguguluhan niyang tanong.
“Ah! ‘Yan ang tanong…ano nga ba ang gusto kong mangyari?” balik nitong tanong habang titig na titig sa kanya. “Sa totoo lang, ang dami kong gustong gawin ngayon sa’yo. Gustung-gusto ko na uli gawin ‘yung mga ginagawa ko sa iyo noon, ‘yung mga ginawa natin kagabi…Hay, sobrang na-miss kita, baby…gusto na kitang angkinin ngayon pero hindi pa p’wede kasi may bisita pa tayong darating.”
Magtatanong pa sana si Sahara nang may marinig silang humintong sasakyan sa tapat ng lumang bahay.
“Ah, speaking of the Devil,” nakangiti nitong sabi. Mabilis itong tumayo at sumilip sa bintana.
Nakita ni Sahara ang pagliwanag sa labas at ang muling pagdilim doon. Ang sumunod niyang narinig ay ang pagsarado ng pinto ng kotse at ang malakas na sunud-sunod na katok sa pinto.