“WHO the hell are you? Nasaan si Sahara?”
“Ops, ops, hanggang diyan ka lang,” mahinang sabi ni Max nang magtangka ang bagong dating na pumasok sa pinto. Mabilis nitong binunot ang nakasuksok na baril sa gilid ng baywang ng pantalon nito at mabilis iyong itinutok sa lalaki.
Awtomatiko itong nagtaas ng dalawang kamay. “Ano’ng ginawa mo kay Sahara? Where is she?” sunud-sunod nitong tanong.
Pasimpleng ininguso ni Max ang sulok ng kuwarto kung saan nakatali sa upuan si Sahara. Nilakihan nito ang awang ng pinto at hinayaang makapasok ang bisita.
“Sino ka?” ulit nitong tanong kay Max bago bumaling sa dalaga. “Sahara, you texted me to come here, didn’t you? What is this?”
Nanlaki ang mga mata ni Sahara nang makita kung sino iyon. Umiling-iling na lang ang dalaga habang umiiyak. Yumuko ito na para bang ayaw ipakita ang mukha.
“Bakit hindi ka muna maupo, Sir? Magkuwentuhan muna tayo.”
“I really don’t have time for this. Just let her go.”
“Hindi naman gano’n kadali ‘yon, Sir.” Muli, umiling si Max.
“Why are you doing this? What do you want?” halos nanginig nitong tanong. Namumula na ang mukha nito sa sobrang galit habang titig na titig kay Sahara na noon ay tahimik lamang na umiiyak.
“Tsk, ‘yan na naman ang tanong na ‘yan. Pero sige, dahil mabait ako ngayon, sasagutin ko ‘yang tanong mo,” napapailing nitong sabi habang nakatutok pa rin ang baril sa bagong dating. “Ang gusto ko lang naman ngayon, eh ‘yung magkaalaman na tayo ng mga sikreto.”
“Ano’ng ibig mong sabihin?”
“Huwag masyadong atat. Maupo ka muna at baka hindi mo kayanin ang mga malalaman mo.”
Wala itong nagawa nang itulak ito ni Max sa bakanteng upuan. Marahas nitong tinalian ang mga kamay ng bisita sa sandalan at maging ang mga paa nito tsaka muling tinutukan ng baril. Tinapunan nito ng tingin si Sahara na masama ang pagkakatitig kay Max samantalang ngingiti-ngiti lamang ang huli. Wala itong anupamang sinabi at ilang sandali pa ay lumapit sa bintana at muling sumilip doon.
“Sahara, are you okay, sinaktan ka ba niya?”
“I’m sorry…I’m so sorry.” Marahan siyang umiling kahit pa nga hindi na niya maipaliwanag ang sakit na nararamdaman.
“Hey, hey, no need to apologize. Wala kang kasalanan. Don’t worry, we’ll get through this together, okay? I’ll make sure that that bastard will pay for everything that he’s done.”
Wala nang tigil sa pag-iyak si Sahara nang mga oras na iyon. Sigurado siya na ang gabing iyon ang katapusan ng lahat. Dalawang bagay lang naman ang kahihinatnan niyon – ang mapatay sila ni Max o makatakas sila sa mga kamay nito. Pero tiyak siyang hindi na magiging tulad ng dati ang lahat sa oras na lumabas na ang lahat ng itinatago niyang lihim at kasalanan.
Tinapunan niya ng tingin si Armando. Hindi niya maiwasang maawa rito dahil hindi dapat nito nararanasan ang ganoon ngayon at gustuhin man niya itong iligtas ay wala siyang magawa kundi ang umiyak.
Habang tinitingnan si Max ay nananalangin si Sahara na sana ay maghimala ang Diyos at biglang may dumating na mga pulis para iligtas sila pero sa mga sandaling iyon ay pinanawan na siya ng pag-asa. Hiling na lang niya na sana ay wala nang iba pang madamay sa gabing iyon at sana, kung mamamatay man siya ay kasama na niyang mamatay si Max.
Wala na rin naman. Kung siya ang tatanungin, mas gugustuhin na niyang matapos na ang lahat ngayong gabi. Kapag namatay siya ngayon, wala na siyang kailangang isipin at problemahin pa. Kapag namatay siya ay kasabay na niyang mamamatay ang lahat ng maiitim na lihim na matagal niyang itinago sa kanyang buhay. Pero paano ang kanyang ina?
“Armando, kung ano man ang malalaman mo ngayong gabi, sana mapatawad mo ako,” mahina niyang sabi. Umiling siya nang marami habang patuloy pa rin sa pag-iyak. “M-marami ka pang hindi alam sa akin…hindi ko alam kung matatanggap mo pa ako kapag narinig mo ang mga sasabihin ni Max tungkol sa akin.”
“Max?” Kunut-noo nitong tanong. Tinapunan nito ng tingin si Max na naroon pa rin sa bintana. “Bakit…kilala mo ba siya?”
“Kilalang-kilala,” malakas na tugon ni Max sa tanong ng matanda. Bahagya itong lumapit sa kanilang dalawa at tumabi sa kanya. “Sige, Sahara, sabihin mo sa kanya kung sino ako sa buhay mo. Sabihin mo sa kanya kung tungkol saan ba talaga ang lahat ng ito.”
“Max, tigilan mo na ‘to, please.”
Umiling ito at humila ng isa pang upuan. Itinalikod nito iyon at tsaka naupo sa harap nila. Hindi pa rin nito inaalis ang pagkakatutok ng baril kay Armando. “Sige na, Sahara. Simulan mo nang magkuwento o gusto mong ako na lang ang magsasabi sa kanya ng totoo?”
Maraming iling ang itinugon ni Sahara. “Armando, I’m so sorry...hindi ko alam na mangyayari ‘to...hindi ko alam na-“ mula kay Armando ay muli nyang tinapunan ng tingin si Max na noon ay nakaupo lamang sa tabi niya at abala sa pagpupunas ng hawak-hawak na baril habang titig na titig sa kanya.
“Na ano, na babalikan kita at maniningil sa lahat ng ipinangako mo sa akin? Kung ikaw, madaling makalimot dahil lang sa maganda na ang buhay mo, p’wes ako, hindi.”
“P’wede ba, Sahara, ipaliwanag mo sa akin kung ano ang nangyayari? Ano ba talaga ang totoo?” malakas na tanong ni Armando.
“Ehem, ehem, ganito kasi ‘yon –“
“Max, please, don’t do this.”
“Ano’ng don’t do this?” Mula kay Armando ay ibinaling ni Max ang baril kay Sahara. “Ikaw ang may ideya nito, hindi ba?”
“N-no!” malakas niyang sigaw. “Huwag kang maniniwala sa kanya! Pinilit lang niya ako sa mga plano niya, believe me!”
“Wow, at ako pa ang gagawin mong sinungaling?” Napatayo si Max at nilapitan si Sahara. Mariin nitong hinawakan ang braso niya na lalo lamang nagpaiyak sa kanya.
“Hey, you bastard! Take your dirty hands off her!”
Hindi naituloy ni Max ang pagsampal kay Sahara dahil sa nakakabinging sigaw ni Armando. Napalingon ito sa binata at dito muling itinutok ang baril. “Aba, huwag na huwag mo akong masigaw-sigawan, baka hindi kita matantiya, tanda!” Bago pa muling maupo ay mariing idinikit muna ni Max ang dulo ng baril sa sintido ni Armando.
“Ano ba talaga ang kailangan mo sa amin? I-if you need money, I can give it to you, just don’t hurt her, just don’t hurt us, please.”
Napangiti si Max. “Eh madali naman palang kausap ‘tong si tanda, eh,” marahan nitong sabi sabay tingin sa kanya. “Ano, Sahara, ipa-deposit mo na lahat ng pera nito sa account mo para tapos na. Tutal, doon rin naman ang punta no’n, diba? Bakit pa natin uunti-untiin kung p’wede namang isang bagsakan na lang? Makakabili na tayo ng sarili nating bahay, mabibili na natin ang lahat ng gusto natin tulad ng pangarap natin noon, hindi ba, baby?”
“W-wait, what are you talking about?” takang tanong ni Armando. Nagpalitan ang tingin nito kay Max at kay Sahara. “Sahara, what is this?”
Umiling-iling si Sahara at yumuko. Mataman niyang tinapunan ng tingin si Armando at pagkatapos ay si Max. Iniligid niya ang mga mata sa kabuuan ng kuwarto at pilit na inisip kung ano ang nangyayari. Hindi talaga alam ni Sahara kung bakit siya napunta sa lugar na iyon at kung ano ang binabalak ni Max. She feels as if she needed to remember things but just couldn’t. Everything was foggy and no matter how much she tried, she couldn’t think of anything that happened prior to what’s happening at the moment.
“Wala ka talagang maalala? Gusto mo bang ipaalala ko sa iyo ang lahat, ha, Sahara?”
~~
“HUWAG kang gagawa ng kahit na ano’ng pagsisisihan mo.”
Halos pabulong iyong sinabi ni Max habang matalim ang pagkakatingin sa kanya. Pilit siya nitong pinaupo sa kama at agad itong tumabi sa kanya. Pormal na pormal ito sa suot na maroon na polo na pinatungan ng itim na blazer, itim na slacks at makintab na itim na balat na sapatos. Kung hindi niya ito kilala ay mapagkakamalan niya itong may mataas na posisyon sa isang malaking kompanya. He looked elegant and respectable, which was quite contradictory to his character.
Matapos magpaalam kay Manang V na magliliwaliw kasama ng mga ka-trabaho ay tumuloy na siya sa parking area ta nagpahatid sa The Forum kung saan naroon ang opisina ng kanilang modelling agency.
It was already her routine, actually. She goes to The Forum, have a cup of coffee, goes to the adjacent shopping center and spend at least 15 minutes there. She then takes a cap going to Mandy’s where Ace would be waiting for her. They’d have dinner, go straight to one of those high-end hotels in the metro and share an intimate moment together.
And that’s what she expected to happen that ordinary day. Nagpunta siya sa The Forum, nag-kape, dumaan sa shopping center, sumakay ng taxi papuntang Mandy’s. Alas-sais na noon ng gabi at inaasahan niyang naroon na si Ace, sa parati nilang ino-okupang mesa. Sigurado rin siya na naka-order na ito ng pagkain at ng paborito niyang red wine.
Pero sa halip na si Ace ay ibang lalaki ang naabutan niyang naghihintay sa kanya.
Kahit gustuhin niyang tumakbo palayo o sumigaw para humingi ng tulong ay hindi na niya nagawa. Mabilis siya nitong nilapitan, inakbayan at pasimpleng tinutukan ng baril sa tagiliran hanggang sa makalabas sila ng restaurant at maisakay siya nito sa kotse. Sa buong biyahe ay nakapiring ang kanyang mga mata kaya tantiya niya ay halos isang oras rin ang naging biyahe nila mula Maynila.
Sa isang dalawang-palapag na bahay huminto ang kotseng sinasakyan nila. Madilim at ilang ang lugar at walang kalapit na mga bahay.
“B-bakit mo ‘ko dinala rito?” pautal-utal na tanong ni Sahara matapos nitong tanggalin ang piring sa mata. Iniligid niya ang paningin sa maliit na kuwarto at napansin niya ang mga sapot ng gagamba sa kisame at alikabok sa ibabaw ng maliit na mesa sa gilid ng kama.
“Para mag-celebrate,” nakangiti nitong tugon matapos iabot sa kanya ang isang kopita ng red wine .“Dahil sa wakas, nagkita na uli tayo.”
“Hindi ba dapat nasa kulungan ka? Paano ka nakalabas?”
“Suwertihan lang talaga minsan. Biruin mong hindi ko na kailangang tumakas dahil may mabait ang loob na tumulong sa akin na makalabas.”
“S-sino?”
Umiling-iling ito at ngumisi. “Ang importante, magkasama na tayo ngayon at matutupad na rin natin sa wakas ang matagal na nating plano.”
“Plano? Ano’ng plano ang sinasabi mo?”
“Huwag mong sabihin na nakalimutan ang plano natin?” Kumunot ang noo ni Max at matalim siyang tiningnan. “Hindi ba ang sabi mo noon sa akin, kukunin mo ang loob ni Tandang Tantoco at kapag naikasal na kayo at nailipat na sa pangalan mo ang lahat ng ari-arian niya, tsaka tayo magsasama. ‘Yun ang usapan natin, hindi ba?”
"Wala tayong napag-usapang ganyan, Max!" At iyon ang totoo. Hindi niya alam kung saan nakuha ni Max ang ideyang iyon pero kahit sumumpa siya sa Diyos, wala siyang alam sa sinasabi nito.
“Tsk, tsk. Ang dali mo namang makalimot, baby ko. Nakatikim ka lang ng magandang buhay, etsepuwera na ako, gano’n ba?”
Hinigpitan ni Max ang kapit nito sa kanyang braso na halos mamilipit na siya sa sakit na dulot nito. Ramdam niya ang mainit nitong hininga at amoy na amoy niya ang amoy alak nitong hininga. Gusto na niyang umiyak at magmakaawa pero pinigilan niya ang sarili.
“Nakulong ako nang dahil sa’yo, Sahara at nang dahil sa’yo, nagkanda-leche-leche ang buhay ko.” Inagaw nito sa kanya ang kopita at padabog na inihagis. Nabasag iyon at kumalat ang pinagsamang alak at bubog sa sahig. “Akala mo ba hindi ko alam na ikaw ang nagsumbong sa mga pulis sa nangyari kay Michaela?” Hinatak nito ang buhok niya at hinila, na nagpahiyaw sa kanya. “Tang-ina, nagawa ko lang naman ‘yon dahil sa’yo, Sahara! ‘Yun ang usapan natin diba? Hihiwalayan ko siya pagkatapos, magsasama na tayong dalawa!”
“Pero hindi ko sinabing saktan mo si Michaela! Muntik na siyang mamatay sa kagagawan mo, Max!”
“Pero hindi naman, diba? Sayang nga, eh, sana pala, pinatay ko na ‘yung gaga’ng ‘yon para hindi na nakapagsalita, ano?” At pagkatapos ay ngumisi ito. “Sabi ko naman sa’yo, lahat kaya kong gawin...kayang-kaya kong iligpit lahat ng tao’ng hahadlang sa ‘tin, diba?”
“Hayop ka talaga, Max!”
“Matagal ko nang alam ‘yan, ha, ha!” Pabalibag na binitawan ni Max ang buhok ni Sahara, dahilan para mapahiga siya sa kama. “Hayop akong magmahal kaya nga patay na patay ka sa akin, diba?”
Unti-unting nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Max. Ang mga mata nito na puno ng galit kani-kanina lamang ay napalitan na ng pagnanasa. Titig na titig ito sa kanya habang isa-isang binubuksan ang butones nitong polo.
“A-ano’ng gagawin mo?” halos walang boses niyang tanong.
“Tinatanong pa ba ‘yan? Ang tagal nating hindi nagkita…siyempre naman, na-miss ko ang baby ko.” Nakangisi si Max na para bang nanalo sa lotto habang titig na titig sa mukha niya. “Ako ba, hindi mo na-miss?”
Marahan nitong inilapag ang polo sa gilid ng kama at saka lumapit sa kanya. Sigurado si Sahara na wala nang makapagpapabago sa isip ni Max na gawin ang anumang plano nitong gawin sa at nang mga oras na iyon ay wala na rin siyang magawa kundi ang umiyak.
“Shh…bakit ka umiiyak?” tanong nito na para bang totoo’ng alalang-alala sa kanya. Hinaplos pa nito nang marahan ang kanyang magkabilang pisngi at tinamnan ang kanyang noo ng isang halik. Pilit niya iyong iniwasan pero mahigpit ang pagkakahawak ni Max sa kanyang leeg. “Shh…shh…”
“H-huwag, Max…please…parang awa mo na…” nanginginig niyang pakiusap habang pilit umiiwas sa mga halik ni Max.
Pero tila hindi iyon narinig ng binata. Mabilis at marahas nitong hinalikan ang mga labi ni Sahara, tulad ng pagiging marahas at mabilis ng mga kamay nito na naglakbay sa kanyang katawan…