NAG-INAT siya at inilapat ang likod sa sandalan ng upuan. Saglit niyang isinara ang mga mata at tsaka kinapa ang cellphone sa ibabaw ng mesa.
Limang missed calls, apat na text messages, isang notification sa messenger - lahat ay galing sa iisang tao. Napangiti siya at napailing matapos maisilid ang telepono sa loob ng bag. Isa-isa na rin niyang inilagay ang mga gamit sa tote bag at inayos ang pagkakasuot ng salamin sa mata.
Pagkatapos siguruhing patay na ang lahat ng ilaw sa shop at nakakandado na ang pinto ay lumakad na siya pauwi.
Mangilan-ngilan na lang ang tao sa daan nang mga oras na iyon, mga galing sa trabaho na tulad niyang pauwi na sa kani-kanilang bahay. Iyon ang isa sa mga nagustuhan niya sa subdibisyon na ‘yon. Tahimik, simple. Malayung-malayo sa nakasanayan na niyang buhay sa Maynila. Ngayon, hindi na siya naghahangad ng marangyang buhay o ng kasikatan dahil ngayon, nasa kanya na ang pinakamahalagang bagay na sadyang naging mailap sa kanya noon - kapayapaan ng loob.
Limang taon na rin mula nang simulan niya ang negosyo. Hindi gano’n kalaki ang kinikita niya roon kumpara sa pera’ng nahahawakan niya noong mga panahong nagmo-modelo pa siya pero iba ang saya’ng dulot nito sa kanya. Bukod sa nakakagaan sa pakiramdam ang iba’t-ibang uri ng bulaklak at ang mabangong amoy ng mga ito, masaya siya na marami siyang napapasaya sa kanyang mga flower arrangements.
Doon na umiikot ang buhay ni Sahara simula nang mapagpasyahan niyang manatili sa probinsiya, na malayo sa gulo ng Maynila.
Pagkatapos ng gulo'ng gawa ni Max, malaki ang pinagbago ng buhay niya. Alam niyang mali pero nakahinga siya nang maluwag nang mabalitaan niyang hindi na umabot nang buhay si Max sa ospital noong gabing iyon. Masyadong maraming masalimuot na problema ang naidulot nito sa kanya at kahit pa nga minahal niya ito noon, hindi yata niya kayang patawarin ang mga nagawa nito lalo na sa mga tao’ng nadamay dahil lamang sa kasakiman nito.
Ilang taon na nga ba mula noon? Sa totoo lang, ayaw na niyang alalahanin dahil ayaw na niyang balikan ang nakaraan.
Hindi na rin niya pinagkaabalahan pang malaman kung ano na ang nangyari kina Baste at Karen o kina Armando at Ace. Pagkatapos ng lahat ay nagising na lamang siya sa ospital, mag-isa. She never heard of Baste again but according to the news, Mr. Montinola has decided to withdraw from the senatorial race and migrate to Canada instead. Wala nang iba pang detalyeng ibinigay pero alam niya na may kinalaman iyon sa pagkakasangkot ni Karen kay Max at sa pag-kidnap nito sa kanya.
Wala pang limang minuto ay narating na niya ang kanyang bahay, na isang bloke lamang ang layo mula sa kanyang flower shop, doon sa dulo ng Calle San Francisco. Bukod sa liwanag na nagmumula sa mga poste ng kuryente ay madilim ang paligid at mabuti na lamang ay nagpalagay siya ng maliit na bumbilya sa tapat ng gate dahil kung hindi ay mangangapa siya sa dilim sa tuwing uuwi sa ganoong oras ng gabi.
Malakas ang tunog ng gate nang buksan niya iyon kaya nagtahulan ang mga aso ng kapitbahay. Napailing siya. Ilang linggo na niyang gustong ipaayos iyon dahil sa kalawang pero parati niya iyong nalilimutan.
Dalawang palapag ang nabili niyang bahay na may maliit na espasyo sa likuran na ginawa niyang taniman ng mga halaman at bulaklak. Sala, kainan at isang kuwarto sa unang palapag, at dalawang kuwarto sa itaas. Okay na rin. Mas madaling i-mentina ang ganoon, naisip niya.
Dahan-dahan ang ginawa niyang pag-akyat sa hagdan at dahan-dahan rin ang ginawa niyang pag-ikot ng seradura ng pinto ng kuwarto. Hindi na niya binuksan ang ilaw sa loob noon dahil sapat na ang liwanag ng night lamp sa gilid ng kama para sa kabuuan ng kuwarto.
Sumilip siya roon at napangiti sa nakita. Nakabalot ito ng kumot hanggang leeg at mahimbing ang pagkakatulog. Ilang gabi na rin niya itong hindi naabutang gising dahil iang araw na ring abala ang flower shop at inaabot nang halos hating-gabi dahil sa nalalapit na araw ng mga puso.
Nang ibaling niya ang tingin sa study table nito ay muli siyang napangiti. Maayos na maayos ang mga gamit na nasa ibabaw no’n at maging ang mga libro ay nakasalansan sa bookshelf nito ayon sa kulay at laki. Napansin rin niya na nadagdagan ang mga litrato sa dingding nito, kasama ng nakasabit na fairy lights - mga kuha nila sa flower shop at sa tuwing namamasyal.
Kung mayro’n mang pangyayari sa kanyang nakaraan na kailanman ay hindi niya ipagpapalit, iyon ay ang pagdating ni Jade sa buhay niya. Ni sa hinagap ay hindi sumagi sa isip ni Sahara ang magkaroon ng anak pero totoo pala ‘yon, na kapag naging ina ka na, makakaya mong isakripisyo ang lahat para lang sa ikabubuti nito. And that’s exactly what she did. She sacrificed everything that she had - the fame, the luxury, her comfortable life. Dahil ayaw niyang lumaki ang anak na napapaligiran ng luho at kasalanan.
Jade is turning twelve this year and she wanted to give her something special. Pero ito na rin mismo ang may sabi na ayaw nito ng magarbong party o mahal na regalo.
“Feeding program na lang, Mom. Para sa mga bata do’n sa malapit sa school namin.”
Gustong maiyak ni Sahara nang marinig ang sinabi ng anak kaya niyakap na lang niya ito. That was the time when she told her her plan of booking a private resort to celebrate her birthday, after she picked her up from school.
Isa iyon sa mga dahilan kung bakit mas lalo siyang nagpursige na baguhin ang magulong buhay. Si Jade, at ang pagkakaroon nito ng mabuting puso. She's caring and sweet, that she never fails to call her and send her messages just like today. Mahilig itong mag-I love you at I miss you sa mga texts at tawag kahit na madalas ay hindi niya nasasagot ang mga iyon, na naiintindihan naman nito dahil sa kanyang trabaho.
Kailanman ay hindi ito nanghingi sa kanya ng luho at sa tuwing bibilhan niya ito ng anumang gamit, mapa-simple man o mura ay malaki ang pasasalamat na ibinibigay nito sa kanya. Minsan nga, hindi niya maiwasang isipin kung kanino nito namana ang ganoon dahil alam naman ng lahat na kabaligtaran ng ugali niya ang ipinapakita ng anak niya ngayon. They are a complete opposite and if not for their almost identical facial features, no one would ever thought that they are related, that she’s actually her daughter.
Oh well, of course, she exactly knew where Jade got her pure heart.
Matapos marahang maisara ang pinto ay tumuloy na siya sa katabing kuwarto. Dahan-dahan rin ang ginawa niyang pagbukas roon at nang makitang mahimbing na ring natutulog ang umookupa ay isinara na niya iyong muli at bumaba na.
Bukas ang schedule ng check-up ng kanyang ina sa doktor kaya nag-hire na siya ng sasakyan na gagamitin nila para makaluwas sa Maynila. Laking pasalamat niya sa Diyos na patuloy ang pagganda ng kondisyon ng ina lalo na simula nang makalipat sila doon sa probinsiya. Ang sabi ng doktor, malaki ang naitulong ng sariwang hangin at katahimikan ng paligid sa kanyang nanay. Binawasan na rin nito ang mga iniresetang gamot at kung maipagpapatuloy ang regular na physical therapy nito ay tuluyan na itong makakalakad nang normal.
Sa edad na sesenta y cinco, ngayon lang nakita ni Sahara na maganang kumain ang ina. Normal na rin ang pagsasalita nito, nakakausap na nila nang maayos, nakikipag-biruan na rin. Naiiwan na niya itong mag-isa sa bahay pero kumuha pa rin siya ng private nurse para may makakasama ito tuwing wala siya at nasa eskuwelahan si Jade.
Simula nang ipinagpasa-Diyos na niya ang buhay niya, unti-unti nang naging maayos ang lahat. Siguro nga, iyon lang ang hinihintay ng Diyos. Na mapagtanto niya ang mga maling nagawa at magkaroon ng kagustuhang magbago.
Mula sa banyo ay pumasok na siya sa sariling kuwarto. Binuksan niya ang telebisyon at naupo na sa kama. Habang naglalagay ng lotion sa katawan ay napaangat siya ng tingin nang marinig ang pangalan na pamilyar sa kanya.
“Isang taon mula nang pumanaw ang business tycoon na si Armando Tantoco ay nagtipon-tipon ang lahat ng mga naging kasama nito sa negosyo, mga kaibigan at kaanak para bigyang-pugay ang hindi matatawarang dedikasyon at ambag nito sa mundo ng pagnenegosyo.”
Isang taon na rin pala, naisip ni Sahara. Hindi na niya nagawang humingi ng tawad rito nang personal at lubos niya iyong pinagsisisihan. Armando was nothing but a great man. He gave everything to her and she’s just too stupid to not appreciate all that.
Nang nahagip ng camera si Ricky Aguas ay napabuntung-hininga siya. Katabi nito ang magandang asawa na si Madam Martina, at ang anak nitong dalaga na. Ang huli niyang balita ay sa Amerika na piniling manirahan ng mga ito. Masaya siyang malaman na nagkabalikan ang mag-asawa nang dahil sa kanya. Oo, kay Madam Martina pa mismo niya iyon narinig nang minsang na-interview ito sa isang istasyon sa telebisyon. Na kung hindi dahil sa naging 'mistress' ni Ricky ay hindi nito mari-realize na mahal pa rin nito ang asawa at hindi nito kaya na mawala ito.
“Namataan rin sa event ang nag-iisang anak ni Mr. Tantoco na si Jace Tantoco, na maraming taon ring nanirahan sa Amerika. Napabalitang ito na ang mamamahala sa lahat ng naiwang negosyo at ari-arian ng ama at nakatakda na nitong simulang ipatayo ang isa sa mga pinakamalaking underwater hotels sa bansa.”
Biglang lumakas at bumilis ang tibok ng kanyang puso nang marinig ang balita. At nang tingnan niya ang telebisyon, ipinapakita ang video kung saan nakikipagkamay si Ace sa mga tao sa paligid nito. His smile was wide and genuine, something that she’s been wanting to see again after a very long time.
After his father’s death, Ace realized a lot of things and one of which is the importance of forgiveness. Ginawa nito ang lahat para lamang muling mapatawad ng ama bago pa man ito mawala at hindi ito tumigil hangga’t hindi nanunumbalik ang malapit na relasyon sa isa’t-isa.
Armando’s death was sudden. Wala itong sakit o anupaman. He died in his sleep, peacefully. It was quite hard for Ace to accept it since they have just started to get close again. But maybe, it was God’s will. Kahit matagumpay si Armando sa mga negosyo, hindi naging madali para rito ang harapin ang buhay sa araw-araw. He was lonely. He was alone. After the incident, he wasn’t able to go back to his normal life. Though he’s still a top-notch businessman, he’s become colder, more aloof.
And everything is because of Sahara. She’s his mistake which made him a miserable man until his untimely death. She wasn’t even able to attend his wake, she wasn’t able to see him and ask for his forgiveness for one last time and that is something that she’d carry for the rest of her life.
Para sa ama kaya pinilit ni Ace na magpatuloy sa buhay. He's grateful that at least, he was able to spend some quality time with his father. Nakakapanghinayang, pero inisip na lang ni Ace na siguro, nagampanan na ng kanyang ama ang layunin nito at tinapos na ng Diyos ang lahat ng paghihirap na naranasan nito.
So, Ace is really back.
Years ago, she got a call from an anonymous number and was shocked to hear his deep voice. He’s back in Manila and he wanted to know how she was. He wanted to see her and talk to her but she refused. Magulo pa ang buhay n’ya no’n. Ito 'yung mga panahong nag-uumpisa pa lamang siyang makaahon sa putikan at wala pa siyang kakahayang makita ito. She suffered from postpartum depression, got confined to the hospital and there came a time when she actually thought that she's going crazy because of her nightmares that seemed endless. It took her a full year to recover and if not for Jade and her mother, she would have given up long ago.
Pero nangako siya sa sarili na sa oras na maayos na niya ang sariling buhay ay siya mismo ang gagawa ng paraan para muling makipagkita rito.
At tatlong taon pa ang kinailangan niya bago iyon matupad.
Oo, handa na niya itong harapin ngayon. Dahil ngayon, kaya na niyang ipakita at ipakilala ang bagong Sahara Smith.
Mas matatag, mas matapang, mas buo.
Agad niyang kinuha ang cellphone sa ibabaw ng kama at kinakabahang nag-dial roon. Isang ring, dalawa, tatlo. Huminga siya nang malalim at naghintay.
Apat na ring, lima. Tumayo siya at kinagat-kagat ang kuko habang palakad-lakad sa harap ng kama. Pang-limang ring. Pipindutin na sana niya ang ‘end call’ nang bigla siyang may marinig sa kabilang linya.
“Hello, who’s this?”
That voice. Her heart jumped wild just hearing that deep, familiar voice.
“Who’s this?” may himig iritasyon nitong tanong.
“I’m sorry for calling this late.” Mag-a-alas diyes na noon ng gabi at nawala sa isip ni Sahara na baka nagpapahinga na ito nang ganoong oras.
“Sahara?” narinig niyang tanong nito pagkaraan ng ilang sandaling katahimikan. “Is this really you?”
Tumango siya kahit pa hindi nakikita ng kausap. “Y-yes, it’s me, Ace...this is Sahara,” tugon niya sabay pahid sa nagbabadyang pagtulo ng luha.
“Oh my God,...how are you?”
“Good.” Napangiti siya. Sa dinami-raming hindi magagandang pangyayari sa pagitan nila at kahit sa tinagal-tagal na wala silang komunikasyon, wala pa rin itong pagbabago. He’s still the same man she met many many years ago - kind, gentle. He’s still the same man whom she loved with all her heart.
And then suddenly, everything came back to her. Lahat ng mga panahong kasama niya ito, ang mga ibinigay nitong tulong, mga ginawa nito para sa kanya at ang pagmamahal nito para sa kanya na tila walang hanggang kahit pa nga hindi siya karapat-dapat para doon.
“How are you?” sa wakas ay tanong niya rito. Naupo siya sa gilid ng kama at tinanaw ang maliwanag na buwan sa bintana.
“Busy,” he replied. “Actually, I just finished my last conference and I’m just about to enter the hotel for some last-minute meeting. Today has been hectic.”
“I'morry, Ace...for calling you at this hour.”
“Hey, if there’s one call that I’ve been waiting my whole life, you know it’s yours, Sahara.”
She couldn’t help but smile. God, she’s too old for this kind of things. Hindi na siya teenage at dapat siya kinikilig pero hindi niya iyon mapigilan. It has been many years since she last felt this way and now, she realized how she missed it.
“So, is this it, Sahara? Is this ‘the’ call?”
“Y-yes,” alanganin niyang tugon. At tuluyan nang tumulo ang luha na kanina pa niya pinipigilan. Hindi siya makapaniwala na hindi pa rin nakakalimutan ni Ace ang pangako niya noon na tatawagan niya ito sa oras na handa na.
“Oh, God, thank goodness, honey.”
Honey. How she missed his endearment to her.
“So, does this mean that you are ready to be my wife now?”
“Yes, Ace, I’m more than ready.”
“Wow, finally.”
Tumayo si Sahara at muling nagparoo’t-parito sa loob ng kuwarto. Nasa dibdib ang kaliwa nitong kamay dahil pakiramdam niya ay lalabas na ang puso niya anumang oras dahil sa sobrang kaba. Hindi pa rin siya makapaniwala na nangyayari na ngayon ang matagal-tagal na rin niyang ipinagdarasal.
Pero may isa pa siyang dapat ipagtapat dito bago ang lahat. Isang bagay na dapat ay noon pa. Huminga muna siya nang malalim bago muling nagsalita.
“Ah, Ace, I want to tell you something.”
“Anything, Sahara. Ano ‘yon?”
“It’s about...Jade.”
“J-Jade? Who’s Jade?”
“Well...she’s someone who’s been wanting to meet her father,” simula niya. “She’s twelve.”
Saglit na tumahimik sa kabilang-linya. “S-She’s our daughter...tell me she is our daughter, Sahara.”
“Yes, Ace.” Tumango siya kahit pa nga hindi nakikita ng kausap. “Can you meet her?”
“I’d be glad to meet her!” masaya nitong tugon. “Anyway, where are you, honey? I want to come there and see you both now.”
“But it’s late! Tsaka may meeting ka pa, diba?”
“I can cancel anything for you, Sahara...I can stop everything for you.”
~~
The End
Sahara's Dirty Little Secrets
M. Wilde