NICCOLA survive the next two days but she was still asleep.
"Bakit hindi pa siya nagigising, Adeline?" tanong ni Alessandra sa kapatid.
"She'll wake up soon, Ate. She had passed the crucial stage."
Nandoon ang pamilya ng dalaga, ang iba niyang mga pinsan ay kakaalis lang doon.
Lumipas ang isang linggo, subalit hindi pa rin ito gumigising. Noong nakaraan lang ay idineklara ng doctor na under-coma si Niccola. Patuloy ang pagdalaw sa kanya ng mga kamag-anak, kasamahan sa trabaho at mga kaibigan.
Si Mason ay hindi pa nakakadalaw sa ospital magmula nang maoperahan si Niccola, ngunit alam niya ang lahat ng nangyayari rito. Ilang araw na rin siyang naglalagi sa kanyang unit, hinahanap ang suspek at sa gabi ay umiinom hanggang sa makatulog.
"Kuya, wake up!" Niyugyog ni Xylona ang kapatid na nakahiga sa lapag, sa mga kamay nito ay ang isang lata ng beer.
"What?" singhal ni Mason kasabay nang paghawak sa ulong nananakit. "Damn!"
"I want to see Ate Niko." Nakakunot noong napatitig si Mason sa dalagita na ang mga mata ay may kislap ng pakiusap. "Please. Kuya, please," pagsusumamo nito sa tonong parang maiiyak na. Nang malaman ni Xylona ang nangyari kay Niccola ay halos hindi ito mapatahan sa pag-iyak.
He sighed and sat on the cold floor. He leaned on the bed and closed his eyes drowsily. "Meet me outside in ten minutes."
"Okay... And please, shave. You look like a hermit and you stink!" Pagkatapos nitong sabihin ang mga prangkang salitang 'yon ay lumabas na ito silid ng binata.
Pahinamad na tumayo si Mason at pumasok sa loob ng banyo.
Inayos niya ang sarili bago lumabas sa kanyang silid. Naratnan niya si Xylona sa sala na mukhang naiinip na sa paghihintay.
Tinungo nila ng kanyang kapatid ang ospital na kinaroroonan ng dalagang pulis. Hindi sila nahirapang hanapin ang hospital room nito dahil alam niya kung nasaan iyon. Hindi man siya lumalapit sa kanyang kapitbahay na hanggang ngayon ay hindi pa nagigising ay hindi ibig sabihin niyon na hindi niya alam ang nangyayari rito. It had been weeks but she was still in deep slumber.
May nakabantay na pulis sa labas ng silid ni Niccola at hindi agad sila pinapasok. Tiyempo namang dumating si Alessandra na nakita ang magkapatid.
"Mason? And this must be your sister?" sabi ng ginang nang makita sila. "They're friends." Tumango ang dalawang pulis sa sinabi nito. Humalik si Alessandra sa pisngi ng dalawa, pagkatapos ay pinapasok sa loob. "This is Mason and his sister."
"H-Hi po," Xylona, then greeted everyone in the room. Isang ngiti ng pagkailang ang nakapaskil sa nga labi nito.
"What's your name, dear?" Hindi maiwasan ni Alessandra na haplusin ang pisngi ng dalagita. The girl was beautiful but she can sense something strange about her. The way her eyes looked, and her body language, she can tell that she's dealing with a difficult situation.
"X-Xylona po." Xylona was almost in tears when she felt the woman's touch. It was warm and gentle.
Lumakad si Mason sa isang sulok at tahimik na tumayo roon. Nakatutok lang ang kanyang tingin sa babaeng walang malay na nakahiga sa hospital bed.
"You're my daughter's friend," Alessandra said in confirmation. "Come here, honey." Marahan nitong hinila ang dalagita palapit sa kinahihigaan ni Niccola. "Y-Your friend is here, sweetheart." Gumaralgal ang boses niya subalit pilit niyang nilalabanan ang damdamin. "Wake up, Mason is here also. Remember what I've told you? You need to trap him into marriage and have children together. I want my grandchild to have his eyes," she said to make the situation lighter. Pinunasan niya ang mga luhang pumatak sa kanyang mga mata at nginitian ang dalagita na umiiyak sa kanyang tabi. "You want Niko to be your sister-in-law, right?" Tumango ang dalagita. "She agreed. You need to wake up now."
Napaubo ang mga naroon dahil sa sinabi ni Alessandra. Tumikhim si Mason at nag-iwas ng tingin sa mga kamag-anak nitong napapatingin sa kanyang direksiyon.
Lalong nailang ang binata sa sunod na sinabi ng ginang ngunit pinakinggan niya iyong mabuti. "I remember when you told me that you feel something for him."
"Mom!" sita ni Lucas na kakapasok lang. "You shouldn't—"
"Shh. I'm still talking to her... You should wake up now, I want a grandchild. Lucas wouldn't give me one, so you give it to me. I'm getting older, sweetheart."
"Oo nga, Ate. I want a niece or a nephew para hindi mo ako palaging nakikita. You love twisting my ears for playing video games and not going to school," Alson muttered. "I also heard you talking to Mom saying that you like the man," the boy teased but his voice shakes. "I promise, I will go to school every day, I will leave my playroom for a month if you wake up."
"M-make it t-two." Napasinghap ang lahat ng naroon sa silid nang marinig ang mahinang tinig mula kay Niccola. Dahan-dahan itong nagbukas ng mga mata ngunit agad ding napapikit nang masilaw.
"Oh my god! Oh my god!" Alessandra blurted in delight and burst into tears. Maging ang iba ay napaiyak dahil sa relief.
Agad nilang tinawag ang doktor upang masuri ang kalagayan ng dalaga.
Nang makapag-adjust sa liwanag at maka-alis ang mga doktor ay inilibot ni Niccola ang kanyang mga mata sa loob ng silid. Halos mapuno ng mga kapamilya niya ang loob dahil sa dami ng mga ito. Her cousins, siblings, and their elders were there. Nakita rin niya ang kaibigang dalagita na nandoon.
Nang dumako ang kanyang tingin sa isang sulok ay nakita niya ang isang lalaking matamang nakatingin sa kanya.
Nakaramdam siya ng dismaya nang makitang lumakad si Mason palabas ng kanyang silid.
"H-Hi?," usal niya sa lahat habang nakaupo sa kanyang kama at nakasandal ang likod sa headboard. Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi habang nakatingin sa mga ito. "A-Ang dami niyo naman 'a-ata?" Wala nagsalita sa mga ito kaya nagpatuloy siya. Binalingan niya ang nakababatang kapatid na lalaki na nasa kanyang gilid. "N-No computer games for two m-months, deal?" Tumango si Alson habang pasimpleng pinahid ang mga luhang kumawala mula sa mga mata. "Hey, Xyxy," bati niya sa dalagita na umiiyak. "W-water." Agad na kumuha ng tubig ang kapatid at inalalayan siyang uminom gamit ang straw. "W-Why are you crying? I'm alive, Mom, Dad."
"Y-You've been asleep for t-two months, Princess," Nick said in a hoarse voice.
Nanlalaki ang mga mata ng dalaga dahil hindi makapaniwala sa nalaman.
Biglang dumagsa sa kanyang isipan ang nangyari sa kanya sa labas ng presinto na parang kahapon lang nangyari iyon. Ang pag-uusap nila ni Mason, ang humahagibis na motorsiklo at ang pagkakabaril sa kanya. Pagkatapos niyon ay mga malalabong boses ang kanyang naririnig.
How can she believe that two months had passed since that incident that almost killed her happened when for her it felt like it just happened yesterday?
Napahawak si Niccola sa ulo nang makaramdam ng pananakit doon.
"Are you okay?"
"W-what date it is now?" Nag-angat ng tingin ang dalaga sa ina at nginitian ito nang marinig mula rito ang petsa ng araw na iyon. Ang mga mata ay maluha-luha. "H-happy birthday, Mom."
Ibinuka niya ang nanghihina pa ring mga braso sa direksiyon ng ina. Agad na lumapit si Alessandra sa kanya at maingat siyang niyakap habang umiiyak.
"EITHER you take a two-month leave or resign!" her mother exclaimed with finality in her voice, then after, she headed out of her room. Sunod namang pumasok doon ang kanyang kakambal.
Umupo ito sa kama niya at napabuntung-hininga. "We only want what's best for you, Elize Niccola. Just take a leave for a while and take a refresher. Indulge mom just this once... Hey, look at me."
Pumiksi si Niccola at hinagis ang kanyang unan. Mabilis na umalis siya mula sa pagkakasubsob sa isa pang unan at umupo sa kanyang kama. Pinanlakihan niya ng mga mata ang kapatid. "It's been three weeks, Lucas. I'm all healed. I want to go to work and hunt that bastard who shot me! No one shots me and gets away with it, you heard me?"
"Tone down and fix your hair. You look silly."
Napasinghap si Niccola dahil sa sinabi nito, sa pagkainis ay hinuli ng kanyang mga kamay ang buhok ng kakambal at sinabunutan. "How dare you!"
"Let go, Elize Niccola! Shit! Let go!"
Pinakawalan niya ang buhok ng kapatid na binigyan siya ng isang masamang tingin. "If you're not a girl, I'll punch you right now!"
"Do it! I can fight you, moron."
Napabuntung hininga nalang si Lucas at umiling-ling. Ginulo niya ang buhok ni Niccola na agad naman nitong tinabig.
"Ano ba!" She glared at him
Lucas climbed off the bed, put his knuckles in his pockets and stared down at Niccola. "So, you like him? What's his name again? Mason?" he teased, one eyebrow was raised.
"I... I don't like him kaya. Chismoso ka ha!"
"Really? Well, Mason's outside. He's with her sister."
Nanlaki ang mga mata ni Niccola nang marinig ang pangalang binanggit nito. Dali-daling umalis siya ng kama at nagkukumahog na tinungo ang kanyang banyo. She heard her brother chuckled.
"You don't like him, huh." Niccola can visualize the huge mocking grin on her brother's face.
"Shut up! Just get out of here."
PABABA pa lang sa mahabang hagdan si Niccola ay agad niyang nakita ang kanyang mga panauhin na nakaupo sa couch. Kinabahan siya nang mapunang nakatingin sa kanya ang pamilyar na lalaking iyon habang humahakbang siya papalapit sa mga ito.
Ang kanyang ina ay nakaupo katapat ang lalaki at nakangiting nakatingin din sa kanyang gawi. Para bang hindi sila nagdidiskusyon kanina at hindi siya nito napagsabihin sa laki ng ngiting nakapaskil sa mga labi.
"Ate, Niko!" Sinalubong siya ni Xylona pagbaba niya ng hagdan. Nitong mga nakaraang araw, mula ang makalabas siya ng ospital, ay dumadalaw-dalaw ito sa kanya sa bahay ng kanyang mga magulang. Ang kasama nito ngayon ay ngayon lang nagawi roon. Huling kita niya rito ay noong magising siya mula sa pagkaka-coma.
"How are you, Xyxy?" Umupo siya katabi ang ina. "Hey," bati niya sa binatang nakaupo sa kanyang harapan katabi ng kapatid nito.
"Ayos lang, Ate. Si Kuya hindi 'yan nalabas ng kuwarto niya at palaging umiinom kaya ko nga isinama 'yan dito para hindi mag-inom."
"Xylona!" sita nito sa dalagita.
Nagkibit lang ng balikat si Xylona sa kapatid na may pagbabanta ang mga matang nakatingin sa kanya.
"Xylona, dear, why don't you try the cake I bake earlier? Come here, let's go to the kitchen," si Alessandra, agad namang tumalima ang dalagita at magkahawak kamay ang dalawang pumasok sa loob ng kusina.
Lihim na napailing si Niccola sa ginawa ng kanyang ina. Alam niyang sinadya nito iyon upang maiwan silang dalawa ni Mason doon.
Isang tikhim ang kanyang pinakawalan bago nagsalita. "H-How are you?" Gustong mamula ng kanyang mga pisngi dahil sa pagkautal. "Oh great! You're not talking to me again. At least you're normal now. The last time we talked, you are possessed," dagdag niya ng hindi ito sumagot at nakatitig lang sa kanyang mukha. "Thank you, if it wasn't for you, I could've been dead by now."
Nagulat si Niccola nang tumayo ito sa kinauupuan at humakbang papalapit sa kanya. Pagkalapit ay hinigit siya nito patayo at niyakap. "W-What are you doing?" kinakabahang usal niya at pinalibot ang mata sa palaigid. Mabuti nalang at wala siyang ibang taong nakikita roon bukod sa kanila.
Sa halip na sagutin ay sinapo ni Mason ang kanyang mukha at siniil siya ng halik.
Bago pa makahuma sa pagkagulat si Niccola ay isang tikhim ang pumuno sa paligid. Mabilis niyang naitulak ang binata at napatingin sa bukana ng living room. Nakatayo doon ang kanyang nakababatang kapatid na lalaki at ang kanyang ama na nakatingin kay Mason.
"Hala ka, Ate," nakangising tukso ni Alson na nakasuot pa ng uniform at magulo ang buhok.
Inambahan niya ng suntok ang kapatid na tumakbo paalis doon at pumasok sa kusina.
"I... I thought there's an emergency at the office, Dad?" Isang alanganing ngiti, na may pakiramdam siyang ngiwi ang naging resulta, ang sumilay sa kanyang mga labi.
Si Nicholas Villarama ay walang kangiti-ngiting nakatingin sa kanila.
Sa halip na sagutin siya ay binalingan nito si Mason. "Have dinner with us, Clarkson...." Pagkuway bumaling sa kanya ang malalamig nitong mga mata. "Where's your, Mom?"
"In the kitchen." Pagkatapos niyon ay tumungo sa kusina si Nick. Tiningnan niya ng masama si Mason pagkaalis nito. "Why did you do that, you idiot?!" Hinampas niya ito sa dibdib ngunit hinuli lang nito ang kanyang kamay at hinila siya papalapit.
"I miss you," deklara ni Mason sa mahinang boses, napakalapit ng mukha nito sa kanya at halos magtama na ang kanilang mga ilong. His minty breath fanned her face.
Umawang ang kanyang labi sa narinig. "Are you for real?"
"I want to kiss you properly..." Inilibot nito ang tingin sa paligid. "...but not here."
Napalunok si Niccola nang magkatitigan sila ni Mason. Halos bumigay siya dahil sa intensidad ng mga mata nito. If she'll admit it to herself, she misses him too and she wanted to kiss him. Devour him.
"Ate, Ni— Oh you're here. Mason, right?" Muli silang nabulabog nang dumating naman ang kanyang mga kapatid na babae. Lumapit ang dalawa sa kanila at inilahad ang kamay kay Mason. "I am Krishia and this is Keishia Snow."
"Mason," tipid na pakilala nito sa sarili.
"So, you two are in a relationship now? Good for you then, big sis, you're getting old..." Pinandilatan ni Niccola ang kapatid na hindi man lang naapektuhan. "No sex on the sofa." Dagdag ni Krishia na tumatawa at tumakbo patungo sa kusina hila-hila ang kakambal na si Snow.
Napasabunot si Niccola sa sariling buhok dahil sa pagkapahiya. "Why do I have a crazy family? Goodness," she murmured.
"They're beautiful."
"What?"
"Your family is beautiful..." Umatras siya ng lumapit ito sa kanya ngunit wala na siyang maatrasan dahil tumama ang kanyang paa sa sofa. Unti-unting bumaba ang mukha nito sa kanya. Napalunok si Niccola ng halos magkadikit na ang kanilang labi ngunit lumihis ang mukha ng binata at bumulong sa kanyang tainga. "...and they like me."