CHAPTER 7

MALALIM na ang gabi subalit hindi pa rin siya makatulog kaya muli siyang lumabas patungo sa balkonahe ng kanyang silid. Maliwanag ang buwan at malamig ang simoy ng hangin ngunit hindi niya alintana iyon.

Itinutok niya ang mga mata sa kagandahang nasa itaas kasabay nang pagdaloy ng mga alalahanin sa kanyang isipan.

Halos isang buwan na mula nang lumabas siya sa kumbento at hindi pa niya mapagdisesyunan kung kailan babalik, o kung babalik pa ba siya. There were things that kept her from going back.

"Is this a test for me?" Isa marahil iyong pagsubok upang malaman niya kung handa na ba siya. Kung buo naba ang kanyang loob na maging isang madre.

Sa nakalipas na mga taon ay marami na siyang pagsubok na pinagdaanan, ngunit nalampasan niyang lahat ng iyon. Sa muling paglabas niya sa kombento ay masusukat ang katatagan niya.

When she was young, she doesn't dream of being a nun. She wanted to be a teacher or a nurse. But there was an event in her life that changed her, changed her views and dreams.

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang marinig ang pag-iingay ng isang motorsiklo na namayani sa katahimikan ng gabi. Lumapit siya sa barindilya at dumungaw sa ibaba.

Sumikdo ang kanyang dibdib nang makita si Achilles na bumaba mula sa sinasakyan nito pagkatapos ay pumasok sa loob ng bahay.

Nangunot ang kanyang noo nang makita ang paraan nito sa paglalakad, susuray-suray itong pumasok sa loob.

Nanatili siyang nakatayo roon hanggang sa maramdamang nakapasok na ito sa loob ng silid. Sumindi ang ilaw sa silid ni Achilles at sunod-sunod na kalabog ang kanyang narinig pagkatapos. Umungol ang binata na tila ba may iniinda at pagkatapos niyon ay katahimikan na ang namayani sa mga sumunod na sandali.

Hindi mapakali si Margareth habang iniisip kung ano ang nangyayari sa kanilang kapitbahay. Nagpalakad lakad siya roon sa may balkonahe at tinitimbang kung ano ang maaari niyang gawin. She felt the force that urging her to see what's happening on Achilles.

Hissy made a sound that stopped her feet from walking back and forth. Nagising ng ingay niya ang natutulog na pusa at ngayon ay nakatutok ang malalaki nitong mga mata sa kanya habang nakahiga sa higaan nito. Tila pinapanood ang kanyang ginagawa.

"Anong gagawin ko, Hissy? Titingnan ko ba kung may nangyari sa kanya? Okay lang kaya siya, Hissy?" The cat whined and curled her body to her bed.

Humugot ng malalim na hininga si Margareth at naglakad palabas ng kanyang silid. Maingat na humakbang siya pababa ng hagdan upang hindi magising ang iba at tuloy-tuloy na lumabas ng bahay.

Tahimik na tahimik ang subdivision nila at tanging tunog mula sa iba't ibang insekto ang maririnig. She walked towards Achilles' house. She knocked on the door but no one answered.

Ilang sandali na siyang nakatayo roon ngunit wala paring nabubukas. Sinubukan niyang pihitin ang doorknob ng bahay nito at namangha ng matuklasang hindi iyon nakalock. Nakalimutan marahil ni Achilles nai-lock iyon ng makapasok kanina?

Pumasok siya loob ng madilim na bahay kasabay nang pagkapa niya sa dingding upang mahanap ang switch ng ilaw. Nang makapa ay binuksan niya iyon at bumaha ang liwanag sa paligid. His house was spacious with high ceilings. Halos walang mga kagamitang nandoroon, tanging ang mga bagay lang na kinakailangan. Gaya ng sofa, mesa at mga upuan.

Nang mapatingin siya sa tiled floor ng hindi sinasadya ay napasinghap siya sa sindak nang makita ang mga pulang likidong pumatak doon. Nasisiguro niyang mga patak ng dugo ang mga iyon.

Dahan-dahan siyang naglakad at sinundan ang mga patak. Dinala siya no'n paakyat sa mataas na hagdan at nakarating sa harapan ng isang silid na nasa ikalawang palapag.

Pinihit niya ang seradura at mas lalong nasindak nang makita si Achilles na nakahandusay sa lapag. Nanginginig ang mga paang pumasok siya sa loob at nilapitan ito.

Wala itong malay at may dugong nakabalot sa damit at mga kamay. With her trembling hands, she tried to wake him up. Marahang tinampal niya ang pisngi nito upang gisingin ngunit hindi ito magising-gising. Ang katawan nito ay napakainit, inaapoy ito ng lagnat.

Tumayo siya mula sa pagkakatalungko at binigyan ng huling sulyap ang binata bago lumabas sa bahay nito.

Lakad-takbo ang ginawa niya patungo sa bahay ng kanyang Kuya Harold na nasa kabilang block pa. Mabuti nalang at hindi madilim ang kalsada at nasa isang gated subdivision sila kaya walang makakapasok na masasamang loob.

Ang kanyang Kuya Harold mismo ang nagbukas sa pinto ng bahay nito na siya niyang ipinagpasalamat.

Kumunot ang noo ni Harold nang makita ang nakababatang kapatid sa labas ng dis-oras ng gabi. Agad niyang napansin ang panginginig ng mga kamay ng kapatid at pamumutla nito.

"What happened? Are you okay? Hey, relax." Hinawakan nito sa braso ang dalaga upang pakalmahin. "Tell me what happened."

"Kuya si... si Achilles, he's hurt. I don't know what to do."

Inakay ni Harold ang kapatid at pinaupo sa mahabang sofa. "Wait here. I'll get my things."

Sandali lang ang pinaghintay ni Margareth dahil mabilis na nakababa si Harold dala ang mga gamit nito sa panggagamot.

Magkasama nilang tinungo ang bahay ni Achilles at ginamot ng kanyang nakakatandang kapatid ang binatang may sugat sa hita at braso.

Nagamot na pala ang sugat nito, kaya lang ay dumugo ang mga iyon. Ang sabi ng kanyang Kuya ay mula sa tama ng bala ang mga sugat na natamo ni Achilles. Nakasuot ito ng uniporme ng sundalo kaya hindi mahirap hulaan na galing ito sa trabaho.

Nilinis ng kanyang Kuya ang sugat ni Achilles at tinurukan ito ng pampababa ng lagnat. Habang siya ay kumuha ng basahan at maligamgam na tubig at pinahiran ang mukha nito at ibang bahagi ng katawan upang bumaba ang lagnat.

"Hindi ba natin siya dadalhin sa ospital, Kuya?"

"He won't like it. He'll be okay," maikling sagot ni Harold at ipinagpatuloy ang ginagawa. Sa dalawang taon nilang pagkakakilala ni Achilles ay hindi iyon ang unang beses na ginamot niya ang sugat nito na natamo mula sa trabaho. The man doesn't like the hospital. "Hindi ko pa uuwi?"

She shook her head and smiled at her brother. "Okay lang ako rito. Umuwi kana, Kuya Harold. I know you're tired from work."

He kissed the top of her head before going out. Naiwan sina Margareth at Achilles, na inaapoy ng lagnat, sa loob ng silid.

Panay ang kanyang buntung-hininga habang binabantayan ito.Habang pinupunasan niya ang mukha nito ay namimigat ang kanyang talukap. Ilang sandali pa ay tuluyan na siyang naidlip, nakasubsob ang ulo sa gilid ng kama.

NASILAW si Achilles sa liwanag ng araw na pumapasok sa kanyang silid mula sa nakabukas na balkonahe.

Tumiim ang kanyang mga bagang nang sinubukang umupo sa ibabaw ng kama. Isinandig niya ang likod sa headboard at napapikit dahil sa pagsigid ng kirot sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan. Ang huli niyang natatandaan ay sa lapag siya bumagsak kagabi at hindi niya nagawang makapagbihis. Pero bakit iba na ang kanyang suot at nalinis ang kanyang sugat?

Mabilis niyang iminulat ang mga mata at akmang tatayo nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang silid na siyang ikinatigil niya. Bumungad ang magandang mukha ng anak ng kanyang kapitbahay, sa mga kamay ay bitbit ang umuusok na sopas.

Nakasuot ito ng mahabang saya at bulaklaking damit kagaya ng palagi nitong suot. She looked so radiant and sleek in the morning. Ano ang ginagawa nito sa kanyang silid?

"Okay ka na ba? Mabuti na ba ang pakiramdam mo? Hindi ka na nahihilo, hindi na masakit ang sugat mo?"

Hindi siya sumagot at nanatiling nakatutok ang mga mata rito habang humahakbang ito papalapit. Ipinatong nito ang dala sa bedside table pagkatapos ay sinalat ang kanyang noo na muntik na niyang ikinapitlag dahil sa pagkagulat.

Wala sa loob na napadako ang kanyang mga mata sa mga labi nitong kakulay ng rosas. Tila kay lambot ng mga iyon at nangungusap. Lalong nangunot ang kanyang noo nang malanghap ang amoy na nagmumula sa katawan nito. She smell of jasmine and he doubted if she even wear or sprayed any fragrance.

"Mainit ka pa."

Tila siya binuhusan ng malamig na tubig at biglang natauhan nang marinig ang boses nito.

"What are you doing here?"

"I was on the balcony last night when I saw you came home. Nakarinig ako ng mga kalabog kaya naisipan kung silipin ka. The door wasn't locked and I saw the blood on the floor. Kuya Harold clean your wounds and changed your clothes... I'm sorry, I entered without your permission," she answered and sounded apologetic and apprehensive at the same time.

He was looking at her while she was explaining her side. He couldn't find even a bit of annoyance for the woman in front of him for being so nosy. Ang ikinais niya ay ang inaakto nito, nakayuko na naman ito sa sahig at mahigpit na nakakapit sa mahabang palda. Na para bang anumang oras ay lalapain niya ito ng buhay. Seriously, was he that villainous?

Inalis niya ang mga mata rito at binalingan ang sopas na nasa bedside table at kinuha iyon upang kainin. He was eating the soup with enthusiasm. Kumakalam ang kanyang sikmura at hindi niya matandaan kung kailan siya huling kumain.

Pagkatapos ng misyon nila ay sandali siyang tumigil sa kampo at pinagamot ang mga tama na natamo mula sa pakikipag-bakbakan. Pagkatapos ay nagmaneho siya pauwi sa kanyang bahay kahit pinigilan siya ng kanyang superior at mga kasamahan.

"Will you stand there forever?" puna niya kay Margareth nang manatili itong nakatayo sa kanyang kaharapan habang kumakain siya. Nakayuko parin ito at hindi makatingin sa kanya ng diretso.

Hindi niya napuna na magaspang ang tonong ginamit, kaya marahil napapitlag ito.

"Sorry," muli ay usal nito na lalong nagpairita sa kanya. Wala na ba itong alam sabihin kundi sorry? And why does she have to be so kind? That annoyed him even more.

Ibubuka niya sanang muli ang mga labi upang magsalita nang bigla itong tumalikod at mabilis na naglakad paglabas ng kanyang silid. Tanging pagbuntung-hininga ang kanyang nagawa. Muling itinuon ang pansin sa kinakain at inubos iyon. He didn't mean to shun her away, he wanted to tell her to sit down.

Matapos kumain ay tumayo siya at pumasok sa loob ng banyo upang linisin ang katawan.

Pagkalabas niya ng kanyang silid ay hindi na niya makita ang mga patak ng dugo na iniwan niya kagabi. She might've clean the stains on the floor.

Tuloy-tuloy siyang lumabas ng kanyang bahay at tininungo ang kinapaparadahan ng kanyang kotse. He stopped midway when he noticed something strange, it wasn't supposed to be there.

Nilapitan niya iyon at tiningnan. Nagsisimula na ang mga iyon na mamulaklak. Iba-iba ang kulay nila at napakabanayad ng amoy. Parang alam na niya kung sino ang naglagay ng mga bulaklak doon sa kanyang bakuran.

Parang may sariling isip ang kanyang mga paa't kamay na tinungo ang kinaroroonan ng hose na ginagamit niya sa paglilinis ng sasakyan at dinampot iyon.

"What am I doing?" bulalas ni Achilles habang dinidiligan ang mga halaman at nakakunot ang noo. Nang makuntento sa ginagawa ay pinatay niya ang hose at ibinalik sa dati nitong puwesto.

Binigyan niya ng huling sulyap ang mga bulaklak bago sumakay sa kanyang kotse at pinaharurot iyon paalis.

Tinahak niya ang daan patungo sa bahay ng kanyang mga magulang. Nang makarating ay tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob.

Lumapit siya sa may bar counter nang makita ang nakababatang kapatid na lalaking nakaupo roon at umiinom.

Umupo siya sa katabing upuang inuupuan nito. Nagsalin ng alak sa isang baso si Apollo at ibinigay sa kanya. "You okay?" hindi maiwasang tanong niya rito nang makitang sunod-sunod nitong tinunga ang alak sa baso.

Nagkibit balikat lang si Apollo at muling lumagok ng alak. "How about you, are you okay?"

Hindi rin niya nagawang sagutin ang tinanong nito. Pagkaubos ng laman ng kanyang baso ay tumayo na siya at tinapik sa balikat ang kapatid. "Don't drink too much. The sun is still awake."

"Brianna is sleeping in her room."

Tinanguan niya ito at tinungo ang silid ng kanyang anak. Naratnan niya roon ang ina na nakatunghay sa apo nitong natutulog.

Napatayo si Melissa nang makita siya, lumapit siya rito at agad naman itong yumakap sa kanya. "Where were you? Bakit hindi ka nagpaalam?"

"I was on a mission."

"You need to shave and trim your hair. Humahaba na." Lumapat ang kamay ng ginang sa mukha ng binata. "Teka at ipaghahanda kita ng makakain. 'Wag kang aalis rito."

Nang makalabas ang ina niya ay umupo si Achilles sa kama ni Brianna. Pinagmasdan niya ang payapang mukha ng kanyang anak habang natutulog.

Tumaas ang kanyang kamay sa pisngi ng bata at marahan iyong hinaplos. Something inside him stirred as he was looking at his daughter's face. Naninikip ang kanyang dibdib at nanunuyo ang kanyang lalamunan.

Hinalikan niya ang noo ng bata bago lumabas sa silid nito at hinanap ang kanyang ina. Nakita niya ito sa kusina at tinutulungan ang katulong sa paghahanda ng mesa. Nang makita siya ay hinila siya nito at pinaupo sa isang silya. Ito rin ang naglagay ng pagkain sa kanyang plato kagaya ng palagi nitong ginagawa noong mga bata pa silang magkakapatid.

Kinain niya ang inihain nito dahil totoong gutom siya. Hindi sapat ang sopas na kinain niya kanina. Naubos niya ang lahat ng nakahain na ikinatuwa ni Melissa. But what she said the following minutes stunned him and he wished that he didn't go there.

"We are going to L.A. next week, Aki. It's your grandmother's death anniversary and we're going to visit my relatives there. Walang mag-aalaga rito kay Brianna, you need to look after her while your father and I are out of the country."

"What? You can't—"

"She's your daughter. Don't forget that," his mother interjected. "You will fetch her next week on Monday morning." Hinalikan ng ina ang kanyang pisngi bago lumabas sa loob ng dining room.

Achilles brushed his hair in bewilderment. Sa tuwing pumupunta siya sa bahay ng mga magulang ay ilang oras lang niyang nakakasama ang anak. Hindi niya alam kung makakaya niya itong alagaan ng ilang araw.

What will he do?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.