NAKANGITING sinalubong ni Margareth ang madreng papalapit sa kanyang direksiyon. Dumalaw siya sa kolehiyong dati niyang pinapasukan at binisita ang mga mahahalagang tao sa kanya na naroon.
Isa iyong Christian School at pinapatakbo ng mga madre. Doon niya unang nakilala si Mother Helena. Isa ito sa mga naka-impluwensiya sa kanyang pumasok sa kumbento at maging madre. She wanted to be like her.
Habang nag-aaral siya sa paaralang iyon ay nakikita niya ang palaging ginagawa ng mga madre. She fell in love with their vocation. Serving God and devote herself to him became her will, her dream, and destiny.
"Kumusta po kayo, Mother?"
"God is taking good care of me, Margareth. It's been a long time, how are you doing?"
"Mabuti po. Lumabas po ako ng kumbento may isang buwan na ang nakakalipas." Bumuntung-hininga siya, hinawakan ang kamay ng matandang madre at inakay ito patungo sa upuan. "Mother, naguguluhan po ako. There are things that keep me from going back. Hindi ko rin sigurado sa sarili ko kung karapat-dapat ba akong magsilbi sa kanya."
Hindi siya nahiyang maglabas ng saloobin kay Mother Helena. Malapit siya rito at noong mga panahon na kailangan niya ng suporta at panalangin ay lagi itong naroon sa kanyang tabi.
"Ang mga katulad natin ay dumadating sa ganyang punto, Margareth. Before I finish my temporary vows, I faced a lot of tests. I also reached the point that I doubted my worth, I've doubted myself."
"Paano niyo po nalampasan ang mga pagsubok, Mother?"
Hinaplos ng kulubot na mga kamay ng madre ang kanyang mukha. Ngumiti ito sa kanya, mga ngiting may pahiwatig. "Listen to this..." Mother Helena said while pointing her fingers to her chest. "Listen to him and everything will be alright. Come, the mass will start!"
Magkasama silang pumasok sa simbahan na nasa loob ng paaralan. Pagkatapos ng misa ay ilang oras pa silang nagkasama nito bago siya nagpaalam. Gumaan din ang kanyang pakiramdam nang makakuha ng mga makabuluhan at mapanghikayat na salita mula sa mabait na madre.
Pagkauwi niya sa kanila ay dumiretso siya sa hardin ng kanyang ina. Umupo siya sa naroong upuan at pinagmasdan ang mga magagandang bulaklak.
"Listen to my heart and to him." Gaano ba kahirap na pakinggan ang puso? Mahirap para sa kanya dahil marami iyong sinisigaw. "God is in my heart," she muttered in optimism and conviction.
Natigil si Margareth sa pag-iisip nang marinig ng kaluskos mula sa mga halaman. Dala ng kuryosidad ay lumapit siya roon upang tingnan. Akala niya'y isang hayop na naligaw ang kanyang madidiskobre. Subalit nagkamali siya ng inakala.
Sandali lang ang kanyang pagkagulat nang makita ang isang batang babae na nakaupo sa lupa at walang saplot sa katawan ni isa. Nahabag siya nang masaksihan ang mga luhang pumapatak sa mga mata nito.
Napasibi ang bata ngunit walang ingay na lumalabas sa bibig. She felt like her heart was about to burst.
Binigyan niya ito ng matamis na ngiti bago tumalungko at hinawakan ito sa pisngi. Mabuti nalang at hindi ito pumiksi at nanatiling nakatutok ang basang mga mata sa kanyang mukha.
Lalong lumapad ang kanyang pagkakangiti nang tumigil ang bata sa pag-iyak. Hinawakan niya ito sa balikat at itinayo.
Pinagpagan niya ang katawan ng bata at pinunasan ang mga basa nitong pisngi. "Hello, anong pangalan mo?" Hindi ito sumagot at ngayon ay nakatingin na sa kanya ng may pagtataka. Nakakunot ang noo, magkasalubong ang mga kilay at nakalabi. "Ako si Ate Margareth, halika." Sabay bukas niya sa mga braso at inanyayahan itong pumaloob doon. Ayaw niyang pilitin ang batang sumama sa kanya dahil baka maka-trauma rito.
Ikinagalak niya nang lumapit sa kanya ang bata at kumapit sa kanyang leeg. Kinarga niya ito at hinalikan ang pisngi nitong namumula.
Ngayon lang niya nakita ang maliit na anghel at hindi niya alam kung saan ito iuuwi. Hahakbang na sana siya papasok sa bahay nila upang masuotan ito ng damit nang marinig niya ang boses ni Achilles mula sa kabilang bahay.
"Brianna!" Nakahinga nang maluwag si Achilles nang makita ang anak niyang karga ng kanyang kapitbahay. Iniwan niya ito sa sala kanina at sandaling pumasok sa silid nito upang maghanap ng maaari nitong pamalit na damit. Pagbaba niya ay wala na si Brianna sa sala.
Mabilis na pumakabila si Achilles at nilapitan ang dalawa.
"You don't listen! I told you to stay! Come here," aniya sa galit na boses. Akmang kukuhanin niya ang bata ngunit lalo itong kumapit sa leeg ng dalaga at itinago ang mukha roon. "Don't be a brat, Brianna!"
Yumugyog ang balikat ng bata dahil sa pagsinghal ni Achilles. Naluha na naman ito at hindi gustong kumalas sa pagkakakapit kay Margareth.
"Shh..." Hinagod-hagod ni Margareth ang likod ng bata habang nakatuon ang nakikiusap na mga mata sa lalaki. Nang makita niya itong bumuntung-hininga kasabay nang paghagod ng buhok patalikod ay naglakad siya patungo sa kabilang bahay dahil ayaw kumalas ng bata sa kanya.
Sumunod si Achilles sa mga ito. Binuksan niya ang pinto ng bahay upang makapasok ang dalawa. Pinanood lang ng binata ang dalawang babaeng nakaupo sa kanyang sofa. Binibihisan ng kanyang kapitbahay ang kanyang anak na tumigil na sa pag-iyak.
"What do you want to do?" Rinig ni Achilles na tanong nito sa kanyang anak. Hindi naman niya ito maitaboy dahil parang lintang nakadikit dito si Brianna. "Do you want to play?"
Namilog ang mga labi ni Margareth nang makitang hinimas nito ang tiyan. Isang senyales na nagugutom na ito. "Okay, we'll eat. What do you want to eat?" tanong niya ngunit hindi sumagot ang bata, lumabi ito at napahawak sa sentido na tila ba nag-iisip. "Do you eat spaghetti? Mac and cheese? Egg roll?" Ang kanyang mga nabanggit ay mga paboritong kainin ng kanyang mga pamangkin.
Tumango naman ito ng sunod-sunod at malapad na napangiti na mukhang sang-ayon sa kanyang sinabi.
Agad namang lumipad ang kanyang mga mata kay Achilles na nakasandig sa isang bahagi ng dingding at ramdam niyang kanina pa nakatingin sa kanila ni Brianna.
Hinawakan niya ang kamay ng bata at inakay ito patungo sa kinaroroonan ni Achilles. Sumiksik pa si Brianna sa kanya, kulang nalang ay magtago sa loob ng kanyang saya, nang makalapit sila sa harapan ng ama nito.
She doesn't know that he had a daughter and she doesn't want to poke her nose in his life. She was still there because his kid didn't want to let her go. How can she refuse and hurt that little angel?
"Can we use your kitchen?" she asked cautiously.
Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Brianna bago sumagot, "I don't have what you need... Follow me."
Tumalima siya sa sinabi rito at magkahawak kamay silang dalawa ni Brianna na sumunod dito palabas ng bahay.
She was swaying their intertwined hands while following Achilles. She was thankful to him that he was walking at their pace.
Kinawayan niya ang kanilang kapitbahay na dalawang matandang mag-asawa. Gano'n din ang ginawa ni Brianna na ginaya siya. Nakaupo ang mag-asawa sa patio ng bahay ng mga ito, kumaway sila pabalik habang nakangiti.
Sumunod sila kay Achilles hanggang sa makarating sa isang bagong tayong convenience store na nasa loob ng subdivision. Nasa block nila iyon nakatayo kaya hindi ganoon kalayo ang kanilang nilakad. Maliit na iyon ngunit sa tingin niya ay naroon na ang mga kakailanganin nila sa pagluluto.
"Hi, Gareth, Achilles at sa cute na batang kasama niyo. Anak niyo ba?" masiglang tanong ni Pia, kapitbahay nila at kababata niya, nang makapasok sila sa loob.
Namula ang kanyang magkabilang pisngi at wala sa loob na napasulyap kay Achilles na nakatayo sa kanyang tabi. Mabuti nalang at hindi ito nakatingin sa kanya at nakatuon ang mga mata sa paligid.
"Siya si Brianna," pakilala niya sa bata na agad namang kiming kumaway kay Pia na pinisil ang pisngi ng bata.
"Ang cute mo, mana ka kay Gareth."
"Ahm, magluluto kami para sa tanghalian. We need ingredients," pag-ibaba niya sa usapan. Naiilang siya lalo na't naririnig ni Achilles ang pinagsasabi ni Pia. Isa pa, noon lang din niya nakilala si Brianna, baka sabihin ng ama ng bata na pumapapel siya.
"Ay, ano bang kailangan niyo?"
Napadali ang pamimili nila nang tulungan sila nito na mamili. Hindi sumunod si Achilles sa kanila na nakatayo sa isang tabi subalit ramdam niya ang intensidad ng mga mata nito.
"Balik ulit kayo, ha, para lalo akong yumaman," ani Pia na malapad na nakangiti at inihatid pa sila palabas.
Kinawayan nila ito ni Brianna at muling sumunod kay Achilles pabalik ng bahay nito. Pagkarating nila ay agad itong pumasok sa kusina at inilapag ang mga pinamili sa ibabaw ng lamesa.
Sandali siya nitong tinapunan ng tingin at tumango bago lumabas ng kusina at umakyat sa ikalawang palapag ng bahay at pumasok sa loob ng silid.
"Tutulungan mo akong magluto?" baling niya sa bata na inilalabas ang kanilang mga pinamili habang nakapatong sa isang upuan.
Binaklas nito ang buhok na nakatabing sa mukha bago ngumiti at tumango sa kanya.
"Talikod ka." Kinuha niya ang panali nito na nasa galang-galangan at itinali ang mahaba at natural na alon-alon nitong buhok. "Ayan." Muli niyang pinaharap sa kanya ang bata at tinitigan. Napakaganda nito, ang mga mata nito ay katulad ng sa ama nito ang kulay, bagaman magkaiba ang emosyong nakapaloob sa mga mata ng mag-ama.
Napakaputi ng bata at mamula-mula ang mga pisngi na kay sarap pisilin. Matangos ang ilong at ang mga labi ay maninipis, katulad ng sa kanya. Tanging mga mata at kilay nito, na makapal at maganda ang hugis, ang tangi niyang nakikitang namana nito sa ama.
Margareth was aware that there was something different with the kid. From the moment she saw her at her mother's garden, Brianna didn't utter even a single word. Was it just a case of speech delay or the kid was mute?
"How old are you?" She showed off her three fingers. "Are you scared with your Daddy?" Lumambot ang ekspresyon niya nang tumango ito sa kanya at napakagat sa mga kuko sa daliri. "Don't be, he's a good man, he won't hurt you." Nakita niya ang pag-aalinlangan nito ngunit kalaunan ay tumango rin.
Hinalikan niya ang magkabilang pisngi ng bata bago inayos ang mga putahe sa lulutuin nila. "Let's cook," aniya na ikinangiti nitong muli. She giggled with no sound and clapped her hands in excitement.
Niluto nila ang mga sinabi niya rito kanina. Saktong natapos sila ay bumaba si Achilles mula sa ikalawang palapag. Wala sali-salitang umupo ito sa hapag kasama nila at kasabay nilang kumain ni Brianna.
Nakakailang na katahimikan ang namayani sa paligid, mabuti nalang at naroon ang bata upang abalahin siya. Nang matapos silang kumain ay iniligpit niya ang mga pinag-kainan nila, nasa tabi parin niya si Brianna nang akma niyang huhugasan ang mga iniligpit. Subalit lumapat ang malaking kamay ni Achilles sa kanyang kamay at pinigilan siya.
Tila naman napaso ang binata at agad na binitawan ang kamay ng dalaga. "I'll wash the dishes!" he muttered coldly.
Tumango si Margareth at hiniwakan sa kamay ang bata, dinala niya ito sa sala at nakipaglaro rito nang ilabas nito ang mga laruing manyika. Hindi siya mapakali at patingin-tingin sa loob ng kusina. Napakalaki ng bahay na iyon subalit walang katulong ni isa. Kunsabay, mag-isa lang naman si Achilles doon bago dumating si Brianna.
Hanggang sa gumabi ay hindi na lumayo ang bata sa kanya. Hindi naman niya ito maiwan dahil umiiyak. Nakatulog ito habang nanonood sila ng palabas na paborito nitong panoorin.
She was looking at the kid who was sleeping on her bed peacefully. She loved Brianna already. Kahit na ngayon lang sila nagkakilala.
"You don't have to do this," untag ni Achilles na nakasandig sa hamba ng pinto. Nakatingin sa dalawang nasa ibabaw ng kama. Ang totoo ay kanina pa niya ito palihim na tinitingnan habang nakikipaglaro sa kanyang anak.
Nilinga ng dalaga ang binata sa kinaroroonan nito at inalayan ng isang masuyong ngiti. "I want to. She's beautiful, Achilles."
Napigil ni Achilles ang hininga nang marinig ang kanyang pangalan mula sa mga labi nito. The way she said his name was so mellow and alluring to his ears. His name was uttered as if it was a beautiful melody.
He felt like he was being punished with her presence. It was too long since he got a woman in his arms, though she wasn't his type, she was tempting him to envelop her in his arms and make dirty love with her. To her who was a novice!
Damn it to hell!