"MARAMING salamat, Kuya," aniya sa kapatid nang itigil nito ang sasakyan sa isang malaking bahay.
"Take care of the kids. Jasmin had some business to do and I'll be busy at work... Kids, listen to your Tita Margareth. 'Wag masyadong malikot," baling nito sa dalawang bata na nasa backseat na natigil sa pagbabangayan. Tumango ang mga ito at ngumiti sa ama.
"I'll watch over them, Kuya. Let's go babies." Lumabas siya sa sasakyan at binuksan ang backseat upang makalabas ang dalawang bata.
Hinawakan niya sa magkabilang kamay ang mga pamangkin at humakbang patungo sa gate ng malaking bahay. Agad niyang narinig ang tinig ng mga nagkakasiyahan nang papasukin sila ng guwardiyang nakabantay sa may gate.
Kiming ngumiti si Margareth sa mga nakakasalubong na hindi niya kakilala. Isang pamilyar na ginang ang nakita niyang pasalubong sa kanila. Nakangiti ito ngayon hindi gaya ng una niya itong makita sa labas ng bahay ni Achilles.
"Welcome, Dear. You're Margareth, right?" Nahihiyang tumango siya rito at tinanggap ang pagkikipag-beso nito. "And these are Harold's kids and Brianna's friend."
"Hello po!" the kids chorus and beam to the old woman.
"Do you want to play? Come on, let's go meet Brianna and the other kids." Hinayaan nalang niya ang mga ito at pinanood ang tatlo na patungo sa iba pang mga bata na nagkakasiyahan.
Inilibot niya ang mga mata sa paligid kung saan nakikita niya ang mga taong noon lang niya nakita. Naglakad si Margareth sa may gilid at naghanap ng mauupuan. Ngumiti siya sa matandang babae at lalaki na nakaupo malapit sa kanya, ngumiti naman ang mga ito pabalik.
Hindi pa man umiinit ang kanyang pang-upo ay muling tumayo si Margareth at nilapitan ang babaeng nakatalungko sa mga halamanan. Ilang minuto na niyang pinagmamasdan ang babae habang nakaupo at napagdesisyunang lapitan ito.
"May maitutulong ba ako?"
"Ayaw lumabas ni Bridgette," wika nito na hindi man lang nag-abalang mag-angat ng tingin.
Tumalungko si Margareth at tiningnan ang pinagmamasdan ng babae. Isang aso ang nakatago sa kasulok-sulukan ng mga halaman at nakasiksik roon kaya hindi nito iyon maabot.
"Aray! Ang sakit ng balakang ko!" daing ng babae nang makatayo ito ng tuwid. Napasinghap si Margareth nang pag-agat niya ng tingin ay mapansin ang mabilog nitong tiyan.
"Okay kalang ba? May masakit ba?" tanong ni Margareth sa masuyong tinig na siyang ikinagiti ni Niccola.
"Puwede mo ba siyang bantayan? Baka kung saan na naman magsususuot, I'll call for help."
Tumango siya rito at muling itinuon ang mga mata sa asong maliit.
Nang muling bumalik ang matangkad na babae ay may kasama na itong isang lalaki. Tumayo si Margareth upang mabigyan ng daan ang lalaki sa pag-abot sa asong ayaw lumabas.
"Is she okay, Maze?" Inabot ni Mason ang aso kay Niccola nang makuha nito iyon.
Nakangiting pinagmasdan ni Margareth ang dalawa. Sa larawan palang ay malalaman na ang relasyon ng mga ito. They look so in love.
Margareth was about to turn her back and leave the couple when the woman called her and offered her hand in a handshake. "My name is Niko, this is my husband, Maze."
Tinanggap niya ang pakikipag-kamay nito at ngumiti sa dalawa. "My name is Margareth. It's nice to meet you two."
"Margareth? As in Margareth Laurencio and Achilles' neighbor?" Mas namilog ang mga mata ni Niccola nang tumango si Margareth bilang kompirmasyon. Mabilis niyang ibinigay sa asawa ang aso at hinawakan ang kamay ni Margareth na nagulat sa kanyang ginawa.
"Careful!" sigaw ni Mason sa asawa nang patakbong hilahin nito si Margareth. Napapailing nalang siya habang nakasunod sa dalawang babae papasok sa malaking bahay.
"Guys! Meet my newfound friend, Margareth Laurencio," Niccola announced chirpily making everyone in that room looking in their direction.
"Margareth?"
"Margareth? Achilles' Margareth?"
"Shut up, Tyler!" anang babae na nakasuot ng jersey uniform at inundayan ng suntok ang lalaking kulay abo ang mga mata.
Sabay sabay ang tanong ng mga taong naratnan nila sa loob ng malaking bahay at nakaupo sa living room. Isang nahihiyang ngiti ang iginawad ni Margareth sa bawat isa sa mga ito na nakatutok sa kanya ang mga mata.
"Stop staring at her. Naiilang siya, 'wag masyadong tumingin, may magagalit," bulalas ni Niccola na ngumisi at kumindat kay Margareth na ikinangiti ng huli. "Those two are Tyler and Tara..." tukoy nito sa dalawa na nagbabangayan. "...that ugly man is my twin, Lucas..." The man named Lucas groaned and glared at Niccola.
Isa-sang ipinakilala ni Niccola sa kanya ang mga naroon na mga kamag-anak ni Achilles at Brianna. "...and those two are my younger sisters, Snow and Krishia." Tukoy nito sa dalawang babae na may kaparehong mukha na papalapit sa kanilang diresksiyon.
Napangiti si Margareth nang makita ang dalawa. Kilala niya ang isa sa mga ito na maituturing narin niyang kaibigan. Si Teacher Snow, na madalas na mag volunteer sa organization nila at sumasama sa mga liblib na dapit upang maturuan ang mga bata. Isa ito sa mga taong kinagigiliwan niya dahil sa pagtulong nito sa kapwa at sa kabutihan ng loob.
Naikuwento na nito sa kanya ang pagkakaroon nito ng kakambal bagaman ay ngayon palang niya ito nakikita. They look exactly the same in their appearance, but they feel different.
"Sister Margareth?" Binati niya ang guro maging ang kasama nito na may kapareho nitong mukha. Masaya siyang makakita ng kakilala roon.
Napatigil si Achilles sa pagpasok sa loob ng tahanan ng kanyang mga magulang nang makita kung sino ang pinagkakaguluhan ng kanyang mga pinsan. He can't help himself but admire the beauty he was seeing. Maganda na ito kahit simpleng damit at mahabang palda lang ang suot. This was the first time that he saw her in casual clothing. She was wearing a below-the-knee white dress and it suited her perfectly, her face was angelic and all that.
The smile on her face lighted up the whole room and he can't take his eyes off her. He was drawn to her like she was a magnet.
Napatigil si Achilles sa lihim na pagmamasid kay Margareth nang sapuin ni Brianna ang kanyang mukha habang karga karga niya ito. Nakalabing itinuro ng bata sa kanya ang direksiyon kung saan naroroon ang dalagang may magandang ngiti sa mga labi.
He heaved a deep sigh and walk towards the living room.
"Aki, you're here. Look who we have—"
"I see that," putol niya sa sasabihin ni Elize Niccola na abot hanggang tenga ang pagkakangisi sa kanya. Tiningnan niya ito nang may pagbabanta ngunit mas lalo lang lumapad ang ngisi nito.
Mabilis na bumaling si Margareth nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. After two weeks, she was seeing him again. Ayon na naman ang pagkabog ng kanyang dibdib habang pinagmamasdan ang lalaki.
Nagkatitigan sila ni Achilles ngunit naputol iyon nang magsalita ang batang karga nito na hindi niya agad napansin dahil nakatutok dito ang kanyang buong pansin.
"Mama!" Natahimik ang paligid kaya namula ang pisngi ni Margareth dahil sa salitang binanggit ni Brianna. Hindi niya mapigilan ang bata na tawagin siya ng ganoon. Isang araw ay narinig nalang niya itong tinawag siya ng Mama, and something inside her moved when she heard the kid call her that. It felt warm and distressing at the same time.
Iniumang ng bata ang mga malilit na braso sa direksiyon ni Margareth kaya agad siyang lumapit sa kinaroonan ni Achilles para makuha si Brianna mula rito na gustong magpakarga sa kanya.
Naiilang na nag-iwas siya ng tingin kay Achilles na nakatingin sa kanyang mukha.
"Mama, I miss you so much," Brianna said with a pout when she carried her in her arms. Sumiksik ito sa kanyang leeg at naglambing.
"She talked, right?" basag ni Niccola sa katahimikan na siyang unang nakahuma sa pagkagulat nang marinig na magsalita ang bata. Halos dalawang taon itong nanahimik, Brianna's doctor said that she was traumatized which was why she refused to talk or force herself not to.
Laking tuwa ng lahat nang marinig na magsalita uli si Brianna.
"You really look like mother and daughter. 'Wag ka na kayang bumalik sa kombento, sister, pakasalan mo nalang—"
"Tyler Dark Sanford! That was rude. Tumigil ka nga!" si Tara na binatukan pa ang kapatid na lalaki.
Tyler glared at Tara. "Bakit ba? Bagay naman silang dalawa. Para naman hindi na maging bugnutin si Kuya Aki at maglalasing habang binabanggit—"
"This is supposed to be a children's party. Bakit ang daming mga isip bata rito?" usal ni Achilles na seryoso ang mukha at tiim ang mga labi. Walang paa-paalam na tumalikod ito at pumanhik sa hagdan patungo sa ikalawang palapag ng bahay.
"ARE you going to keep on discretely staring at her forever? And acting like you are not affected at all by her presence? What will you do, Achilles Sanford? Will you just stand there in the dark doing nothing?"
Hindi nag-abalang lingunin ni Achilles ang pinsan na siyang bumasag sa katahimikang lumukob sa kanya bago ito dumating. Tinungga niya ang bote ng alak at sumandal sa railings ng teresa.
"You're a coward. You can't even tell her what you feel. Are you contented watching her from a distance?" patuloy ni Niccola nang makalapit sa kinaroroonan ni Achilles.
"I am not watching nor staring at her neither have feelings for her!"
"Yeah, and pigs do fly. You're a terrible liar, cousin. I know you and you can never fool me. You can fool yourself but Elize Niccola Villarama-Clarkson, nuh-uh." Niccola grinned smugly. Achilles can see that proud and arrogant smirk on her face despite the darkness.
"You're talking too much."
"You're drinking too much, don't tell me you are back to your addiction again? I swear I'm gonna beat the shit out of you!"
"Uhuh? Sana magmana kay Maze ang anak niyo. You're barbaric. And the hell, I was not an addict to alcohol!"
"Yeah?" ani Niccola sa naaaliw na tono. She was not offended at all, never have been. Sanay na siya rito at maging ito sa kanya. May mga pagkakataon ngang nagsisigawan na sila at nagkakasuntukan. But he never really physically hurts her, it's the other way around. Achilles was different before her son and wife died. He was the sweetest. He only shut his doors when they died in that ambush. But now, she's glad that he was finally seeing the light and his defenses were crumbling down. And it was because of that woman.
"I like her," Niccola uttered while staring at Margareth who was playing with the kids. Mula sa kinaroroonan nilang madilim na teresa sa ikalawang palapag ng bahay ay makikita ang mga taong nagkakasiyahan at ang mga batang naglalaro kasama si Margareth. "She's gentle and beautiful, from her façade to her core. She's amazing. Hindi kita masisisi if you are smitten by her. I mean look at her, she's glowing and everyone adores her. She'll make a good wife and a mother."
"What is it to me?" he asked indifferently. But Niccola knows well than what she's seeing and hearing. "Go back inside, woman. It's cold out here. Hindi ka ba hinahanap ng asawa mo? Gabi na and you should rest by now, you're pregnant in case you forgot."
"It's still early, cousin. And yeah, I know I'm pregnant, sa galing ba naman ng asawa kung mag—"
"Enough! Just you back there and leave me the hell alone! Bantayan mo ang asawa mo baka mauntog 'yon at matauhan."
"Nuh-uh, I doubt that. Your friend is head over heels with me, you know." She smiled proudly and tapped his cousin's shoulder before heading out. "Ah..." But before she left the terrace she stopped and look back at Achilles who had a frown on his face. "...you know, you should start early before it's too late. Baka mauntog at matauhan, bumalik pa sa pinanggalingan," makahulugang aniya at kumindat pa rito. "Ciao ciao. 'Wag masyadong maglalasing."
Sandaling natigilan si Achilles sa narinig. Wala sa loob na muling napunta ang kanyang mga mata sa ibaba kung saan naroroon ang dalaga at kalaro ang mga bata. He felt that force that kept on pulling him towards her. He managed to hold himself back for the past weeks, but the thread that kept him from doing so was thin.