CHAPTER 16

"THEY are here po kanina, Tita," anang pamangkin niyang babae nang makita nilang wala na roon si Brianna at ang anak na lalaki ng kanyang Kuya Harold.

Dinala niya sa CR ang pamangking babae ngunit pagbalik nila ay wala na roon ang dalawang bata. Wala na rin halos ang mga bisita dahil gabi na.

"Brianna, Gian?" tawag niya sa pangalan ng dalawa habang hawak sa isang kamay si Bea. Tiningnan nila ang mga halamanan baka naisipan lang magtago ng dalawa, ngunit wala ang mga ito roon.

Lumakad si Margareth sa likurang bahagi ng bahay habang tinatawag pa rin ang pangalan ng dalawang bata. Nakarinig siya ng ingay sa madilim na parte ng bakuran kaya nagmadali silang magtungo roon ni Bea.

"Stop crying, Brat! And you, go back there!" Narinig ni Margareth na asik ng isang babae.

Nagtaka ang dalaga ng makita ang tatlong tao na nasa madilim na parte ng likurang bahagi ng bahay. Karga ng babaeng nakasuot ng costume na pang-mascot si Brianna, habang si Gian ay hila-hila ang damit nito.

"Mama!" Mas lalong pumalahaw ng iyak ang bata nang makita siya nito. Bumaling sa kanyang direksiyon ang hindi kilalang babae na biglang nanlaki ang mga mata nang makita siya. "Mama, bad!"

"Shut up! She's not your mother, you brat!" Asik muli ng babae na lalong nagpaiyak sa bata. Walang habas nitong itinulak palayo si Gian na siyang ikinasinghap ni Margareth. Natumba ang bata at nagsimulang pumalahaw ng iyak.

Lumapit siya sa mga ito at itinayo ang kanyang pamangking lalaki. Kapagkuwan ay binalingan niya ang babae at akmang kukunin si Brianna subalit hindi nito ibinibigay ang bata.

"Ma'am, you cannot do this to the kid. She's scared," pakiusap niya sa babae.

"Why can't I? I'm her mother, I have all the rights!"

"Kausapin niyo nalang po si, Achilles—"

"Don't meddle with my business, I only want my daughter!" Tumalikod ito at akmang lalakad palayo ng pigilan ito ni Margareth sa braso at buong tapang na kinuha si Brianna.

"How dare you!" The woman shrieked and pulled Margareth's hair.

Nabigla si Margareth sa ginawa ng babae kaya wala siyang magawa. Niyakap niya ng mahigpit si Brianna upang hindi ito mahulog, hindi niya mapigilan ang babae sa pananabunot sa kanya.

Naiyak na siya sa sakit nang bigla nawala ang mga kamay ng babae sa kanyang buhok.

"Bitch! Bitch! Bitch!" sigaw ni Niccola na galit na galit. Hinila nito ang buhok ng babae at sinabunutan.

Puno ng pag-aalalang nakatingin si Margareth sa dalawa. Buntis si Niccola, baka kung ano ang mangyari rito at sa sanggol na nasa sinapupunan nito.

Inilapag niya si Brianna na kontodo parin ang iyak at lalapitan sana ang dalawa upang umawat nang biglang itinulak ng babae si Niccola ng buong puwersa.

She gasped and was horrified for a second. Relief seeped through her when Mason was there to rescue her wife. Maagap nitong nahawakan sa bewang ang asawa at napigilan ang pagkakatumba nito. Dumating din ang mga Sanford at naawat ang nagwawalang babae.

Umuklo si Margareth at mahigpit na niyakap ang tatlong bata na walang tigil sa pag-iyak.

"What are you doing here, you bitch?! May gana ka pa talagang pumunta rito, after what you did to Brianna?! Wala kang karapatan sa kanya, not even a single right! Get out of here, before I beat the shit out of you!" Galit na galit si Niccola, ngunit pinipigilan niya ang sarili dahil sa sanggol na nasa kanyang sinapupunan. Kung hindi lang siya buntis ay nagulpi na niya ito.

"Relax, Baby," ani Mason na pinayapa ang asawa. Maging ito man ay tiim ang mga bagang dahil sa nasaksihan.

"You are not welcome here, Harriet. Leave our family alone, do not come near us again or we'll file a restraining order against you. You gave up everything two years ago, including your rights with Brianna," Achilles' mother said with a straight face.

Tumawa si Harriet na tila ba nasisiraan ng bait. "It's her birthday. I just want to be with her, you're all arrogant and proud!" Harriet spat and threw a glare in Margareth's direction. "Come here, Brianna, I'm your mother!"

"No!" Mariing sagot ng bata na matigas na umiiling iling at mas lalong isiniksik ang sarili kay Margareth. "Mama, bad. She hurt Gian. Bad!"

"Sshh. It's alright, baby."

Muli na naman itong tumawa. "Mama? I'm your mother, Brianna!"

"You're bad! I hate you!" Brianna answered and Margareth can hear the anguish in the kid's voice.

"You are a brat! Kailan ka pa natutong sumagot?! I told you to keep quiet. Quiet! And do not leave your room. May mga bisita ako, 'wag kang lumabas ng kuwarto mo at 'wag kang maingay!" sigaw nito na nanlilisik ang mga mata.

"You're nuts!" Boses iyon ni Achilles na kalalabas lang ng bahay. Mabuway ang tayo nito dahil sa dami ng naimon. Lumapit ito kay Harriet at mahigpit na hinawakan ang braso ng babae. Kinaladkad nito ang nagwawalang babae palabas ng bahay ng mga Sanford.

Mabuti nalang at wala nang masyadong mga bisitang naroroon at tanging mga malalapit na kamag-anak ng mga Sanford nalang ang nanatili at siyang nakasaksi sa nangyayari.

Sumisigaw si Harriet at nagpupumiglas ngunit hindi ito makawala kay Achilles na nag aapoy ang mga mata sa galit.

"Leave us alone! You hear me?! Leave us alone!" Pasadlak na binitawan ng binata si Harriet na napasalampak sa lupa dahil sa kanyang ginawa.

Nakaramdam naman ng takot si Harriet dahil sa galit na nakikita niya sa mga mata ni Achilles. It was dark with anger. Mabilis siyang tumayo at tumakbo palapit sa nakaparadang van at mabilis na sumakay roon. Walang anu ano'y mabilis na tumakbo paalis ang van.

"Nakaka-stress siya, ha! She was happy to get rid of Brianna two years ago and she's coming back now? The nerve!" Niccola muttered in hatred.

"Maze, take your wife home. Magpahinga na kayo at masama sa buntis ang magpuyat at ma-stress. We'll deal with this," Mrs. Sanford said.

Nagpaalam ang mag-asawa sa lahat at nauna nang umalis.

Si Achilles ay naglakad papasok sa loob ng bahay nila kasunod ng kanyang mga kapamilya. Lumapit siya sa kinaroroonan ni Margareth na nakaupo na ngayon sa mahabang sofa. Mahigpit na nakayakap dito ang tatlong bata na tumahan na sa kakaiyak ngunit ayaw lumayo rito.

Hindi niya malaman ang gagawin, gusto niya itong yakapin ng mahigpit ngunit ayaw gumalaw ng kanyang mga paa at nanatili lang na nakatingin dito habang mahigpit na nakakuyom ang mga kamao.

"Are you okay, Hija? I'm sorry you have to see that." Apologetic ang tono ng ama ni Achilles na si Alexander.

"Okay lang po ako." Ngumiti si Margareth sa mga ito na nakatunghay sa kanya habang nakalarawan ang pag-aalala sa mga mukha. Kahit na nararamdaman parin niya ang sakit sa kanyang anit dahil sa pagkakasabunot ng babae, halos matanggal na ang kanyang buhok sa paghila roon ni Harriet.

"No! You're not okay! Damn!" singhal ni Achilles at muli na namang nag walk out. Tinawag ito ng ama nito ngunit hindi ito nakinig at tuloy-tuloy na umakyat sa ikalawang palapag ng bahay.

"I'M sorry for what happened, Margareth."

Nginitian ni Margareth ang lalaking nagmamaneho kahit na hindi nito iyon nakikita. Kasalukuyan sila nitong ipinagmamaneho pauwi. Nakaupo siya sa backseat habang yakap ang dalawang pamangkin.

Malalim na ang gabi nang makaalis sila sa bahay ng mga Sanford dahil ayaw kumalas ni Brianna sa kanya. Pinatulog muna niya ito bago sila nakaalis pauwi. Ang kanyang mga pamangkin ay nakatulog narin. Hindi sila nasundo ng kanyang Kuya Harold dahil may emergency surgery ito sa ospital at ang kanyang Ate Jasmin na asawa nito ay nasa biyahe pa pauwi galing sa probinsiya. Tatawagan na sana niya si Vince upang magpasundo nang magpresenta ang kapatid ni Achilles na ihatid sila.

"It's okay, Apollo. You don't have to apologize, okay lang talaga ako." Mula kanina ay ilang beses na siyang nakarinig ng paumanhin mula sa pamilya. Seriously, she was really okay, yes, she was shocked but she's fine.

"You sure?" She answered him yes. "If you say so... But I guess someone here is definitely not okay," wika nito na sandaling sinulyapan ng tingin ng nakakatandang kapatid na nasa passenger seat at humihilik. Nakatulong na ito sa sobrang kalasingan. He insisted on going back to his house than staying at their parent's house for the night. Apollo was certain that he knew the reason why his brother was acting this way.

Mabait si Apollo kahit na maypagka-istrikto ang mukha kaya palagay ang loob ni Margareth dito. Nagkuwentuhan sila hanggang sa makarating sa subdivision nila.

Tinulungan siya ni Apollo sa kanyang mga pamangkin papasok sa kanilang bahay. Nagulat pa si Nanay Caring na gising pa.

Pagkalagak sa mga bata sa tulugan ng mga ito ay sumunod si Margareth kay Apollo palabas. Kasalukuyan nitong binubuksan ang kotse at ginigising ang kapatid.

Lumapit siya at tinulungan ang binata na ipasok ang lasing na lalaki sa bahay nito.

"I'll call home para may magbantay sa kanya. I have a flight in the next two hours," Apollo muttered and was about to call for someone when Margareth stopped him.

"I-I can look after him," she muffled shyly.

"Are you sure?" She nodded her head and smiled at him. "Great, I'll leave him to you. If he does anything bad, just call for help. Or just punch him hard."

Nang makaalis si Apollo ay pinagmasdan niya ang mukha ng natutulog na lalaki. Hindi niya maialis ang mga mata rito. Ilang sandali niyang pinag-aralan ang hulma ng mukha ni Achilles, mula sa mga makakapal na kilay, sa prominenteng ilong, hanggang sa mga labi nito.

Hindi mapigilan ni Margareth ang pag-angat ng kamay at akmang dadampian niyon ang mukha ni Achilles nang bigla itong magmulat ng mga mata.

Namula ang magkabilang pisngi ng dalaga nang mahuli siya ni Achilles. Akmang ibababa niya ang kamay ng bigla nito iyong hawakan. He was staring intently at her and her insides went haywire with his stares.

"U-Umalis na ang kapatid mo," mahina niyang wika na binasag ang katahimikang bumalot sa paligid. Akmang tatayo siya sa kama at hihilahin ang kamay na hawak hawak ni Achilles nang bigla siyang higitin nito. She landed perfectly on top of him and their face and body was too close for comfort. Hindi niya maintindihan ang pagdagundong ng kanyang dibdib, ang biglang pagkawala ng hangin sa kanyang katawan dahil sa malamlam nitong mga mata na nakatingin sa kanya.

Hindi siya tumutol nang hawakan nito ang likuran ng kanyang ulo at hinila iyon pababa. Nagsalubong ang kanilang mga labi na ikinapitlag niya. Hindi siya sanay sa halik bagaman ay nararamdaman niya ang epekto niyon sa kanya. Kinakabahan siya ngunit hindi nawawala sa kanyang pakiramdam ang tamis ng mga labi nitong nakalapat sa kanya.

Simpleng paglalapat lang ng mga labi para sa karamihan ang naganap ngunit para kay Margareth ay napaka intimate niyon. At wala siyang makapang pagsisisi sa kanyang dibdib dahil hinayaan niya ito.

Pinakawalan ni Achilles ang pagkakalapat ng kanilang labi at inayos siya ng higa sa tabi nito. Nakatagilid silang nakahiga at nakaharap sa isa't isa. Nakaunan siya sa isa nitong braso at ang isa naman ay nakapalibot sa kanyang katawan.

He was caressing her cheek gently and staring straight at her dark eyes. Sinalubong ni Margareth ang titig ng binata, nawala ang kaba sa kanyang dibdib bagaman ay kumakabog parin iyon ng malakas sa ibang dahilan.

"Stay," he uttered in a low voice, it was almost in a whisper. "Stay beside me," he begged with his eyes. Margareth couldn't believe that she saw that, Achilles don't beg, he was cold and emotionless most of the time.

Walang pag-aalinlangan na tumango si Margareth dito. Humigpit ang pagkakayapos ni Achilles sa kanyang katawan at lalo hinila siya palapit.

Hinalikan ni Achilles sa noo si Margareth bago ipinikit ang mga mata at bumalik sa pagtulog.

"I guess I found an answer now," usal niya na nakatingin sa mukha nang binatang natutulog. Ipinikit niya ang mga mata at umusal ng dasal. "I'm sorry, father. I broke my promise, I hope that you are not disappointed in me." Everything was clear to her now, though she's scared, she was certain now about the things that she wanted to do and accomplished.

She opened her eyes again and was greeted by his face. "I found the answer," she muttered convincingly before closing her eyes to sleep while she was in his arms.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.