"WHAT is she doing here?" She can't help herself but ask him and feel wary about what she had seen.
Sandaling tinitigan ni Achilles si Margareth at pinag-aralan ang reaksiyon nito. Isang naaaliw na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi nang makita ang ekspresyon sa mukha ng dalaga.
It was the first time he had seen her with this kind of expression. The smile that she always had for everyone was missing and her brows were puckered. At bagaman ay hindi ito nakasimangot ay masasabi niyang hindi nito nagustuhan ang nakita.
His amused grin grew wider and tweaked her nose softly, she wrinkled it in return and glared at him. Achilles chuckled in amusement and adoration. This was the first time he had seen this side of her.
"Kukuha lang ako ng pamalit ni Brianna," wika ni Margareth at akmang tatalikuran si Achilles nang higitin siya nito sa braso sabay gawad ng isang halik sa kanyang noo.
Hindi inaasahan ni Margareth na makaramdaman ng ganoong emosyon, nang makita niya ang ina ni Brianna sa labas ng bahay ni Achilles ay hindi niya maiwasang manibugho. She saw them kissing, no, she saw the woman kissing Achilles before getting in in her car and drove away. Galing siya sa bahay ng kanyang Kuya Harold na nasa kabilang block lang dahil doon naglalaro ang mga bata, at kung hindi pa niya naisipang kuhanan ng pamalit si Brianna ay hindi niya makikita ang pagtungo roon ng babae. She didn't know that she was capable of welcoming this emotion.
Hindi na siya nakapalag nang igiya siya ni Achilles patungo sa kinaroroonan ng couch. Her face turned red when he sat on the couch and pulled her on his lap. Nag-akma siyang tatayo ngunit tila bakal ang mga braso nitong nakapulupot sa kanyang bewang.
He brushed his lips in her shoulder like a feather-light caress. Margareth shivered when his kissed brought those tingling sensations to a certain part of her body.
"She bid her goodbye and express her regrets. She'll fly to the states and will enter an asylum for the mentally ill. She admits that she's slowly losing it, hallucination, delusions and kinds of stuff." Margareth gasped at what she heard, she felt sympathetic towards the woman, she's Brianna's mother after all.
"I'm sorry." Mababa ang kanyang tinig at maririnig ang pagsisisi roon dahil hinusgahan niya agad ang intensiyon ng babae sa pagpunta sa bahay ni Achilles. "I thought she was here to rekindle an old flame." She mumbled, shamefaced and avoided his gaze. She bit her lip and settled her eyes on the tiled floor.
She glanced back at him when she felt his body tremors, he was muffling his laugh and there was a gleam of amusement in his eyes. Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Margareth nang makita ang masayang mukha ni Achilles. Warmth spread in her chest with the sight of him, this was her goal, seeing him smile in happiness, a true smile for that matter
Kinuha ng binata ang kanyang kamay at dinala sa mga labi nito upang gawaran ng pinong halik habang hindi inaalis ang pagkahinang ng kanilang mga mata. "You are jealous," sabi nito sa kanya na ikinapulang lalo ng kanyang pisngi, nag-init din ang kanyang leeg at mga tainga. "There is no flame to rekindle, my sweet. Hindi kami kailanman naging malapit sa isa't isa sa totoong kahulugan niyon. She's just the mother of Brianna, that's just it."
"Paano kung maghabol siya kay Brianna, sa... inyo?"
"Walang hahabulin dahil inalis niya mismo ang kanyang karapatan upang maghabol dalawang taon na ang nakakalipas..." Naramdaman ni Margareth ang paghigpit ng pagkakahawak nito sa kanyang bewang bagaman hindi sapat iyon upang makasakit. "...she never wanted Brianna from the beginning, she planned on getting rid of the baby inside her womb but I managed to stop her."
"That's cruel." Hindi maiwasang bulalas ni Margareth sa narinig. Nanikip ang kanyang dibdib maging ang kanyang lalamunan. How can someone be that heartless? Women like her were blessed that they can bear a child in their womb, some women were struggling hard to get pregnant and others don't have the ability to bear children.
She sniffled quietly and pushed back the tears from the corner of her eyes.
Tumango si Achilles at masuyong hinaplos ang kanyang pisngi bago nagpatuloy, "When Brianna was born, she never cares, she gets rid of the baby the moment the world welcome Brianna, my mother took the baby in. I was irresponsible and all I ever do was drunk myself to oblivion, that was the only thing I can do to forget my dead wife and son, at least for a while." He smiled at her as if telling her that he was alright and those were just memories to remember.
Matamang nakikinig si Margareth dito, sa wari ay iyon ang unang beses na naglabas ng damdamin si Achilles at gusto niyang marinig ang lahat ng iyon. "I was not ready to be a father in those times, I was not in the sound state to take a baby in. Although she had no father or mother by her side, Brianna lives through it, she's brave. But two years ago, Harriet appeared on our doorsteps and she was claiming the baby. Hindi agad nakahuma sila Mom sa pagkabigla hanggang sa makuha na ni Harriet si Brianna at dalhin sa condo niya. Iyon ang naging dahilan kung bakit natrauma si Brianna. She will always yell at her and telling her to shut her mouth.
"Sinubukang kuhanin nila Mom pabalik ang apo nila ngunit nagmatigas ang taong nagluwal kay Brianna. Harriet asked for money kapalit nang pagbibigay ng full custody sa bata, hindi pumayag ang pamilya ko at umabot kami sa korte. We win the case, hindi siya karapat-dapat mag-alaga ng bata ayon sa hatol ng judge. But, wasn't I in her shoes too? Wala rin ako sa tamang pag-iisip para mag-alaga ng bata." Marahang pinisil ni Margareth ang palad ni Achilles nang maramdaman ang paggaralgal sa boses nito.
"My family made a bargain with her, they offer her money kapalit nang hindi na ito maghahabol at pagtalikod sa karapatan nito kay Brianna. They made a written agreement, it was even notarized." Iyon na marahil ang katapusan ng pagbabahagi ito dahil tumigil sa pagsasalita ang binata. Panay ang hugot nito ng hininga na tila ba pinipigilang umalpas ang damdamin.
Dumapo ang mga palad ni Margareth sa magkabilang pisngi ng binata at itinaas iyon mula sa pagkakayuko. She smiled at him reassuringly. "It is all in the past now, Aki. You need to live in the present and let go of the things that troubles-" Hindi niya naituloy ang sasabihin nang bigla nitong inanggulo ang kanyang mukha at hinila ang kanyang ulo upang siilin ng halik ang kanyang mga labi.
She was completely drawn to him like a moth to a flame. She was completely smitten and a prisoner of his love. He stripped off her inhibitions and meekness and he brings out the goddess in her.
She encircled her arms around his neck and return his kisses. She was enjoying his warmth and that delirious sensation when suddenly he pulled himself back and break that enchanting moment. Margareth almost groaned in protest, she bit her lips instead.
Habol ang hininga na naghinang ang kanilang mga mata habang unti-unting humuhupa ang init na kanina lang ay tumutupok sa kanila. "I love it when you calls my name, it made me lose my mind, my sweet Margareth."
"Aki," she whispered softly, trying to play him a little. Isang ungol ang kumawala sa mga labi nito, umiling-iling at humigpit ang hawak sa kanya. Nakangiting tinitigan ni Margareth ng ilang sandali si Achilles bago naisipang tumayo, subalit naroon parin sa kanyang katawan ang mga kamay nito na hindi nagpatinag. "Aki, kailangan kong kumuha ng pamalit ni Brianna." Nang bahagyang lumuwag ang pagkakahawak ng binata sa kanya ay sinamantala iyon ni Margareth at mabilis na umalis sa kandungan nito.
Isang naliligayahang ngiti ang sumalay sa kanyang mga labi nang makatalikod siya sa binata at makahakbang patungo sa hagdan. Gayundin ang lumarawan sa mukha ni Achilles habang pinagmasdan ang dalagang patungo sa ikalawang palapag ng kanyang bahay.
They look like lovesick fools with those tremendous smiles on their faces. They just can't stop their hearts to be happy and contented with what they had. It was beautiful and magical for Margareth and Achilles.
Achilles never regretted the decisions he made. He never regretted letting go of the past and embracing his present and dreamingly eyeing the future with her. She healed his broken heart and revived his dying soul. She brought him to light, made him see the stars and the colors in his once dark life when his wife and son died.
Margareth brought him back to life. At ipinapangako niya sa sariling proprotektahan niya ang magandang ngiti sa mga labi nito habang siya'y nabubuhay.
"LET'S go outside?" Nakangiting binalingan ni Margareth si Brianna na kapareho niyang nakadapa sa rug na nasa loob ng kanyang silid.
Ibinaba nito ang hawak na lapis at nakangising tumango sa kanya.
Nakarinig si Margareth nang pagparada ng mga sasakyan sa labas at inakalang si Achilles na iyon.
Iniligpit muna nila ni Brianna ang mga ginamit nila sa pagguhit bago lumabas ng silid upang bumaba.
"Grandmi," hiyaw ni Brianna habang pababa sila ng hagdan.
Napamulagat siya nang makita ang mga taong papasok sa kanilang bahay. Pamilyar ang mga naroon sa kanila, subalit hindi niya alam kung bakit sila nandoon.
"Anong nangyayari?" bulong niya sa kanyang sarili. Nakakunot ang noong nilinga niya ang kanyang mga magulang na parehong nakangiti sa kanya. Maging ang tatlo niyang kuya, ang pamilya ng kanyang Kuya Harold at ang kasintahan ni Cael ay naroon at si Nanay Caring.
She carried Brianna in her arms when their feet reached the landing. Lalapitan niya sana ang kanyang mga magulang upang magtanong nang sumalubong sa kanya si Achilles.
Alanganin siyang napangiti nang makita ang ekspresyon sa mukha ng kanyang kasintahan. Nakikita niya ang kaba sa mga mata nito bagaman ay naroon din ang matinding determinasyon.
"Do it na, Daddy, I'm hungry na po," saad ni Brianna na karga niya. Tatanungin niya sana ito kung ano ang ibig nitong sabihin nang biglang lumuhod si Achilles sa kanyang harapan na ikinasinghap niya.
Tumikhim ito kasabay nang paglabas ng isang kahita mula sa bulsa ng pantalon. Gamit ang isang kamay ay natuptop ni Margareth ang bibig dahil sa pagkagulat. Nagsimulang magtubig ang kanyang mga mata nang mapagtanto kung ano ang ginagawa nito.
"I-I don't know where to start... Ahm, I love you so much, Margareth Laurencio, and I want to get old with you... Will you marry me?"
Tuluyang nalaglag ang luha mula sa mga mata ni Margareth. Nang ilibot niya ang paningin sa paligid ay nakita niya ang mga taong mahalaga sa kanila ni Achilles na naroon. Ang kanyang pamilya, ang mga magulang ni Achilles at mga pinsan nito. Nakita pa niya ang luhaang mukha ng ina ni Achilles at ng kanyang ina, ang lahat ay may ngiti sa mga labi.
Hinalikan ni Brianna ang mga luha paalis sa kanyang pisngi kaya napatingin siya sa bata, nakangiting tumango ito sa kanya.
Binalingan niya ang binata kasabay ng pagsilay ng isang masayang ngiti sa kanyang mga labi. "Y-Yes, I'll marry you, Aki."
Narinig niya ang hiyawan ng lahat nang iligay ni Achilles sa kanyang daliri ang singsing at siilin siya nito ng halik sa harap ng kanilang pamilya.
"My Daddy and Mommy," sabi ni Brianna na siyang nagpahiwalay sa dalawa. Yumakap ito at sumiksik kina Margareth at Achilles.
"Bakit narito silang lahat?" mahinang tanong niya kay Aki patungkol sa pamilya nito. Lampas sampung katao ang kasama nito na nagtungo sa bahay ng kanyang mga magulang.
"Mamamanhikan kami," nakangiwing sagot ni Achilles na nakatingin sa kanyang pamilya. He even saw his cousin Elize Niccola gave him a thumbs-up and mouthed a good job.
Umawang na naman ang mga labi ni Margareth sa sinabi nito. Hindi siya nakapaghanda at totoong nagulat siya.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" aniya bagaman walang pang-aakusa sa kanyang tinig.
"It's a surprise po, Mommy. I'll call you Mommy na po from now on. I love you both po."
"I love you, Brianna." Sabay halik sa pisngi ng bata. "I love you, Aki."
Achilles smiled lovingly at his sweet Margareth.