CHAPTER 18

HINDI niya alam kung ilang oras na siyang nakakakuha ng tulog nang marinig ang mahinang katok sa labas ng pinto mula sa balkonahe.

Umalis siya sa kama at lumakad upang tingnan kung ano iyon. Nilihis niya ng bahagya ang blinds na nakatabing sa salaming dingding. She figured that it was a man who was outside her door when she saw his built.

Binuksan niya ang ilaw sa labas ng kanyang balkonahe at nang makita kung sino ang taong nasa labas ay agad niyang tinungo ang pinto at pinagbuksan ito.

Umaabot ang anggi doon kaya basa ang damit ng binata. Malakas ang ulan at nagngangalit ang kalangitan.

"Achilles?" aniya na hindi matukoy ang dahilan kung bakit ito naroon ng dis-oras ng gabi.

"Do you mind if I come in?"

Hindi na siya nagdalawang-isip at hinila ito papasok dahil lalo itong nababasa sa ulan. Agad niyang isinarado ang pintuan at nang balingan niya si Achilles ay nakita niya itong pinalibot ang mga mata sa loob kanyang silid.

"What are you doing here? Basang-basang ka," humakbang siya palapit sa closet at kumuha ng tuwalya at ibinigay rito. "Wait here," aniya sa binata na abala sa pagpupunas ng katawan.

Maingat na lumabas si Margareth sa kanyang silid at naglakad patungo sa silid ng kanyang nakakatandang kapatid na lalaki na si Cael. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at sumilip sa loob, tama ang hinala niya, wala doon ang kanyang kuya at marahil ay nasa guestroom na tinutuluyan ng nobya nito.

Kumuha siya roon ng t-shirt at sweatpants at muling bumalik sa kanyang silid. Pagpasok niya ay nakita niya si Achilles na tintingnan ang mga larawang nasa loob.

"Magbihis ka muna baka magkasakit ka." Sabay bigay rito ng mga damit na agad naman nitong tinanggap, kapagkuwan ay pumasok sa loob ng kanyang banyo.

Umupo siya sa kanyang kama at hinintay itong matapos sa pagbibihis. "How did you get here?" she asked when he stepped outside her bathroom.

"I climbed my way in," he answered, his eyes were fixated on her.

She gasped and grabbed his arm closer to her to check if he's hurt. She was relieved when he didn't see any bruises on his body. "You are not supposed to be here, Achilles," she muttered while looking at his piercing eyes. "Hindi magandang... tingnan," dagdag niya sa mahinang boses.

Natigilan si Achilles at tinitigan si Margareth, sandaling tinimbang ang mga sinabi nito. He sighed and muttered, "I'm sorry I've interrupted your sleep, you back to bed."

Paalis na ito sa kanyang silid nang pigilan niya ito. "You...You can stay."

"Sure?" She nodded her head and tuck herself into the comfort of her bed. Pumasok siya sa loob ng comforter at nahiga. Si Achilles naman ay umupo sa kabilang panig ng kama at sumandal sa headboard.

"Are you okay?" basag ni Margareth sa katahimikan nang ilang sandali ang lumipas ay tahimik lang ito at nakapikit ang mga mata. He must've a reason why he was at her room right at that moment.

"Hmm." Nagmulat ito ng mga mata at tumutok sa kisame ng kanyang silid. "Today is Claudine and Mark's death anniversary."

Parang may kumurot sa dibdib ni Margareth nang marinig ang sinabi nito. Minsan man mula nang magkalapit sila ay hindi niya ito magawang tanungin ng mga bagay tungkol sa namayapa nitong asawa at anak.

She had seen his late wife and she was beyond beautiful. Achilles doesn't have a single photo of them in his house, but Tita Melissa showed her the photographs of Claudine and Mark when she once visited Brianna at the house of Achilles' parents.

Melissa shared a thing or two about Claudine and Mark. Losing them must be very tough for Achilles, she understands why it broke him.

"Your late wife and son," aniya. Nakita niya ang pagkunot ng noo ni Achilles ngunit hindi parin siya tinapunan ng tingin. "Your mother told me about them... I'm sorry, I didn't mean to pry," paumanhin niya sa mababang boses.

"I was the reason that they've died. It was partly my fault."

Tumaas ang kanyang kamay sa kamay ni Achilles na nakakuyom sa kandungan nito. Ibinuka niya iyon at inihugpong ang kanilang mga daliri. "You loved them very much."

Doon bumaling sa kanya si Achilles at tinitigan siya sa mga mata. Dumapo ang mga daliri nito sa kanyang pisngi at hinawi ang hibla ng buhok na tumatabing sa kanyang mukha. "I will always love them."

"You... you love her very much." Hindi matukoy ni Margareth kung saan nanggagaling ang kurot sa kanyang dibdib. Hindi man iyon magandang damdamin ay nakakaramdam marahil siya ng panibugho sa babaeng minahal ni Achilles.

"I do love her," Achilles answered, he was still caressing her cheek. "I've met her when we were in college. We became friends." Ilang taon silang magkaibigan ng namayapa niyang asawa na si Claudine. Hindi niya alam na habang lumilipas ang mga araw ay lumalalim ang nararamdaman nito sa kanya. He loved her as a friend. But one night, something happened to them. Umamin si Claudine na plinano nitong lasingin siya dahil may nararamdaman ito sa kanya. She confessed her feelings for him, that she loved him as a man despite that they were the best of friends.

Galit na galit siya no'n rito dahil sa ginawa nito. Hindi niya kinausap ang kaibigan hanggang sa malaman niyang nagdadalangtao-ito. Sandali niyang kinasuklaman ang kaibigan, kakapasok lang niya sa AFP noon at iyon ang balitang sumalubong sa kanya. He became a father when he least expected it. He had no choice but to marry his bestfriend.

Sa mga unang linggo ng pagiging mag-asawa nila ay hindi mabuti ang trato niya rito, subalit unti-unting nawala ang galit niya rito at tuluyang natanggap ang kanilang kalagayan. Lalo silang naging malapit at masasabi niyang naging maayos ang kanilang pagsasama sa kabila nang lagi siyang wala sa tahanan nila dahil sa kanyang trabaho. Until that ambush happened, he had an ample of regrets. His time and effort was not sufficient, kung sana ay naglaan siya ng mas maraming oras sa mag-ina niya noong nabubuhay pa ang mga ito.

He sighed and stared at Margareth's beautiful face. "But I love you more than everything else."

Napasinghap si Margareth at umawang kanyang labi sa pagkabigla. Pakiramdam niya ay tumigil ang tibok ng kanyang puso at nawalan ng hangin ang kanyang baga. Nakahuma lang siya nang dumukwang ito palapit sa kanya at inilapat ang mga labi sa kanyang pisngi.

"Ma... Mahal mo ako?" kompirma niya sa narinig sa nauutal na tono.

"You save my dying heart and my shattered soul, my sweet. If wanting to stay beside you until my last breath and finding happiness in your arms is not love, then what could it be? My happiness is in your hands, Margareth."

"Oh, Achilles. Mahal din kita," madamdamin niyang usal kasabay nang pagtulo ng mga luha ng kaligayahan mula sa kanyang mga mata. Hinawakan niya ang kamay ng binata na nasa kanyang pisngi at ninamnam ang init na nagmumula roon.

"I know. I can see it in your eyes. It gave me the courage to pursue what I want to have. And I want to have you, I want you in my life. You're staying with me, Margareth," he said with conviction and wiped the tears away from her face. Hindi niya hahayaang bumalik ito sa kumbentong pinanggalingan nito. He had her now and he promised to himself that he will keep her by his side.

"Hindi na ako makakabalik, Achilles. It is not the right thing to do, hindi ako puwedeng bumalik dahil nagbago ang laman ng puso ko. I cannot give my whole life with him when I'm in love with you."

Umupo mula sa pagkakahiga si Margareth at dinampian ng halik ang mga labi ni Achilles. Isang ngiti ang iginawad niya rito pagkatapos, and that almost sent him to edge. She wasn't even aware of how her mere smile affects him.

Ikinakunot ng noo ni Margareth ang pagtaas baba ng dibdib ni Achilles. Nakaramdaman siya ng kahungkangan ng mabilis itong umalis sa kama at binitawan ang kanyang mga kamay.

"You didn't know what you're doing to me, Margareth Laurencio. I have to go. I should've been here in the first place." Rinig niya idinagdag nito bago tuluyang lumabas sa kanyang silid.

Naiwang nagtataka si Margareth sa naging reaksiyon ng binata. What did she do?

NAPAKUNOT-NOO si Achilles nang makita ang tatlong lalaki na nasa labas ng kanyang bahay. Iginarahe niya ang kanyang motorsiklo bago nilapitan ang mga ito.

"Inom?" wika ni Cael sabay taas ng alak na dala. Maging ang dalawa pang lalaki ay may bitbit ring inumin sa mga kamay.

Habang tinititigan ang tatlo na pilit na pinupormal ang mga mukha ay doon napagtanto ni Achilles ang dahilan kung bakit naroon ang mga ito.

Tinanguan niya ang magkakapatid na Laurencio at binuksan ang pinto ng kanyang bahay. Hindi na niya kailangang imbitahan ang mga ito dahil tuloy-tuloy ang mga itong pumasok sa malawak na sala at nagkanya-kanyang upo.

Napapailing na tinungo niya ang kusina at kumuha ng shot glass. Nang makita ang homemade mac and cheese sa loob ng ref ay bahagyang umangat ang dulo ng kanyang labi sa isang ngiti. Dinampot niya iyon at ang garapon ng mga cookies.

Dinala niya sa sala ang mga iyon kung saan naroon ang tatlong lalaki.

"Ano yan?" nakangiwing tanong ni Vince. "Seriously, man? Wala bang kahit junk foods diyan?"

He shrugged his shoulders and smirked. "That's my only food. She made that."

"Gawa naman pala ni bansot. Okay na 'yan," si Cael bagaman ay nakangiwi rin.

Umangat ang sulok ng kanyang labi sa isang ngisi kasabay nang pagtanggap ng baso mula kay Harold.

He knew the reason why the men were there, but he would let them open up first. He admitted that he felt a little uneasy, they were Margareth's brothers after all. Three of the most important people in her life and Achilles wanted them to accept him for Margareth.

He considered them as his friend and it was important for him to get their approval. Vince and Cael saved his life once and Harold always treats the wound he got from his job.

"I love her," deklara niya nang lumipas ang ilang minuto at wala pa ring sinasabi ang mga ito. Inunahan na niya. "I'm not going to hurt her intentionally, I will love her unconditionally. I love her so much that I can't breathe without her. Kahit sino pa ang tumutol I will still have her, I won't give up on her."

"Wow, man, wala pa nga kaming sinasabi, eh. Bumubuwelo palang ako," manghang bulalas ni Cael at napailing-iling, subalit agad ding sumeryoso ang mukha nito. "We trust your words, Sanford. Never hurt her, know what will happen to you if you will."

"I know you went to her room the other night. I saw you climb the wall and I saw how Gareth let you in. And I must admit that you earned my trust when you held yourself back and respected my sister. We love her so much and we won't just stand in one corner if you'll do something foolish. Keep your words, man."

Achilles nodded at them. He understands them, that was what brothers do. He even threatened Mason before he married his cousin Elize Niccola.

"Wala ka bang sasabihin?" tanong ni Cael kay Harold na kanina pa tahimik at nagmamasid sa kanila habang umiinom.

Umangat ang sulok ng bibig ni Harold at tumango kay Achilles sabay taas ng shot glass. "Cheers... Welcome to the family, man."

"Very lousy, you're getting old, bro," tudyo ni Cael ngunit tumalima naman at itinaas ang kopita.

Achilles was relieved that he had their trust and he will work hard to never break it.

Simula nang magkalapit sila ni Margareth ay hindi na siya masyadong umiinom, ngunit tinatanggap pa rin niya ang ibinibigay ng mga kapatid nito. Tinatamaan na siya ng alak na nainom at si Vince ay bagsak na sa sofa.

"Mga Kuya?"

Ang malamyos na boses na iyon ang pumukaw sa atensiyon ni Achilles. Agad na sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi nang makita si Margareth na pababa ng hagdan. Naghihikab pa ito at nagkukusot ng mga mata. Nakatulog marahil ito habang pinapatulog si Brianna. Galing siya sa talyer kanina at gabi na nga nakauwi.

"Bakit kayo nandito. Kuya Vince, gising!" Bahagyang kinurot ni Margaret hang pisngi ng kapatid na lupaypay na. "Kuya Harold, Kuya Cael, gabi na masyado naglalasing pa kayo," pangaral nito subalit napakalambing pa rin ng boses nito. "Tayo na, uwi na, ang dami niyo nang nainom." Napangiwi si Margareth nang makita ang mga bote ng alak sa center table.

"Hey!" tawag ni Achilles dito at hinuli ang kamay nito pagkatapos ay hinalikan. "Thank you and goodnight."

Hinaplos ni Margareth ang pisngi nito bago nginitian at binalingan ang mga kapatid na nakatingin sa kanilang dalawa.

"Tayo na, uuwi na tayo." Hinila niya patayo ang tatlo at pinalabas, si Cael ay nakaalalay kay Vince na hindi na halos makalakad. Ang Kuya Harold niya ay kumaway bago nilakad ang patungo sa kabilang block kung nasaan ang bahay nito.

Binalingan ni Margareth si Achilles na nakasunod sa kanila sa labas. Hinawakan niya ito sa magkabilang braso at tumingkad upang mahalikan ito. "Goodnight, tulog ka na."

Hindi makatiis si Achilles at hinapit sa bewang ang dalaga at siniil ng halik.

"Bansot, let's go home!" sigaw ni Cael na nagpahiwalay sa dalawa.

"See you tomorrow." Kumaway siya kay Achilles habang nakangiti bago sinundan ang mga kapatid.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.