Chapter EPILOGUE

AND there she was. Sitting on the bench, looking so radiant and sleek.

Napatigil si Achilles sa paghakbang at tinitigan ang dalagang nakaupo habang may kargang sanggol sa mga bisig.

May ngiti sa mga labi nito habang kinakausap ang bata sa maliit na boses.

Habang pinagmamasdan ang tanawing iyon ay unti-unting nagapi ang pangamba sa kanyang dibdib. Dahan-dahang humakbang ang kanyang mga paa palapit sa kanyang kasiyahan.

Naramdaman ni Margareth na may umupo sa kanyang tabi ngunit hindi siya nag-abalang lingunin ito. She knew it was him, her heart knew.

"He's beautiful, isn't he?"

"Why did you run away from me?" Sa halip na sagutin siya ay iyon ang itanong ni Achilles. Walang pag-aakusa sa boses nito bagaman naroon ang pagdadamdam.

Hinagkan niya ang pisngi ng baby bago nagtaas ng tingin sa binata. Nagsalubong ang kanyang paningin at malaya niyang nakikita ang pagmamahal sa mga mata ni Achilles.

"I'm sorry I left," saad niya pagkatapos ng mahabang katahimikan. "Akala ko iyon ang tamang gawin ngunit sa pananatili ko rito ay nakamit ko ang kalinawan ng kaisipan." A day after he left for his job she made a decision where she thought was the best thing to do. Sinimulan niyang isulat ang mensahe para sa pagbalik nito. Iniwan niya iyon sa silid nito kasama ang engagement ring na ibinigay nito sa kanya.

"Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan nang mabasa ang iniwan mong sulat. But I never give up on you, never will. Hindi kita papakawalan, Margareth." Nabaghan siya ng makita ang pagdaloy ng luha sa mga pisngi ni Achilles. Gusto niya iyong tuyuin ngunit hindi niya magawa.

"Tama si Mother nang sabihin niyang sapat na ang tunay na pagmamahal. Kung hindi ko kayang ibigay ang mga pangarap mo, sapat nang ibigay ko ang buong puso ko. I was wrong, Aki."

"Alam mo ba kung ano ang pangarap ko, Margareth Laurencio?"

Nag-iwas siya ng tingin sa binata at muling itinuon ang mga iyon sa batang nasa kanyang mga braso.

"You said that you want to have a big family, you want to hear your children's laughter." Humugot siya ng hininga upang mawala ang bara sa lalamunan. "I can't give you that dream, Achilles. I was... I was nineteen when I was diagnosed with cervical cancer. Kinailangang tanggalin ang uterus ko bago pa lumala at kumalat ang cancer cells sa ibang organ." Pinahid niya ang luha na pumatak sa pisngi ng baby mula sa kanyang mga mata bago sumulyap kay Achilles. Hindi niya nakikita ang pangingilag man lang sa mga mata nito, naroon ang matinding pagmamahal para sa kanya. "I am barren, Achilles. Hindi kita mabibigyan ng anak."

Umangat ang mga daliri ni Achilles sa pisngi ng dalaga at hinawi ang mga luha doon.

"Matagal ko nang alam. Your mother told me a long time ago. Mahilig magkuwento si Mrs. Laurencio at palagi ka niyang naikukuwento. Alam ko ang nangyari sa iyo, Margareth."

Lumarawan ang pagkagulat sa mukha ni Margareth, kapagkuwan ay napalitan iyon ng uncertainty. "B-But you said you want to have a big family? Why?"

Sa halip na sumagot ay ngumiti lang si Achilles at dinampian ng halik ang kanyang labi. Tumingin ito sa batang nasa kanyang bisig at masuyong hinaplos ang pisngi nito. "Where's his mother?" kapagkuwan ay tanong ng binata habang hindi inaaalis ang tingin sa bata.

"She's gone." Tila muling may bumara sa kanyang lalamunan nang maalala ang ina ng batang nasa kanyang bisig. Tatlong araw na ang nakakalipas ay hindi nakayanan ng ina ng bata ang pagluwal rito. Dalagita palang ito at lumapit sa bahay ampunan na iyon na pinapatakbo ng mga madre upang humingi ng tulong. Nakilala niya ang dalagita nang mapagpasyahan niyang tumungo roon at magvolunteer. Alam niyang hindi na siya makakabalik sa kumbento, na katabi lang ng bahay ampunan, upang maging madre. "He's an orphan now."

"You like him?" She nodded without glancing back at him. "You want him." She nodded again. "Do you want me?" For the third time, she gestures in response. "Then we'll have him," ani Achilles na ikinatingin ni Margareth dito.

"H-How? Bakit?"

"Nang sabihin kong gusto kong ng maraming anak, I mean it. We can have children as much as we want. Maraming mga batang walang pamilya, Margareth. We will give them the best family and the love they deserve. Hindi naman kailangang maging kadugo para maging isang pamilya, 'di ba?"

"Oh, Achilles!" Muli siyang nahulog kay Achilles sa mga naririnig na salita mula sa bibig nito. Napakabuti ng puso nito at hindi siya kailanman magsisising ito ang kanyang pinili.

"We will be happy, Margareth. Trust me, trust him." Napangiti si Margareth sa sinabi ng binata.

"I love you, Aki."

"Higit kitang mahal, Margareth, kayo ni Brianna at ang magiging mga anak natin. Ngunit kahit kayo lang dalawa ay magiging masaya na ako. I couldn't ask for more. But you have to marry me and spent the rest of your life with me."

"Yes, Achilles. I will spend the rest of my life with you and our family," buong pusong tugon niya rito.

Naglapat ang kanilang mga labi at ninamnam ang tamis ng pagmamahal ng bawat isa.

Nag-ingay ang bata kaya kumawala si Margareth dito. Inu-ugoy niya ang baby nang hingin ito ni Achilles sa kanya.

Inilipat niya sa mga braso ni Achilles ang sanggol, pareho silang napangiti ng binata ng muling tumahimik ang bata at sumilay ang mumunting ngiti sa mga labi. Sumiksik ito sa dibdib ni Achilles at muling natulog.

"We well be happy, Aki," aniya habang nakahilig sa balikat ng kasintahan at nakatingin sa magagandang bulaklak.

"We will, my sweet. We will."

WAKAS

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.