CHAPTER 6

"HOP in," nakangiting dumungaw si Lucas mula sa loob ng sasakyan.

Naguluhang bigla si River nang makita ito. Napako ang kanyang mga paa sa aspalto habang nakatingin sa nakangiting mukha ng kanyang boss.

Ang malakas nitong pagbusina ang nagpagising sa kanya at nagmamadaling pumasok sa loob. Pinagtitinginan na sila nang mga taong kagaya niya ay nag-aabang ng masasakyan, at nakikita niya ang ibang mga kasamahan sa trabahong naroon at nagbubulungan.

"Nakauwi ka na po pala, Kuya Lucas." Ikinabit niya ang seatbelt at iniwasang mapatingin dito.

Sa ilang araw na paninirahan niya sa bahay ng mga Villarama ay hindi niya ito nakita. Ang narinig niya'y nasa ibang bansa ito at may conference na pinuntahan.

"Kumusta ka na?"

"Ma—mabuti po."

"That's good. Kumain ka na ba?"

Tumango si River na duda siya kung nakita nito dahil nakatuon ang mga mata nito sa daan.

Sa gilid ng kanyang mga mata ay pinagmasdan niya ito. Nakasuot ng business suit si Lucas, may relo sa mga bisig na kumikislap mula sa ilaw na nasa loob ng sasakyan. Ang buhok ay masusing nakalapat ang bawat hibla, napakalinis nitong tignan at napakabango ng panlalaking perfume na kanyang nalalanghap.

Bago pa siya nito mahuling nakatitig dito ay iniiwas niya ang mga mata at itinuon sa labas. The cityscape was beautiful at night, the dancing neon lights were relaxing and comforting regardless of the heavy traffic and the noise pollution.

She dreamily sighed while looking outside.

"Si, Ate Snow!" nanulas sa kanyang mga labi. Nakita niya ang mabait na babae na palabas ng isang mataas na gusali.

"Damn!" rinig niyang mura ni Lucas.

Napatingin siya rito at napapitlag nang makita ang pagkakakunot ng noo nito. Halos bumaon na rin ang mga kamay sa manibela dahil sa higpit ng pagkakahawak.

Kung hindi siya naka-seatbelt ay napasubsob na siya sa dashboard dahil sa bigla nitong pagpreno. "Stay here."

Napatango si River at pinanood itong lumabas ng sasakyan at lapitan si Snow na may kasamang lalaki. Hinatak nito si Snow mula sa pagkaka-akbay ng lalaki. Sandali itong nakipag-diskusyon doon at sa paningin niya ay nagkaka-initan na ang dalawa.

Pumagitna si Snow at hinatak ang nakakatandang kapatid na lalaki paalis.

"We're friends lang, Kuya," katwiran ni Snow nang makapasok sa backseat ng sasakyan.

"Shut up!" mariin at pigil ang galit na asik ni Lucas. Hindi lang si Snow ang napapitlag maging si River na nakamata sa magkapatid. "Men like him are predators and you're too innocent that you don't even notice that he's hitting on you!"

"Pero hindi naman siya gano'n," kontra ng dalaga na nagyuko ng ulo, hindi kayang salubungin ang galit ng kapatid.

"You're a teacher, don't be too naïve for Pete's sake!"

Umangat ang kamay ni River, na kanina pa nakikinig, patungo sa braso ni Lucas. Gusto niya itong patigilin nang marinig ang paggaralgal ng boses ni Snow.

Huli na upang bawiin ang kamay, nakatingin na sa kanyang direksiyon ang matatalim nitong mga mata. Malayong-malayo sa palagi niyang nakikita. Ang mga labi nitong palaging nakangiti ay matiim na ngayon at naggagalawan ang facial muscles dahil sa pinipigil na galit.

Hindi naman siya natatakot sa galit na pinapakita nito, alam at nararamdaman niyang hindi nito kayang manakit ng babae.

Nang marahas itong napabuntung-hininga ay inalis niya ang kamay na nakahawak sa braso ni Lucas.

Hindi na muling nagasalita si Lucas at itinuon nalang ang pansin sa labas ng sasakyan.

Nauunawaan ni River kung bakit ito galit, nakaramdam siya ng inggit kay Snow dahil mayroon itong kapatid na kagaya ni Lucas.

Namayani ang katahimikan sa loob ng kotse hanggang sa makarating sila sa tahanan ng mga Villarama.

Binati at nginitian niya ang mga nakakasalubong na kasambahay.

Sa una lang nakakailang ang manatili sa bahay na iyon, napakabait ng mga nakatira kaya madali siyang naging komportable sa lugar.

Agad na napabaling si River sa biglang dumaan sa kanyang tabi. Malalaki ang hakbang nito at magkasalubong pa rin ang kilay. Mahahalatang galit si Lucas na ngayon ay paakyat na sa ikalawang palapag ng bahay.

"SHH, sandali lang..." Inalis niya ang diaper ni Maddie at pinalitan ng bago. "Ayan, smile na..." Pinanggigilan niya ang pisngi ng bata at pinugpog iyon ng halik. Natigil naman ito sa pag-iyak at humagikhik. "Tulog na ikaw."

Para namang naunawaan nito ang kanyang sinabi at ipinikit ang mga mata. Subo-subo ang daliri sa kamay.

Nilagay niya ang dalawang maliliit nitong unan sa magkabilang gilid bago pumasok sa loob ng banyo upang maglinis ng katawan.

Hindi siya nagtagal sa loob at madaling tinapos ang paliligo. Suot ang malaking t-shirt at pajama ay lumabas siya mula sa loob ng banyo.

River was surprised when she saw the person inside the room and was sitting on the bed while Maddie was in his arms.

Nag-angat ng tingin si Lucas sa kanya. Ikinailang niya ang pagpasada nito ng tingin sa kanyang kabuuan. Nag-init ang kanyang mukha ng dumako ang mga mata nito sa kanyang dibdib at sandaling nagtagal doon bago muling ibinalik ang mga mata kay Maddie.

Inilugay niya ang mahabang buhok upang matakpan ang dibdib. Wala siyang suot na panloob kaya kita ang hulma niyon sa manipis niyang damit. Ang tanging konsolasyon niya ay tila wala iyong epekto rito, marahil ay dahil hindi naman siya ganoong biniyayaan ng mga dibdib.

Lumapit siya sa mga ito at umupo sa ibabaw ng kama, katabi ng binata.

A smile curved her lips when he heard him cooed. Maddie was giggling and very happy with the sound he made. River wondered on how can a man his calibre makes those cute little sounds. He's not even embarrassed to the fact that she can saw him being soft and adorable.

"She's beautiful..." Lucas mumbled.

"Ganyan din ang sabi ng mama mo at mga kapatid."

"You have the same nose and lips."

Naumid ang dila ni River nang bumaling ito sa kanya at nakangiti. Iniiwas niya ang mga mata nang makita ang pagsulyap nito sa kanyang mga labi. Tanging tango ang naisagot niya at inabala ang sarili sa pag-aayos ng higaan nila ng kapatid.

"I'm sorry, I didn't mean to wake her up and to intrude," he said in an apologetic tone. "Seeing her face melted my anger away. This little angel..."

"Okay lang, Kuya."

"Kuya? Yeah..." bulong ni Lucas. Naghihimagsik ang kanyang kalooban tuwing naririnig ang salitang iyon mula rito. Papasa nga naman siyang nakakatanda nitong kapatid na lalaki, sa katunayan ay mas bata pa si River sa kambal na sina Krishia at Snow, ang kambal na mga nakababata niyang kapatid.

Lucas sighed deeply. Then, a mysterious smile was plastered on his lips, only Maddie saw it.

"NAMISS kita Maddie. Ngayon kalang kasi ipinakita ng ate mo." Narinig ni River ang tampo sa boses ni Leandro.

Tiningnan niya ang kaibigan na nakanguso habang karga ang kanyang kapatid. "Biglaan kasi... pasensiya na, Leandro."

"Akala ko nakalimutan mo na kami... ako," dagdag nito sa mahinang boses. "Mabuti naman at mabait ang may-ari ng bahay na tinitirhan niyo. Pero mag-iingat ka pa rin, River. Maraming mapagsamantala ngayon."

"Mababait sila. Sa dalawang linggo na panunuluyan namin ni Maddie ay hindi nagbago ang kanilang pagtanggap sa amin. Nahihiya nga ako sa kanila," katwiran niya.

"Kung nahihiya ka pala bakit hindi ka nalang tumira kasama 'ko," anito at tumingin ng diretso sa dalaga. Seryoso ang bukas na mukha at walang ngiti sa mga labi na karaniwan na'y naroon. "Kaya ko naman kayong buhayin ni Maddie, River. Masipag naman ako, gagawin ko ang lahat para sa inyo."

Lumarawan ang kaguluhan sa mga mata ni River. Sa maikling sandali ay naroon ang mga tinig na nag-uudyok sa kanya na tanggapin ang inaalok nito, subalit agad din iyong nawala.

"Alam mo kung ano ang nararamdaman ko sa 'yo."

Oo, alam niya. Ngunit hindi niya kayang samantalahin ang nararamdaman ng kaibihan niya sa kanya. Bagaman ay madaling mahalin si Leandro, masipag ito at mapagmahal, hindi niya nakikita ang sariling kasama ito sa iisang bahay at katuwang sa buhay.

"Mahal kita, River." Puno ng sinseridad ang boses ni Leandro, maging ang mga mata ay malamlam at nakalarawan ang kislap ng pagmamahal, alam ni River dahil nakita na niya ang ganoong kislap sa mga mata ng kanyang amang si Ador tuwing tinitingnan ang kaniyang ina noong nabubuhay pa ang mga ito.

Magkahalong galak at lungkot ang namayani sa kaloob-looban ni River. Mahal din niya ito, ngunit hindi gaya ng pagmamahal na nararamdaman nito sa kanya. Masaya siyang malaman na may taong nagmamahal sa kanya, kasabay niyon ay ang lungkot dahil hindi niya masusuklian ang pagmamahal na iyon.

River doesn't want to lose a friend, she was afraid of telling him what she feels, but she had to do it. "Salamat, Leandro. Hindi ko gustong mawalan ng kaibigan. Ayaw kung samantalahin ang pagmamahal na nararamdaman mo, hindi kita gustong lokohin. Pasensiya na, mahal kita bilang isang kaibigan."

Bumuntung-hininga si Leandro at malungkot na ngumiti. Para bang alam na nito ang kanyang isasagot. "Ihatid ko na kayo. Baka mahamugan si baby."

Tumayo na ito at naglakad patungo sa nakaparadang taxi. Sinundan ito ni River ng tingin, hindi naman siya gano'n kamanhid upang hindi malaman na nasaktan ito sa naging sagot niya.

Pinuno niya ng hangin ang kanyang baga at tumayo na rin upang sumunod dito. Nasa isang parke sila ng oras na iyon.

Wala siyang trabaho ng araw na iyon kaya naipasyal niya si Maddie at nadala sa doktor nito. Pinuntahan nila ang mag-asawang Felimon sa apartment na tinitirahan. Mangiyak-ngiyak pa ang ginang nang makita si Maddie, namimiss daw nito ang bata. Ang sabi pa ni Mr. Felimon ay naging malungkutin ang asawa nito nang umalis sila ni Maddie sa lugar na iyon.

She felt sorry for the old couple. Upang makabawi ay ilang oras ang inilagi nila ni Maddie kasama ng mga ito. Naikuwento niya rin sa mag-asawa kung paano sila tinulungan ng mga Villarama. Kung gaano kabuti ang mga ito. Natuwa naman ang dalawa nang marinig ang kanyang kuwento.

Pauwi na sila nang makatagpo nila si Leandro sa harapan ng karenderya ng mga magulang nito. Inihatid sila ng kaibigan ngunit dumaan muna sila sa park na iyon. And the confession and his offer happened.

Karga niyang muli si Maddie ng nasa daan na sila, seryosong nakatutok ang buong pansin ni Leandro sa daan.

Dahil sa traffic ay madilim na nang makarating sila sa bahay ng mg Villarama.

"Dito kayo nakikitira?" manghang usal ni Leandro nang makita ang malaking bahay. Nakakunot ang noo nito nang balingan si River. "Sigurado ka bang wala silang hinihinging kapalit? Walang pumupuwersa sa 'yo na manirahan dito?"

"Mabubuti ang puso nila." Sinalubong niya ang mga mata ng kaibigan na nakatitig sa kanyang mukha. Alam niyang may pagdududa ito dahil nakalarawan iyon sa mukha nito.

Pagkaraan ng ilang sandaling magkahinang ang kanilang mga mata ay nag-iwas ng tingin si Leandro. Lumabas ito ng sasakyan at gumawi sa kanyang direks'yon upang buksan ang pinto.

"Salamat."

Dumukwang si Leandro at hinalikan sa pisngi si Maddie bago tumingin sa kanya. "Walang anuman. Kung magbago man ang isip mo tungkol sa sinabi ko, alam mo kung saan ako pupuntahan. Hindi ako madaling sumuko, River. Hindi ko pa kayang isuko ang nararamdaman ko para sa 'yo."

Sa panggigilalas ng dalaga ay lumapat ang mga labi nito sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata at naging tuod ang kanyang katawan. Hindi rin niya ito maitulak dahil karga niya si Maggie.

Simpleng paglalapat lang iyon ng mga labi na tumagal lang ng ilang segundo. Subalit napakalaking bagay niyon para sa kanya. Iyon ang kauna-unahang halik na kanyang naranasan.

Nakalayo na ang mukha ni Leandro sa kanya ay nanlalaki pa rin ang mga mata ni River. Awang ang mga labi na pinangahasang halikan ng kanyang kaibigan.

Tumaas ang kamay ni Leandro sa kanyang pisngi at dinama ng likurang bahagi ng palad. Mainit ang haplos nito na nagdudulot ng kakaiba sa kanyang puso. "Maghihintay ako."

Hanggang sa makaalis na si Leandro ay hindi pa rin siya makagalaw. Nakatayo sa harapan ng malaking gate. Ni hindi niya napansin na kanina pa iyon nakabukas at may mga matang nakatutok sa kanya.

"Hindi ka ba papasok?"

Ang malamig na boses na iyon ang nagpapitlag kay River. Napalunok siya nang makita si Lucas at kagaya ng boses nito ay malamig rin ang mga matang nakatitig sa kanya.

"Malamig na, baka magkasakit ang bata. Inisip mo sana siya bago ka magliwaliw at umuwi ng madilim na!"

Muli na naman siyang napapitlag ng sa pagkakataong iyon ay tumaas ang boses nito.

Bago pa siya makapagpaliwanag ay mabilis na tumalikod si Lucas at muli pumasok sa loob ng bahay. Kinabahan siya dahil alam niyang nagalit ito. May punto naman ito, hindi siya dapat nagpagabi lalo na't may bata siyang dala, at may sakit pa.

Hindi na siya nahiya sa pamilya Villarama. Dapat ginugol niya ang buong araw sa pagtulong sa mga gawaing bahay.

Paano niya mapapawi ang galit ni Kuya Lucas? Hindi niya kayang makita ang nag-aapoy nitong mga mata na nakatutok sa kanya. 

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.