UPANG makabawi ay maagang nagising si River kinabukasan, siya marahil ang pinakaunang nagising sa malaking bahay na iyon.
Dinala niya si Maddie, na kagaya niya ay gising na, pababa. Napakatahimik ng buong bahay nang makababa sila.
"Good girl ka lang, ha, babawi tayo ngayon," bulong niya sa kapatid na humagikhik nang mailapag niya sa crib na nasa sala. Naggagalaw iyon kaya dinala niya ang bata sa kusina. Kay Stefan iyon na pangalawang anak ni Nicky Elizandra, kadalasan na ay roon rin humihiga si Maddie at nagsasalo ang dalawang bata.
Nang masigurong komportable ang kapatid ay inilabas niya ang mga kakailanganin para sa paggawa ng panghimagas. Tinanong pa niya kay Nana Gertrude, ang mabait na mayordoma, kung ano ang paboritong kainin ng mag-anak. Puto cheese ang sinabi nito na kaya niyang gawin. Noon sa probinsiya ay tinutuluyan niya ang kanyang ina na gumawa at maglako ng nasabing kakanin.
"River? Aba'y napakaaga pa, ano ang ginagawa mo rito?"
Binigyan niya ng ngiti si Nana Gertrude na bumungad sa kusina, nakapantulog pa ito na mahaba. "Gagawa po ako ng puto cheese, Nana."
"Puwede mo naman 'yang gawin mamaya, halos wala pang alas kuwatro ng umaga," anito kasabay ng pagkuha ng tubig at ininom. "Aba at gising na rin pala ang mabait na bata." Nilapitan nito sa Maddie at hinalikan sa pisngi bago tumingin sa kanya. "O siya, babalik na ako sa kuwarto at nananakit itong balikat ko. Okay lang ba kayong dalawang magkapatid dito?"
"'Wag po kayong mag-alala, Nana, kayang-kaya po namin."
Hindi mabura-bura ang kanyang ngiti hanggang sa makaalis ang matanda. Napakabuti ng mga taong nakatira roon, mapalad sila ng kapatid dahil nakilala nila ang mga ito.
Bukod sa isang taong alam niyang nagalit dahil sa pag-alis niya kahapon ay hindi naman siya napagsabihan ng mga ito, partikular na ni Ma'am Alessandra na napakabait. Ipinakuwento pa nga nito sa kaniya ang ginawa nila ni Maddie buong araw.
Sinadya niyang maagang magising upang makabawi sa kaniyang boss na hindi man lang siya tinapunan ng tingin kahapon at palaging nakakunot ang noo. Galit nga sa kanya.
Bumuntung-hininga si River at hinanap ang harina na kanyang gagamitan. Binuksan niya ang cupboard at napakagat ng labi nang makitang nakalagay iyon sa pinakataas na bahagi. Kahit na tumingkayad siya ay hindi niya iyon maaabot.
Kinuha niya ang isang upuan at tumuntong doon upang maabot ang bag ng harina. "Ayy." Napahawak siya sa cupboard nang maramdaman ang paggiwang ng kanyang tinutungtungan.
Napakislot si River nang may biglang humawak sa kanyang bewang. Agad niyang binalingan ang taong iyon at halos mahigit niya ang hininga nang makita si Lucas. Nakatingin ito sa kanya habang magkasalubong ang mga kilay.
Walang kahirap-hirap na binuhat siya nito at ibinaba. Kapagkuwan ay inabot ang harina at inilapag sa lamesa. "S-salamat."
Hindi na uli siya nito tinapunan ng tingin at nilapitan si Maddie na nasa kuna. Tuwang-tuwa ang bata nang kargahin ito ni Lucas.
Hindi namalayan ni River na nakasunod ang kaniyang tingin sa bawat galaw nito. Nakasuot si Lucas ng manipis na damit at shorts. Hindi ito matatawag na maskulado hindi rin matatawag na payat, ngunit halatang inaalagaan nito ang katawan. Napakaguwapo nitong binata at walang babae ang hindi hahanga rito.
Namula ang pisngi ni River nang biglang lumingon si Lucas sa kanya at nahuli siyang nakatanga rito. "Magandang umaga," aniya at nag-iwas ng tingin. Itinuon niya ang paghahanda sa paggawa ng kakanin.
Nakaramdam ng pagkailang si River nang maramdaman ang mga titig nito. "It's too early for that." Tukoy nito sa ginagawa ng dalaga.
"Hindi na rin naman ako makabalik sa pagtulog, Kuya. Dati sa probinsiya ay ganitong oras din kami naghahanda ni Nanay para sa mga ibebentang kakanin."
Matamang tinitigan ni Lucas ang dalaga, hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang paglambong ng mga mata nito. "Do you miss your life in the province?"
Tumango si River. "Mas gusto ko do'n, mas tahimik at sariwa ang hangin. Kaya lang hindi puwede kasi walang ospital na mangangalaga sa kalagayan ni Maddie."
"What do you miss from the province aside from the things you've said?"
Sandaling natigilan si River at nag-isip, kapagkuwan ay sumilay ang banayad na ngiti sa mga labi, tila inaalala ang masayang nakaraan. "Ang pag-akyat sa puno. Gustong-gusto kung umakyat sa puno, iyong matataas at makikita ang magandang tanawin sa ibaba."
His lips stretch in a smile, a strange feeling enveloped him just by the thought of her being on top of a tree. "You will still do that if you'll be given a chance to go back?" he asked, a little teasing.
Nag-init ang magkabilang pisngi ni River nang makita ang pagka-aliw sa mga mata ng binata. Itinungo niya ang ulo at itinuon muli ang paningin sa paghahalo ng harina at itlog.
Lihim siyang nagdiwang dahil ngumingiti na ito sa kanya, hindi kagaya kahapon na walang emosyon ang mukha.
LUCAS cleared his throat and took a quick glance at the woman beside him. She was sitting on the passenger seat silently, her hands on her lap and her eyes on the road. So demure and delicate. And dear lord, her scent filled his nostrils, he doubted if she even wore perfume or cologne. She smelled flowery and vanilla that resembles a baby's scent.
He ridiculously had goosebumps, for goodness' sake! How can a petite and innocent woman do that to his senses? She's bewitching him and she was making him lose his mind. To think that he was very mad yesterday when he saw her being kissed by that man, he felt the urge to grab that man's collar and beat him to a pulp. He wasn't fond of violence, words are enough to settle things, but he almost lost his shit yesterday.
"Masarap ang ginawa mong puto cheese." Lucas wanted to punch himself for being so lame. He wanted to make a conversion and it was the first thing that crossed his mind.
"Tinuruan ako ni Nanay mula noong bata... Salamat at nagustuhan mo," dagdag nito sa mahinang boses.
"Palaging ka bang nagluluto ng gano'n para sa... sa kasintahan mo halimbawa?" His grip on the steering wheel tightened by the thought of her having a boyfriend.
That man she saw yesterday and River must have a relationship. Una niyang nakita ang lalaki sa ospital kasama ng dalaga. It was the day that Maddie was discharged from the hospital. Lucas was there. Nang ihatid niya ang dalaga nang gabing iyon sa ospital ay sinundan niya ito sa loob. He was curious alright, and if he'll be really truthful to himself, he was interested in her.
He saw how she cried that night. Sa kung anong dahilan ay bumalik siya kinabukasan sa ospital, para lang malamang palabas na pala ang mga ito. He hid like an idiot when she stopped and looked in his direction.
"Wala po akong kasintahan, Kuya."
Lucas was supposed to be relieved with her answer, but that Kuya word was upsetting. He was seven years older and she looks younger than her age, alright, but he doesn't want her to see him as an older brother. He will never want her as his younger sister, he admitted that fact to himself after yesterday.
"But you allowed him to kiss you!" sumbat niya. Huli na para bawiin ni Lucas ang nasabi, lumabas ang totoo niyang nararamdaman nang makita niya ito kahapon.
"H-Hindi ko naman alam na gagawin niya iyon," River answered. Kahapon nang tuluyan niyang maiproseso sa isipan ang ginawa ni Leandro ay nakaramdam siya ng inis sa kaibigan. Subalit kagyat lang iyon at agad na nalusaw. May bahagi sa kanya ang nalulungkot dahil ramdam niyang kahit anong gawin nito ay hindi niya masusuklian ang pag-ibig nito.
"Sa susunod 'wag mong hayaan ang kung sinuman na halikan ka kung wala kayong ugnayang romantiko!"
"O-opo, Kuya." Para kay River ay payong kapatid lang iyon, sa mga nagdaang araw ay nakita niya kung gaano ito ka protective na kuya.
Hindi na muling nasalita si Lucas dahil ayaw niyang marinig ang salitang iyon. Kaunti nalang ay mapipigtas ang kanyang pagtitimpi rito. He doesn't want to scare her.
"AKALA mo inosente pero pasimple kong tumira. Si Sir Lucas pa ang pinuntirya, tama nga ang sabi nila na looks can be deceiving."
Natigil sa paglabas sa cubicle ng banyo si River nang marinig ang pag-uusap sa labas. Lumakas ang kutob niya dahil sa narinig. Sa paglipas ng araw niya bilang waitress ay kanyang nararamdaman ang unti-unting paglayo sa kanya ng ibang mga kasamahan. Ramdam niyang may mali ngunit ipinagsawalang-bahala niya ang lahat ng iyon.
"Ang sabi ng iba ay binabahay na si River ni Sir. Naku talaga, ang suwerte niya kung gano'n nga. Napakabait ni sir at hindi naman ako naniniwalang kaya niyang magsabay ng mga babae."
"Pero lalaki pa rin siya, alam mo naman ang mga lalaki, maloko. Pinagtataka ko lang kung ano ang nakita niya sa negrang 'yon."
Napahawak si River sa pader dahil sa panghihina. Hindi siya makapaniwalang naririnig niya ang mga salitang iyon. Nakikilala niya ang mga may-ari ng boses, si Belinda at Lovely, mga kasamahan niyang waitress. Sila ang mga nauna niyang makahulihan ng loob nang magsimula siyang magtrabaho mahigit dalawang buwan na ang nakakaraan.
Nasasaktan siya sa mga salitang lumalabas sa bibig ng mga ito. Subalit hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili.
"Malay mo magaling pala, 'yong mukha lang ang inosente."
Napatalungko siya at ipinatong ang mukha sa ibabaw ng tuhod. Ano ngayon ang gagawin niya? Pinag-uusapan siya ng mga kasamahan sa trabaho at hindi maganda ang mga sabi-sabi patungkol sa kanya.
Napansin niyang nag-iba ang lahat nang makita siya ng mga kasamahang bumaba sa sasakyan ni Lucas at pag-uwi niya ay kasabay rin niya ito. Minasama ng kanyang mga kasamahan ang nakikita.
Paano niya haharapin ang lahat kung alam na niyang masamang babae ang tingin ng mga ito sa kanya?
Pagkalipas ng ilang sandali ay tumayo si River at lumabas, wala na roon ang dalawa.
Tiningnan niya ang sarili sa salamin at napabuntung-hininga. Naniniwala siyang maganda siya dahil iyon ang palaging sinasabi ng kanyang mga magulang noong nabubuhay pa ang mga ito. Hindi naman niya ikinahihiya ang kanyang height at kulay ng kanyang balat. Noong hindi pa nabebenta ang kanilang sakahan sa probinsiya ay tinutulungan niya ang mga magulang sa bukid, kaya sunog ang kanyang balat.
Tanggap niya ang lahat sa kanya, subalit hindi niya maiwasang masaktan sa mga masasamang salitang naririnig mula sa iba.
Pinuno niya ng hangin ang baga at naghilamos. Pagkatapos tuyuin ang mukha ay lumabas na siya ng banyo.
Paglabas ni River sa restaurant ay agad niyang nakita ang limang kasamahan na nakakumpol sa isang tabi. Tuloy-tuloy sana siyang maglalakad nang tawagin siya ni Fernan.
"Makisama ka naman sa amin minsan, River... Tara inom," anito.
"Oo nga naman, tuwing inaaya ka namin ay hindi ka sumasama. Wala ka namang asawang uuwian, 'di ba?"
Sa tingin ni River ay tinutuya siya ng mga ito nang makita niya ang ngisi sa mukha ng mga kasamahan. Totoong maraming beses na siyang inaaya na lumabas, ngunit palagi niyang tinatanggihan ang mga iyon. Hindi siya kailanman nagkaroon ng night life at sa tanang buhay niya ay hindi pa siya nakakatikim ng alak.
Bumuka ang kanyang bibig upang sabihin ang kanyang pagtanggi ngunit naunahan siya ni Belinda. "Tara na." Sabay kawit nito ng mga braso sa kanya habang malapad na nakangiti.
"Pero-"
Wala siyang magawa nang ipagtulakan siya nito pasakay sa jeep.
Pinagmasdan ni River ang mga kasamahan at hindi niya maiwasang hindi mainggit ng makita ang masayang pag-uusap ng mga ito. Kung sana lang ay totoo ang ipinapakita nila sa kanya.
Hanggang sa makarating sila sa isang mumurahing bar ay hindi siya makatanggi dahil hindi siya pinapakawalan ni Belinda.
Hindi siya sanay sa ganoong lugar, napaka-ingay at halos magkapalitan na ng katawan ang mga tao sa sobrang lapit. May mga naghahalikan at naghahawakan, siya ang nahihiya imbes na ang mga ito.
"Uuwi na ako, hinihintay na ako ni Maddie," aniya na medyo nilakasan ang boses. Halos kakaupo lang nila at hindi pa umiinit ang kanyang pang-upo sa silya.
"Killjoy mo naman, River, kahit tatlong shot lang bago ka umuwi."
Iniumang ni Fernan ang baso na may lamang alak sa kanya. Hindi niya iyon tinanggap at nanatiling nakakuyom ang mga palad sa ibabaw ng kanyang hita. Subalit kinuha nito ang kanyang kamay at ito mismo ang naglagay niyon.
Tinitigan niya ang inumin at hindi malaman ang gagawin doon. Nang tingnan niya ang mga kasamahan ay nasa kanya ang mga mata ng mga ito at hinihintay ang kanyang gagawin.
Upang matapos na ay tinungga niya ang alak. Pakiramdam niya ay nasunog ang kanyang lalamunan dahil sa naimon, muntik na siyang masuka ngunit pinigilan niya ang sarili.
Pikit mata niya iyong inubos at inilapag ang walang lamang baso sa lamesa.
"U-uuwi na ako," anunsiyo niya at tumayo.
Muntik na siyang mapasubsob kung hindi lang napahawak sa lamesa.
Hindi pinansin ni River ang mga tawag ng kasamahan at sumuot sa mga taong nagkakasiyahan. Halos hindi na niya makita ang dinadaanan dahil dumoble ang kanyang paningin. Iyon ba ang epekto ng alak? Kaunti lang ang kanyang naimon subalit iyon ang unang beses niyang makatikim niyon, kaya marahil gano'n ang kanyang reaksiyon.
Imbes na bumuti ang kanyang kalagayan nang makalabas at makalanghap ng hangin ay lalo iyong sumama.
"A-ang sakit!"
Napahawak si River sa kanyang ulo ng sumalakay ang sakit doon. Pakiramdam niya ay umiikot ang mundo, dahilan upang sumamang lalo ang kanyang tiyan.
Bago pa matumba ang dalaga ay isang pares ng mga bisig ang sumalo sa kanya.