HINDI mapanatag si River habang binibihisan niya si Maddie. Kinakabahan siya dahil sa presensiya ni Lucas na nasa isang panig ng silid at paroo't parito sa paglakad.
"Shh... malapit na," bulong niya sa kapatid na umiiyak. Binilisan niya ang pagbihis dito at nang matapos ay tumahan naman ang bata.
Iniligpit niya ang pinagbihisan nito at hinugasan ang kamay pagkatapos. Napatingin siya sa malaking salamin na nasa loob ng banyo. Malaya niyang nakikita ang kaguluhan sa kanyang mga mata. Napatingin siya sa pinto ng banyo, kinakabahan siyang lumabas doon. Kung puwede lang na manatili siya sa loob ay gagawin niya.
Napapitlag siya nang marinig ang mga katok sa labas ng pinto ng banyo. Humakbang siya papalapit doon at sa nanginginig na kamay ay pinihit ang seradura.
Kasabay nang pag-angat niya ng tingin sa matangkad na binatang nasa kanyang harapan ay ang pagpulupot ng mga braso nito sa kanyang katawan. Ang isang kamay ay pumaloob sa kanyang mahabang buhok at bahagya iyong hinila.
Halos lumuwa ang kanyang mga mata nang bumaba ang mukha nito sa kanya at angkinin ang kanyang mga labi.
Kulang ang sabihing tumigil ang pag-inog ng mundo dahil sa kapangahasan ni Lucas. Naibuka niya ang mga labi nang yakapan siya nitong lalo, nakatingkayad siya at halos dulo nalang ng mga daliri niya sa paa ang nakalapat sa sahig ng banyo.
Nablangko ang kanyang utak at hindi malaman ang gagawin. Sinisipsip nito ang kanyang pang-ibabang labi at ang dila ay pumasok sa kanyang bibig.
Lumapat ang kanyang nanginginig na kamay sa dibdib ni Lucas, ngunit wala iyong lakas upang manulak. Ipinikit nalang niya ang mga mata at ang kanyang kamay ay mahigpit na kumapit sa damit nito.
Awtomatikong pumalibot ang mga braso ni River sa leeg ni Lucas nang kargahin siya nito ng walang kahirap-hirap. Ang takot at pagkabigla sa kanyang dibdib ay napalitan ng hindi maipaliwanag na damdamin. Naroon ang puwersang nagtutulak sa kanya na ibukang lalo ang bibig at tanggapin ng buong puso ang mga halik nito. At iyon nga ang kanyang ginawa, ibinuka niya ang bibig at sinubukan iyong igalaw.
Naramdaman niya ang pagtama ng kanyang likod sa malamig na pader. Ang kamay ni Lucas ay nangahas na haplusin ang kanyang hita, agad na nanayo ang kanyang mga balahibo sa kilabot na dumaloy sa kanyang katawan. Napabitaw siya sa leeg nito at dumako ang kanyang palad sa kamay nitong humahaplos sa kanyang katawan, ngunit hindi sinasadyang masagi niya ang shower faucet.
Pinakawalan ni Lucas ang kanyang mga labi at sinalubong ang kanyang mga mata sa ilalim ng rumaragasang tubig na bumabasa sa kanilang katawan. Natalo ng init ng hininga nito at ng mga haplos ang kalamigan ng tubig.
Hinabol ni River ang hininga dahil hinihigop iyon ng mga mata nito. Parang gusto niyang manginig at ipaubaya ang lahat kay Lucas.
Without breaking their eye contact, Lucas turned off the faucet and carry her towards the bathroom cabinet and laid her on top of it.
Isinantabi ni Lucas ang usig ng damdamin nang makita ang kaguluhan sa mga mata ni River. There was something in her eyes aside from confusion, something akin to desire. He groaned silently when he felt his flesh awaken. She was wet from the shower and she was only wearing that one-piece bikini, her breast and body were visible to him.
He wasn't even his type, he like tall women, mestiza and voluptuous.
"K-Kuya..." utal ni River. Agad din niyang naipikit ang mga mata nang muli nitong halikan ang kanyang mga labi. Padampi-dampi lang iyon at minsan ay sinasabayan ng pagkagat.
"Do not call me Kuya, I'm not your brother," he muttered over her lips before claiming it fully.
Isang ungol ang kumawala sa bibig ni River nang mag-iba ang paraan nito ng paghalik. Hindi kagaya kanina na mapaghanap at mabilis, ngayon ay napakasuyo ng ibinibigay nito sa kanya, marahan at higit niyang gusto iyon.
Sinubukan niyang gayahin ang ginagawa ng labi at dila nito.
Lucas lose his mind when he felt her lips moved against his. She doesn't know how to kiss and he was more gladly to teach her.
Sabay silang napaungol nang magtagpo ang kanilang mga dila.
Ang mga kamay ng binata ay dumako sa mga hita ng dalaga. Naramdaman niya ang panginginig nito nang dumapo ang kanyang mga kamay do'n. He was caressing her thighs to her back.
Hindi mapaniwalaan ni River ang reaksiyon ng kanyang katawan. Bagaman ay wala siyang karanasan pagdating sa pakikipaghalikan ay hindi naman siya ganoon kawalang alam pagdating doon. Natatangay siya sa mga halik at haplos nito, ang kanyang katawan ay tumutugon. Tila siya kinikiliti sa pinakapribadong bahagi ng kanyang katawan.
Dumapo ang mga labi ng kahalikan sa kanyang panga at marahang tumungo sa kanyang leeg. Hinahalikan ang madadaanan. Napakapit si River sa buhok nito.
Subalit ang bagay na iyon na tumutusok sa kanyang hita ang nagpabalik ng kanyang kaisipan. Isang singhap ang namutawi sa kanyang mga labi sabay tulak sa binata.
Naalarma si Lucas nang makita ang mga luhang biglang pumatak mula sa mga mata ni River. Agad niya itong kinabig at niyakap, pinatakan niya ng halik ang mahaba nitong buhok. "I'm sorry if I scare you." But he was not sorry for kissing her, it was the best thing he did to his life.
Napahigpit ang kapit ng dalaga sa damit nito. Hindi siya umiiyak dahil sa takot siya rito, ang sanhi ng kanyang mga luha ay ang mga damdaming sama-samang sumalakay sa kanya, halos hindi niya kayanin ang mga iyon.
NALUNGKOT si River kasabay ng pag-aalala nang walang sumagot mula sa kabilang linya. Maka-ilang beses na niyang tinatawagan ang kaibigan ng kanyang Tiya Olivia na nakatira sa kabisera. Ito lang ang tanging kontak niya sa tiyahin. Nag-aalala siya rito, halos gabi-gabi niya rin itong iniisip. Hindi ito nakarating sa lungsod gaya nang sinabi nito isang buwan na ang nakakaraan. At hindi rin sumasagot si Aling Mercy sa kanyang tawag.
Gusto niya itong bisitahin subalit nahihiya siyang iwanang mag-isa si Maddie roon. Matanda na si Olivia, malapit na itong mag-sisienta anyos at palaging iniinda ang pananakit ng mga tuhod. Ang kaalamang may mga malalapit itong kaibigan at mabubuti ang puso ng mga kapitbahay sa probinsiya ay nagpapalubag sa kanyang loob.
Lumabas siya sa salamin na sliding door patungo sa hardin. Nilapitan niya si Alessandra na karga si Maddie. Inilapag niya ang cellphone nito sa lamesa at umupo sa tabi nito.
"Wala pa rin bang sumasagot?"
Iniiling niya ang ulo bilang tugon.
"Maaari mo naman siyang puntahan, hindi naman mapapa'no ni Maddie rito. I'll take care of her," ani Alessandra sa malumanay na boses.
"Puwede po ba?"
"Yes, of course. You can take a leave at the restaurant... 'Wag ka nang mahiya, River. Bukal sa loob namin ang pagtulong, hindi na kayo iba ni Maddie sa pamilya. Kung puwede lang ay inampon ko na kayong dalawa."
Namula ang magkabilang pisngi ng dalaga dahil sa narinig, maging ang kanyang mga mata ay nag-init dahil sa sinabi nito.
Isang buwan na silang nandoon ng kapatid, at sa isang buwan na iyon ay walang ipinakita ang pamilya Villarama kung 'di kabutihan. Sa ikalawang linggo nila roon ay kinausap niyang muli ang ina ng tahanang iyon at sinabing aalis na sila, subalit pinigilan siya nito. Ang sabi nito ay umalis lang sila kapag pinapaalis na sila, ngunit duda siya kung gagawin ng mag-anak iyon. Tunay na napakapalad nila ni Maddie.
"Maraming salamat po."
Ngumiti si Alessandra sa dalaga at ibinigay rito ang bata. Kapagkuwan ay kinuha ang suklay na nasa kandungan at sinuklay ang mahaba nitong buhok.
"Your hair is beautiful. Hindi mo ba pinapaputulan ito?"
"Gusto ni mama ang mahaba kung buhok. Highschool ako ng huling pinutulan ang buhok ko, ipinantay lang."
"Ano ang pangarap mo, hija?" Pag-iiba ni Alessandra sa usapan nang marinig ang lungkot sa boses ng dalaga sa pagbanggit sa ina. Alam niya ang nangyari sa mga magulang nito at alam din niyang hindi iyon madali para rito. "Maari kang bumalik sa pag-aaral kapag naging mabuti na ang lagay ni Maddie. Sa susunod na buwan ay maaari na siyang maoperahan."
Kanina ay galing sila sa doctor ng kapatid para sa regular check-up nito, sinamahan sila ni Alessandra doon at ipinagpapasalamat niya ang presensiya nito dahil aaminin niyang hindi niya iyon kayang mag-isa. Ang sabi ng doctor ay mas naging mabuti ang lagay ng bata, nadagdagan ang timbang nito at mas naging maliksi. Kung magtuloy-tuloy iyon ay maaari nang ma-operahan si Maddie sa susunod na buwan upang maisara ang butas sa puso.
Napag-usapan na niya at ng mag-asawang Villarama ang tungkol sa kalagayan ni Maddie. Naghandog ng tulong ang mag-asawa sa kanila, sinagot ng mga ito ang pagpapagamot kay Maddie, maging ang operasyon ng bata ay sasagutin nila. Kahit na halos lumubog na siya sa utang na loob sa mga ito ay hindi niya iyon tinanggihan.
Ang buhay ng kanyang kapatid ang nakasalalay at handa siyang gawin ang lahat para rito. Kahit pa siguro anong hinging kapalit ng pamilyang tumulong sa kanya ay gagawin niya, kahit ano.
"Hindi ko po alam. Baka hindi ko na kayaning pumasok sa paaralan..." sabi niya ng may pag-aalinlangan.
"You can do it, darling. I know you can. Maaari kang maging guro, nurse, chef, o kung anong gusto mo. You cook delicious food, you took care of your sick sister and you have a nice personality, puwede kang maging guro ng mga bata gaya ni Snow."
"Pangarap ko pong maging... maging ina," wika niya sa mahinang boses. Bata palang siya ay nakikita at nararamdaman niya ang pag-aalaga ng kanyang ina sa kanya at gusto niyang maging kagaya nito paglaki niya. Naaalala pa niyang noong elementarya ay inatasan sila ng guro na magbahagi ng kanilang pangarap sa harap ng klase, pinagtawan siya ng mga kaklase dahil sa pinili niya. Maging noong mag-highschool siya ay hindi maunawaan ng iba ang kanyang gusto. Napakababaw daw ng kanyang pangarap, wala siyang mararating kung gano'n siya, maaga raw siyang magkakapamilya at maghihirap lang dahil walang narating. "Palagi akong tinutukso ng mga kaklase ko noon dahil do'n, pero iyon talaga ang pangarap ko."
Mamasa-masa ang mga mata ni Alessandra habang hinahaplos ang mahabang buhok ng dalaga.
"That's very noble, River. Buong buhay ko ay ngayon lang ako nakakilala ng isang taong ang pangarap ay maging isang ina. Wala nang mas hihigit pa sa pagiging isang ina. Hangad kong matupad ang pangarap mo, ipagdadasal ko sa panginoon na bigyan ka ng anak mula sa taong karapat-dapat magbigay sa 'yo," madamdaming pahayag ni Alessandra. Lalo niyang minahal ang dalaga dahil sa narinig mula rito.
"Maraming salamat po, T-Tita..." Naroon ang pagkailang at pagpapasalamat sa kanyang boses. Namula ang kanyang pisngi nang maalala ang anak nito at ang nangyari sa kanila dalawang araw na ang nakakaraan sa loob ng banyo. Hindi niya alam kung bakit iyon pumasok sa kanyang isipan, paniguradong ibang klaseng kahihiyan ang mararamdaman niya kapag nalaman iyon ng pamilya ni Lucas.
"Ano bang gusto mong maging ama ng mga anak mo?" pasimpleng tanong ni Alessandra. "Ano ang tipo mo sa lalaki?"
Nagyuko ng ulo si River sa kapatid na nilalaro ang hibla ng kanyang buhok. Ano nga ba ang tipo niya? Noong bata siya ay pinangarap niya ang isang prinsipe na nababasa niya sa mga fairytale book na binibili ng kanyang ama at binabasa ng kanya ina sa kanya bago matulog. Nang lumaki siya ay noon niya napagtantong napaka-imposible iyon.
"H-Hindi ko po alam..."
"Gusto mo ba ng lalaking may katangkaran, may kakaibang pares ng mga mata, mabait at palaging nakangiti, pero may pagka-istrikto at protective...?" Alessandra asked suggestively. Pilit niyang sinusupil ang ngiti sa mga labi.
"There you are!" Ang tinig na iyon ang siyang bumasag sa pag-uusap ng dalawa. Lumabas si Lucas at si Nick mula sa sliding door patungo sa kinaroroonan ng dalawang babae at ni Maddie. "Good afternoon, Mom. Did you eat?" tanong ni Lucas sabay halik sa pisngi ng ina. Kapagkuwan ay napatutok ang mga mata sa magandang dalaga.
"Bakit hindi kayo tumawag? Akala ko mamaya pa ang uwi niyong mag-ama?" ani Alessandra na hinalikan sa mga labi si Nick.
May conference ang lahat ng executives sa branches ng Rigo Cuisine sa Visayas area. Dalawang araw ang inilagi roon ni Lucas kasama ang amang si Nick.
"Hi," baling ng binata kay River na nakatingala sa kanya. "May I?" tukoy nito kay Maddie. Agad namang ibinigay ng dalaga ang bata rito. Napapitlag pa siya ng magtama ang kanilang balat.
Ipinagpasalamat ni River ang pagdating ng kasambahay roon at sinabing may naghahanap sa kanya. Makakaiwas siya kay Lucas.
Nagpaalam siya sa mag-anak at agad niyang pinuntahan ang bisita sa may sala, anak iyon ng kaibigan ng kanyang Tiya Olivia. Naroon din si Leandro na marahil ay ang siyang nagdala sa babae ro'n.
"Hinahanap ka niya sa apartment," saad ni Leandro sa seryosong tono.
Hindi nagpaligoy-ligoy si Cora at agad na sinabi ang pakay. "Wala na si Aling Olivia, River. Hindi ka namin matawagan dahil nasira ang nag-iisang telepono ni nanay, wala kaming ibang numero mo bukod sa nakalagay roon."
Tila gumuho ang mundo ni River sa narinig, nag-uunahan sa pagpatak ang kanyang mga luha at nanghina ang kanyang mga tuhod. Agad namang sinalo ni Leandro ang dalaga na bumuway sa pagtayo.
"H-Hindi... T-Tiya..."