CHAPTER 9

"HOW are you?"

Nag-angat ng tingin si River mula sa kanyang pinggan at sinulyapan si Niccola na siyang nagtanong. Karga nito si Maddie at pinapa-breastfeed. Malaki ang papasalamat ni River dito dahil sa pag-aalaga nito kay Maddie. Tuwing nasa trabaho siya ay ito at si Ma'am Alessandra ang nag-aalaga sa bata.

"Okay na po, Ate."

"Mabuti nalang at agad kang nahanap ni Lucas. Next time, do not trust anybody and be careful. Maraming mga mapagsamanlatala ngayon."

Napangiti si River, may humaplos sa kanyang puso nang marinig ang sinabi nito. Masaya siyang malaman na may mga taong nag-aalala para sa kanya, sa kanila.

Itinango niya ang ulo bilang sagot sa paalala nito. Hindi sinasadyang matapunan niya ng tingin si Lucas na katabing nakaupo kay Niccola. Sa kung anong dahilan ay hindi niya maialis ang paningin dito nang magsalubong ang kanilang mga mata. Para bang may mahika ang mga mata nito at hinihigop siya.

Nang maalala ang halik na iginawad nito sa kanya ay wala sa loob na tumaas ang kanyang daliri sa mga labi.

Ang tikhim ni Niccola ang nagpabalik sa dalawa sa reyalidad.

A knowing smile etched Niccola's lips as she glanced at her twin, then River and back to her twin. Mason's forehead furrow when she gave him a knowing look, the smile on her face was teasing.

Lucas groaned when his twin winked at him. He knew from then on that Niccola had an idea about how he feels.

"Papatulugin ko lang si Maddie. Enjoy your food," anito at lumabas na ng kusina.

"I'm sorry, hindi ako nakapasok ng trabaho," ani River sa mahinang boses ng sila nalang dalawa ang nasa dining room.

Muli niyang niyuko ang pagkain at sumubo.

"Salamat din sa pagligtas sa akin... k-kuya." Kinabahan si River nang hindi magsalita ang binatang nasa kanyang harapan.

Isang minuto... dalawa, ngunit nanatili itong tahimik kaya ipinasya niyang tumayo at damputin ang kanyang plato. Mabilis siyang tumalikod dahil ayaw niyang ipahiya ang kanyang sarili, nanginginig ang kanyang mga kamay, maging ang mga tuhod niya.

Ang lakas ng tibok ng kanyang puso at hindi siya makahinga ng maayos. Estranghero ang mga damdaming iyon na ipinaparamdam sa kanya ni Lucas Hindi niya alam kung paano pakikitunguhan.

Napasinghap siya nang pagkalapag na pagkalapag niya ng pinggan sa lababo ay may humigit sa kanyang kamay, sabay pihit sa kanya.

Napatingala siya kay Lucas at napalunok nang magsalubong ang kanilang mga mata.

Nang lumapat ang daliri ni Lucas sa gilid ng mga labi ni River upang alisin ang dumi roon ay napaigtad ang huli.

"Do not scare me like that again," bulong ni Lucas habang hinahaplos ang pang-ibabang labi ng dalaga. Lumamlam ang mga mata ni Lucas nang makita ang kalituhan at takot sa mga mata nito.

Tumaas ang mga palad ni River sa dibdib ng binata. Ang kanyang mga kamay na nanginginig ay nanulak, itinulak ito palayo sa kanya. "P-please, hindi ako makahinga."

Agad na binitawan ni Lucas ang kamay ni River at lumayo ng bahagya rito. Hindi na niya magawang makapagsalita dahil mabilis itong tumalikod at tumakbo palabas.

"The road is rough and long, bro. But you'll get there," pampalubag loob ni Niccola na bumungad sa kusina.

Lucas sighed gutturally. "I'll be damn if I'll give up that easy."

"Kambal nga kita." Niccola smiled proudly, she was happy for her twin, it's been too long since he kept his eye on a woman. And now, he's eyeing the right woman.

DINALA ni Lucas ang kopita sa bibig habang nanatiling nakatutok ang kanyang mga mata sa mga nagkakasiyahan sa ibaba. Nagkumpol ang kanyang mga kamag-anak sa may pool area, may naliligo, nagkukuwentuhan at may kumakanta.

It was Mason's birthday, his brother-in-law and his twin's husband. Sa bahay ng kanilang mga magulang ginanap ang kasiyahan at tanging mga kamag-anak lang ang imbitado.

While looking at River who was laughing with his siblings and cousins, he was thinking what will be his next move. He doesn't like the feeling of being avoided by someone, especially her. Halatang halata ang ginagawa nitong pag-iwas sa kanya, sa trabaho man o sa bahay.

Nang maramdaman ang kamay na lumapat sa kanyang balikat ay nilingon ni Lucas ang may ari ng kamay na iyon. "Dad." Ipiningki niya ang kopita nang iumang nito ang kopita nito sa kanya.

"Young and innocent..." Nick said.

Tiningnan ni Lucas ang tinitingnan ng kanyang ama. He couldn't agree more with the adjectives he used. She's all that.

"I met your mother when she was River's age. My wife was also a waitress on Rigo when I met her and fell for her." Lucas knew that. Madalas magkuwento ang kanyang ina sa kanila ng mga pinagdaan nito at ni Nick. Ang ipinagtataka ni Lucas ay kung bakit iyon sinasabi ng kanyang ama ngayon. "Though my situation wasn't hard as yours, Alessandra was strong enough to tell me how she felt... Do you want some advice from your father?"

"Am I that obvious?" he asked. Pati pamilya niya ay napapansin ang nangyayari sa kanya.

"You're wearing your heart on your sleeves, son. The whole family knows."

Lucas sighed heavily. Napahagod siya sa magulong buhok at inubos ang laman ng kopita. "I don't know what to do."

Lalo pang nagsalubong ang kanyang mga kilay ng tumawa ng bahagya si Nick. "I didn't see you such confuse and distress for a long time, Lucas Nicholai, and a small amazing woman was responsible. You chose the right woman this time, Lucas."

Sinundan ng tingin ni Lucas si River hanggang sa makapasok ito sa loob ng bahay. "I don't know how to behave, I scared her the last time and now she's avoiding me. It was maddening, Dad." Hindi na siya nahiyang umamin sa kanyang ama. Madalas ay ito ang nasasabihan niya tungkol sa negosyo. Nick was his confidant, at hindi masamang pagsabihan niya ang ama sa personal niyang buhay. He was a good father, husband, businessman and friend, Lucas admired him for that. "How did you win Mom?"

"Dinaan sa paspasan." Sabay na napatingin ang dalawang lalaki sa bagong dating na siyang sumagot sa tanong ni Lucas. "What are my boys' doing here?" Lumapit si Alessandra sa dalawa, sa tabi ng kanyang asawa. Agad namang ipinulupot ni Nick ang mga braso sa beywang nito. "Care to tell me what you've been talking about?"

"It's a father to son talk, love," Nick, then kissed his wife's head.

Tinaasan ni Alessandra ng kilay ang asawa at anak, kapagkuwan ay ngumisi. "Your father had the easy route. Pinaspasan niya, kaya wala akong ibang choice kung 'di ang bumigay. But I don't think that will work on River, be easy on her, Lucas, do not hurt her." Naroon ang pagbabanta sa boses nito nang sabihin ang mga salitang iyon. "Give her time."

"I can't hide anything from you guys, can I?" he muttered in a mixture of sarcasm and amusement.

"You're our son, we've raised you. Kahit na malaki na kayo ay alam namin ang nangyayari sa inyo at ang mga nararamdaman ninyo. The moment you've brought River Louis into our house, I know you like her. Madalas ay sa penthouse ka natutulog but when you brought her here dito ka na palaging umuuwi. You look at her the way your father looks at me, and like Mason to Niccola. If that isn't loving, then I'll be damned."

Bumuntung-hininga muli si Lucas at tiningnan ang mga magulang. His father's arm was wrapped around his mother's waist lovingly. They were getting older but it felt like their love for each other was never getting old. Lalo lang iyong pinapatibay ng panahon, gano'ng klase ng pagsasamahan ang pinapangarap niya.

Lumaki siya ng nakikita ang pagmamahalan nina Alessandra at Nick, naniniwala siya sa pagmamahal kahit na minsan na siyang nasaktan. "I will do everything to have her... everything," Lucas declared, looking at her mother's eyes that flickered in excitement and anticipation.

"'W-WAG na po, Ate. Hindi bagay sa akin 'yan..." tanggi siya kasabay ng histerikal na pagkiling ng ulo.

"C'mon, River. Just this once... pagbibigyan mo ako 'di ba?"

"Ehh... P-pero—"

Wala na siyang nagawa nang hilahin siya nito patungo sa loob ng banyo at inilagay sa kanyang kamay ang one-piece swimsuit na kulay puti. Napangiwi siya habang tinitingnan iyon. Paano niya iyon susuotin? Sa tanang buhay niya ay hindi pa siya nakakapagsuot ng ganoon. Ang kulay ay puti pa talaga na kabaliktaran ng kulay ng kanyang balat.

Sa pagkakaalam niya ay wala namang galit si Niccola sa kanya upang ipahiya siya sa mga kapamilya nito. Hindi niya alam kung paano ito tatanggihan o kung tatanggapin ba nito ang pagtanggi niya.

Pikit matang hinubad ni River ang damit at isinuot ang pampaligo. Hindi niya gustong tingnan ang sarili sa salamin, lumabas siya ng banyo habang pigil ang paghininga.

"Perfect..." Isang nagdududang tingin ang iginawad ni River kay Niccola na nakangisi habang nakatingin sa kanya. "Let's go." Hinigit nito si River sa kamay at lumabas ng silid. It'll give my twin a hard time, Niccila thought wickedly.

Agad na nagyuko ng ulo si River nang mapatingin sa kanilang gawi ang mga taong naroon. Sobrang hiya ang kanyang nararamdaman ng mga oras na iyon at gusto niyang tumakbo ng mabilis paalis do'n.

"You're sexy," puri ni Krishia na kakambal ni Snow.

Kakakilala lang ni River kay Krishia na nakauwi noong nakaraan at galing sa ibang bansa. Nakahulihan niya ito kaagad ng loob. Imbes na mapangiti ay ngiwi ang lumabas sa kanyang mga labi dahil sa sinabi nitong papuri. Kumpara rito at sa iba ay magmumukha siyang bata at ang kulay ng kanyang balat ay malayong-malayo sa mga ito.

Isang ngiti, o ngisi, ang iginawad sa kanya ni Niccola bago ito lumasong sa pool at nilapitan ang asawa.

Tinungo ni River ang direksiyon ni Tyler na nasa likod ng grill at nakasimangot dahil ito ang naatasan sa barbecue.

"Tulungan na kita."

Napatingin si Tyler sa nagsalita, nawala ang pangungunot ng noo nito nang pasadahan ng tingin ang dalagang kaharap. Isang kiming ngiti ang iginawad ni River sa binata.

"No, I can do this alone," Tyler, then flashed his boyish grin.

"Ayos lang, wala naman akong ginagawa, nakatulog na si Maddie," pagpupumilit nito.

Ilan sandali pa ay nagtatawanan na ang dalawa. Masayang kausap si Tyler, may pagkamaloko subalit mahahalatang matalino ito.

"Tapos 'yan si Red, naihi sa salawal niya noong kindergarten dahil takot sa teacher," bulong nito kapagkuwan ay tumawa ng malakas. Mapatingin tuloy sa kanila ang iba na nakakunot ang mga noo.

Napangiti si River, hindi niya alam na ang matalinong abogado ngayon ay takot sa guro noong bata.

"You're not gossiping me, did you?"

Sabay na napabaling ang dalawa sa nagsalitang iyon. Umawang ang bibig ni River nang makita ang lalaking nasa kanyang harapan. Napakaganda nitong lalaki at hindi niya maiwasang mamangha sa nakikita. Mahaba ang buhok nito na nakatali, napakatangos ng ilong, may mga labi na mamula-mula. Nang mapatingin siya sa mga mata nito ay nag-init ang kanyang pisngi nang makitang nakatingin ito sa kanya. Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi ng lalaking bagong dating.

"I still remember how you cried when I threw a caterpillar on you," he teased Tyler.

Tyler groaned but grinned afterwards and gave the man a hug. "I thought you were in Las Vegas, when did you come home?"

"My plane landed..." He looked at his watch and added, "...just about forty-five minutes ago... Hi, my name is Adonis." Iniumang nito ang kamay kay River na kanina pa nanonood sa dalawang lalaking walang itulak kabigin ang kakisigan.

Dahan dahang umangat ang kamay ng dalaga upang tanggapin ang pakikipagmay nito, subalit bago pa man magdaop ang kanilang palad ay may humawak na sa kanya. "K-Kuya Lucas."

Nagtagis pang lalo ang mga bagang ni Lucas nang marinig ang itinawag ni River sa kanya. Binalingan niya ang dalawang pinsan, napakunot naman ang noo ng dalawa nang makita ang madilim niyang mukha.

"Maddie needs you," iyon lang ang sinabi nito at hinila si River papasok ng bahay.

Ang mga nakakita ay napatingin sa dalawa, may mga napapailing at napapakunot ang noo sa pagtataka. Sina Tyler at Adonis ay nagkatinginan at sabay na nagkibit ng balikat, pareho ring sumilay sa mga labi ang isang ngisi nang may mapagtanto.

Tuloy-tuloy na hinila ni Lucas si River paakyat ng ikalawang palapag, hanggang sa patungo sa silid na inuokopa ng magkapatid. Hindi nagreklamo ang dalaga kahit na mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang braso at halos kaladkarin na siya nito.

Naratnan nila ang isang yaya sa loob ng silid at si Maddie na hawak nito at umiiyak. Nang pakawalan ni Lucas ang kanyang kamay ay agad niyang kinuha ang kapatid.

"Puno na ang diaper niya, River," imporma ng Yaya. Nagtataka kung bakit siya pinigilan kanina ng among lalaki na bihisan ang bata. Siya ang nagbabantay rito, kanina nang umiyak si Maddie ay bibihisan niya sana, kaso ay pinigilan siya ni Lucas.

"Sige na, Tinay. Kami na ang bahala kay Maddie," utos ni Lucas sa malamig na boses.

Agad namang tumalima ang katulong. Si River ay nag-angat ng tingin kay Lucas, muntikan na siyang mapaatras nang makita ang emosyon sa mga mata nito. 

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.