NAKAYUKO ang kanyang ulo sa kanyang kandungan. Hindi niya kayang salubungin ang mga mata ng mga kaharap. Matinding kahihiyan at takot ang kanyang nararamdaman.
Bagaman ay walang nangyari sa kanila ni Lucas, alam niyang wala, iba ang pagkaka-interpreta ng mga magulang nito sa nangyari.
Kung puwede lang tumakbo palayo ay ginawa na niya.
Katabi niya si Lucas sa sofa na kanina pa tahimik. Sa harapan nila ay ang mga magulang nito, wala na ang galit sa mukha ni Alessandra ngunit hindi rin naman ito nakangiti. Seryoso ang mga mata nitong nakatingin sa kanila, ganoon din ang asawa nitong si Nicholas.
Naroon din ang mga kapatid ni Lucas na tahimik lang na nakamasid at maging ang mga katulong ay alam niyang naririnig ang kanilang pinag-uusapan.
"I've trusted you two. Lalo ka na, River, hindi ko alam na magagawa mo 'to. At ikaw naman, Lucas, bakit si River pa? Alam mo namang para ko na siyang anak, para na natin siyang pamilya. Hindi kita tinuruan na makipagbahay-bahayan sa isang babae, may mga babae kang kapatid, Lucas Nicholai!" seryoso ang boses ni Alessandra at maririnig ang pang-aakusa roon.
"What will you do? Paano kung magbunga ang ginagawa niyo?" si Nick na sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita.
Ikinuyom niya ang mga palad at ibinuka ang mga labi upang makapagpaliwanag. Ngunit bago pa siya makapagsalita ay naunahan siya ng katabi.
"I'm taking responibility, Mom, Dad."
Agad siyang nag-angat ng tingin kay Lucas nang marinig ang sinabi nito.
Bumuntung-hininga ito, tumingin sa kaniya ng ilang sandali. Hindi niya alam ang iniisp ni Lucas dahil blangko ang mukha nito. Nang muling tumingin sa mga magulang ay sinabi nito ang mga salitang nagpatigil sa kanyang hininga. "I'll marry her."
"BAKIT parang malungkot ang bride?"
Mula sa salamin ay nginitian niya ang dalawang babaeng kapapasok lang sa loob ng silid. "Naalala ko lang sina Nanay, Ate Snow."
Lumapit ito sa kanya at maingat na hinaplos ang kanyang pisngi. "I'm sure wherever they are now, they are very happy and proud of you. It's your wedding day, smile. Si Maddie nga ay hindi mawala wala ang pagkakangiti. Nandoon sa ibaba at masiglang masigla na karga ni Mommy."
"You're very beautiful," puri ni Cameron na naging kaibigan na niya. Nobya ito ng pinsan ni Lucas na si Red at isa ring abogado.
Namula siya papuri nito. Siya man ay halos hindi makilala ang sarili nang tumingin sa salamin. Maganda ang pagkakalapat ng make-up sa kanyang mukha. "Maraming salamat, Ate."
Natigil sa pag-uusap ang tatlo ng biglang sumungaw si Leandro sa pinto. Agad namang nagpaalam ang dalawang babae at iniwan silang dalawa ng kaibigan doon.
Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa mga labi ng kaibigan habang nakatingin sa kanyang mukha. "Wala na talaga akong pag-isa, 'di ba? Napakaganda mo, River, mapalad ang lalaking papakasalan mo. Hindi rin kita masisisi, napakalayo ng agwat namin at mas mabibigyan ka niya ng mas mabuting buhay..." He sighed defeatly.
"L-Leandro..."
"Alam ko naman una palang na hindi pareho ang nararamdaman natin para sa isa't isa. Inaabangan kitang palagi sa paglabas mo sa restaurant, alam mo ba? Pero palagi kayong magkasama sa pag-uwi, palagi ko siyang nakikitang kasama mo kaya nawalan ako ng lakas ng loob na magpakita sa 'yo..."
Nalulungkot siya at nag-aalala ng makita ang lungkot sa mga mata ni Leandro.
"Maging masaya ka kasama niya. Pero kung sasaktan ka niya sana malaman mong nandito lang ako... Mahal kita, River," anito sabay halik sa noo ng dalaga.
Mabilis na tumalikod si Leandro bago pa mahulog ang mga luhang namumuo sa gilid ng kanyang mga mata.
Nang makalabas ang kaibigan ay pinuno niya ng hangin ang baga at muling tumingin sa salaming nasa harapan.
Malungkot siya para sa kaibigan at sa kaalamang ikakasal siyang wala ang mga magulang. Nasisiguro niyang kung naroon man ang mga ito ay iiyak ang kanyang ama't ina.
Hindi pa rin siya makapaniwalang ikakasal na siya. Halos isang linggo palang ang lumipas mula nang makita sila ng mag-asawang Villarama sa ibabaw ng kama ni Lucas at magkayakap.
Nang sabihin ni Lucas na papakasalan siya ay hindi siya nakapagsalita. Kulang ang salitang gulat upang isalarawan ang kanyang nararamdaman ng mga oras na iyon.
Tila naman nawala ang lahat ng galit ni Alessandra nang marinig ang sinabi ni Lucas. Doon din ay iplinano ng pamilya ang kanilang kasal. Wala siyang masabi sa lahat, hindi nagreklamo at nagpatangay lang sa agos. Pinatigil siya sa pagtatrabaho nang planuhin ang kasal.
Tanging ang pagsusukat lang ng gown ang naging kontribyus'yon niya sa preperasyon ng kanilang kasal ni Lucas. Ang pinaka-punong abala ay ang ina nito.
Sa mga araw na nagdaan ay ilang beses niyang sinubukang kausapin si Lucas, subalit hindi siya makahanap ng pagkakataon. Pinagbawalan muna ito ng ina nito na umuwi sa malaking bahay ng nga Villarama at sa penthouse muna ito tumuloy upang wala raw masabi ang ibang tao sa kanila. Isinuhes'yon niyang siya nalang ang aalis ngunit hindi siya pinayagan.
Pinakawalan niya ang bigat sa kanyang dibdib at sinubukang ngumiti. Ano man ang sirkumstansiya ng kanilang pagpapakasal ay hindi na niya dapat isipin. Hindi siya galit kay Lucas dahil sa naging desisyon nito, iniligtas siya ng binata sa kahihiyan. Ito pa nga ang inaalala niya, hindi niya alam kung ano ang nararamdaman nito sa pagpapakasal sa kanya.
"Are you ready?"
Lumipad ang kanyang tingin sa may-ari ng boses na iyon at napangiti. Napakakisig pa rin ng ama ni Lucas kahit na matanda na. Ito ang maghahatid sa kanya sa altar dahil wala na ang kanyang ama.
"Opo, Tito."
"Dad, call me dad, or Papa or Tatay," nakangiting sabi ni Nick. Marahan nitong hinaplos ang buhok ng dalaga na ilang oras nalang ay dadalhin ang kanyang apelyido.
"Opo, d-dad."
"Come on, they are waiting for you. My son's waiting for you."
Isang kinakabahang ngiti ang iginawad ni River dito. Agad naman iyong naintindihan ni Nick at inalalayan ang dalaga sa pagbaba sa kinauupuan.
Agad na ikinapit ni River ang braso sa braso ni Nick nang iumang nito iyon. Nanginginig ang kanyang tuhod habang pababa sila ng hagdan, mabuti nalang at hindi masyadong mataas ang takong ng kanyang sapatos.
"You'll gonna ba alright, smile." Nick smile warmly at her. "I'll send you off to the altar in behalf of your father... O, 'wag kang iiyak. No crying, pretty, smile, the guests are looking at you."
Agad niyang inilibot ang paningin sa malaking sala ng mga Villarama, marami siyang kakilala roon na mga kamag-anak ni Lucas, ngunit marami ring mga estranghero sa kanyang paningin. Nakangiti ang mga ito habang nakatingin sa kanya, imbes na pawiin niyon ang kanyang kaba ay lalo lang lumala.
Akmang lalapit ang iba sa kanila nang ianunsiyo ng wedding coordinator na magsisimula na ang kasal at pinapupunta ang lahat sa hardin. Isang garden wedding ang kasal nila Lucas na gaganapin sa hardin ng mga Villarama.
Nang magsimula ang entourage ay lalong lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Humigpit ang pagkakapit niya kay Nick at nanatiling nakatuon ang mga mata sa Bermuda grass.
"Relax... Look around you," bulong ni Nick.
Dahan-dahan siyang nag-angat ng ulo at napaawang ang labi nang makita ang kagandahan ng paligid. Napakarami ng mga bulaklak ang naroon, may mga sampaguita, daisies at mga roras na nagbibigay ng mabangong amoy sa paligid. Maging ang kanilang nilalakaran ay may mga talutot ng mga bulaklak na nakasaboy.
Ang mga iba't ibang kulay ng paru-paro na lumilipad sa paligid ay lalong nagpadagdag sa kagandahan na nakikita ng kanyang mga mata. It was a perfect wedding, River was so overwhelm.
Unti-unting nawala ang kaba sa kanyang dibdib at napalitan iyon ng ibayong ligaya. Lalo na ng magtama ang kanilang mga mata ng binatang nasa harapan. Nakatingin ito sa kanya, mula sa harapan ng makeshift altar, at may ngiti sa mga labi nito.
Hindi niya mapigilang humanga nang makita ang mapapangasawa. Nakabarong ito na kulay puti, pinarisan ng itim na slacks at itim na sapatos. Ang buhok ay maayos ang pagkakalapat. Paano niya papaniwalaang ikakasal siya sa kagaya nito? Maihahalintulad si Lucas sa isang prinsepe na pinapangarap niya noon.
Isang prinsepeng nagligtas sa kanya sa kadiliman ng gabing iyon sa labas ng restaurant nito. Nagligtas sa kanya sa kahihiyan at ito rin ang dahilan kung bakit sila sinuwerteng makatagpo ng mabubuting tao ni Maddie. Hindi niya alam kung karapat-dapat siya rito, ang tanging nasisigurado niya ay gagampanan niya ng maayos at buong husay ang magiging papel niya sa buhay nito.
Nang makarating sa harapan ay ibinigay ni Nick ang kanyang kamay kay Lucas. Ngumiti muna siya sa bestman nito na si Red bago tumingin dito.
Parehong sumilay ang magandang ngiti sa kanilang mga labi nang magkahinang ang kanilang mga mata. Upang mai-iwas ang mamasa-masang mga mata ni Lucas ay iginiya niya ang dalaga paharap sa judge na magkakasal sa kanila.
Walang maintindihan si River sa naging seremonya, ang tanging pumasok sa kanyang isipan ay ang mga pangako ni Lucas nang sabihin nito ang wedding vows. "I promise to take care of you for as long as I live. I will treasure you with my life, and Maddie and our future children. I-I will make you happy, River."
Hindi lang sa kanyang isip tumatak ang mga salitang iyon, maging sa kanyang puso. Napakasensero ng boses ni Lucas at puno ng damdamin.
When he slid the ring on her fingers, her tears fell. Suminghot siya bago binitawan ang kanyang pangako. "M-maraming salamat sa lahat, Lucas. Pinapangako kung gagawin ko ang lahat upang mapasaya ka, aalagaan kita sa abot ng aking makakaya." Ipinagpasalamat niyang hindi niya naihulog ang singsing dahil sa panginginig ng kanyang mga kamay.
Nang ianunsiyo ng hukom na mag-asawa na sila ay agad na itinaas ni Lucas ang veil na nakatabing sa kanyang mukha. Agad na bumaba ang mukha ni Lucas sa kanya at inangkin ang kanyang mga labi. Napapikit siya at ninamnam ang tamis ng halik nito.
Pakiramdam niya ay nawala ang tao sa paligid at sila lang dalawa ang naroon. Ibinuka niya ang mga labi at tinugon ang halik nito.
Ang palakpakan sa paligid at ang boses ni Alessandra ang nagpatigil sa dalawa.
Ipinagdikit ni Lucas ang kanilang noo habang nanatiling nakapikit.
"I'm so happy for both of you..." ani Alessandra na umiiyak na nakatingin sa dalawa.
NAPATINGIN siya sa asawa nang humigpit ang pagkakahawak nito kanyang kamay sa ilalim ng lamesa.
"Are you bored? Sleepy?" bulong ni Lucas sa kanyang tenga.
Iniling niya ang ulo at ngumiti rito. "Maari ko ba silang lapitan?" tanong niya rito ng makita ang mag-asawang Felimon.
"Come on." Inalalayan ni Lucas ang asawa patayo at tinungo ang kinaroroonan ng dalawang matanda.
Hinalikan ng dalaga ang pisngi ng dalawa bago nagpasalamat sa pagdalo. Nandoon din si Leandro at ang pamilya nito na ibinahagi ang kasiyahan para sa kanya. Tanging ang mga ito lang ang bisitang naanyayahan niya, wala naman siyang ganoong kakilala roon maliban sa mga itong nagmalasakit sa kanya noong nakatira pa sila ni Maddie sa apartment.
Agad na hinapit ni Lucas ang beygwang ni River nang makita ang lalaking iyon na humalik sa kanyang asawa noon sa labas ng bahay. Nakikita niya ang pait sa mga mata ng lalaki habang nakatingin sa kanila. Ipinakilala siya ni River sa mga kaibigan nito at ipinagpasalamat niya iyon.
Malalim na ang gabi ng matapos ang kasiyahan at makaalis ang mga bisita.
"Hiramin lang namin ang asawa mo, Kuya."
Bago pa maka-react si Lucas ay nahila na si River ni Krishia. Napasunod nalang ang tingin niya sa mga ito na paakyat ng hagdan patungo sa ikalawang palapag. Nang makapasok sa loob ng silid ang dalawang babae ay nilapitan niya ang kanyang mga magulang at kinausap.
Si River ay napangiti nang pagpasok nila sa silid na inuokopa nila ni Maddie ay makita niya roon ang mga babaeng kapatid ni Lucas, maging si Tara na pinsan nito ay naroon din.
"Welcome to the family, sis..." si Niccola na malapad na nakangiti sa kanya. Pinasalamatan niya ito at ang ibang naroon. "C'mon open your gifts."
Agad na lumipad ang kanyang mga mata sa mga nakabalot na regalo na nakalagay sa ibabaw ng kama.
Umupo siya sa kama at unang dinampot ang regalong kulay baby blue ang gift wrapper. Napangiti siya ng makita ang pangalan ni Snow sa card. Mapangiti siya ng makita ang laman niyon, mga CD ng iba't ibang uri ng Disney movies.
"Panuorin niyo ni Kuya," anito na nakangisi.
Ang sunod niyang binuksan ay ang regalong mula kay Tara. Umawang ang kanyang mga labi nang makita ang painting na gawa nito. Magkatabi silang nakaupo ni Lucas sa sofa habang karga nito si Maddie. Nakatingin sa kanya ang binata habang siya ay nakatingin sa kapatid.
Hindi niya alam kung kailan nangyari ang eksenang iyon na siyang iginuhit ni Tara. Napakagaling nitong pintor.
Nagpasalamat siya sa dalaga at sunod na binuksan ang regalo mula kina Krishia at Niccola.
Pulang-pula ang kanyang mukha, pati na ang leeg, nang makita ang mga laman niyon. Kay Krishia ay iba't ibang uri ng bikinis ang ibinigay. "Sa beach ang honeymoon mo, suotin mo 'yan," sabi nito. Si Niccola naman ay mga negligee ang ineregalo.
"H-Hindi naman kailangan ang ganito, pero salamat."
"Anong hindi kailangan?!" bulalas ni Niccola. "You married my brother, my twin and you promise to make him happy with all your might. Dear, wearing that on your honeymoon would make my brother the happiest man alive. And prepare your stamina for a rough and wild journey."
Nalaglag ang kanyang panga at nahigit niya ang hininga dahil sa sinabi ni Niccola. Nakangiti ang apat sa kanya at sinasabihan siya ng, "good luck."
Napalunok si River nang sunod-sunod.