PAGMULAT niya ng mga mata ay ang nakangiting mukha ni Lucas ang sumalubong sa kanya. Napakurap-kurap siya at inisip kung ano ang ginagawa niya roon at kung bakit ito naroon kasama niya sa ibabaw ng kama. Ang braso nito ay nasa kanyang beywang at mahigpit na nakayakap sa kanya.
Huli niyang naalala ay nakatulog siya sa loob ng silid na inuokopa nila ni Maddie matapos niyang magbukas ng regalo at makaalis ang apat na babae.
Naroon siya sa loob ng silid ng kanyang asawa, sa ibabaw ng kama nito.
"Good morning," he muttered in a low deep voice.
Hindi niya malaman kung saan titingin, sa mga mga mata ba nito na mamumungay, sa mga labing namumula, iiwas ba niya ang mga mata o muling pipikit? Lalo na ng tumaas ang kamay nito sa kanya at hinawi ang mga buhok na nakatabing sa kanyang mukha.
"G-Good morning." Napagdesisyunan niyang salubungin ang mga mata nito.
Lucas' eyes were twinkling while staring and caressing her beautiful face. He wanted to close their distance and pressed his lips on hers, and he did. Ah, it was heavenish and the satisfaction filled his chest. He could spend his whole life waking up every morning seeing her face, she was like the beautiful meadow on a grassy field. Serene and so soft.
Ipinikit ni River ang mga mata upang namnamin ang tamis ng halik nito. Ilang sandali lang nagtagal iyon at pinakawalan nito ang kanyang mga labi at pinatakan ng halik ang kanyang noo.
"As much as I want to stay like this with you, we have a three long hour drive to the summerhouse."
Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang sinabi nito. Pinili nilang ganapin ang kanilang honeymoon sa beach na pag-aari ng mga Villarama. They were supposed to be travelling by now and half way to the beach. Kaninang umaga pa dapat sila bumiyahe at ayon sa sinag ng araw na pumapasok sa loob ng silid ay tanghali na.
Bahagya niyang tinulak si Lucas at umupo sa ibabaw ng kama. Agad na namula ang kanyang pisngi nang makitang ibang damit na ang suot niya at hindi ang gown na suot niya kagabi. Ito marahil ang nagpalit sa kanya ng pantulog?
"T-Tanghali na, bakit hindi mo ako ginising kanina?" tanong niya ng hindi ito tinitingnan. Sa bihis nito ay alam niyang kanina pa ito nagising at nagkapaglinis na ng katawan. "Maliligo lang ako." Agad s'yang tumayo at pumasok sa loob ng banyo.
Ikinandado niya ang pinto at napasandal doon. Napahawak siya sa dibdib na malakas ang tibok at isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Kinakabahan s'ya at nasisiyahan, hindi niya alam kung bakit pero masaya siyang makita ito sa umaga.
Dahil kailangan na nilang umalis ay mabilis siyang naligo. Nagulat siya nang makitang naroon sa loob ng banyo ni Lucas ang kanyang mga toiletries katabi ng mga gamit nito. Inilipat marahil nito iyon doon.
Inilibot niya ang mga mata sa loob ng banyo habang nagsha-shampoo. Mas malaki iyon sa banyo na nasa loob ng silid na inuokopa nila ni Maddie subalit wala mas'yadong pinagkaiba sa mga kagamitan.
Ipinagpasalamat niyang may malaking tuwalya roon sa loob, subalit wala siyang dalang damit. Pagkatapos niyang maglinis ng katawan ay dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at lumabas.
Naroon pa rin si Lucas ngunit kasama na nito si Maddie, nakahiga sa malaking kama ang dalawa. Napangiti siya habang nakatingin sa mga ito, parang mag-ama ang dalawa at komportableng-komportable sa isa't isa.
Nasa labas pa rin siya ng banyo at nakatingin sa mga ito nang lumingon si Lucas sa kanyang direksiyon. Nakagat niya ang pang-ibabang labi ng pasadahan siya nito ng tingin. Ang mga tingin nito ay tila humahaplos sa kanyang katawan at tumutupok sa kanya. Ang tanging konsolasyon niya ay mahaba ang tuwalya na umabot na sa kanyang tuhod.
Lucas cleared his throat and muttered, "your clothes are there." Sabay turo sa walk-in closet na katabi lang ng banyo.
Agad na tumango si River at pumasok sa loob ng closet. Naroon nga ang mga damit niya at maayos na naka-hanger at nakatupi katabi ng mga damit nito. Sa tingin niya ay hindi iyon bagay sa mga mamahalin nitong gamit.
Binuksan niya ang mga drawer na naroon. Ang isa ay puno ng iba't ibang klase ng relo, ang isa pa ay ang mga necktie na iba iba ang kulay. At ang ikapula ng kanyang mukha ay ang pangatlo niyang binuksan, nakasalansan doon ang kanyang mga pangloob kasama ng mga pangloob nito.
Dinampot niya ang isang pares ng mga panloob at isinuot. Kapagkuwan ay naghagilap siya ng maaari niyang isuot. Nang makita ang naka-hanger na damit na ibinigay ni Snow sa kanya ay kinuha niya iyon. Inilapat niya iyon sa katawan at tiningnan ang sarili salamin. Ang sabi ni Snow ay bagay iyon sa kanya, pero nagdadalawang isip siyang magsuot ng ganoong damit. Sanay siya sa pantalon at t-shirt.
Hindi na siya nag-isip ng negatibo at isinuot ang damit na ang haba ay abot sa ibabaw ng kanyang tuhod. May mga butones iyon sa harap at v-neckline na kita ang gitnang parte ng kanyang dibdib. Hindi naman iyon malaswa at isa pa, hindi naman kalakihan ang kanyang dibdib. Loose ang manggas niyon at hindi gaanong mahaba, ilang pulgada lang ang haba.
Isang flat strap-on sandals ang isinuot niya sa mga paa na bigay naman ni Alessandra, komportable iyong suotin.
Mahilig magbigay ng regalo sa isa't isa ang pamilyang iyon, partikular na si Snow. Nahihiya nga siya dahil wala pa siyang naibibigay sa mga ito, sila palagi ang tumatanggap.
"Our clothes are already packed," rinig niyang sigaw ni Lucas mula sa labas.
Nang lumabas siya ay doon niya napansin ang maletang nasa paanan ng kama. Agad na lumipad ang kanyang mga mata kay Lucas na nakatayo na at isinasayaw-sayaw si Maddie.
"Are you ready?" tanong nito at pinasadahan ng tingin si River.
Itinango ni River ang ulo at lumapit sa dalawa. Iniumang niya ang mga braso at agad namang nakuha ni Lucas ang gusto niya, inilipat nito si Maddie sa kanya.
"Magpakabait ka, ha. Babalik rin si ate... mahal na mahal kita, Maddie." Hinalikan niya ito sa noo at napatingala kay Lucas na nakatayo sa kanyang tabi.
Nang dumapo ang palad nito sa kanyang pisngi ay agad siyang napapikit.
Unti-unting bumaba ang mukha ni Lucas upang angkinin ang mga labi ng asawa. Subalit bago pa iyon maglapat ay bumukas ang pinto at pumasok si Alessandra.
"Oh! I'm sorry to interrupt you, lovebirds, but you need to go. Gagabihin na kayo kung mamaya pa kayo bibiyahe. Give me little Maddie. Come here, baby..." Kinuha nito ang bata mula kay River at malapad na ngumiti sa bagong mag-asawa.
Nagpatiuna ang matanda sa paglabas ng silid, sumunod naman ang dalawa rito. Kinuha ni Lucas ang maleta, hinawakan ang kamay ni River at iginiya ito palabas.
PINUNO niya ng hangin ang baga kasabay ng pagpikit ng kanyang mga mata. Kasabay ng kanyang pagmulat ay ang masayang ngiti sa mga labi. "Ang ganda!"
Napakaraming niyog ang kanyang nakikita. Naraanan rin nila ang mga bakang nakapastol sa malawak na field. Nakakita rin siya ng kabayo na hila-hila ng isang lalaki.
Everything in that place reminds her of her hometown. Both are peaceful and beautiful.
"I'm glad that you like it. Wait until you the beach and the lake inside the forest. I have a log cabin near it, we could stay there."
"Dadalhin mo ako ro'n?"
Napangiti si Lucas dahil sa pagkamangha ng asawa. Ang boses nito at ang mga mata ay tila yaong sa isang bata na binigyan ng kendi. "Anything for my wife." He saw her blushed from the corner of his eyes, her wife was adorable and very beautiful. Kung wala lang sa manibela ang kanyang mga kamay ay hinila na niya ito palapit sa kanyang katawan. He would've kissed those lips senselessly.
"Malapit na tayo. Nagugutom ka na ba?"
"Hindi pa naman."
Binuksan niya ang bubong ng kanyang convertible upang malaya nilang makita ang paligid. Hindi na masakit sa balata ng sikat ng araw at malamig ang simoy ng hangin.
Ilang sandali pa ay nakikita na niya ang malaking signage ng private beach ng kanilang pamilya. Binagalan niya ang pagpapatakbo at tinalunton ang concrete na daan patungo sa gilid nang summerhouse.
Paglabas nila ng sasakyan ay naroon na si Martin, ang bagong katiwala ng private property na iyon, ang lalaki na ang nagbabantay doon simula nang mamatay ang lolo nito na siyang orihinal na nangangasiwa at pinagkakatiwalaan ng kanyang amang si Nick.
"Si River, asawa ko," pakilala niya at hinapit sa bewang ang kanyang asawa na nasa kanyang tabi.
"Napakaganda ng asawa mo, Sir Lucas. Masaya kami nang malamang nagpakasal na kayo."
Lucas smile proudly and kissed his wife's temple. River smiled and express her gratitude to Martin.
They stepped inside the house and were greeted by a plump woman who wears a big and warm smile on her face. In her arms was a two-year-old boy and was also smiling at them. It was Mary, the wife of Martin.
Sandali siyang nakibalita sa mag-asawa bago lumabas ang mga ito ng bahay. Nilapitan niya si River na ipinalibot ang mga mata sa paligid.
Hinuli niya ang kamay nito at inakay patungo sa direksiyon ng sofa na nasa living room. He sat on the sofa and pulled her, she landed on his lap with a flushed face. He did not let go of her and pulled her closer until her body relax. He smiled when she rested her face on his shoulder while their hands intertwined.
"Do you like it here?" She nodded as an answer. Lucas was trying to make a conversation. "What do you want to do here? Snorkeling? Diving? Swimming? Island hopping? I'm sorry kung dito lang kita nadala. We could've traveled to Europe or swim at the beach in Manhattan or Maldives."
He felt shook her head, he looked at her and meet her eyes. "Mas gusto ko rito, ang ganda rito Lucas, higit sigurong maganda kaysa sa mga bansang binanggit mo... Maaari nating gawin ang mga sinabi mo."
He smile at her and gave her a peck before getting on his feet. Binuhat niya ang asawa patungo sa dalampasigan kung nasaan ang mesang may mga lamang pagkain na hinanda ng mag-asawang katiwala.
They had their dinner on the seashore with the sunset before their eyes. The hue of the setting sun exuded a romantic vibe to the place.
It was a perfect moment for Lucas and River. They admire not just the sunset but also the food on their table. They talked and laughed. Smile and stared at each other's eyes like a couple who couldn't get enough with each other.
In that magical moment, Lucas didn't bother to hide his emotions, he wears them bare. If only she could see it, but she was innocent and those emotions were foreign to her.
Nang matapos sila sa maganang pagkain ay naglakad-lakad sila sa dalampasigan habang magkahawak ng kamay. He didn't imagine that it would be that satisfying to walk hand in hand with her on the seashore. Kapag nakakapanood siya ng ganoong eksena sa telebisyon ay pagkadisgusto ang gumuguhit sa kanyang mukha. Para sa kanya ay napaka overrated ng eksenang iyon. But looked at him right now, he was doing the same thing with the woman he adores.
River stopped on her track and settled her eyes on the setting sun. He stood next to her and wound his arms around her body. Her built was small but it fitted his body perfectly as if she was meant for him.
They watched the sunset together until the darkness took over the place.
"Do you want to drink?" he whispered in her ear.
She smiled demurely and nodded her head. "Yes."
"Stay here." Iniwan niya ito sa dalampasigan at mabilis na pumasok sa loob ng bahay.
Pagbalik ni Lucas ay may dala siyang bote ng wine na hindi pa nabubuksan, dalawang shot glass at picnic blanket na inilatag niya sa dalampasigan.
"This is a twenty-five-year-old wine from Belgium. Regalo ng isang business associate ni dad noong kasal nila ni Mom... Here taste it." Binigay nito ang kopita sa asawa.
River smelled the aroma of the wine before taking a sip. She readied herself to its strong taste, but it wasn't. It was surprisingly fruity and it tastes like caramel, it didn't burn her throat though she can taste the tartness of it.
"You like it?" Lucas asked her and sipped from his glass. A soft groan came out of his lips when he tasted the twenty-five-year-old wine.
He looked at his wife and found her staring at him. They both smile in silence and took a sip on their glasses. They shared glances, letting the silence took over.
"Maraming salamat at I'm sorry, Lucas," she muttered and broke the silence.
His forehead creased in confusion. "I think I know why you're thankful, but I don't have an idea what you're apologizing for."
Nag-iwas ng tingin si River sa kanya ngunit hinawakan niya ang mukha nito at muling pinaghinang ang kanilang mga mata. His eyes were urging her to spill those words she was hesitant to say.
"Maraming salamat sa lahat... at patawad dahil... dahil nakulo–"
"No! Don't say it. I get what you mean now... Walang pumilit sa akin na pakasalan ka. It was all in me. I decided and I will never regret the decision I made." He tucked the strand of hair on the back of her ear. "We'll work this out, we'll be husband and wife."