CHAPTER 17

"THEN where is he? He is supposed to take care of this mess before it gets out of hand. But where is he? Where's Apollo? We need the Chief of Operation hindi kung sinu-sino lang!"

Lucas snorted mockingly. Pakiramdam niya ay lalong uminit ang bumbunan ng bise-presidente.

Tiningnan niya ang president ng kompanya na matiim ang mga bagang at madilim ang mukha na naroon din sa loob ng boardroom. He nodded at him and that was his cue to turn the table.

He rose from his seat and went in front of those businessmen. Mabibilang sa mga ito ang malinis magtrabaho ang iba ay mga corrupt na negosyante. The greed for money and power makes a man vile.

He looked at every person in the room, his eyes lingered on one particular old-geezer. "To those who don't know me, I am Lucas Nicholai Sanford Villarama and I'll be representing my cousin until he gets back... Hindi ako kung sinu-sino lang, I owned a part of SC and the president of Rigo Chain of Restaurants," he announced flatly. The men in the room cleared their throat and silence their objecting tongues.

"The company faced a couple of mishaps last year and it affected our sales–"

"Then announce a bankruptcy, admit it that we are on a verge of it. We've lost a lot of money because of that shipment that gone to waste. And CPD who become our partners for twenty years wants to cut ties with us. How can the company cover the operation if we don't have enough money for it?"

Lucas wanted to laugh with that idiocrasy. Mr. Salvador wanted the company to announced bankruptcy. For what reason? Para mapuwersa silang ibenta ang kompanya sa mga kakompetensiya nila. Particularly to their very close competitor, the Willington Corporation. Alam niyang dati nitong kaklase at kaibigan ang may-ari niyon. Gusto nitong mapasa-ilalim ng WC ang SC upang matakpan ang anumalyang ginawa nito.

The man had no pride! He took not only millions of pesos but of dollars in currency from the company. Hindi sila nalugi noong nakaraang taon, hindi man tumaas ang sales nila hindi rin naman bumagsak. They are in equilibrium.

Kung hindi dahil sa mga papeles na iniwan ng kung sinuman sa ibabaw ng lamesa ni Apollo ay wala silang kaide-ideya hanggang ngayon. May mga accounts na hindi na-record sa financial statement, malalaking pera. Mr. Salvador was the Chief of Finance, no wonder he had all the power and guts to conspire against the company.

He hated the fact that there are many things to consider before announcing it to the public.

"Being scared is a part of life, gentleman. Older men tend to be scarier than the young ones," aniya na pasimpleng inatake ang bise-presidente. He can see how some of the men in the room tried to hide the laughter on their faces. Mr. Salvador loosened his tie and look at him sharply. Sinalubong niya ang mga mata nito at 'di nagpatinag.

Tinanguan niya ang sekretarya ni Apollo at sinenyasan na iabot ang mga pinahanda niyang dokumento sa mga naroon. "SC has a lot of unused assets, the factory that was built two years ago, ang mga delivery vans na hindi naman nagagamit at ang yate." The company owned a yacht for the executives. Nang tanungin niya ang kanyang Tito Alexander doon ay sinabi nitong pinagbutuhan iyon ng board at majority ang pumayag na bumili niyon upang ganapan ng mga pagdiriwang sa kompanya. "We sell those assets and also, my company will invest in SC."

"GOOD job, Lucas... Thank you." Bumuntung-hininga ito at hinilot ang ulo habang nakasandig sa sandalan ng swivel chair. Tila tumanda ng ilang taon si Alexander Sanford dahil sa problemang kinakaharap ng kompanya. "Hindi ko mapauwi si Apollo, he's hard as rock."

"Let him be, for now, Tito. He will come back."

Pagkatapos nilang mag-usap ay sandali siyang tumungo sa kanyang opisina bago tinahak ang daan patungo sa bahay ng kanyang mga magulang.

He felt bad for Apollo and Alexander. Sanford Corporation was supposed to be a family business and they should manage it together. Ngunit si Alex lang at ang anak nitong si Apollo ang nagpapatakbo niyon, kasama ang pamilya ng kapatid ni Alessandro Sanford–ang kanyang abuelo–na hindi nila masyadong kasundo.

Ang pangalawa namang anak ni Alessandro na si Ashton Sanford ay may sarili ring Construction Firm na pinapamahalaan. At siya, bagama't may share siya sa SC ay hindi siya nakakatulong sa pagpapatakbo niyon dahil may sarili siyang kompanyang pinapamahalaan na namana niya sa ama.

Pagkarating niya sa bahay ay agad niyang hinanap ang kanyang asawa. Nahanap niya ito sa kusina kasama si Alessandra, gumagawa ng puto cheese ang dalawa at binibenta online. Iyon ang pinagkakaabalahan nila upang hindi mainip sa bahay.

Hinalikan niya ang dalawang babae bago kinuha si Maddie na hawak ng kasambahay.

Pinagmasdan niya ang dalawa at napangiti nang makita kung ganoon kalapit at ka-komportable ang mga ito sa isa't isa.

Nang mapatingin sa kanya si River ay lalong lumaki ang kanyang pagkakangiti. He was tired but seeing her relieves all the tiredness in his body.

HUMAKBANG siya palapit sa kanyang asawa. Paghinto sa tapat nito ay tumaas ang kanyang mga daliri sa ilalim ng mga mata nito. Halatang wala itong maayos na tulog. Ilang araw itong abala sa trabaho, ngunit may oras pa rin ito sa kanila ni Maddie, kahit kaunti lang ay hindi siya nagrereklamo.

"Pagod ka. Kumain ka na ba?"

Kinuha nito ang kanyang palad at dinala sa mga labi habang hindi inaalis ang pagkakahugpong ng kanilang mga mata. Hayon na naman ang prantikong tibok ng kanyang puso, nararamdaman niya iyon sa tuwing natititigan ang mga mata nitong naghahalo ang itim at kulay ng lupa.

"I've already eaten but I want to eat your puto cheese."

Agad naman niya itong hinainan ng mga naluto na nila ni Mama Alessandra kanina. She loved seeing him eating with gusto.

Pagkatapos nitong kumain ay nagpaalam itong papanhik kasama si Maddie.

"I'm happy for you two. Bagay na bagay kayo ng panganay ko, River. Kahit ano man ang sirkumstansiya ng inyong pagpapakasal sana ay kayo pa rin hanggang sa huli."

Napatingin siya kay Alessandra nang magsalita ito sa kanyang tabi. Seryoso ang tinig ng ginang ngunit halata ang katuwaan sa mukha nito.

"May ipapaki-usap lang ako, dear," anito at hinaplos ang kanyang pisngi.

Napaka-init ng palad nito, napakasuyo, maihahambing niya iyon sa mga haplos ng kanyang inang namayapa.

"Ano po 'yon?" Kung ano man ang hihilingin nito ay gagawin niya. Marami na itong nagawa para sa kanila ng kapatid, panahon naman sigurong siya naman ang magbigay.

"Never leave my son. Manatili kayong kasal at pasayahin niyo ang isa't isa hanggang sa pagtanda. Can you do that, hmm?"

She nodded her head and smile at her mother-in-law. Magagawa naman siguro niya ang bagay na iyon. Ngayon pang pakiramdam niya ay hindi niya kayang mawalay kay Lucas. Naging parte na ito ng kanyang buhay at hahanapin niya marahil ito palagi kapag nawala ito.

"Opo, Mama."

PAGKATAPOS nila sa ginagawa ni Alessandra ay inudyukan siya nitong sundan ang kanyang asawa sa loob ng kanilang silid. Naiwan ito sa kusina kasama ang katulong at inililigpit ang mga ginamit nila. Ito na rin ang bahalang magsabi sa driver ng pamilya—na siya ring tagapag-deliver nila—kung saan ihahatid ang mga orders.

Noong una ay gumagawa siya ng puto cheese at ibinibigay sa pamilyang Villarama at mga Sanford, dahil naalala niyang nagustuhan ng mga ito iyon nang gumawa siya noong kaarawan ng asawa ni Niccola.

Hindi niya alam na inirekomenda pala iyon ng pamilya sa mga malalapit nilang kaibigan. Doon nagsimula ang munting negosyo nila ng kanyang mother-in-law. Masaya rin siya dahil mayroon siyang pagkaka-abalahan habang nasa bahay. Napakasaya rin niyang makasama palagi ang mama ni Lucas na sobrang bait at maalaga.

Nang makapasok sa loob ng silid ay dahan-dahan niyang isinara ang pinto nang masulyapan ang asawang nakatulog na sa ibabaw ng malaking kama. Si Maddie ay nasa kuna na rin at tahimik na natutulog.

Maingat siyang lumapit dito at mahinang napabuntung-hininga nang makita ang pagod sa mukha nito. Ni hindi man lang nito nagawang makapagbihis. Ang mga paa ay nakalaylay sa gilid ng kama at nakahiga sa ibabaw niyon ng pahalang.

Tumalungko siya at inalis ang sapatos nito na hindi man lang nito nahubad. Kapagkuwan ay umupo siya sa ibabaw ng kama at pinagmasdan ito habang natutulog.

Wala sa loob na tumaas ang kanyang kamay patungo sa mukha nito at humaplos sa magaspang nitong baba na tinutubuan na ng bigote.

Tumaas ang kanyang mga daliri sa ilalim ng mga mata nito. Unang tingin palang ay mahahalatang puyat at pagod ito dahil sa trabaho. Ilang araw na ring hindi makakuha ng sapat na tulog ang kanyang asawa dahil sa mga papeles na pinag-aaralan.

Ipinagpasalamat niyang ibinabahagi nito sa kanya ang mga bagay na kailangan nitong gawin. Sinasabihan siya nito tungkol sa problema sa kompanya kahit na wala naman siyang maitutugon na makakatulong dito. She was there to listen to him, always.

Nagulat man ay napangiti siya nang bigla nitong hawakan ang kanyang kamay na humahaplos sa mukha nito. Marahan nitong hinahaplos ang kanyang palad na siyang ikinatayo ng mga balahibo niya sa katawan.

"Tapos na kayo?" tanong nito sa mahinang boses kasabay nang pagmulat ng mga mata at tumingin sa kanya.

"Hmm..." sagot niya kasabay ng pagtungo ng kanyang ulo. Dumaloy sa kanyang katawan ang masarap na kilabot na iyon na palagi niyang nararamdaman tuwing nagkakatitigan sila at magkadikit ang balat. "Tulog ka ulit," wika niya kasabay nang paghaplos sa pagod nitong mga mata.

Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Lucas at dinala ang kanyang kamay sa bibig nito, hinalikan ang likuran ng kanyang palad. Kapagkuwan ay umupo si Lucas sa ibabaw ng kama at hinubad ang damit. Agad naman siyang tumayo at pumasok sa walk-in closet upang kumuha ng pamalit nito.

Ibinigay niya sa kanyang asawa ang boxer short at tinulungan itong suotin ang sandong kinuha niya. Nang makapagbihis ay maayos itong sumampa sa kama at humiga. Ngumiti sa kanya at inuumang ang mga bisig. Agad naman siyang pumaloob doon at ipinatong ang kanyang pisngi sa dibdib nito.

Naramdaman niya ang paghalik nito sa kanyang ulo at ilang sandali pa ay pantay na ang hininga nito at lumuwag ng kaunti ang brasong nakayakap sa kanyang katawan.

Maingat niyang itinaas ang ulo upang matitigan ang mukha ni Lucas.

Napakasuwerte niya at pinakasalan siya ni Lucas. Wala itong ipinakita sa kanilang magkapatid kung 'di kabaitan. Sa ilang linggo nilang pagsasama ay walang away na namagitan sa kanila. Sakali ngang magkaroon ng away sa pagitan nila ay handa naman siyang magpakumbaba. Hindi naman mawawala ang pag-aaway sa pagitan ng mag-asawa at alam niyang darating sila sa puntong iyon. Kagaya ng kanyang mga magulang. Kahit na mapagkumbaba ang kanyang ina at malaki ang pasensiya ng kanyang ama ay nag-aaway pa rin ang dalawa. Ngunit sa huli ay nagkakabati pa rin sila at pinapatawad ang isa't isa. Ganoong pagsasama ang gusto niya at sa kanyang tingin ay hindi iyon mahirap makamit kasama si Lucas.

Pagkalipas ng ilang sandali ay hinalikan niya ang dibdib nito bago maingat na binaklas ang braso nitong nakapaikot sa kanyang katawan.

Tinungo niya ang kuna at kinuha ang kapatid na nagising na at gumagawa ng mumunting ingay. Lumabas siya sa salaming pinto patungo sa balkonahe upang hindi magising ang natutulog na asawa.

"Kumain ka na ba?"

Agad siyang napatingin sa kabilang balkonahe nang marinig ang boses ni Snow roon na may kausap sa telepono at hindi siya napansin.

"I miss you too."

Nakagat niya ang pang-ibabang labi habang naririnig ang pag-uusap ni Snow at ng nasa kabilang linya. Base sa boses ng dalaga at sa takbo nang pinag-uusapan nila ay nahuhulaan niyang kasintahan nito ang kausap.

Ano nalang kaya ang magiging reaksiyon ni Lucas kapag nalaman iyon. Napaka-istrikto pa naman nito pagdating sa mga kapatid, lalo na kay Keishia Snow. Ngunit hindi naman siya sumbungera, ayaw niyang makialam sa magkapatid.

Akmang babalik siya sa loob ng silid nang marinig niya ang pagsinghap nito at ang pagtawag sa kanyang pangalan. "R-River..."

Isang alanganing ngiti ang kumawala sa kanyang mga labi. "S-Snow..."

"May narinig ka ba?"

Tumango siya kasabay nang pagngiwi. "S-sorry. Hindi ko intensiyong makinig. 'Wag kang mag-alala, wala akong pagsasabihan."

Tila nakahinga ito ng maluwag sa narinig. "Maraming salamat... Hi, Maddie."

Humagikhik naman ang kanyang kapatid bilang tugon.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.