CHAPTER 18

NAKANGITING pinanood niya ang mag-asawang palabas ng restaurant. Bagay na bagay ang mga ito at nakikita niyang mahal na mahal nila ang isa't isa.

Kanina pa sila nakatambay ng kapatid ng kanyang asawa roon sa restaurant kasama ang mga anak nito nang sunduin ito ni Mason.

Naalala pa niya noong una niyang makita ang asawa ni Niccola ay natulala siya rito. Iyon ang unang beses niyang makakita sa personal ng isang foreigner na may ganoong klaseng kulay ng mga mata. Kabaliktaran ni Niccola si Mason na palaging seryoso ang mukha at tahimik lang kadalasan.

Kinagigiliwan din niya ang dalawang anak ng mag-asawang Clarkson na sina Viviane and Stefan. Malapit na sa kanyang puso ang dalawang bata na parehong nakuha ang mga mata sa ama ng mga ito.

Natapos ang kanyang pag-iisip nang maramdaman ang paghila ni Maddie sa ilang hibla ng kanyang buhok.

"Pagod ka na ba?" tanong niya nang makitang hinihingal ito. Natural lang na hingalin ang may karamdaman katulad ng VSD, kagaya ni Maddie.

Ipinagpapasalamat nga niyang nadagdagan ang timbang nito simula nang manirahan sila sa bahay ng mga Villarama. Marahil ay dahil may sapat itong kinakain at nakakainom ng gatas mula sa kapatid ng kanyang asawa.

"Anong problema ha? Nauuhaw ka?" Kinuha niya ang feeding bottle nito at pinainom ito ng tubig.

Bigla ang pag-angat ng kanyang paningin nang marinig ang pagtikhim ng kung sino man sa kanyang harapan. Nang makita ang mga dating katrabaho na nakatayo roon ay nginitian niya ang dalawa na may alangang ngiti sa mga mukha.

"Kumusta?" aniya habang nakatingala sa mga ito. "Upo kayo, Belinda, Lovely..."

Ramdam niya ang alangan ng dalawa, na marahil ay nagdadalawang-isip kung uupo. Tumikhim si Lovely bago nagsalita. "Gusto lang naming humingi ng tawad tungkol doon kay... Fernan... At sa mga sinabi namin dati tungkol sa 'yo."

Hindi nawala ang ngiti sa kanyang mga labi habang nakatingin sa dalawa. "Wala na 'yon. Matagal na naman 'yon, limot ko na at hindi naman ako nagtanim ng galit sa inyo," kanyang sagot sa mga ito. Totoong wala siyang naramdamang galit kahit kaunti lang.

Tila nakahinga naman ng maluwag ang dalawa sa kanyang naging tugon.

"Salamat din, River, dahil sinabi mo kay sir na 'wag kaming sesantihin. Maraming salamat talaga."

Tinanguan niya ang dalawa nang magpaalam ang mga ito. Hindi niya alam kung bakit alam ng mga itong kinausap niya si Lucas noong mga panahong nangyari ang aksidenteng paglalasing sa kanya ng kanyang katrabaho at nagbalak na gawan siya ng masama.

Napigil niya ang akmang pagpapakawala ng isang malalim na buntung-hininga ng isang hindi pamilyar na babae naman ang lumapit sa kanyang lamesa. Umawang ang kanyang mga labi nang makita ang kabuuan nito. Napakaganda nito, maputi at matangkad, lalo lang pinatangkad ng suot na sapatos. Isa marahil itong modelo dahil sa maganda nitong tindig at lakad.

"Hi?" anito nang tuluyang makalapit.

"H-hello," sagot niya sa mahinang tinig. Halos hindi lumabas ang mga salitang iyon sa kanyang bibig.

"Puwede bang umupo?"

Wala sa loob na itinango ang ulo. Umupo ang babae sa kanyang tapat kasabay nang paglalahad nito ng kamay sa kanya.

"I'm, Roxanne, I'm Lucas' friend. You're his wife, right?" saad nito at sinulyapan ang batang nasa kanyang bisig.

Nahimasmasan siya nang marinig ang pangalan ng kanyang asawa mula sa bibig ng babae. Hindi niya alam kung bakit tila bumaba ang enerhiya sa kanyang katawan dahil sa narinig.

Ilang sandali niyang tinitigan ang kaharap na may malawak na ngiti sa mga labi na lalo lang nitong ikinaganda. Halos wala siyang nakikitang pekas sa mukha nito, maninipis ang mga labi na mapula dahil sa suot na lipstick, ang mga mata ay kulay abo at hindi pangkaraniwan na binagayan ng mga malalantik na mga pilik. Mahihiya ang kanyang ilong sa tangos ng ilong nito.

Lumunok siya ng laway nang maramdaman ang panunuyo ng kanyang lalamunan. Gamit ang isang malayang kamay ay tinanggap niya ang pakikipag-kamay nito at isang alanganing ngiti ang iginawad dito. "Ako si River, a-asawa ni Lucas. Kapatid ko si Maddie. Kaibigan ka pala niya... ngayon lang kita nakilala."

Hindi niya alam kung bakit may pagdududang biglang umahon sa kanyang dibdib. Ngayon lang niya nakita ang babae na kaibigan daw ng kanyang asawa.

"Actually, almost three weeks ago lang kami muling nagkita after five years. I was in the states at limang taon bago ako umuwi ng Pilipinas... It is nice meeting you, River." Pati boses nito ay napakaganda. Wala bang pangit dito? sa isip niya.

"Ikinagagalak kong makilala ka," aniya.

Nawala ang masama niyang pakiramdam sa kaharap pagkatapos ng ilang sandaling pakikipag-usap dito. Namangha siya nang malaman ang trabaho nito sa ibang bansa. Isang prelibihiyo sa mga kagaya niya na makadaupang palad ang isang kagaya nito na kilala sa buong mundo sa larangan nang pagmomodelo.

Mahirap daw ang buhay nito noon at ito rin ang nagpapalaki sa mga kapatid dahil wala na ang mga magulang nito. Masuwerte raw itong makakilala ng isang talent scout na ngayon ay manager at kaibigan na nito.

"There was one time when Lucas accidentally ate a peanut, nahirapan siyang huminga and we needed to rush him in the hospital. That was terrible! Naipagpalit ko kasi ang pagkain niya sa ibang costumer... that was the first time we met. I was so anxious and afraid that he might fire me, but he didn't, Lucas is reasonable and righteous. You married a great man." Lucas was allergic to peanuts.

Hindi niya matukoy kung panibugho ba ang naringgan niya sa boses ni Roxanne. Pero sigurado siyang nakita niya ang pagdaan ng lungkot sa mga mata nito.

"Matagal na pala kayong magkaibigan..." wika niya.

"Ahm, actually, he was my—" Napatigil ito sa pagsasalita dahil nakuha ni Maddie na nasa kanyang braso ang kanilang pansin. "W-what's wrong?"

"M-Maddie..." Bahagya niyang niyugyog ang kapatid nang maghabol ito ng hininga. Mas lumala ang paghahabol nito kaysa kanina. Sumisinghap na ito at panay ang tulo ng mga luha sa mga mata. "B-bakit...? Maddie..."

Bigla siyang nataranta dahil sa nangyayari sa nakababatang kapatid. Ang mumunti nitong kamay ay mahigpit ang pagkakadaklot sa kanyang damit na para bang doon kumukuha ng lakas upang huminga.

"Let's take her to the hospital," suhestiyon ni Roxanne na siyang unang nakahuma sa kanilang dalawa.

Kung hindi pa siyang nito hinawakan sa balikat ay hindi siya matatauhan sa paghehestirya.

Sa nanginginig na tuhod ay sumama siya rito pasakay sa kotse nito upang maisugod agad ang kanyang kapatid sa pinakamalapit na ospital.

"WHAT HAPPENED?"

Tila nakahanap si River ng kakampi nang marinig ang boses na iyon. Mula sa kanyang mga kamay na nasa kanyang kandungan ay agad siyang nag-angat ng tingin kay Lucas.

Kahit nanghihina ang mga tuhod ay agad siyang tumayo at yumakap dito nang mahigpit. Ang kanyang mga luha ay hindi niya napigilan sa pagtulo.

"Hey... Shh..." Sabay hagod ni Lucas sa likod ng asawang umiiyak sa kanyang dibdib. "What happened," ulit niya sa naunang tanong. Tiningnan niya ang kanyang dating kasintahan na naroon din at nakatingin sa kanila.

"Her sister is in the ICU," sagot ni Roxanne. "I... I gotta go, I have an appointment, Lucas."

"Thank you, Rox," aniya sabay tango.

Nang makaalis ang kanyang ex-girlfriend ay agad niyang inakay ang asawa patungo sa naroong bench at inupo.

Kanina ay nasa gitna siya ng meeting kaya hindi niya kaagad nalaman ang nangyari kay Maddie. Paglabas niya ng conference room ay nasa labas ang isang waitress at sinabi sa kanya ang nangyari sa bata. He ran to the hospital without a second thought.

Hinawakan ni Lucas sa balikat si River upang matingnan ang mukha nitong puno ng luha. Pinahiran niya ang basang pisngi nito at hinalikan sa noo. "Gagawin ng mga doktor ang lahat ng makakaya nila."

Napahawak si River sa braso ng asawa, mahigpit ang pagkakapit niya na para bang doon kumukuha ng lakas. "P-paano kung... paano kung 'di niya kayanin? Hindi ko kayang mawala siya, Lucas," saad niya ng may pagsusumamo at takot sa mukha.

Walang magawa si Lucas kung 'di yakapin ito at samahan doon habang naghihintay sa doktor na nag-aasikaso sa kalagayan ng bata.

Tumigil na sa kakaiyak si River ngunit nanatili siyang nakasiksik at nakayakap sa katawan ni Lucas. Nang lumapit ang doktor ni Maddie sa kanila ay agad silang tumayo.

"What happened to her, Doc? Is she okay?" tanong ni Lucas.

Lalong kinabahan si River nang marinig ang pagbuntung-hininga ng doktor. "I'm sorry to say this but her lungs have a problem. Ang butas niya sa puso ay ang dahilan kung bakit walang sapat ng hangin ang kanyang katawan. Her lungs started failing and it'll be hard for her to breathe without a machine..."

Lalo siyang nanghina nang marinig ang nangyayari sa kanyang kapatid. Mabuti nalang at naroon si Lucas upang saluhin ang asawa ng bumuway ito ng tayo.

"Kung naayos lang sana ng mas maaga ang butas niya sa puso ay maaaring hindi lalong naapektuhan ang kanyang daluyan ng hangin..." Una palang ay tinapat na siya ng doktor na kung hindi mao-operahan ang bata ay may mga komplikasyong maaaring mangyari sa katawan nito. Ngunit hindi nila magawang operahan si Maddie ng mas maaga dahil hindi kakayanin ng munti nitong katawan, hindi rin siya papayag dahil malaki ang tiyansa na mawala sa kanya ang kapatid.

"P-pero, okay pa siya noong last check-up niya, Doc? B-bakit nangyari ito...?"

"I'm sorry, Mrs. Villarama, complications can develop suddenly at any time."

"What about surgery, Doc? She's scheduled to have her operation next week."

"I'm afraid the risk is bigger this time. Considering her size, her age, the complications and the size of the hole, it'll be risky to operate on her. But if you want an open heart surgery for Maddie, we could talk about the possibilities and your expectations in my office."

Tumuloy sila sa opisina nito habang akay ni Lucas ang kasama. Dumating din ang mag-asawang Nick at Alessandra roon at sabay-sabay nilang pinakinggan ang mga pagpipilian nila at ang suhesiyon ng doctor.

"ARE YOU cold?" tanong ni Lucas kay River na katabi niyang nakaupo sa bench na nasa labas ng ICU.

Hinubad niya ang suot na coat at itinakip sa katawan nito. Hinalikan niya ito sa ulo kapagkuwan ay nagpakawala ng malalim-lalim na buntung-hininga. Kanina pa sila nandoon at halos hatinggabi na subalit ayaw pa rin nitong umalis sa harapan ng ICU. Ang kanyang mga magulang ay kanina pa nakauwi dahil hindi kakayanin ng mga ito na magpuyat.

"Let's go home, we'll come back tomorrow. Hindi nila papabayaan si Maddie rito." Hindi niya alam kung pang-ilang beses na niya iyong sinabi rito.

Pinisil niya ang kamay ng kanyang asawa kasabay ng pagtanggo nito. Inakay niya ito palabas ng ospital hanggang sa pagsakay sa kanyang kotse.

Napasulyap si Lucas sa may bahagi ng passenger's seat nang marinig ang pagsinghot ni River. She was crying again.

Pagkarating sa bahay ng kanyang mga magulang ay agad silang dumiretso sa loob ng kanilang silid.

He took a shower after her. Paglabas niya ng banyo ay tahimik na itong nakahiga ng patagilid sa ibabaw ng kama. Nag-aalala siya rito dahil ilang oras na itong 'di nagsasalita.

He understands why she was acting depressed, he was also worried about Maddie's condition. The kid was close to their hearts, she was a family.

He went on top of their bed and wound his arms around her body, hugging her from the back. He kissed her shoulder and hold her hand.

"Why was Roxanne with you?" he asked, trying to make a conversation.

"Ipinakilala niya ang sarili niya kaninang nasa-restaurant kami," sagot nito sa malat at mahinang tinig. Ipinagpasalamat niyang nakatanggap siya ng tugon mula rito. "Kaibigan mo siya?"

"She's my ex-girlfriend," he answered honestly.

"Gano'n ba?" Was it just him or she really sounded more depressed and sad? "Magkaibigan na lang kayo?"

It was confirmed. His wife was jealous of Roxanne. His wife was an open book. The thought of her being jealous was enlivening.

Dinala niya sa mga labi ang kamay nilang magkahugpong. He loved being close with River, her small frame fits his body as if she was a missing piece of his puzzle.

"We're friends. She's just a friend now." Napangiti siya nang bumuga ito ng hangin na tila ba malaking tinik ang nawala sa dibdib. "Everything will be alright, my wife. We need to believe that, have faith."

She nodded her head. "Maraming salamat, Lucas."

"Anything for my wife. Anything."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.