"KAWAWANG bata 'yang si Ris. Namatayan na ng magulang, tiyahin at kapatid nabuntis pa."
"Gano'n talaga iyong mga lumuluwas sa lungsod. Nahahawaan ng pagka-moderno ng panahon, mabuti sana kung pananagutan ng nakabuntis."
"Tumigil nga kayo, baka marinig kayo niyan, maawa naman kayo sa tao."
Hindi siya bingi, ramdam at dinig niya ang mga bulong-bulongan ng mga taong nakapaligid. May ibang nagsasalita ng masama ngunit hindi na lang niya pinapansin.
"'Wag mo nalang silang pansinin, Ris, ganyan talaga ang mga walang magawa, nangingialam ng buhay ng iba."
Tanging ngiti ang kanyang naging tugon sa tindera ng mga gulay na si Aling Ising, kaibigan ito ng kanyang ina noong nabubuhay pa ito. Dahil madalas din siya sa palengke noon at tinutulungan ang kanyang ina ay naging malapit na rin siya sa ginang. Isa ito sa mga taong maituturing niyang totoong nagmamalasakit sa kaniya.
"Ilang buwan na ba iyang nasa tiyan mo?"
"Tatlong buwan po at kalahati," sagot niya rito sabay himas sa umbok ng kanyang tiyan.
Walang nakakaalam sa kanilang baryo na nag-asawa na siya kaya ang haka-haka ng lahat ay nabuntis siya ng kung sinong pontio pilato. Maging sa maliit nilang bayan ay kumalat na ang kanyang pagbabalik at pagdadalang-tao. Noong nabubuhay pa ang kanyang mga magulang ay halos kakilala ng mga ito ang bawat tao sa lugar nila kaya kilala rin siya ng halos karamihan. Batid niyang tanging awa ang pumipigil sa iba na pagsalitaan siya ng masama. Hindi nalang niya pinapansin ang kanyang mga naririnig.
"Isa nalang aalis na!" rinig niyang sigaw ng driver ng isang pampasaherong tricycle.
Agad niyang binayaran ang mga pinamiling gulay sa tindera upang hindi maiwanan. Madalang ang mga tricycle na bumabiyahe sa kanilang baryo dahil bukod sa lubak-lubak na daanan ay nasa kasuluk-sulukang bahagi iyon.
"Maraming salamat po." Bigla ang kanyang pagpihit kaya hindi niya napansin ang isang taong papasalubong sa kanyang direksiyon. Nabangga siya sa katawan nito, mabuti nalang at hindi malakas ang kanyang pagtama. Ang mga pinamili ay nabitawan niya dahil agad na dumako ang kanyang mga kamay sa kanyang tiyan.
"Pasensiya na," aniya kasabay ng pagpikit ng mga mata dahil sa pagkahilo. Nang magmulat ay nakita niya ang pag-abot nito sa kanya ng mga pinamili na nahulog kanina. "Maraming salamat." Kasabay ng bahagyang pagyuko at muli nang lumakad patungo sa nakaparadang tricycle dahil lalarga na iyon.
Hindi pa man nakakalayo ang kaniyang sinasakyan ay muli siyang lumingon sa pinanggalingan. Ngunit wala na ro'n ang taong nakabangga.
Nang makarating sa bahay ng kanyang Tiya Olivia ay agad niyang inilagay ang mga pinamili sa lamesa. Umupo siya sa naroong upuan at inilibot ang paningin sa paligid ng maliit na bahay. Gawa lang iyon sa kahoy bagaman ay matibay at maayos ang pagkakayari, maliit ngunit sapat lang sa kanya. May maliit na kusina, silid at sala, may banyo rin na katabi ng bahay. Mga mga gulay at prutas din sa paligid kaya hindi na siya mag-aalala sa kakainin, isa pa, kadalasan ay hinahatiran siya ng pagkain ng mga kapitbahay.
Isang malalim na buntung-hininga ang kanyang pinakawalan nang maalala kung bakit siya naroon. Apat na araw na siya sa lugar na iyon ngunit hindi pa rin mawala ang lungkot sa kanyang dibdib, tila lalo lang iyong nadagdagan. Subalit paunti-unti ay nababawasan ang sakit. Binabalikan niya ang mga lugar na pinuntahan nila ng kanyang mga magulang noon, mga masasayang ala-ala. Madalas din niyang isipin ang mga paalala at mga aral na tinuturo ng kanyang mga magulang.
"May rason kung bakit nangyayari sa mga bagay, Ris." Iyon ang palaging naiisip niya sa pagdaan ng mga araw na nandoon siya.
Upang hindi muling kainin ng lungkot at sakit ay pinagpasayahan niyang lumabas ng bahay at tumuloy malapit sa may ilog. Hindi na gano'n kasakit ang init ng araw at sariwa ang simoy ng hangin.
Umupo siya sa upuang kahoy na naroon na mula ng kanyang kabataan. Huling gawa ng kanyang ama roon ay isang taon na ang nakakalipas kaya matibay-tibay pa.
Pinanood niya ang malamyos na pagdaloy ng tubig sa ilog habang inaalala ang mga masasayang ala-ala nila. Iyon ang tanging nagpapakalma sa kanyang kalooban.
Nang ipikit niya ang mga mata ay unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Ang pagkanta ng mga ibon at ang lagaslas ng tubig ang ingay na tangi niyang naririnig. Ang simoy ng hangin ay nagpapakalma sa kanyang kalooban.
Pinuno niya ng sariwang hangin ang baga habang hinahaplos ang kanyang tiyan.
"Is this the tree you used to climb?"
Agad ang pagmulat ng kanyang mga mata nang marinig ang pamilyar na boses na iyon ng isang lalaki na hinatid ng hangin sa kanyang kinauupuan. Lumipad ang kanyang mukha sa direksiyon ng malaking puno ilang dipa ang layo sa kanya.
Napatayo siya mula sa pagkakaupo nang makita si Lucas na nakatayo roon. Hindi siya agad makahuma at ilang sandaling inakalang isa lang iyong aparisyon. Simula nang umuwi siya sa probinsiya ay palagi niyang nakikita ang nakangiting mukha ng kanyang asawa.
Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan at pinanood ang paghakbang nito patungo sa kanyang direksiyon.
"L-Lucas," usal niya ng makalapit ito sa kanya. Totoo ito at naroon nga sa kanyang harapan. "Nandito ka." Hindi niya napigilan ang sarili at yumapos sa katawan nito. Nararamdaman niya ang mga mumunting patak ng halik sa kanyang ulo.
"Don't leave me like that again, please," he pleaded after minutes of silence.
Lumayo siya rito at tiningala ito. Sumikip ang kanyang dibdib nang makita ang pagtutubig ng magkabila nitong mga mata. Tumaas ang kanyang nanginginig na mga palad sa mukha nito at dinama ang magaspang na panga na tinutubuan na ng balbas. Hindi nito nagawang mag-ahit at ang paligid ng mga mata ay nangingitim. May pakiramdam siyang ilang araw na itong walang pahinga.
Kinuha nito ang kanyang mga kamay na nakahawak sa mukha nito. Muntik nang bumigay ang kanyang mga luha nang masuyo nitong halikan ang likod ng kanyang mga palad. She missed him so much. Pinanabikan niya ang maiinit nitong mga yakap at halik.
"'Walang ibig sabihin ang nakita mo, maniwala ka. She—she kissed me first, she went to my office to bid her goodbye. Roxanne fly to the states that day. Please, believe me, my wife. I love you very much," paliwanag nito. His voice sounded apologetic and sad.
Nahabag siya nang makita ang pagtulo ng mga luha mula sa mga mata nito. Tumingkayad siya at ipinaikot ang mga braso sa leeg nito kasabay ng paglapat niya sa kanilang mga labi.
Mabilis na dumaloy ang luha sa kanyang mukha na kasingbilis nang tibok ng kanyang puso habang magkahinang ang kanilang mga labi. Marahan at napakasuyo ng halik ngunit dinala siya no'n sa kalawakan. Pinapawi ang mga pangamba sa kanyang dibdib.
Hinalikan niya ang panga nito nang maghiwalay ang kanilang mga bibig, She looked at him in the eyes and smiled lovingly. "Nasaktan ako sa nakita ko, Lucas. Pero hindi niyon nabawasan ang tiwala at pagmamahal ko sa 'yo. Alam kung may eksplenasyon kung bakit nangyari ang nakita ko, at sinabi mo nga siya ang naunang humalik."
"B-but why did you left? Fear killed me when I come home and you are not there."
"I'm sorry, kailangan ko munang... magpakalayo-layo. Bawat sulok ng bahay ay nagpapa-alala sa akin kay Maddie. Naisip ko na ang paglayo ng pansamantala ang makakapawi ng sakit sa aking dibdib."
Wala itong tugon sa mga sumunod na sandali at nanatiling nakatingin sa kanyang mga mata. Paglipas ng ilang sandali ay inakay siya nito paupo sa upuang kahoy. Umupo ito sa kanyang tabi habang nakayakap ang mga braso sa kanyang katawan at tila ba wala siyang balak na pakawalan.
"Patawad kung hindi kita nasundan kaagad..." sabi nito habang nakasubsob ang mukha sa kanyang dibdib. "...I came home late that night because I got a call from Mom telling me that Krishia met an accident. Pag-uwi ko sa bahay wala ka na. The driver relay your message and I almost died that moment."
Napasinghap siya sa sindak ng malamang naaksidente ang kapatid nito. Binalak nitong sundan siya kaagad ngunit biglang nagkaproblema sa negosyo at kay Krishia na nanganib ang buhay. Naiintindihan naman niya iyon at hindi naman niya hinangad na sundan siya nito dahil may balak naman siyang bumalik. Subalit ipinagpapasalamat niyang naroon ito sa kanyang tabi.
Hindi pa nagigising ang dalaga hanggang ngayon. Nakaramdam tuloy siya nang matinding guilt dahil dinagdagan niya ang mga alalahanin nito at ng pamilya sa kanyang pag-alis. Kung alam lang niya ang nangyari kay Krishia ay hindi siya aalis. Lucas needed her there.
"I bump into you at the market earlier. Ngunit hindi mo ako sinulyapan man lang, Ris."
Agad siyang napatingin dito nang marinig ang itinawag nito sa kanya. Iyon ang kanyang palayaw na ayon sa kanyang mga magulang ay pinaikli ng kanyang pangalang River Louis. "Siguro ngayon ay alam na ng lahat na may asawa ka. I can't stand hearing other people talking bad things about my wife."
Napaawang ang kanyang bibig sa pagkabigla. Hindi niya nakita ang mukha ng lalaking nakabangga niya kanina at ang kaalamang ipinaalam nito sa lahat na mag-asawa sila ay hindi niya mapaniwalaan, "Anong ginawa mo?"
Ngumiti ito sa kanya at dinampian ng halik ang kanyang noo.
"I love you, River Louis. Matuyo man ang ilog na ito ngunit hindi ang pagmamahal ko para sa iyo. Handa akong gawin ang lahat para sa 'yo, gano'n kita kamahal, Ris. Kahit kailan ay hindi ko pagsisisihan ang mga ginawa ko upang maging akin ka."
"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya na nangunot ang noo sa pagtataka.
Ilang sandali itong nanahimik at pinuno ng hangin ang baga bago nagsalita, "The wedding was a set-up..." panimula nito sa mahinang tinig. "I wanted to have you from the very beginning. My mother helped me to have you. Napadali lang ang lahat nang mag-aya ka na uminom ng gabing iyon. The first time you had tasted an alcohol. When you fell asleep to my room, I talked to Mom, isa iyong katuparan ng mga plano namin. Hindi totoong nagalit siya nang makita niya tayong nasa ibabaw ng kama at magkayakap kinabukasan. It was all a show, River."
"P-pero bakit niyo ginawa 'yon?"
"For myself. Hindi ko alam kung kailan kita sinimulang mahalin. Marahil ay noong unang mapasukan kita sa opisina ko or maybe when I saw you every day on the restaurant but perhaps that stormy night when I saw you with Maddie on the waiting shed. I don't know when, but one thing I'm sure about, I'm madly, deeply in love with you, my wife. Gasgas na marahil ang mga salitang ito pero hindi ko kayang mabuhay ng wala ka sa tabi ko. Kailangan kita..." madamdamin nitong pahayag.
"You are brave and full of love, how can I not fall in love with you? I'm head over heels in love with you.
"I'm may be a selfish man for having you that way, for putting you in that situation. But I badly wanted you to be mine, to hold you like this and feel your warmth. Mom wanted a daughter-in-law like you, so she offered helped. Pangalawa sa akin ay siya na marahil ang pinakamasayang tao sa mundo nang maikasal tayo."
Ikiniling niya ang ulo sa pagsang-ayon. Anuman ang kanyang nalaman ay hindi iyon nakakaapekto sa pagtingin niya rito. Mas minahal niya ang asawa sa mga nalaman. "Hindi, Lucas. Ako, ako ang pinakamasayang tao nang makasal ako sa 'yo. Hindi ko hinangad na maging asawa mo subalit iyon ang isa sa pinakamasayang pangyayari sa buhay ko. Nagkaroon ako ng pamilya, ng mga magulang uli, at ng asawang inalagaan ako." Ngumiti siya rito kahit na hilam ng luha ang kanyang mga mata.
"Ipangako mong hindi mo ako iiwang muli." Pagsusumamo nito kagaya nang kung paano siya magsumamo rito noon.
"Panagako, Lucas." Hindi naman talaga niya ito iniwan sa kanyang pag-alis. Kailangan lang niya ng oras upang gamutin ang kanyang sugat. Isa pa, nakapagbitaw na siya ng pangako noon, hindi lang kay Alessandra kung 'di sa panginoon nang ikasal sila. At may anak sila, hindi niya pagkakaitan ng isang masaya at buong pamilya ang kanilang magiging anak.
Nang malapit ng dumilim ay magkahawak kamay silang bumalik sa bahay ng kanyang namayapang tiyahin. Lalo iyong lumiit sa presensiya nito ngunit wala siyang reklamong narinig mula rito.
Habang pinapanood niya itong nagluluto para sa kanilang hapunan ay unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi.
"Nahanap ko na ang sagot, Tatay."