CHAPTER 21

ISANG pagkalalim-lalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Lucas nang mapasukan ang kanyang asawa na nakaupo sa ibabaw ng kanilang kama at tulalang nakatitig sa kawalan.

Marahan niyang isinarado ang pinto, lumapit at umupo sa tabi nito. Nanatili silang gano'n sa mga sumunod na sandali, nakaupo ng magkatabi sa ibabaw ng kama at tanging ang paghinga ang tunog na maririnig.

"It's time," he murmured but it was enough to reach her ears. He glanced at her direction and held her hands at the same time.

She slowly looked at him with her eyes glistening from unshed tears. "Bakit siya pa, Lucas? Mahal na mahal ko siya, pero bakit? Siya lang ang meron ako, Lucas. Bakit? Bakit..?"

He hated to see those tears from her eyes, he had seen it every day for the past days and it was exasperating and tormenting.

He wished that he could give the answers that she wanted to hear. He wanted to ease her pain, badly.

He sniffled quietly to hold his tears back. No crying for him, he needed to be strong for her, for their family.

"We need to send her off, my wife... She's at peace now. In a place when there's no pain and suffering. Kahit naman wala na siya physically, nandito pa rin siya," masuyong aniya sabay lapat ng daliri sa ibabaw ng dibdib nito. Maddie will always live in their hearts.

Kahit na hindi ganoon katagal ang naging samahan nila ng bata ay mahalagang parte ng ito ng kanyang buhay. At ngayong wala na ito ay malaking parte ang nawala sa kanya, lalo namang paghihirap ang nararamdaman ng kanyang asawa. Kakamatay lang ng mga magulang ito wala pang isang taon ang nakakaraan, sumunod naman ang Tiya nito at ngayon ay si Maddie. It was too much to handle, in a span of one year, she lost four people, her whole family.

Today was the kid's burial ceremony. Ililibing ito katabi ng mga magulang ng kanyang asawa.

"H-hindi ko kayang mag-isa, Lucas. H-hindi ko kaya, natatakot akong mag-isa. Palagi nalang nila akong iniiwan, ayoko na, ang sakit-sakit na..." she cried painfully.

He cupped her face and wiped her damped cheeks with his fingers. "You are not alone, River. You're not alone..." He will always there for her, till his last breath ends.

She gripped his shirt and looked at his eyes beseechingly. "'W-wag mo akong iwan, Lucas, pakiusap. Ayokong mag-isa... 'Wag mo akong iiwan, please, please..." she pleaded nonstop. She was crying frantically and shaking her head forcibly.

Kasabay nang pagtulo ng mga luha mula sa kanyang mga mata ay ang pagdikit niya ng kanilang mga labi. His heart will burst if he'll see his restless eyes, he needed a break. Through his kisses, he wanted to assure her that he will always be there. He never felt these kinds of emotions to any woman before, not even Roxanne, only she could bring him so much pain and joy.

Nang pakawalan niya ang mga labi nito ay pinagdikit niya ang kanilang mga noo. His eyes closed while he's catching his breath just like her. "I love you," he declared out of nowhere. Kusang nanulas ang mga salitang iyon mula sa kanyang bibig. Parang sasabog ang kanyang puso sa lakas ng tibok niyon. "I love you, River Louis, hindi kita iiwan kahit ipagtabuyan mo pa ako." He had loved her from the very start, he doesn't ask for it but it was given to him. He loved her so much, he even did wicked things just to have her.

He vowed to himself that he'll save her from the pain. He'll be the knight that will save his damsel in distress, his life and his wife.

NANG magising ay nanuot sa kanyang ilong ang pamilyar na amoy na iyon na nagpapakalma sa kanya. Iyon marahil ang dahilan kung bakit hindi sumasama ang kanyang pakiramdam sa umaga. Hindi niya masyadong iniinda ang morning sickness maliban nalang sa panaka-nakang pagkahilo.

Nang maramdaman ang mainit na bagay na lumapat sa kanyang noo ay tuluyan niyang iminulat ang mga mata. Binati siya nangg naghahalong kulay itim at tsokolateng mga mata ng kanyang asawa.

Umangat ang kanyang bibig nang makita ang magadang nitong ngiti na para sa kanya. Napapitlag siya nang lumapat ang mainit nitong kamay sa kanyang tiyan na mayroon ng umbok. Napakasuyo ng haplos nito at pinapakalma ang kanyang pakiramdam. Ganito ito palagi tuwing umaga, sinisiguradong kalmado ang bata na nasa kanyang sinapupunan upang hindi siya mahirapan sa pagbubuntis.

"Good morning," he greeted and his fresh breath fanned her face.

"Good morning," she answered. Noon niya napagtantong nakaligo na ito at nakapagbihis na ng pang-opisina. Subalit naroon pa rin sa kanilang kuwarto, nakaupo sa kanyang tabi habang nakasandig ang likod sa headboard, ang mga braso ay nakayakap sa kanyang katawan. "Anong oras na? Bakit hindi mo ako ginising kaagad..." aniya at umupo sa ibabaw ng kama. "Teka sandali, ihahanda kita ng pagkain, si Maddie baka nagugutom na 'yon," dagdag niya at akmang tatayo upang umalis ng kama nang hawakan siya nito sa braso.

Yumapos sa kanyang katawan ang braso nito kapagkuwan ay isiniksik ang mukha sa kanyang leeg.

Bigla niyang nakagat ang pang-ibabang labi nang mapagtanto kung ano ang kanyang sinabi at maalalang wala na ang kanyang kapatid. Isang buwan ng mahigit ang nakakalipas nang sumama na ito sa kanilang mga magulag.

Ipinaikot niya ang mga braso rito upang mang-amot ng lakas. Bigla na namang bumalik ang sakit nang pagkawala ni Maddie, hindi iyong mawala-wala sa kanyang dibdib. Halos araw-araw ay iniisip niya ang nangyari rito at sinisisi ang sarili dahil wala siyang nagawa. Her poor Maddie.

Kinagat niyang lalo ang labi upang pigilan ang mga hikbing gustong kumawala mula sa kanyang bibig nang mapatingin sa bahagi ng silid kung saan ang dating kinapupuwestuhan ng kuna ni Maddie at ang mat na ginagapangan ng bata at kung saan sila naglalaro. Subalit wala na ang mga iyon doon, inalis na. Ayaw niyang umiyak, sa mga nakalipas na araw ay madalas niya iyong ginagawa. Nakakapagod din pala.

Sa bawat araw na lumipas ay puno ng lungkot at sakit ang kanyang dibdib. Mabuti nalang at naroon ang kanyang asawa at ang pamilya nito upang ibsan iyon. She reminded herself every day to fight for their unborn child, to live for her unborn child and for her husband who was always there for her. They are her only strength. Kung wala ang mga ito ay matagal na siyang nabaliw.

She suffered a great loss, her parents' death, her aunt's and her sister's.

"I love you," he muttered tenderly and it calmed her nerves. "I will always be here."

"Mahal rin kita, Lucas. Sana nga ay 'wag mo 'kong iwan," amin niya. Iyon ang unang beses na sinabi niya ang mga naunang salita.

Sinapo na naman nito ang kanyang mukha at ngumiti sa kanya ng napakasuyo. Hindi man lang ito nagulat nang marinig ang mga salita ng pag-ibig mula sa kanya. Alam niyang napakadali niyang basahin at sa ibang paraan ay nasabi na niya rito kung gaano niya ito kamahal, hindi man sa salita ngunit sa pamamagitan ng mga galaw.

"Hindi ka ba nahihilo, nasusuka?" tanong nito upang pagaanin ang sitwasyon. "Let's get you clean and we'll eat our breakfast downstairs, baka nagugutom na si baby." Sabay yuko at halik sa umbok ng kanyang tiyan. Tatlong buwan na ang batang nasa loob ng kanyang sinapupunan.

Tinulungan nga siya ng asawa sa pag-aayos kahit na pinigilan niya ito. Pagkatapos niyang makapagbihis ay magkahawak-kamay silang bumaba patungo sa dining room. Naroon na ang pamilya at mukhang sila nalang ang hinihintay.

Magkatabi silang naupo sa harap ng hapag ni Lucas. Kahit walang gana ay kinain pa rin niya ang mga pagkaing nasa kanyang harapan.

"Eat more, darling, pumapayat ka, you need to have enough nutrition for the baby."

Nginitian lang niya ang kanyang mother-in-law at kinain ang mga inilagay nito sa kanyang plato. Isa si Alessandra na may malaking kontrobusiyon sa kanyang buhay, palagi siya nitong inaalagaan sa lahat ng pagkakataon. Like a mother to her child. Ito ang karamay niya kapag minsang wala si Lucas at nasa trabaho. There are things that she need to be grateful of despite everything.

Ilang minuto pa ay naiwan na naman siyang mag-isa roon sa malaking bahay. Hindi pala literal na mag-isa dahil may mga katulong siyang kasama roon.

Ang kanyang asawa ay tumuloy na sa trabaho maging ang mga kapatid nito. Sina Alessandra at Nick na siyang madalas niyang makasama ay may appointment sa doktor para sa quarterly check-up ng mga ito. Matanda na ang dalawa at hindi maiiwasang may indahin sa katawan. Inanyayahan siya ng mga itong sumama ngunit tumanggi siya.

Muling siyang pumasok at nagkulong sa loob ng silid nila ni Lucas. Upang maabala ang isipan ay binuksan niya ang TV at isinalang ang isang Disney movie. Ngunit iyon man ay hindi napigilan ang kalungkutan niya, habang nakatutok ang mga mata sa telebisyon ay walang tigil ang pagdaloy ang luha mula sa kanyang mga mata.

Ang sabi ng kanyang doktora ay mas nagiging sensitibo siya dahil sa kanyang pagbubuntis. Madalas siyang ma-stress, ang ipinagpapasalamat niya ay malakas ang kapit ng batang nasa kanyang sinapupunan. Napakatapang nito at hindi sumuko kahit na halos patayin na niya ang kanyang sarili noong mga unang linggo na nawala ang kanyang kapatid. Hindi siya nakakakain at nakakuha ng maayos na pahinga.

Bandang tanghali ay pinapasyahan niyang lumabas ng silid at lumabas ng bahay. Iyon ang unang beses niyang lalabas ng mag-isa mula nang mawala si Maddie. Nagpahatid siya sa driver patungo sa opisina ng kanyang asawa.

Hindi niya kakayaning mag-isa sa bahay. Ayaw niya ang pakiramdam ng nag-iisa.

Wala si Lucas sa opisina nito nang makarating siya roon. Ayon sa sekretaryo ay may appointment daw ito sa mga investors.

Nanghinayang siya ng hindi maratnan doon ang kanyang asawa ngunit hindi siya umuwi. Kumain muna siya sa main branch ng Rigo Cuisine na katabi lang ng building kung nasaan ang pinaka-opisina ni Lucas.

Pagkatapos niyang kumaing mag-isa ay inakyat niya ang penthouse na pag-aari ng kanyang asawa. May access siya roon kaya agad siyang nakapasok. At least sa lugar na iyon ay walang ganoong bakas si Maddie, mabibilang lang sa mga kamay ang mga pagkakataong nakapunta roon ang bata.

Pumasok siya sa isa sa dalawang silid na naroon at humiga sa malaking kama. Niyakap ang malaking unan na pag-aari ng kanyang asawa at sininghot. Hindi naman madalas maglagi si Lukas doon kaya hindi niya ito masyadong malanghap mula sa mga unan.

Nakatulog si River habang nakahiga sa ibabaw ng malambot na kama. Nang magising ay halos alas-siete na ng gabi. Hindi pa ba bumabalik si Lucas? Kung nakabalik na ito ay malalaman nitong naroon siya. Tiningnan na ba siya nito at muli ring bumaba?

Dahan-dahan siyang tumayo nang makaramdam ng pagkahilo. Tuloy-tuloy siyang lumabas ng penthouse at muling bumaba patungo sa opisina ng kanyang asawa.

Wala na ang sekretaryo sa lamesa nito na nasa labas ng opisina kaya nagtuloy-tuloy siya sa pagbukas ng pinto. Para lang maisarang muli nang makita ang nangyayari sa loob.

Kasabay ng kanyang pagtalikod ay ang paghawak niya sa kanyang dibdib. Kahit nanginginig ang mga tuhod ay muli siyang pumasok sa loob ng elevator at nagpahatid pababa.

Paulit-ulit na rumurolyo ang eksenang nakita niya kanina sa kanyang utak. Sumisikip ang kanyang dibdib dahil sa kanyang nasaksihan. Gusto niya muling umiyak ngunit hindi niya ginawa dahil ayaw niyang mapahiya sa harapan ng driver ng kanyang sinasakyang taxi.

Nang makauwi sa bahay ng mga Villarama ay tuloy-tuloy siya paakyat sa silid na inuokopa. Hindi na siya nag-isip at agad na pinasok ang walk-in closet at nagsilid ng ilang mga gamit sa isang bag.

Inilibot niya ang mga mata sa kabuuan ng silid kasabay nang paninikip ng kanyang dibdib. Ang bawat sulok ng bahay na iyon ay puno ng mga ala-ala ng kanyang kapatid. Kailangan niya munang lumayo upang makalimot sa sakit at magsimula ng panibago. Kailangan niya ng oras upang matanggap ng buo na wala na ito.

Ang huli niyang sinulyapan ay ang malaking wedding portrait nila ni Lucas na nakalagay sa dingding kung saan nakasandig ang kanilang kama. Napakakisig nito sa larawan at napakaganda ng ngiti na laging nagpapabilis ng tibok ng kanyang puso.

Pagkalipas ng ilang segundo ay isang marahas na buntung-hininga ang kanyang pinakawalan bago tuluyang lumabas.

Pinigilan siya ng mga kasambahay ngunit hindi siya nagpapigil. Mabuti na lang at wala roon ang mga in-laws niya at hindi pa umuuwi.

Nagpahatid pa siya sa driver patungo sa terminal ng bus. Sinubukan din siya nitong kausapin at pigilan, isang malungkot na ngiti lang ang isinagot niya rito.

"Sabihin mo po kay Lucas na babalik ako, Tatay Bernie," malungkot niyang pahayag sa driver.

She will come back, she was certain with that. Hindi nga lang niya alam kung kailan. Nakapagbitaw siya ng pangako kay Alessandra at tutuparin niya iyon kahit anong mangyari, kahit iyon man lang sana ang maging kabayaran niya sa lahat nang naitulong ng pamilya Villarama sa kanya.

Pinakawalan niya ang mga luha na nag-uunahan sa pagbagsak mula sa kanyang mga mata nang makasakay at umandar ang bus na pauwi sa probinsiyang kanyang pinanggalingan.

"Dadaan lang ang sakit, mawawala rin iyan." Naalala niyang sabi ng kanyang ama noong nabubuhay pa ang mga ito. "Lahat nang pasakit ay may dahilan, Ris. Nasasaktan ang tao dahil nagmamahal tayo, ngunit pagmamahal din ang papawi sa lahat ng sakit. Hindi ka papabayaan ng panginoong maghirap habang buhay."

Isa bang karuwagan ang ginagawa niyang pagtakbo? 

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.