CHAPTER 9

"HERE YOU GO," she exclaimed cheerfully after placing the headband on France's head then kissed her cheek. The kid giggled and beamed at her. "Let's go?"

Pagkatango nito ay inilalayan niya pababa mula sa pagkakasampa sa ibabaw ng kama. Hinawakan niya ang bata sa kamay at sabay silang lumabas sa loob ng silid. Agad niyang narinig ang mga tawanan at pag-uusap ng mga taong nasa loob ng bahay ng mga Villarama.

After the christening of Luke and River's daughter and Snow's son they gathered at the Villarama's residence. Kumakain sila nang mabasa si France ng juice na iniinom nito at nagboluntaryo siyang bihisan ang bata. She loved France and her sister Germany, kahit na hindi ito anak ng kanyang pinsang si Snow ay itinuturing na niyang pamangkin ang dalawa. The girls were the half-sisters of Snow's son Prince Justin.

"Uncle Harry!" bulalas ng bata sa matinis na tinig at hinila ang kanyang kamay.

Natigilan siya at hinayon ng kanyang mga mata ang direksiyon na itinuro ni France. Nagsalubong ang kanilang mga mata ni Harrison na napatingin sa kanyang direksiyon.

Hindi niya inaasahang makikita ito roon dahil abala ito sa trabaho. Nitong mga nakaraang linggo ay hindi sila nagkakakitaan na siyang malaking kaginhawaan sa kanya. Hindi niya alam kung paano ito haharapin pagkatapos nang kapangahasan nito, pagkatapos siya nitong halikan. Sinadya man nito o hindi ay naapektuhan siya ng ginawa nito.

May mga gabing napapanaginipan niya si Harrison na hinahalikan siya, ang mas nakakapanindig balahibo ay lumampas sa simpleng halik ang nangyari sa kanyang panaginip. In her dreams, they were inside a familiar hotel room, the same room where she painted him, naked, five years ago. Nakahiga siya sa ibabaw ng kama habang pinapanood ang pagpasok nito sa loob ng silid. Nang makalapit sa kanya ay hinalikan siya nito at sinimulang haplusin ang kanyang katawan.

Sa tuwina, kapag nagigising siya sa panaginip na iyon ay tila siya tumakbo ng milya-milya. Naghahabol ng hininga, basa ng pawis ang nag-iinit na katawan.

She was blaming him for everything she was going through. She was disgusted with herself. Hindi niya kailanman inaasahan na mangyayari iyon sa kanya. It was probably a wet dream where she was doing the deed with a man. And that man happened to be Harrison Green! Kahit na madalas silang nagkakasagutan ay itinuring na niya itong kapamilya, nang dahil lang sa halik na iyon ay alam niyang may nagbago. She doesn't have the courage to face him after dreaming of him kissing and touching her almost every night.

Nag-iwas siya ng tingin kay Harrison kasabay ng pagbitaw sa kamay ni France na tumakbo patungo sa direksiyon ng binata. France fancied Harrison, she shamelessly declared that she will marry him someday. The adults will just laugh at it and indulge the kid.

Muli niyang inihakbang ang mga paa at naglakad patungo sa kusina sa halip na sa sala kung nasaan ang ibang mga kamag-anak na nagkakatuwaan.

Naghagilap siya nang makakain at nakahanap ng tsokolate sa loob ng refrigerator, kapagkuwan ay napangiti. She loved chocolates, it was her comfort food.

Kumuha siya ng ilang bar doon at isang mineral water bago lumabas ng kusina. Agad niyang nakita ang pinsang si Krishia na tila may hinahanap at malakas ang kutob niya na siya iyon. Nitong mga nakaraan ay sa kanya ito nagko-confide patungkol sa suliranin nito sa isang lalaking bigla nalang sumulpot sa buhay nito at nagpakilalang boyfriend nito.

Hindi sa hindi niya gustong pakinggan ang mga hinaing nito at magbigay ng payo. Hindi lang niya gustong makisalamuha sa iba, gusto niyang mapag-isa ngayong naroon ang taong hindi niya gustong makita. He was bad for her mental health.

Mabilis siyang tumalilis patungo sa loob ng entertainment room na malapit lang sa kusina kaya madali siyang nakapasok doon at nakahinga nang maluwag nang makitang walang tao sa loob. Halos ang lahat ay nagkakatuwaan sa may living room.

Pasalampak siyang humiga sa ibabaw ng couch na may mga throw pillow. 'Pagkuwan ay inilagak ang dalang mga bar ng tsokolate at isang bote ng tubig sa center table.

Pahinamad na nakahiga siya habang kumakain nang maisipan niyang makipag-video call sa kanyang kapatid. Alam niyang madaling-araw pa roon sa Boston kung nasaan ito nag-aaral ngunit nagbabakasakali pa rin siyang gising ito.

Hindi ito sumagot sa unang tawag niya kaya ibinalik niya ang kanyang cellphone sa loob ng bulsa ng kanyang pantalon.

Niyakap niya ang isang throw pillow habang patuloy na kumakain at nakatingin sa kisame nang walang partikular na iniisip.

ISANG ungol ang lumabas mula sa bibig ni Tara. Umiba siya ng higa nang maramdaman ang mainit na bagay na gumantay sa kanyang pisngi.

Pabalik na siyang muli sa malalim na pagtulog mula nang maalimpungatan nang bahagya niyang marinig ang tila pagsarado ng pinto. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata at kumurap-kurap upang luminaw ang paningin ang isipan.

Nasa loob pa rin siya ng entertainment room at nakahiga sa ibabaw ng couch. Hindi niya namalayang tuluyan siyang nakatulog kanina habang nakikipagtitigan sa kisame.

Wala sa loob na napatingin siya sa lamesa, ilang sandali siyang nakatingin doon kapagkuwan ay nangunot ang noo. Iinot-inot siyang umupo at dinampot ang cellphone na sa pagka-alala niya'y ibinalik niya kanina sa bulsa ng kanyang pantalon.

Iginala niya ang paningin sa loob ng silid subalit wala siyang nakitang ibang tao roon. Doon niya naalalang tingnan kung anong oras na, it was already seven in the afternoon. Limang oras din siyang nakatulog. Wala man lang bang naghanap sa kanya?

Pinuno niya nang hangin ang kanyang baga kasabay nang pagtayo nang may malanghap sa hangin. The smell was subtle yet distinctive, at alam hindi iyon galing sa air freshener. Pamilyar din sa kanya ang amoy na iyon at isang tao lang ang naiisip niya.

Was he here? Ito ba ang lumabas ng pinto kanina?

Umakyat ang kanyang kamay ang kanyang pisngi at banayad na hinaplos gamit ang likod ng kanyang palad. Kanina'y may naramdaman siya roong mainit na bagay na nakalapat. It was as if someone was caressing her cheek, it was gentle, na para bang ang gumawa niyon ay walang intensiyon na gisingin siya. Did he watched her sleep?

Marahas niyang ipinilig ang ulo at sa halip na pahirapan ang isipan sa pag-iisip ay ipinasya niyang huwag iyon pagtuunan ng pansin.

Nang makalabas sa loob ng silid ay hindi na niya naririnig ang tawanan sa loob ng living room. Mas tahimik na rin kaysan kanina ang loob ng bahay subalit nakakaabot pa rin sa kanyang pandinig ang mga tinig mula sa direksiyon ng pool. Doon marahil nagtipon ang iba upang uminom. Hindi naman mahirap hulaan kung ano ang ginagawa ng mga ito.

Marahil ang iba ay nakauwi na o 'di kaya ay nagpapahinga sa mga silid. The Villarama's house was big, walang dudang kakasya silang mag-anak doon.

"There you are, I thought you went home."

Mabilis na sumilay ang isang banayad na ngiti sa kanyang mga labi nang marinig ang malambig na tinig ni Alessandra Sanford-Villarama. Half-sister ito ng kanyang ama, at ang natatanging babae sa magkakapatid. She was her favorite aunt. Lahat naman siguro silang magpipinsan ay paborito ito. Alessandra was soft-spoken and gentle but she could be naughty sometimes which she liked about her. Kaya nitong makisabay sa trip nila.

Kumawit ito sa kanyang braso nang makalapit. Nagpatangay siya nito nang hilahin siya patungo sa direksiyon ng kusina.

"I fell asleep, hindi ko namalayan ang oras."

"I'm sure you're hungry," Alessandra said and she was right. Nagugutom nga siya, nararamdaman niya ang pagkalam ng kanyang sikmura. "Sit down."

Tumalima siya at umupo sa harap ng hapag. Naroon ang pamangkin ni Alessandra na sina at Ginger at Lemon na mga anak ng kapatid nito sa side ng ina. The girls were eating kaya sinamahan niya ang dalawa na binati siya.

Masayang kumain siya kasama ang dalawang dalagita at ni Alessandra na asikasong-asikaso sila.

DINALA NIYA ang bote ng beer sa bibig at sunod-sunod na lumagok. Kailangan niya iyon upang ma-relax

"Finally, he's asleep," bulalas ng pinsang niyang si Niccola na naglalakad patungo sa asawa nitong si Mason na nakaupo sa isang chaise longue at walang anumang umupo sa ibabaw ng hita nito. Agad namang pumulupot ang braso ni Mason sa katawan ng asawa.

Ang tinutukoy marahil nito ay ang bunsong anak na si Stefan na mahirap patulugin. Naisasalarawan niya sa kanyang isipan ang pakikipagbuno nito anak mapatulog lang ito.

Hinayaan niyang mag-usap ang mga kasamahan at nanatiling tahimik habang umiinom. Inangat niya ang paa sa upuan at niyakap iyon gamit ang isang braso. When she tilted her head on her left she found Harrison staring at her while sipping his glass. Hindi niya ipinahalata ang pagkagulat nang makita itong nakatingin at pasimpleng iniwas ang mga mata sa direksiyon nito.

Pareho silang nakaupo ng binata sa sofa, parehong nasa magkabilang dulo habang napapagitnaan nila si Tyler na walang pakialam sa paligid at nakangising hawak ang cellphone.

Sa direksiyon ng pool ay nakita niyang nakaupo roon sina Alson at Apollo kasama ang fiancée ng huli na si Sabrina na parehong nakalublob ang mga paa sa tubig.

Hindi sila kompletong magpipinsan ang naroon dahil nakauwi na ang iba, binalak din niya kaninang sumabay at magpahatid sa pinsang si Achilles kasama ang pamilya nito ngunit niyakag siya ni Alessandra na makihalubilo sa iba. Wala rin siyang magawa nang hilahin siya roon ni Krishia upang makipag-inuman. Hindi nga lang niya mahagilap ang babaeng iyon ngayon na umalis kanina at hindi na bumalik. Ang hula niya'y natulog na ito sa silid nito sa itaas.

Pinakatitign niya ang bote ng beer na para bang iyon ang pinaka-interesanteng bagay sa mundo nang marinig niyang may nagbanggit ng kanyang pangalan kaya agad siyang nagtaas ng tingin. "Ha?" she asked cluelessly. Nangunot ang kanyang noo na tiningnan ang mga kaharap dahil hindi niya narinig nang mabuti ang sinabi ni Niccola.

"Something's odd."

Hindi niya alam kung bakit siya kinabahan sa paraan ng pagkakatingin ng pinsan. Naningkit ang mga mata ni Niccola na para bang tinutukoy kung ano ang mali. Pinakatitigan siya nito at hindi niya alam kung bakit. Maging sina Dusk at Dawn na siyang pinakabunso sa kanilang magpipinsan na naroon din ay napatingin sa kanya.

Tumindi ang kaba niya nang mapatingin ang nanunuring mga mata ni Niccola kay Harrison kapagkuwan ay bumalik sa kanya. Niccola was observant and smart, marahil ay napansin nito ang pagiging tahimik niya, nila.

"Did you two kiss? Had... sex?" ang walang pakundangang tanong nito na ikinagulat niya.

Nasamid siya kahit na hindi siya kasalukuyang umiinom. Ang magkapatid na Dawn at Dusk ay namula ang pisngi, si Mason ay sinaway ang asawa habang ang tatlong nakaupo sa may pool na narinig ang sinabi ni Niccola ay napatingin sa kanilang direksiyon.

"No way!" komento ni Tyler na natigil sa ginagawa. "Yuck!"

Binatukan niya ang kapatid na nakatingin sa kanya na para bang isa siyang alien.

"Bakit ba? Guilty ka ba?" si Tyler habang hinihimas ang nasaktang ulo. "It's just a question, you can answer it by a yes or no. Kung maka-react ka parang totoo, as if hahalikan ka nitong best friend ko."

"Suntukan na lang, o," panghahamon niya sa kapatid.

"Kids, stop!" pigil ni Niccola sa kanila. "I'm just kidding, I'm sorry that went overboard. It's not true naman, right?"

"Yes."

"No."

Magkapanabay nilang sagot ni Harrison na sa wakas ay nagsalita rin. Napatingin siya rito habang ang mga mata ay nagbabanta.

"No, we didn't," Harrison uttered and she nodded her head in approval.

"If that's not it, did you fight?"

"Yeah," she quickly answered drily. "What's new," she added.

Hindi niya alam kung nakumbinsi niya ito subalit lihim siyang nakahinga nang maluwag nang hindi na ito nagtanong pa. Elize Niccola could be really blunt sometimes, na namana nito sa ina, pero kahit gaano ay marunong naman itong makiramdam, at isa pa, mga bata pa lang sila ay malalapit na silang magpipinsan, ang mga ganoong tanong noon ay biruan lang nila. Hindi nga lang siya komportable ngayon dahil guilty siya sa tanong nito.

She and Harrison kissed at bagaman ay hindi sila gumawa ng milagra sa personal ay iba sa kanyang mga panaginip. Sa tingin niya'y nasisiraan na siya ng ulo dahil sa panaginip na iyon na madalas dumalaw sa kanya sa gabi magmula nang mahalikan siya ni Harrison. Kaunti na lang ay magpapatingin na siya sa kakilalang psychiatrist.

Napatingin siya kay Harrison na nakikipag-usap na ngayon kay Tyler. Nagsalubong ang kanyang kilay habang nakatingin dito, parang may nagbago sa mukha nito. Tila ba nagmatured ito sa kanyang paningin, marahil ay dahil sa mga tumubong bigote na hindi pa nito nagawang ahitin?

Wala sa loob na sinundan ng kanyang mga mata ang pagkibot ng mga labi nito, kapagkuwan ay napalunok nang maalala ang ginawa nitong paghalik sa kanya. Matindi ang puwersang nag-uudyok sa kanya na ipikit ang mga mata at balikan sa isipan ang pangyayari ngunit bago pa niya ipahiya ang sarili ay mabilis siyang nag-iwas ng tingin dito at inubos ang kanyang beer.

What is wrong with you, Tara Violet? You're ridiculous! sigaw niya sa isipan.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.