"OH, you like him."
"No!" mabilis at mariin niyang sagot na sinabayan pa nang pag-iling. "I told you that he kissed me and after then I am having these dreams where he was kissing me. I didn't said I like him," dagdag niya na bahagyang hininaan ang boses.
"Are you sure?" Lian asked and frowned as if she was contemplating what she said.
"Of course! It's Harrison we are talking about here, my mortal enemy since I was a young kid." Bahagya siyang nandilat upang ipagdiinan ang sinabi.
"But we know you're not really enemies. He's your friend. You've known him since he was a young boy, it is not impossible that you develop a feeling for him."
Umiling na naman siya at nagsalubong ang mga kilay nang hindi magustuhan ang eksplenasyon ng kaibigan. Hindi niya tuloy malaman kung pagsisisihan ang pagsasabi rito ng problema niya.
Kanina ay buong umaga siyang nasa loob ng kanyang studio. Dahil patuloy na binabagabag ng mga panaginip ay muli niyang tinawagan si Lian. Nalaman niyang patungo ito sa paaralan kung saan nag-aaral ang anak ng elementarya. Nang pumayag itong makipagkita sa kanya ay isinuhestiyon na lang na roon sila sa paaralan na tungo nito magtagpo.
Kaya naroon sila ngayon sa school premises at nakaupo sa isang bench sa ilalim ng isang mayabong na puno habang naghihintay nang labasan ng mga estudiyante.
Mula nang magkita silang muli ni Lian ay madalas silang magkita at mag-usap sa telepono. Nanariwa ang dati nilang pagkakaibigan sa kabila nang ilang taon nilang hindi pagkikita at pag-uusap. It was good to be friends with Lian again.
"Okay." Napatingin siya sa kaibigan habang nanatiling nakakunot ang noo. "Sabihin na nating hindi mo nga siya gusto nang higit pa sa kaibigan, you must be... sexually frustrated?" Lian stated and grimaced afterwards.
Naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang mukha dahil sa sinabi nito. Ni hindi niya sinabi kay Lian na lumampas pa sa halik ang ginawa nila ni Harrison sa kanyang panaginip dahil nakahiyaan na niyang sabihin dito. Paano ito nakabuo nang ganoong ideya?
Sexually frustrated siya? At kay Harrison pa? Hell no!
"Tell me, when was the last time you kissed someone aside from Harrison when he stole a kiss from you? When was your last intimate relationship with someone?"
Wala siyang maisagot dahil wala naman talaga, she never had a relationship with anyone after Lian which only lasted for a week. "I never had someone," she admitted and yanked her gaze away from her friend.
"I think you're just curious, you never kissed a man before Harrison. Bago sa pakiramdam kaya nacu-curious ka kung ganoon nga ba ang epekto ng halik. In your subconscious, you wanted to do it again to confirm if the sensation you felt when his lips touched yours were real or were you just confused about the feeling because it happened so suddenly. Trust me, the first kiss hits different."
Imbes na malinawan ay lalo siyang naguluhan sa sinabi nito dahil hindi niya iyon mahanapan ng kasagutan, hindi niya makompirma kung iyon nga ba ang kanyang nararamdaman. Curious nga lang ba siya sa halik ng isang lalaki? If she'll do it with another man, will those dreams disappear? Marahil ay ganoon na lang ang epekto niyon sa kanya dahil wala siyang mapagkomparahan.
"I don't even find men attractive."
"No, you do. You just didn't found the man that will be caught your interest yet. Or maybe you did not let yourself feel the attraction towards the opposite sex kasi pumapasok pa rin sa isip mo na babae ang gusto mo. We both know that's not true, Tara. You admire women because we are strong and beautiful and warm-hearted. It was not a romantic feeling."
Napabuntung-hininga siya dahil may tama ito sa mga sinabi, minsan sa buhay niya ay na-confuse siya sa kung ano ang kanyang gusto. She thought that she was attracted to women. Maybe because she dressed like a man, her hair was short, she sometimes moved and act as a man, dapat lang na babae ang kanyang gustuhin. But Lian proved her wrong. Marahil ay nasanay lang siyang ganoon dahil lalaki ang kanyang mga kapatid, almost all of her cousins were male too. Baril pa lang siya ay naglalaro na siya ng basketball at baril-barilan.
"Don't beat yourself about it. Malay mo mawala rin ang mga panaginip sa mga susunod na araw," Lian cheered her up and smile softly at her.
Tipid siyang ngumiti sa kaibigan, kapagkuwan ay napabuntung-hininga. Kahit na hindi siya gaanong nalinawan sa maaring dahilan nang nangyayari sa kanya ay mas gumaan ang kanyang pakiramdam dahil may napagsasabihan siya. Minsan kasi, hindi naman required na makahanap ka ng sagot sa mga problema, ang mahalaga ay may napagsasabihan ka. You know that someone was there for you and willing to listen to your dramas in life.
Nang kumaway ang kaibigan at lalong lumapad ang pagkakangiti ay sinundan niya ang direksiyon nang tinitingnan nito. Isang batang babae ang nakangiting papalapit sa kanya habang sukbit ang bag sa mga balikat. Sa tantiya niya ay nasa pitong taong gulang na ito.
Napatayo ang kaibigan na sinalubong ang bata kaya napatayo na rin siya at sumunod dito. A smile curved her lips when she saw the mother and daughter embracing each other. They were happy, she can tell.
"How was your day?" Lian asked her daughter happily.
"Great, Mama."
"That's good." Lian ruffled the kid's hair and glanced at her. Tila roon lang nito naalala na naroon siya. "Daisy, baby, I want you to meet Mama's friend, Aunt Tara."
"Hi, Aunt Tara!" ang masiglang bati ng bata sa kanya na sinabayan pa nang kaway. Pagkatapos ay nangunot ang noo nito at matamang tinitigan ang kanyang mukha.
"Hello, it's nice to finally meet you," she answered with a smile. Bahagya pa siyang naiilang dahil sa paraan nang pagkakatingin ng bata sa kanya.
"I think I know you po," Daisy declared and pouted. Then her face lit up as if she remembered why she knew her. "I saw you on the internet, it was you! 'Di ba, Mama, it was Aunt Tara po?" Tumingin ito sa ina at naghahanap ng kompirmasyon ang mga mata.
Nakangiting nilingon ni Lian si Tara at nagpaliwanag. "I left my phone opened and she saw your photo with Harrison."
"It was you nga po! Cool, you're sikat," Daisy then beamed at her.
Gusto niyang mapangiwi dahil pati bata ay nakita ang mga kumakalat na litrato nila ni Harrison. Wala namang kaso sa kanya ang larawan at tinigilan na rin niya ang pagbabasa ng mga komentaryo tungkol doon at ang pagbubukas ng kanyang social media accounts. Mamamatay rin naman ang balita kalaunan.
"Boyfriend niyo po ba 'yong lalaki na nakikita ko po sa TV?" inosenteng tanong nito sa kanya.
Umiling siya at umuklo upang magpantay ang mukha nila ng bata. "No, he's my friend. How about you, do you have male friends." She shifted topic in the same breath.
Harrison Green was her friend, he will always be her friend.
"SI DADDY?" tanong niya sa sekretaryo ng ama nang dumaan siya sa opisina nito pagkatapos kumain kasama si Lian at si Daisy na ang daming tanong sa kanya. Nalaman ng bata na isa siyang pintor at malaki rin pala ang interes nito sa pagpipinta. She was happy talking to the kid about painting and art, nakalimutan niya ang tungkol kay Harrison dahil doon.
"Kausap niya si Mr. Green sa loob," sagot ng sekretaryo sa magalang na tono.
"Sinong Mr. Green?"
"Mr. Harrison Green, Ma'am. Do you want me to announce your presence?"
Mabilis pa sa alas-kuwatro siyang umiling. "No, no. Mamaya na lang ako papasok, don't tell me that I'm here. I'll surprise him later," mabilis niyang sabi sabay tipid na ngumiti rito at pumunta sa opisina ni Tyler na nasa ibaba ng palapag kung saan siya naroon.
Pagkapasok niya sa loob ng opisina ay naroon ang kapatid at nakaupo sa swivel chair nito. May hawak na cellphone at abot tainga ang ngiti. Napapansin niyang madalas ang paghawak nito sa aparato at pangiti nitong mga nakaraan.
"What do you want?" agad nitong tanong sa kanya nang hindi man lang nagtataas ng tingin.
"It's workhours. Nagtatrabaho ka bang talaga rito o nagpapapogi lang sa mga empleyado?" aniya kasabay nang pahinamad na pag-upo sa sofang naroon.
"Hindi ko na kailangan magpapogi dahil pogi talaga ako," he said smugly.
Naikot niya ang mga mata kapagkuwan ay nangunot ang noo nang lalo pang lumapad ang pagkakangiti nito na para bang matatawa na. "What are you looking at your phone?" hindi niya maiwasang tanong dahil sa kuryosidad.
"I found something interesting," si Tyler at iniharap sa kanya ang aparato. Agad na sumama ang kanyang mukha nang makitang larawan niya iyon habang nakasimangot, nilagyan pa ng bigote ng mga netizen at ginawang memes. "The Tomboy and The Actor," ang malakas nitong basa pagkatapos magscroll sa internet.
Ngali-ngaling hubarin niya ang suot na sapatos at batuhin ang kapatid na mukhang tuwang-tuwa sa binabasa. Inirapan niya ito at hinayaan ito sa ginagawa na pang-iinis sa kanya.
Hindi man lahat pero marami siyang nabasa na komentaryo ng publiko partikular na mula sa mga fans ni Harrison dahil sa larawan nila na tila maghahalikan. May mga taong nanglalait sa kanya at sinasabing hindi sila bagay ni Harrison dahil mas mukha pa siyang lalaki sa binata. Wala namang mapipintas ang mga ito sa buhay na mayroon siya, maayos ang kanyang career, marami siyang pera, kaya ang tinira ng mga ito ay ang pisikal na kaanyuan at ang kanyang kasarian. Wala siyang pakialam sa mga ito dahil wala naman silang alam sa buhay na mayroon siya, sa pagkatao niya.
Nang marinig ang pagtawa ni Tyler ay hindi siya makatiis at lumapit sa kinauupuan nito. She snatched his phone away from him and looked at the screen of the gadget. She exited the app and was about to turn off her phone when a message popped up.
"Hey, that's mine!"
Iniwas niya ang aparato sa kapatid at binuksan ang mensahe nang makitang mula iyon sa isang babae. Her eyebrow raised a level when she read the text message.
"Give me that!" ani Tyler at sa wakas ay nahablot sa kanya ang cellphone. "Oh, yes!" masayang bulalas nito nang mabasa ang mensaheng natanggap, sumuntok pa sa ire.
"Sino 'yan?" pang-uusisa niya.
"Your future sister-in-law," Tyler answered and beamed at her. "She agreed to go out on a date with me."
Napaatras siya nang bigla siyang yakapin ni Tyler na tuwang-tuwa. Iginalaw-galaw niya ang katawan upang makawala rito ngunit mahigpit siya nitong yakap. Kapagkuwan ay mabilis siyang hinagkan sa ulo bago pinakawalan. "You must be my lucky charm, sis."
Tara looked at him like he was half crazy. Mabilis nitong dinampot ang coat nito at muling lumapit sa kanya, hinalikan siya sa ulo sa ikalawang pagkakataon bago malalaki ang hakbang patungo sa pinto.
"Saan ka pupunta?"
Hindi sumagot si Tyler at iwinasiwas lang ang kamay. Napailing-iling siya nang makalabas ang kapatid. Tyler was whipped with whoever that woman was. O baka isa lang ito sa mga babae ni Tyler? Hindi naman kaila sa kanya na mapaglaro sa mga babae ang kapatid. Whatever it was, sana hindi ito mapaso sa huli.
Dahil wala naman siyang gagawin doon ay binalikan niya ang ama sa opisina nito upang bisitahin. Tapos na rin naman ang kanyang mga gawain sa studio kaya puwede siyang lumabas. Nang sabihin ng sekretaryo ng ama na nakaalis na ang kausap nito kanina ay pumasok siya sa loob. Yumakap at humalik sa pisngi nito.
"I have an appointment with a client, Tinkerbell," anito.
Napalabi siya kapagkuwan ay tumango. Nang makaalis ang ama ay naiwan siya roong mag-isa. Umupo siya sa swivel chair nito, kumuha ng lapis at bond paper bago iniharap ang kinauupuan sa salaming dingding. Tinitigan niya ang tanawin sa labas bago nagsimulang gumuhit.
Wala pang sampung minuto siyang naroon nang marinig niya ang pagbukas ng pinto kaya agad siyang pumihit paharap. Tumaas ang kanyang kilay nang makita si Harrison na siyang pumasok.
"I forgot to asked Tito Ashton about something," anito hindi pa man siya nagtatanong.
"He's meeting a client," tipid niyang sagot at muling bumalik sa pagguhit. Inakala niyang lalabas ang binata ngunit hindi, sa halip ay humakbang ito palapit sa kanya at bahagyang umupo sa ibabaw ng lamesa at ipinagkrus ang braso sa dibdib.
"Hindi ka man lang ba curious kung bakit ako nandito?"
"Hindi," sagot niya kahit na gusto niyang malaman kung anong kailangan nito sa kanyang ama.
"Come on, at least pretend that you're interested."
"So, why?" napipilitan niyang tanong sa mapaklang tinig. Mangungulit lang ito kapag hindi niya pinagbigyan.
"I want to work here."
Tumaas ang kanyang kilay sa sinabi nito. Noon pa man ay sinabi na ni Harrison ay gusto nitong magtrabaho sa kompanya ng ama niya bilang isang engineer. Ibig sabihin ba niyon ay buo na ang loob nito na umalis sa showbusiness?
"Say something," udyok nito sa kanya nang manatili siyang tahimik.
"Something," she said blandly.
Sa sulok ng kanyang mga mata ay nakita ang pag-iling-iling ni Harrison dahil sa kanyang isinagot.
"Hey!" Sinamaan niya ng tingin ang binata nang bigla nitong agawan sa kanya ang hawak na lapis at hinila siya patayo. "Anong ginagawa mo?" tanong niya nang maglakad ito palabas ng opisina ng kanyang ama habang hawak siya sa kamay. "Isa, Harrison, bitiwan mo ako kung 'di sasapakin kita."
Sa halip na matinag sa kanyang pagkainis ay patuloy siya nitong hinila patungo sa elevator. "I want to show you something."
"Fine! Just let go of my hand," pagsuko niya rito dahil wala siyang magawa. Marahas siyang nagbuga ng hininga nang sa wakas ay pakawalan nito ang kanyang kamay.
Lukot ang mukhang sumama siya kay Harrison, sumakay sila sa sasakyan nito nang makarating sa parking lot at nagmaneho ito pauwi sa bahay ng mga Green.
"Anong ginagawa natin dito?" she asked with a deep frown. Sa halip na sagutin siya ay muli na naman siya nitong hinawakan sa kamay pag-apak nila sa threshold ng bahay. "Ano ba! Kanina ka pa, ha!" reklamo niya ngunit hinayaan ito hanggang sa marating nila ang silid nito.
Binitawan nito ang kanyang kamay sa tapat ng pinto ng silid nito kaya natigilan siya sa paghakbang. Ilang beses na rin naman siyang nakapasok sa loob ni Harrison noon, ngayon lang siya nakaramdam ng kaba at pag-aalinlangan na pumasok sa loob.
"Pasok na," Harrison encouraged her with a smile on his face.
Inirapan muna niya ito upang itago ang kabab ago pumasok. Inilibot niya ang mga mata sa silid ng binata. Ganoon pa rin iyon ng huli niyang maalala, matagal na rin siyang hindi nakakapasok sa silid nito.
Sa kanyang kaliwa ay agad na mapansin ang wine cellar na may mga koleksiyon ng alak na ang iba ay mas matanda pa kaysa sa kanila. Kaharap niyon ay ang malaking kama na tila kay lambot at kulay asul ang covers. Mayroon ding chandeliers sa itaas ng kisame na may mga maliliit na kristal na galing pa sa bansang Europa kasama ang rug na naapakan ng kanyang mga paa.
Dumako ang kanyang mga mata sa dingding kung saan may nakasabit na mga larawan. Mayroon pa nga siyang larawan doon habang natutulog, ipina-frame pa ni Harrison. He said he wanted to see her face while sleeping because she make him laugh. Anong akala nito sa kanya, clown nito? Ilang beses na niya itong sinita ngunit hindi ito nagpatinag.
Subalit hindi ang larawan niya ang nakakuha ng kanyang pansin, kundi ang isang blue print ng bahay na nakalagay sa isang malaking frame.
Her mouth formed an o while looking at the blueprint. Hindi niya alam na may ganoon pala roon. Did Harrison make that?
"Kailan pa 'to nandito?"
"Almost a year when I hang it there. What do you think of it?"
Napatingin siya kay Harrison na nakaupo na ngayon sa ibabaw ng kama nito. "Is it yours?"
Tumango ito bilang tugon at ngumiti sa kanya. "I want to live in that house with her and our children. We will have a big garden, and the kids will play there while my wife and I are sitting and the hammock and watching them having fun. "
"Are you serious about getting married?" wala sa loob na bulalas niya. Dahil sa sinabi nito ay agad naisalarawan niya sa isipan ang isang bungalow, may malawak na hardin at maraming bulaklak, kagaya ng nasa blue print. She can visualize a younger version of Harrison playing in the garden and catching butterflies.
Nang makita niya ang siguradong kislap sa mga mata nito at ang ngiti sa mga labi ay doon siya nakahanap ng sagot sa katanungan.
Wala sa loob na napatingin siya sa malaking kama ng binata na kinauupuan nito. Pagkatapos ay bumalik dito ang kanyang mga mata na matamang nakatingin sa kanya at may misteryosong kislap ang mga mata.
Sandaling nagsalubong ang kanilang paningin at nang mahagip ng kanyang mga mata ang labi nito na bahagya nitong kinagat ay bilang nanuyo ang kanyang lalamunan.
Tila siya nahipnotismo at nakaramdam ng matinding puwersa na lumapit dito at itulak ito pahiga sa malaking kama at kumubabaw.
Nanlaki ang kanyang mga mata sa daloy ng kanyang isipan at mabilis na tumalikod kay Harrison upang itago ang pamumula ng kanyang mukha.
Gaga! lihim niyang sigaw niya sa kanyang sarili.