MULA SA pagkatitig sa malaking painting na nasa kanyang harapan ay inanggulo niya ang kanyang ulo sa kanyang kaliwa upang tingnan kung sino ang taong tumabi sa kanya. Namilog ang kanyang mga mata at kahit na hindi siya nakatingin sa salamin ay alam niyang nagniningning ang mga iyon.
She was in awe while looking at his side profile. Hindi siya makapaniwala na nakikita niya ito ngayon sa malapitan, gusto niyang tumalon sa katuwaan ngunit hindi niya magawa dahil magmumukha siyang katawa-tawa.
He looks good at a close angle, his nose was sharp as well as his jaw. He had facial hair but not too exaggerated and his hair was long and was tied in a bun. His eyes were black and mysterious, they have always been mysterious, just like the owner. He was in his mid-forties, but he still managed to look good and a walking mystery. He was not only good-looking, but he also smelled good too.
"Lady Merideth."
Napakurap-kurap siya nang marinig itong magsalita at doon lang nahimasmasan dahil sa presensiya nito. Nakatingin pa rin ito sa painting na nakasabit sa dingding habang may naglalarong ngiti sa gilid ng mga labi.
She yanked her gaze away from him and centered it on the art piece in front of them. "She's beautiful," she commented when she redeemed herself.
"She was. She was the most beautiful girl in the barrio. Her hair was longer than the hays and the smoothest, as dark as her eyes. Her caramel skin was as soft as her smile. I remember her to be a lovely and nice lady."
Napangiti siya sa narinig mula sa magaling at kilalang pintor na nasa kanyang tabi. Tugmang-tugma ang inilarawan nito sa babaeng nasa painting. She was in the farm where farmers were planting rice on the background. May ngiti sa mala-rosas nitong mga labi, sa isang kamay ay may hawak na malaking sombrero gawa sa rattan habang ang isa pa ay nakahawak sa may kahabaang saya.
Hinahangaan niya ang pintor na gumuhit niyon mula pa man nang mamulat siya sa larangan ng pagpipinta. Si Pablo, ang lalaking katabi niya ngayon na hindi pa rin niya mapaniwalaan. Iyon ang unang beses niyang nakita ito ng personal, nakausap pa.
Hindi niya inaasahan na magpapartisipa ito sa exhibit na iyon at magdodonate ng mga paintings. Pablo had made a name for himself, he was one of the most important artists in the country who had received an enormous amount of recognition both inside and outside the country. He was a portraitist and was known for his illuminated landscapes that often portrayed traditional Filipino customs, culture, fiestas, and occupations.
Sa kabila nang natatanggap na rekognasiyon at papuri ay nananatili itong misteryoso sa publiko. He kept his private life private as possible, no one knew what his real surname was, he was Pablo all along. No known siblings and parents but it was rumored that he was from a struggling family from the countryside. Hindi rin ito madalas makita sa publiko, ayon sa artikulo kung saan pumayag ito sa isang panayam ay mas gusto nitong manatili sa loob ng bahay at magpinta kaysa lumabas.
She loved and looked up to Pablo as an artist. Hindi lang dahil magaling ito sa napiling larangan. Sa kabila ng katanyagan ay hindi nito nakakalimutang magbalik sa kapwa, tumulong sa mga nangangailangan at napapanatili ang mga paa sa lupa. Wala siyang nalamang nagmayabang o lumaki ang ulo nito dahil sa pagiging sikat na pintor.
Kanina nang ipinakilala siya rito ni Lian ay literal na naumid ang kanyang dila sa pagkamangha. Ilang sandali siyang tila nahipnotismo hanggang sa pukawin siya ng ngiti nito. Nang makabawi ay gusto niya itong yakapin at pasalamatan dahil sa pagbibigay inspirasyon sa kanya ngunit nakahiyaan na niyang gawin.
"I always love your painting," she said. "I love Lady Merideth," tukoy niya sa painting na nasa harapan. "I look up to you since I was ten, you were one of my inspirations and motivations when I entered art school... Thank you."
Tumingin siya kay Pablo nang may ngiti sa mga labi. Pablo looked at her, a smile curved the side of his lips, then he tapped her shoulder lightly. Lalong lumapad ang ngiti niya na sumunod dito nang lumakad ito patungo sa kasunod na painting na nakasabit sa dingding at tumigil sa harapan niyon.
Kumabog ang dibdib niya sa kaba dahil sa mataman nitong pagtitig sa gawa niya.
"You're gifted," he said after a couple of minutes of analyzing the painting in front of them.
It warmed her heart and she was filled with bliss hearing a compliment from him. "Thank you," she answered coyly.
Tiningnan niya na naman ito at lalo siyang nagalak nang makita ang sensiridad sa mga mata nitong tila nakangiti habang nakatingin sa painting.
Ibinalik niya ang tingin sa harapan at nawala ang kabang nadarama kanina. Isa iyon sa mga gawa niya para sa exhibit at siyang pinakagusto niya sa lahat. It was a painting of girl under the pour of the rain. Kabaliktaran ng setting ng painting ni Pablo ay nasa city ang sa kanya. There were buildings on the background while the girl was under the rain, her arms spread apart, her eyes were closed and there was a happy smile on her face as she met the droplets of the rain halfway wholeheartedly.
"You need not hide from the rain, you need to learn how to dance with it. When life hands you stormy weather, you just glide through it. And it felt good dancing under the rain, I remember doing that often when I was younger," she uttered with a smile.
"Just don't get sick the next day, or you'll get an earful from your mama," Pablo said humorously.
"Yeah." She chuckled lightly, then beamed wider.
Bahagya siyang nanghinayang nang may kakilala ni Pablo na lumapit sa kanila kaya nagpaalam ito sa kanya. Ngunit gayon pa man ay hindi mawala-wala ang ngiti sa kanyang mga labi dahil sa pakikipag-usap sa pintor.
Tumitingin siya ng mga paintings nang lapitan siya ni Lian. Kanina pa ito abala sa pag-oorganisa ng exhibit kaya hindi niya ito inabala. Sinamahan siya nitong maglibot habang nagpapasalamat sa kanyang partisipasiyon.
Nang makaramdam ng pamimigat ng pantog ay nagpaalam siya kay Lian upang pumunta sa banyo. Nginitian niya ang mga kakilalang naraan na naroon sa gallery. Nakakataba ng puso at nakakaproud na may mga artist na handang tumulong sa kapwa.
Pagkatapos gumamit ng banyo ay naglakad siya sa mahabang pasilyo pabalik sa gallery. May tao sa naunang restroom kaya tumungo siya sa sumunod. Isang mahabang pasilyo ang dinaanan niya bago iyon narating.
Hindi pa man nakakalayo sa restroom pabalik sa gallery ay natigilan siya at nangunot ang kanyang noo nang makarinig nang ingay. Pinakinggan niya iyong mabuti kasabay ng pagtataka. Mahina lang ang ingay na naririnig na tila ba pinipigilan ng taong iyon ang mga hikbi na umalpas sa mga labi.
Dala ng kuryosidad ay pumihit siya pabalik sa pinanggalingan at humakbang patungo sa direksiyon kung nasaan ang restroom, subalit bago pa siya makarating doon ay lumiko siya sa kanang hallway kung saan nanggagaling ang tunog.
Lalo siyang nagtaka ng makita ang isang babae na nakatayo sa gitna ng pasilyo. Hindi niya ito napansin kanina pagdaan niya. Magulo ang mahaba nitong buhok na nakatakip sa mukha, nakasuot ito ng uniporme ngunit iyon man ay magulo rin at marumi.
"Hey, Miss," tawag niya rito nang humakbang ito palayo sa kanya. "Wait!"
Sinundan niya ito dahil baka may maitulong siya, sa iyak pa lang ito ay mahahalatang may pinagdadaanan ito. Wala marahil nakakita rito dahil nasa likurang bahagi na sila ng gusali at wala masiyadong taong nagtutungo.
Napatakbo si Tara nang hindi ito tumigil at bumaba sa hagdan na patungo sa ibabang palapag. Hindi niya magawang baliwalain ang nakita niyang pasa sa braso nito na nakita niya nang mahawa ang mahaba nitong buhok.
Napahawak siya sa railings at dinungaw ito na malapit na sa landing ng hagdan. Mas binilisan niya ang galaw hanggang sa makarating sa itaas ng hagdan.
Nanlaki ang mga mata ni Tara nang madulas ang kanyang mga paa pagka-apak pa lang sa unang baitang mula sa itaas. The staircase was wet and slippery, she was wearing a two-inch high heel that her mother insisted on and she was not used wearing those shoes. She lost her balance and rolled over the staircase.
Sa kabila ng pagkagulat ay gumana pa rin ang kanyang utak at mabilis na nangapa ng makakapitan. She was almost on the landing when her hand grasp the baluster. A loud gasp escaped her mouth when she finally stopped falling and at the same time her eyes widen.
Dala ng sindak at pananakit ng katawan ay hinayaan niya ang sariling tangayin ng dilim.
"SHE'S waking up."
Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata na tila napakabigat ng mga talukap. Nanlalabo ang kanyang paningin at hindi maintindihan ang mga ingay na naririnig sa kanyang paligid.
Sa nanlalabo pang kaisipan ay ramdam niya ang paglapit ng kung sino sa kanya. Then the next that person hovered her, covering the lights that blinded her eyes. Ngunit ibinuka nito ang kanyang mga mata ay may itinutok na ilaw roon. Ipinagpasalamat niyang umalis din ito pagkatapos ng ginawa.
She grunted when she tried to move but she barely felt her body. Muling namigat ang kanyang talukap kaya ipinikit niya iyon hanggang sa muling tangayin ng dilim.
Pagkalipas ng kalahating oras ay muling nagising si Tara, sa pagkakataong iyon ay mas may kamalayan siya sa paligid.
"Hey, sleeping beauty."
Nang luminaw ang paningin ay itinuon niya ang paningin na nakatunghay sa kanya at nakaupo sa gilid ng kanyang kama.
"You're back," Tyler said with a smile of relief.
Ibinuka niya ang bibig at nagsalita kahit na bahagyang nanakit ang kanyang lalamunan. "W-what hap... pened?"
Sandali siyang tinitigan ni Tyler na tila sinusuri ang kanyang kalagayan bago sumagot. "You fell on the stairs."
Her forehead knitted and ransacked her brain to confirm if what Tyler said was true. Kapagkuwan ay lumarawan ang sindak sa kanyang mga mata nang maalala ang nangyari sa kanya. She fell on the stairs! But she was alive. Kung hindi siya marahil nakahawak sa balustre ay mas malala ang matatamo niyang pinsala.
"I-I'm good... I g-got hold... of the baluster," aniya at sinubukang ngumiti nang makita ang pag-aalala sa mukha ng kapatid.
Umiling ito at naaawang tumingin sa kanya. Tyler may be playful and an ass sometimes, but he was a good brother to Tara. He worried a lot when she's hurt since they were kids, nothing had changed. "You have broken ribs, broken arm, broken hip, and a broken leg. Your head was bleeding when the janitor found you on the stairs."
Nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi ni Tyler, hindi niya inaasahang ganoon kalala ang pinsan sa kanyang katawan. Sinubukan niyang igalaw ang mga kamay, ang kaliwa ay bahagya niyang naigagalaw ngunit hindi niya maramdaman ang kanang kamay. "N-no..." Nanubig ang kanyang mga mata dahil sa natuklasan.
"Hey," pigil ng kapatid sa kanyang pagpupumilit na igalaw ang katawan. "Don't force it, you have a cast on your hand. You may not feel the pain now because of the anesthesia but you will once it wears off. Don't strain yourself, please."
"No... Ty, m-my hand." She couldn't stop a sob from coming out of her mouth because of the fact that she injured her arm. The arm she was using to draw, to paint. Painting was her life, she can't lose her life just like that.
Hindi malaman ni Tyler kung paano hahawakan ang dalaga kaya tatawag sana ito ng doctor nang bumukas ang pinto ng silid at pumasok ang nag-alalang mga magulang, kasunod ng mga ito ang kaibigang si Harrison.
"Tinkerbell."
"D-dad, please..." bulalas niya habang umiiyak nang makita ang ama na lumapit sa kanya. Kasunod nito ang kanyang Mommy na nakatakip sa bibig at pinipigilan ang sarili na maiyak dahil sa kalagayan ng anak.
"Shh, it's okay. You're alright."
Marahas niyang iniling ang ulo habang patuloy sa pag-iyak. "I-I can't lose m-my arm..."
"You won't lose your arm, sweetie. They'll be okay eventually. Don't cry please, you're making Daddy worried."
Dahil sa pakiusap ng ama at sa masuyo nitong paghaplos sa kanyang ulo ay bahagya siyang kumalma. Nakita rin niya ang pagtalikod ng kanyang Mommy sa kanyang direksiyon upang marahil ay itago ang mga luha. Sinubukan niyang pigilan ang pag-iyak ngunit hindi siya nagtagumpay ng buo.
Humina ang kanyang pag-iyak hanggang sa tuluyan na iyong tumigil, ngunit paminsan-minsan ay may mga hikbing kumakawala at patuloy sa pag-agos ang kanyang mga luha.
Her father Ashton leaned closer to her with careful movements and pressed his lips on her forehead. She closed her eyes to feel the comfort it brought her. The heaviness in her heart was diminishing slowly.
Nang maramdaman ang pang-angat ng katawan ng Daddy niya at ang pagsalikap ng mainit na kamay sa kanyang kaliwang kamay ay nagmulat siya ng mga mata. She slightly tilted her head on her left and her eyes met Harrison's who replaced Tyler in his position earlier.
His warm fingers caress her hand gently like the kiss of the feather that sends assurance to her being. He smiled at her and her tears strangely stopped flowing from her eyes as if someone closed the lid.
She was staring at Harrison's face and all she could think was that she was not alone. His smile promised her hope, the spark in his eyes was something she couldn't unravel but it strangely calmed her. His presence calmed her.
Harrison opened his mouth to speak and she heard every word he uttered clearly. "I'm here."