NASA AKMA siyang pagsusuot ng damit na pamalit sa kanyang hinubad nang bumukas ang pinto ng kanyang silid. Iritadong tiningnan niya ang papasok na si Harrison na nakakunot ang noong nakatingin sa kanya.
"Hindi ka ba marunong kumatok?" asik niya sabay tagilid mula sa direksiyon nito upang maitago ang katawan at itinuloy ang pagsusuot ng preskong damit.
"Don't worry, wala akong nakita," ani Harrison sa normal na tinig at tuluyang lumapit sa kanya upang tulungan siya sa ginagawa.
Tumaas ang kanyang kilay sa narinig. He was using a normal tone kaya hindi niya matukoy kung nang-iinsulto ba ito. "You should've knock, have some decency atleast!"
"Oo na po," Harrison conceded and pinched the bridge of her nose gently. She wrinkled her nose and shove his hands away from her face. Sa halip na lumayo ay umupo ito ng tuluyan sa kanyang kama at inilapit ang mga labi sa kanyang tainga. Natigilan siya at hindi agad makagalaw dahil sa pagkagulat. "'Wag kang mag-aalala, pareho naman tayong macho. You have a washboard chest," Harrison whispered to her and she felt his mouth formed a smile.
Tara's nostrils flared up, she bit the skin on his neck near his collarbone out of annoyance. She also felt embarrassed and offended at the same time. As a woman, she never got conscious of her body before, but she felt offended by what Harrison said. She doesn't know what changed, but she suddenly felt conscious of what she looked like after hearing Harrison.
Mula sa pagkakakagat ay natigilan siya nang makaramdam ng kiliti dahil sa amoy nanggagaling sa katawan ng binata. May tinig na nag-uudyok sa kanya na ipikit ang mga mata at isubsob ang mukha sa leeg nito.
She was cut off from her reverie when she heard Harrison groaned, but he didn't push her away. Her eyes widened, realizing what she did, and she pulled her teeth away from his neck. She unconsciously ran her tongue over her teeth and tasted the metallic taste of blood in her mouth.
Nakaramdam siya ng guilt nang makita ang pamumula ng leeg nito na kinagatan niya. Dumapo ang kamay ni Harrison doon at pinunasan ang dugong sanhi ng kanyang pagkagat.
"Ang brutal mo talaga. Totoo naman ang sinabi ko," nakangiwing komento ni Harrison kasabay nang pag-iling.
Nabawasan ang usig ng damdamin nang maalala ang dahilan kung bakit niya iyon ginawa. She glared at him again and if looks can kill, he would've been dead by now.
Inihagis niya sa mukha ni Harrison ang kanyang hinubad na damit kanina at marahas itong hinawi bago maingat na ibinaba ang mga paa sa sahig habang nakaupo sa gilid ng kama. She was about to get her crutches near the side table when he suddenly wrapped his arms around her body and lifted her up. Sa gulat ay agad niyang naipaikot ang mfga braso sa leeg nito.
"You are not supposed to move around. You're not fully healed," pangaral nito sa kanya. Umikot ang kanyang mga mata ngunit hindi na siya nagkomento pa.
It was a month and a half ago when she got out from the hospital after a month of confinement. The fractured in her hip and her broken rib were close to healing completely, however, her right leg and arm were still halfway to recovering. Ang kanyang mga doktor ay positibo naman sa madali niyang recovery. She was young and healthy after all of this happened and she was surrounded by people who took care of her. Sa nakalipas na halos tatlong buwan mula nang maaksidente ay hindi siya nawalan ng kasama, kahit na noong nasa ospital pa siya. Araw-araw na may dumadalaw sa kanyang kamag-anak at kaibigan, nagsasalitan din ang mga ito sa pagbabantay sa kanya sa umaga at sa gabi.
Kabilang sa kanyang mga doktor ang isang psychologist na kaibigan din niya na siyang nagsisigurong maayos ang kanyang mental na kalusugan. Her mother insisted on it and she was glad she did. Nakatulog ang doktor na pagaanin ang pinagdadaanan niya. May napagsasabihan siya ng mga bagay na hindi niya masabi sa pamilya dahil ayaw niyang pati ang mga ito ay dalhin sa loo bang kanyang suliranin. Just like how she fear to losing her ability to paint because of her injured arm and wrist.
"Where to?"
Ang tanong na iyon ni Harrison ang pumutol sa kanyang pag-iisip. Tiningnan niya ito at wala sa loob na napatitig sa mga labi nito nang muling ulitin ang itinanong.
"The bathroom." Iniwas niya ang mga mata kay Harrison at nakaramdam ng pagkailang dahil sa pagkakakarga nito. She can feel the tautness of his body and the strength of his arms while he was carrying her like it was nothing. "Tiolet," aniya dahil naiihi siya.
Maingat siyang ibinaba ni Harrison ngunit nakahawak pa rin sa kanyang bewang. "Get out and call Elsa." Tukoy niya sa kasambahay na siyang madalas na umaalalay sa kanya. After she got out from the hospital, her parents suggested a private nurse for her but she refused. Kaya itinalaga nito ang isang kasambahay na tumingin sa kanya kapag wala ang mga ito.
"I'll stay."
Pinandilatan niya si Harrison nang marinig ang isinagot nito. "Naiihi ako kaya lumabas ka. Hindi kita kailangan dito."
Harrison scoffed, then grinned mischievously. "I'll help you, pareho naman tayong macho kaya walang kaso."
"Gago!" Sabay hampas niya sa may katigasan nitong dibdib at hinala ang nipple nito dahil sa yamot. Does he sees her as the old Tara who claimed to like women than men, the Tara who had a relationship with a woman? The tomboyish Tara? Ganoon ba ang tingin nito upang hindi ikonsidera ang kanyang pagkailang lalo pa't tanggap na niya ng buo na babae siya.
Harrison grunted and caught her wrist. "Nakakadalawa ka na, ha. Isa pa ulit, makakatikim ka na sa akin," he threatened flatly.
Tumaas ang kanyang kilay. Hindi siya naniniwalang sasaktan siya nito pabalik, Harrison may angered her and pissed her off, but he won't hurt her physically. She hate to admit it but he was a gentleman, hindi kailanman ito nanakit ng babae ng pisikal. "Bakit? Sasaktan mo ako?"
Naiatras niya ang ulo nang bumaba ang mukha nito sa kanya, ilang pulgada na lang ang layo ng mukha nito nang tumigil ito.
"No, I will kiss you. Hurt me again, and I will punish you with my lips."
Natigilan si Tara at napalunok nang makita ang intensidad sa mga mata ni Harrison. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa kanyang mga labi, wala sa loob na pinaraanan niya iyon ng dila. Nagbibiro man ito o hindi ay naapektuhan siya ng sinabi nito. She was nervous and she wasn't nervous in front of Harrison before no matter what he did or whatever circumstances they were in!
She was aware that something odd was happening to her lately, nararamdaman niya ang mga bagay na hindi niya nararamdaman noon kay Harrison katulad ng pagkailang, kaba at ang matinding kagustuhang makita ito. Madalas itong nasa kanyang tabi ng nasa ospital siya at hanggang makauwi ng bahay, palagi man niya itong itinataboy ngunit lihim siyang nagpapasalamat sa presensiya nito. He brought comfort to her despite everything.
Nang maramdamang unti-unti lumiliit ang distansiya ng kanilang mukha ay mabilis niyang sinakop ang mukha ni Harrison gamit ang kanyang kamay at itinulak iyon. "Ulol mo! Tumalikod ka kung ayaw mong lumabas, ihing-ihi na ako." Ayaw na niyang humaba pa ang kanilang diskusyon dahil may mga pagkakataon na nawawala siya sa sarili kapag kausap ito. At isa pa, ayaw niyang ipagkanulo ng mga estrangherong damdaming sumasalakay sa kanya.
Doon bumalik ang pilyong kislap ng mga mata ni Harrison at ang ngisi sa mga labi. Mas kaya niyang pakitunguhan iyon kaysa kung seryoso ito.
Nakahinga lang siya ng maluwag nang dahan-dahan siya nitong bitawan pagkatapos ay tumalikod sa kanya at humakbang ng ilang hakbang bagaman ay hindi tuluyang lumayo.
Sinimulan niyang hubarin ang short subalit hindi iyon naging madali kaya napamura siya at nakaabot sa pandinig ni Harrison.
"Do you need help?"
"Don't! Stay there and don't move a muscle. I will kill you if you did," she threatened.
Nahirapan man ay matagumpay siyang nakaihi. Binuhat siyang muli ni Harrison palabas ng banyo at inilagak sa kanyang kama.
Isang maluwag na buntung-hininga ang kanyang pinakawalan at humiga. Dinampot niya ang libro na binabasa niya kanina at binuklat upang magpatuloy. When she was bored inside her room so she will kill time while reading or watching movies.
Nang maramdaman ang pagmasahe ni Harrison sa kanyang kaliwang binti ay napabuntung-hininga siya sa ginhawang gulot niyon. Ibinaba niya ang hawak na libro at sinulyapan ito na nakaupo sa gilid ng kama. Her heart skipped a beat while looking at her and by his gesture. Palagi nito iyong ginagawa sa kanya, minsan nga ay pinupunasan nito upang maging presko ang pakiramdam niya at sa tuwina ay hindi pumapalyang maapektuhan ang kanyang puso. Nag-iiba ang tibok niyon sa tuwing ginagawa iyon ni Harrison.
Agad siyang nag-iwas ng tingin at muling itinaas ang libro upang matakpan ang mukha na bahagyang nag-init nang tumingin si Harrison sa kanya at ngumiti.
"What are you reading?"
She silently took a deep breath before answering. "Nothing you're interested in."
"Let me see."
"No!"
Ngunit pursigido itong kuhanin sa kanya ang libro kaya itinaas niya iyon at inilayo rito. Isinampa ni Harrison ang mga paa sa kama at maingat na kumubabaw sa kanya upang abutin ang libro. It was a wrong move for her. Natigilan siya nang mapatitig sa mukha nito na malapit sa kanyang mukha. Kagaya kaninang nasa loob ng banyo ay hindi siya makapag-isip ng diretso. Ang kabog ng kanyang dibdib ay lalong bumilis dahil sa kaba at sa isang estrangherong damdamin.
She could feel the heat of his body on top of her, and it reminded her of her dreams. Heat travelled to her spine nang maalala iyon.
"Gotcha!" bulalas ni Harrison nang makuha ang libro mula sa kanyang kamay. Kapagkuwan ay nakatawang luminga sa kanya, ngunit agad na namatay ang tawa nito nang magsalubong ang kanilang mga mata. Everything went blurred and all she can hear was the thudding of her heart and their breathing.
She saw Harrison looking at her lips and witnessed how emotions in his eye changed. It went darker and mysterious by the minute.
Naramdaman niya ang paglapit ng kanilang distansiya ngunit hindi niya inudyukan ang sariling umiwas. Sa halip ay sinalubong niya ang mga mata ni Harrison at hinintay ang paglapat ng mga labi nito sa kanya. Ngunit bago pa mangyari iyon ay sabay silang natigilan nang may tumikhim, sabay rin silang napalingon sa direksiyon ng nakabukas na pinto kung saan nakatayo ang kanyang Mommy.
Nanlaki ang kanyang mga mata at itinulak siya Harrison paalis sa kanyang katawan. Nag-init ang kanyang mukha at hindi alam kung paano haharapin ang ina.
Kaswal na umalis si Harrison sa kama dala ang libro at sinalubong ng halik sa pisngi ang kanyang ina.
"What happened to you neck?" nakakunot ang noong tanong ng Mommy niya kay Harrison, kapagkuwan ay sumulyap sa kanya.
"Your daughter bit me savagely, Tita. She's barbaric," pagsusumbong nito sa kanyang ina at nagtago pa sa likod nito nang samaan niya ito ng tingin. Nakangisi na ito ngunit kasalungat niyon ang kislap sa mga mata. The spark that she saw when he stared at her while he was on top of her a minute ago was still there.
"Why did you do that?" tanong ng ina sa kanya.
"Siya ang nauna, Mommy. He... he pissed me off!" pagtatanggol niya sa sarili.
"That's not true, I'm here to look after you, but instead of being grateful, you're hurting me," Harrison announced in exaggeration.
Napabuntung-hininga na lang ang kanyang Mommy na mukhang ma-e-e-stress na sa kanilang dalawa ni Harrison. Noong mga bata pa lang sila ay pasakit na silang dalawa sa ulo ng Mommy niya dahil kadalasan na'y hindi sila nagkakasundo at nagkakapikunan.
Nagpaalam ang kanyang Mommy na lalabas, dumaan lang ito upang tingnan ang kanyang kalagayan pagkatapos ay babalik na sa trabaho. Ipinagpasalamat niyang sumunod si Harrison dito upang ihatid ito sa ibaba at hindi na muling bumalik.
Nanghihinang napasandig siya sa headboard at tinitigan ang painting na nasa tapat ng kanyang kama. Doon niya talaga iyon nilagay para madali niyang makita. It was Lady Merideth, the painting made by Pablo. Noong araw na kuhanin ni Harrison ang bulaklak na ipinadala ni Pablo sa kanya at pinalitan nga ng bago gaya ng sabi nito noon ay hindi niya niya ito kinausap ng ilang araw. Ngunit nang ibigay nito sa kanya ang painting na iyon ay nagkaayos sila. It was his peace offering to her. Ang sabi nito ay hinanap pa nito ang orihinal na nakabili niyon at dinoble ang halaga ng painting. Hindi agad pumayag ang nakabili but Harrison persisted. Knowing him, gagawin nito ang lahat makuha lang ang gusto. He got what he wanted and now the painting was hers to keep.
She let a long-suffering sigh escape, and her energy died down when she realized something.
"Shit... I'm doomed. You're doomed, Tara Violet."