May kumatok sa pintuan at doon ko lang naalala na nasa bahay na nga pala kami! Hindi na hinintay ng kung sino man iyon na pagbuksan iyon. Napalikwas kami ng bangon ni Octav ngunit nahulog ako sa higaan.
"Good mor--!" she paused and immediately covered her eyes.
Napatingin din tuloy ako kay Octav na siyang boxer lang ang kaniyang suot. "What the?!" sigaw ko at saka tinapon kay Octav ang kumot ko para matakpan niya ang kaniyang katawan.
Pumasok din kasi si Trisha kaya pareho sila ni Sabrinang nagtakip ng kanilang mga mata.
"Shit! Sorry!" Octav stuttered and get his pants and shirts from the single sofa where he put his belongings last night.
Dali-dali siyang umalis ng kwarto ko at saka pumuntang cr para magdamit. Ako naman ay hinimas ang aking balakang dahil sa pagkakahulog mula sa kama.
"Mommy? Can I open my eyes?" malambing na tanong ni Sabrina kaya naman ay um-oo na ako sa kaniya.
Umupo ako sa kama habang hinihimas ang aking balakang. Tiningnan ko si Sabrina na naglalakad na papunta sa akin. On the other hand, Triaha bowed at me and I nodded at her so that she can leave my bedroom.
"Good morning, baby." I whispered and kissed Sabrina.
"Why is Tito Octav in your bedroom?" she innocently asked me.
Napapikit ako at hindi alam kung ano ang sasabihin kay Sabrina. Sakto naman ang pagpasok ni Octav sa kwarto na nakadamit na kaya napatingin na rin sa kaniya si Sabrina.
"What are you doing here, Tito Octav?" Sabrina asked.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Octav na parehong hindi alam ang sasabihin. Sinineyasan ko siyang umupo sa tabi ko si Octav na kaagad namang sumunod.
I cupped Sabrina's face and took a deep breath.
"Do you remember when I told you that soom you'll gonna meet your Daddy?" malumanay kong tanong kay Sabrina.
Tumango siya sa akin at saka ngumiti. I saw how her eyes sparkled when she heard the word Daddy.
"I also told you that he was far away from us that's why you couldn't meet him, right? And I also informed you that he was an engineer like me," sambit ko.
Hindi ko na alam kung paano kong sasabihin sa kaniya pero sa tingin ko ay ito ang tamang paraan kung paano ko maipapakilala na si Octav ang kaniyang totoong ama.
Octav leaned on my ears and whispered, "Are you sure, we're gonna tell her that I'm her Dad?"
Hindi ko tiningnan si Octav at saka nag-focus lang sa magiging reaksyon ni Rina. I am nervous. I am really really nervous.
"You met him already months ago, baby." I said and smiled at her. "S-Si..." I paused and stared at Sabrina's eyes.
"S-Si Tito Octav ang tunay mong ama," kabado kong saad.
Rina didn't react on what I said and I think she was still processing the things that I said to her. Tumingin siya kay Octav pagkatapos ay sa akin naman at saka ginawa niya ulit iyon.
"Tito Octav is my Daddy, Mommy?" tanong niya kaya nakangiti akong tumango.
"Damn! I guess she will not accept me..." hindi naituloy ni Octav ang kaniyang sasabihin nang bigla siyang niyakap ni Sabrina Reginald.
"Yehey! I have a Daddy now!" tuwang-tuwang ani Rina habang si Octav naman ay niyakap siya pabalik. "My Daddy is here!" dagdag niya pa saka ako naman ang kaniyang niyakap nang mahigpit.
"Thank you, Mommy for bringing here Daddy!" sambit niya habang yakap-yakap ako.
I hugged Rina back for seconds and I was shocked when Octav also joined us. Niyakap niya kaming dalawa ni Sabrina.
"You're crying," I whispered to Octav when I saw him wiping his tears.
"I am just happy, you know." aniya kaya napangiti na lang ako.
"Mommy, hindi ako makahinga." rinig kong sambit ni Sabrina kaya kaagad na kumalas si Octav sa aming yakapan.
"I'm sorry, baby." ani Octav sa kaniya.
"It's okay, Ti... Daddy." ani Sabrina kaya napatingin sa akin si Octav nang muntik nang masabi ni Sabrina ang Tito Octav.
"Where do you want to go?" tanong ni Octav kay Sabrina kaya kaagad na ngumiti si Rina.
"At Albay park!" nakangiting sabi ni Rina.
"Alright! We will go there this morning!" sagot ni Octav.
"But before that, let's eat breakfast first." sabat ko sa kanilang dalawa.
Sabay-sabay kaming kumain ngunit nakaramdam ako ng selos dahil mas sinusunod ni Rina kung ano man ang sabihin ni Octav. Tumabi pa siya kay Octav kaya pakiramdam ko ay mas close na silang dalawa.
"Can you kiss, Daddy?" Octav asked Rina before we go out.
Humalik si Sabrina sa pisngi ni Octav. Ngumuso ako at natawa naman si Octav nang bumaling siya sa akin.
"Can you also kiss Mommy?" tanong ko rin kaya mas lalong natawa si Octav.
Humalik sa akin si Sabrina ngunit hindi ko inaasahan ang kaniyang sinabi.
"Daddy, can you kiss Mommy also?" tanong niya.
Napatingin ako kay Octav na ngayon ay may mapaglarong mga ngiti. "Paano ba 'yan? Anak na natin ang may sabi," aniya kaya hindi na ako nakatanggi sa request ng anak naming dalawa.
After Octav kissed me on my cheeks and lips, we got inside his car. Hindi naman maalis sa mukha ni Sabrina ang kaniyang mga ngiti. She even requested me to take a picture of us together.
Nagpapatugtog ng alive na musika si Octav at panay naman ang galaw ng balakang ni Sabrina. I laughed when she even do the head bang because she was too happy and excited.
Nang matigil ang masayang tugtog at napalitan ng musikang love song ay natigil na siya sa kakasayaw habang nakaupo. But her head was slowly swaying as she was enjoying the love song.
"Mahiwagang pipiliin ka sa araw-araw..." kanta ni Octav at saka tumingin sa akin.
Kaagad na naramdaman ko ang pagpula ng aking pisngi kaya umiwas kaagad ako ng tingin. Natapos ang kanta nang sumasabay si Octav at napapatingin pa siya sa akin kaya ang buong sistema ko ay naghaharumentado.
Hindi siya kumupas sa pagpapakilig sa akin!
"Do you want me to change the music, baby?" tanong niya.
Akala ko pa naman ay ako ang tinatanong niya kaya ako ang sumagot. But when I looked at him, he laughed and said, "I was referring to Sabrina, mahal."
"Whatever." Irap ko sa kaniya.
Pinalitan niya nga ang tunog at isang nursery rhymes na iyon.
"The wheels on the bus go round and round. Round and round. Round and round..." kanta ni Sabrina habang ang galaw na naman.
"Mana ka nga sa akin sa pagkanta," ani Octav kaya tiningnan ko nang masama si Octav.
"Tsk. Sa akin siya nagmana," I intently told Octav and rolled my eyes.
He laughed a bit and raised his one hadn as if he got arrested and surrendered himself. "Okay po. Sa ating dalawa na lang," aniya at saka tumawa na naman.
"Good," ani ko at saka tumingin na sa unahan.
Sunod naman ay ang tatlong bibe na nursery rhymes ang tugtog. Sinabayan na ni Octav si Rina habang siya ay nagda-drive.
I even took a video of them two while singing and posted it on my story and put a caption.
'Daddy and Baby are both good in singing. I love you both. <3'
Kaagad na nag-reply doon ang tatlo kong kaibigan pati na si Azi.
Ralph replied on your story:
Happy family! I am happy for you both <3 stay inlove!
Kennedy replied on your story:
Wow!? Kailan pa nalaman ni Sabrina? Btw, happy for you both! Susunod kami ni JM sa pagbuo ng pamilya hmp!
Haisely replied on your story:
Galing! Sabi na eh, kay Octav nagmana si Rina sa pagkanta! Just kidding, sa inyong dalawa pala! Haha! Anyways, I saw the CCTV today and I was expecting for the 2nd baby!
Azi replied on your story:
Finally! Octav will not asking me multiple questions regarding you and Sabrina Reginald. Also, I am hoping for the 2nd baby, I guess?
Kaagad na pumula ang pisngi ko sa reply ng mag-asawa. Tangina! May CCTV nga pala sa loob ng bahay nila Aziel Marcellus!
Pinabasa ko pa iyon kay Octav at tawang-tawa pa siya roon! "Sayang, sana pala ay tinodo na natin kagabi pakauwi ng bahay." saad niya pa kaya inirapan ko siya.
Hinawakan ko na lang ang kamay ni Sabrina at saka naglakad-lakad na kami sa Albay Park and Wildlife. Walang katumbas ang saya ni Sabrina habang naglalakad-lakad kaming tatlo roon. We took a picture together and even got the challenge of putting the snake on our necks.
Tuwang-tuwa pa si Octav dahil takot na takot kahit na mamatay-matay na ako sa takot dahil sa ahas!
"It's okay, Sav. Let's conquer our fears!" wika niya pa pero napapikit pa rin ako.
Kaya naman matapos ang ilamg oras na papamasyal namin sa Albay Park and Wildlife ay nag-aya si Octav na pumunta sa kanilang bahay.
Sa bahay ng Mommy at Daddy niya.
"You'll meet your Lolo and Lola, is that okay with you?" tanong ni Octav habang nagmamaneho na siya.
"Lolo and Lola?" takang tanong ni Rina.
"It's Daddy's Mama and Papa, baby." I explained but she just kept on asking me questions regarding her Lolo and Lola.
"Alam din ba nila ang tungkil kay Sabrina?" tanong ko kay Octav.
Malay ko ba hindi ba? Alam nga ni Melgie na may anak kaming dalawa kaya posible ring alam na ng mga magulang niya?
"Nope, ngayon lang nila malalaman." wika niya kaya kinabahan ako.
Paano na lang kung magalit sila sa akin dahil tinago naming dalawa ni Octav na may anak na kami? I mean, I didn't told them that they already have a grand daughter.
"It's okay, mahal. I know that they will accept Sabrina and you." Octav assured me and even held my hand.
Marahan akong tumango sa kaniya at ngumiti nang alanganin. Nang makarating kami sa bahay nila Azi ay mas lalong lumakas ang kaba sa dibdib ko. However, Sabrina Reginald was too happy and excited to meet new people.
And that was Octav's family.
"Calm down, mahal." Octav whispered on my ears, so I nodded at him.
Bukas ang pinto ng bahay kaya kaagad kaming pumasok. To my surprise, Octav's parents are in the living room and was busy watching television but when they saw me, the immediately stand up.
"Oh? Long time, no see, Savannah!" nakangiting sabi ni Tita.
"Hello po, Tita." I said and bowed my head.
"Who are they, Mommy?" tanong ni Rina sa akin at tinuro pa ang mga magulang ni Octav.
They didn't aged much. Ganoon pa rin si Tita at Tito. Nakangiti nila akong sinalubong. I was about to bless to Tita and Tito but they insisted to hug me
Tumingin ako kay Octav dahil napatingin na rin si Tito at Tita kay Sabrina nang magtanong ito. Ramdam ko ang kaba sa aking dibdib na ngayon ay mas lumala. Octav held my hand and squezzed it tightly.
"Ma, Pa, si Savannah at Sabrina po." wika niya.
Humawak si Rina sa aking kamay at saka doon ako kumuha ng lakas ng loob.
"Anak mo na ba 'yan, Savannah?" Tito asked, so I nodded at him.
"Anak po naming dalawa ni Savannah, Pa." sabat ni Octav.
Napaawang ang bibig ng mag-asawa kaya napayuko ako.
"Huh?" Tita's reaction upon hearing what Octav said. "Totoo ba, Sav? Ilang taon na siya?" tanong niya pa kaya napatingin na ako kay Tita.
"Yes po, Tita. Five years old na po si Sabrina." I said and looked at Sabrina. She was roaming her eyes on Octav's house. Inagaw ko ang atensyon ni Sabrina kaya napatingin sa akin ang anak ko, "Rina, bless to Lolo and Lola." I commanded that she urgently did it.
"Ang ganda mo naman, apo." yumuko si Tita at saka hinagkan si Sabrina. That ease my doubt and worries that I was feeling earlier. "Call me instead Mama Lola, okay?" she said.
Napangiti ako saka napatingin kay Octav nang makita ang ngiti nila Tito and Tita. Tita even kissed Sabrina Reginald's cheeks and hugged her tight.
Naglaro na lang muna si Sabrina kasama ang Tito Melgie niya sa sala. Melgie even insisted to bring Sabrina to his bedroom. Kaya ayon at naiwan kaming dalawa ni Octav kasama ang mga magulang niya.
"Bakit ngayon n'yo lang ito sa amin sinabi? Hindi naman kami magagalit ah," giit ni Tito kaya napayuko ako sa hiya.
"We're not ready that time, Pa. Pasensya na," ani Octav.
Good thing, kaunting tampo lang ang pinataw sa amin ni Tita at Tito kaya medyo napahaba ang usapan naming apat. Octav explained everything to them, kaya tinanggap na rin nila kaming dalawa ni Sabrina.
"Kailan ang kasal? P'wede na yata next year, hindi ba? May naipundar naman nang bahay si Octav." ani Tito kaya napatingin ako kay Octav.
Naipundar na bahay? I didn't know about that huh?!
"P'wede naman, Pa." sagot kaagad ni Octav kaya napatingin akong muli sa kaniya at saka tiningnan siya nang matalim.
"Next year kaagad? Hindi ba p'wedeng next, next year na muna?" I suggested.
Natawa si Tito at Tita sa tinuran ko, "Mas mabuti nang next year na, anak. Baka kasi masundan kaagad si Sabrina." ani Tita kaya namula ang pisngi ko.
"Ma!" Octav reacted on what Tita said but Tita just laughed at him.
After we talked, we already went to the living room. Tita and Tito played with Sabrina. Tuwang-tuwa naman si Sabrina dahil may mga regalo pala si Melgie sa kaniya na nakatambak lang sa kwarto nito. Melgie bought it for his niece in whole five years.
I looked at Octav when I remembered what Tito said earlier.
"May sarili ka nang bahay?" tanong ko sa kaniya.
"Yes. Pinundar ko iyon sa loob ng apat na taon." he whispered. "We'll be living there next month if you want." he added that made me shocked.
"Paano naman si mama?" tanong ko dahil ayaw kong hayaan si Mama roon sa bahay na nirerentahan namin.
"She will moving with us. Don't worry about it, mahal." wika niya saka hinalikan ang aking noo.
Nagulat kaming pareho nang biglang yumakap sa amin si Sabrina.
"I love you, Mommy and Daddy!" she sweetly said and kissed us both.
That day was full of surprises to the people around us.
That day was blissful for me, Sabrina Reginald and to Octavius Reggie. Tuwang-tuwa ang puso ko na sa wakas ay nawala na ang lahat ng bumabagabag sa isip ko sa loob ng maraming taon.
I failed.
I lied
I succeed.
I suffered.
I sacrificed.
I sufferred from too much pain in the past years but all of it was all worth it.
I waited so long, but it is worth the wait.
Nadapa man ako nang maraming beses pero ito ngayon at patuloy na bumabangon at lumalaban sa buhay.
I scrutinized myself as well as my own family for us to live happily after. Life was full of surprises, ika nga pero sa kabila nang lahat ng iyon ay lagi mo na lang dapat isipin ang mga positibong maaaring mangyayari.
And as I closed and continue living with my love of life and with the baby of my life, I am very happy.
I am blessed to have them. I am blessed to have my friends with me along this way.
I am now okay.
I am proud to say that I successfully scrutinized myself.
***
Hello everyone! Thank you very much for reading this story until the end!
Syempre for those who read the Epilogue first before reading the entire book, read at your own risk! Hahaha! Once again, thank you all! Sana ay maging masaya ang buong 2022 nating lahat!