Ngumiti si Jaiden nang tumingin sa kanyang ang may katandaan nang lalaki nang bumaba siya ng kanyang sasakyan. Nasa harap siya ng bahay ni Margaux. Tumuwi naman ng tayo ang lalaki mula sa ginagawa nitong gulong.
“Good evening po.” Bati niya. Kumunot ang noo nito.
“Anong ipapagawa mo, boy?” Tanong naman nito sabay silip sa sasakyan niya.
He smiled. “Wala naman po. Ahm, nand’yan po ba si Margaux?”
Tiningnan siya ng lalaki na marahil ay ang kinilalang ama ni Margaux. “Anong kailangan mo sa anak ko?”
Inilahad niya ang kamay niya. “Ako po si Lyle Jaiden Vilandre. Kaibigan po ako ni Margaux.”
“Madumi ang kamay ko.” Anito sabay wasiwas ng kamay. Hinarap nitong muli ang ginagawang gulong. “Ilang beses na kitang napapansin dito ah. Ikaw rin ang nagtanong sa asawa ko kung dito nakatira si Margaux. Bakit ba?”
“Ah…’yon po ba? May kailangan lang po kasi ako sa kanya that time. Pero okay na po.” Sagot niya.
“Ano ngayon ang kailangan mo?” tanong nito muli.
“Gusto ko po sanan s’yang makausap. Hindi po kasi kami nagkita sa school kanina. Hindi rin po s’ya nagri-reply sa text.”
Tiningnan siya nito. “Upo ka. Ako nga pala si Rodleo. Tatay ni Margaux. Baka walang load ‘yon kaya hindi sumasagot sa’yo.” Nagpatuloy ito sa ginagawa. “Ewan ko ba sa batang ‘yon. Nagse-cellphone ‘di naman nagloload.”
Napatawa siya sabay upo sa nag-iisang puting monoblock chair malapit dito. “Gano’n po ba? Tinatawagan ko rin po kasi ‘di rin sumasagot. Kaya nagpunta na ‘ko dito. Baka andito na.”
“Ay, malamang nasa club ni Bogie ‘yon. Nagta-type no’ng ano n’ya. Ano nga ‘yon?” Sabi nito na animo’y nag-isip. “Writer kasi ‘yon eh. Ano nga ‘yong magazine na ‘yon.”
“Ah…Mass Chronicle po. Conributor po kasi do’n di po ba?” Sansala niya.
Tumango ang ama ni Margaux. “Oo, oo ‘yon nga. Kaklase ka ba ni Margaux? Ba’t alam mo ang tungkol do’n? Hindi ipinagkakalat ng anak ko ang tungkol sa side line n’ya kasi hindi n’ya totoong pangalan ang gamit n’ya do’n.”
Napakamot siya sa ulo. “N-nasabi po n’ya sa’kin.”
Ngumiti ito. “Masipag talaga ‘yang si Margaux. Lahat na lang pwedeng raket, eh, pinasok na. Wala naman kaming ginagastos sa pag-aaral n’yan. Para lang naman sa’min ang ginagawa n’yang pagdiskarte ng pera. Kung minsan nga ayaw ko nang tanggapin ang iniaabot n’yan. Kaso lang talagang mapilit. Kayo ba? Gaano na ba kayo katagal ng anak ko?”
“Po?” gulat na gulat niyang sabi. Kinabahan siya bigla. Hindi kaya’t may nabanggit na si Margaux tungkol sa kanila?
Tumawa ito. “Ikaw naman. Alam ko namang boyfriend ka ng anak ko. Maganda si Margaux kaya hindi nakakapagtaka na may magkagusto sa kanya.”
Napangiti si Jaiden sa narinig. Naramdaman niya ang sinseridad sa mga salita ni Mang Rodleo. Mukhang maganda ang trato nito sa dalaga sa kabila ng katotohanangn hindi naman nito anak si Margaux. Nasiyahan din siya na sa kabila ng pinagdaanan ng dalaga ay may mga tao pa lang mahal at pinahahalagahan si Margaux.
“Rod!” Anang isang tinig mula sa loob ng bahay. Napalingon siya sa nakabukas na pinto. Tinig iyon ng nakausap niyang babae minsan. Iyon na marahil ang ina ni Margaux. Saka lumabas ang ginang.
“Luto na ‘yong idideliver ko kay Chairman. Aalis-” Natigilan ito nang makita siya. Kaagad na kumunot ang noo nito marahil nakilala siya.
“Ikaw na naman. Wala dito si Margaux.” Sabi ng ina ni Margaux.
“Ah eh-”
“Si Lyle Jaiden daw s’ya, Mama. Boyfriend ng anak mo.” Sabad ni Mang Rod. Mapamaang siyang napatingin dito.
Muling lumipad ang tingin ng ina ni Margaux sa kanya. Halatang nagulat ito at tila rin hindi ito nasiyahan.
“Wala namang nababanggit ang anak ko sa’kin.” Saad nito. Tumingin ito sa asawa at nakita niya ang uri ng pagpapalitan ng tingin ng mga ito. Tila nangungusap ang tinging iyon.
“Ahm, bago lang po kami.” Sabi niya. Wala na rin siyang dahilan upang itanggi ang tungkol sa kanila ni Margaux naisip niya. He could explain to her when they talk.
Nagbuntong-hininga ang ina ni Margaux. Saka tila nag-isip. Sa huli ay tiningnan siya nito. “Halika, pasok ka muna. Maya-maya pa siguro si Margaux.”
Sumunod siya sa ginang at pumasok hanggang sa marating nila ang maliit na sala. Naroon ang TV set at nakita niya ang isang dalagita at batang lalaki. Ngumiti sa kanya ang dalagita sabay tayo ng mga ito. Marahil iyon ang mga kapatid ni Margaux.
“Do’n na muna kayo sa kwarto.” Anang ginang saka tumingin sa kanya. “Upo ka.”
“Thank you po.” Aniya nang makaupo. Tumango naman ito.
“Kumakain ka ba ng mani?” tanong nito at hindi na naman siya kaagad nakatugon. “Hindi ba nasabi sa’yo ni Margaux?”
Noon siya ngumiti. “Ah, oo nga po. Nagluluto nga daw po kayo.”
“Sandali at kukuha ako.” Anito at mabilis na tinungo ang may kaliitan ding kusina. Siya naman ay sinamantala ang pagkakataon upang magbunga ng hangin. Maayos naman siyang pinakitunguhan ng pamilya ni Margaux. Hindi lang niya akaaling mag-isa siyang haharap sa mga magulang ng dalaga.
Ilang raw na silang hindi nag-uusap ni Margaux. Naging busy kasi siya dahil sa tinutulungan niya ang kuya Geoff niya sa mga kailangang asikasuhin nito. Tatlong linggo lang kasi ang kapatid niya sa bansa. Panay naman ang text niya kay Margaux ngunit madalas na hindi sumasagot ang dalaga. He even tried calling her but he got no answer. Kaya nag-alala na siya.
He always misses Margaux everyday. Kung maaari nga lamang ay kasama niya ito kahit sa lahat ng subject niya. Laging gumugulo sa isip niya ang dalaga. Lagi siyang kating-kating itext o kaya’y tawagan ito. Gustung-gusto niya itong kausap upang kamustahin ang naging araw nito. Kung tulad ba niya ay naiisip din siya nito. But the sad truth was that he cannot always reach Margaux. Madalas na wala itong tugon kaya madalas din siyang bulabugin ng pag-aalala at pag-iisip. Tila laging may kung anong mangyayari at may kung anong mali sa relasyon nila. That was because Margaux still choses to be away from him. Kaya tuloy hindi niya maiwasang itanong sa sarili kung may nararamdaman nga ba talaga si Margaux sa kanya.
“Oh, heto.” Sabi ng ina ni Margaux nang makabalik ito. Tumayo siya at tinulungan itong mailapag ang dalang isang tray.
“Thank you po.” Sabi niya at buong akala niya ay iiwan na siya nito ngunit nagtaka siya nang maupo ito sa tabi niya.
“Masarap ‘yan.” Sabi pa nito nang simulan niyang kainin ang fried peanuts na nasa isang maliit na mangkok.
“Oo nga po.” Napapangiti niyang sagot habang ngumunguya. Uminom siya ng juice. Saka niya tiningnan ito.
“Ga’no na kayo katagal ni Margaux?” Kaagad na tanong nito. Inilapag niya ang baso.
“Nasa isang buwan na po.” He said.
“Magkaklase ba kayo?”
Pasimple siyang nagbuga ng hangin. “Magkaiba po kami ng course. Engineering po ako pero may mga subjects po na magkaklase kami.”
Tumangu-tango ito. Saka tumingin sa kanya na tila mauuwi sa pagtitig. “Gwapo kang bata. Taga-saan ka ba?”
“Ahm, sa Diliman po ‘yong bahay namin.” Tugon niya.
“Ang mga magulang mo.”
He sighed again. “Wala na po sila. Accident. Few years ago. Kami na lang po ng kuya ko ang magkasama pero madalas po nasa ibang bansa s’ya dahil po sa trabaho. Model po kasi s’ya eh.”
“Marahil ikaw din. Pamilyar ka eh.” Saad nito at tumango siya.
“Print ad po. Print ad model po ako.” Aniya.
Ngumiti ito. “Ah...Jaiden ano? Tama?”
“Opo.”
Ito naman ang nagbuntong-hininga. “Wala naman na akong magagawa kung talagang kayo na ng anak ko. Sa tingin ko naman eh, mabuti kang tao kaya hindi mo naman siguro sasaktan ang anak ko.”
“Hindi po.” Mabilis niyang sagot. “Mahal ko po si Margaux.”
Tila hindi inasahan ng ina ni Margaux ang isinagot niya. Matagal itong tumitig sa kanya ngunit unti-unti ay ngumiti ito.
“Malaki ang pagkukulang namin bilang magulang kay Margaux. Sasabihin ko na sa’yo, hijo, hindi madali ang pinagdaanan ng anak ko. Hanggang ngayon ay pinagdadaanan pa rin n’ya kahit hindi n’ya sabihin sa’kin.”
Bigla itong huminto. Siya naman ay napuno ng interes kaya hinintay niya ang iba pang sasabihin ng ginang. More than anyone in the world at that moment, siya na marahil ang pinakanagpapahalaga kay Margaux. At wala siyang sasayanging pagkakataon para sa dalaga.
“Alam kong napapansin mong aloof ang anak ko. Hindi siya mahilig makipagkaibigan. Alam ko na iba ang tingin ng…mga kaedad n’ya sa kanya. Alam kong alam mo ‘yan. Kasi ang totoo, naging rebelde noon si Margaux.”
“Ano pong nangyari noon?” tanon niya.
“Niloko si Margaux noon ng dati n’yang boyfriend. Ewan ko nga kung niloko nga ang matatawag do’n. Kasi sa pagkakaalam ko, base na rin sa pag-anim sa’kin ng anak ko, hindi naman daw s’ya sineryoso ng lalaking ‘yon sa una pa lang. Pero imbes na hiwalayan n’ya itinuloy pa rin n’ya ang relasyon nila. Kasi pakiramdama n’ya noon, ang boyfriend na lang n’ya ang natatakbuhan n’ya. Parang, kakampi ny’a. Hanggang sa lalo lang s’yang lumala. Lalong naligaw ang landas n’ya.”
Nakita ni Jaiden ang pangingilid ng luha ng ina ni Margaux. Bakas din sa tinig nito ang lubhang kalungkutan. It must be hard for them. Ngayon niya lubos na naiintindihan kung bakit ganoon si Margaux sa ibang tao. She has a legit reason to be sad.
“May mga nasabi na po sa’kin si Margaux. N-nabanggit na po n’ya sa’kin ang tungkol sa daddy n’ya.” He said.
“Alam mo na pala. Alam mo na rin siguro na hanggang ngayon ay sinisisi pa rin n’ya ang sarili n’ya sa pagkawala ng kuya n’ya.”
Nagtaka siya. “Kuya n’ya po? May kuya po s’ya?”
Tumingin ang ginang sa kanya. “Namatay ang kuya Tyron ni Margaux. Ang panganay n’yang kapatid sa ama.”
Umiling siya.
“Dinala ko si Margaux kay Marvin noong tatlong taong gulang s’ya. Ayoko sana kasi alam kong hindi s’ya magiging masaya do’n. Alam kong hindi magiging maganda ang trato sa kanya ni Lucile. Pero wala na akong ibang paraang maisip kundi ang ipaubaya s’ya. Hirap na hirap ako no’n.Wala akong trabaho. Kahit na anong gawin kong pag-aaplay hindi ako matanggap. Kaya ibinigay ko s’ya kay Marvin kahit masakit.
“Isang araw mabalitaan ko na naaksidente ang kuya n’ya at si Margaux ang sinisisi ng lahat. Itinulak daw s’ya ni Tyron no’ng dapat ay si Margaux ang mabubundol. Iniligtas daw s’ya ni Tyron. Noon ko rin nalaman na hindi n’ya kasundo ang isa pa n’yang kapatid at nahihirapan s’yang pakibagayan ang pamilya ni Marvin. Kaya kinuha ko s’ya. Pero iyon pala ang magiging simula ng magulong buhay ni Margaux. No’ng nag-college s’ya, hindi s’ya pumapasok sa klase. Hindi rin s’ya madalas umuwi dito sa bahay. Nahihirapan akong pakisamahan s’ya. Pati na si Rod. Hanggang nalaman kong may boyfriend s’ya. Lagi n’yang kasama. Pulos lakwatsa. Pero iniwan din s’ya ng lalaking ‘yon. Kung kailan kailangang kailangan s’ya ng anak ko.”
“Ano po bang totoong dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Paul?” tanong niya habang nakakaramdam ng galit kay Paul. Talagang sinaktan lang nito si Margaux.
“Paul pala ang pangalan n’ya.” Anang ina ni Margaux. Muli siyang tiningnan nito. “Mahal mo ba talaga ang anak ko?”
Tumango siya. Hindi na niya kailangang pag-isipan ang sagot sa tanong. “Mahal na mahal po.”
“Kaya mo bang tanggapin ang anak ko?” muli nitong tanong.
“Opo.” Walang pag-aalinlangan niyang sagot.
“Sigurado ka ba sa nararamdama mo? Ngayon lang kayo nagkakilala ng anak ko. Hindi sapat na alam mo ang tungkol sa pagkatao n’ya. Ang tanong ay kung kaya mong tanggapin ang totoong s’ya. Marami nang pagkakamali si Margaux. Na hanggang ngayon pilit pa n’yang itinatama. Kaya mo ba s’yang samahan sa lahat-lahat?”
Jaiden sighed heavily. “Kung hindi man ginawa ni Paul ang panindigan s’ya ay hindi po nangangahulugang gano’n din po ako. Narito ako para kay Margaux.”
“Tama ka. Hindi kayang panindigan ni Paul si Margaux. Kaya tumakas s’ya. Kung sasabihin ko ba sa’ya ang totoo ay hindi ba magbabago ang pagtingin mo sa anak ko?”
“Handa po ako.” Sagot niya na puno ng determinasyon.
“Nagdalang-tao si Margaux. Si Paul ang ama.” Saad nito.
Kulang sabihing nagulat si Jaiden sa narinig. Tila biglang nanghina siyang sumandal sa sofa. Daig pa ang may sumabog na bomba sa harap niya.
“Ayaw s’yang panagutan ng lalaking ‘yon. Makakasira daw sa pangalan nila. Pinuntahan ni Margaux ang bahay ng lalaking ‘yon pero wala na daw si Paul. Nakapunta na daw ng Amerika at doon magpapatuloy ng pag-aaral. Alam pala ng mga magulang ng lalaking ‘yon ang tungkol sa anak ko pero si Margaux pa daw ang sinisi.”
Nagsimulang umiyak ang ginang. Nilapitan niya ito at hinawakan ang balikat. His heart was breaking looking at her. Alam niyang nasasaktan ito para sa kanya.
“Awang-awa ako kay Margaux. Iyak s’ya ng iyak. Natatakot daw s’ya. Hindi n’ya alam ang gagawin. Sising-sisi s’ya nagtiwala s’ya sa Paul na ‘yon. Ang sabi ko, ‘wag s’yang mag-alala. Hindi ko naman s’ya pababayaan. Tutulungan ko s’yang alagaan ang magiging anak n’ya. Pero…pero masyado s’yang…naging malungkot. Lagi s’yang umiiyak. Hindi na rin s’ya pumasok sa school. Pagtatawanan lang daw s’ya. Pandidirihan. Iisipin lang daw ibang tao na marumi s’yang babae.
“Hanggang isang araw…nakita ko s’yang walang malay sa banyo. Duguan. Natakot ako kaya isinugod namin s’ya sa ospital. Pero wala na ang baby. Nagdelikado din si Margaux kasi anemic s’ya. Nawalan pala s’ya ng malay sa banyo kaya s’ya natumba. Lalo s’yang nalungkot no’ng nalaman n’yang wala na ang anak n’ya. Sinisi n’ya ang sarili n’ya. Wala daw s’yang kwentang tao.”
Panay ang luha ng ina ni Margaux. Habang siya ay pilit na nagpapakatatag sa kabila ng gulat na nararamdaman. Hindi niya malaman kung paano aaluin ito dahil tila kailangan din niyang kalmahin ang sarili. He was on full rage. Parang gusto niyang manakit. Parang gusto niyang puntahan si Paul sa Amerika at bugbugin. Upang maramdaman din nito ang sakit na idinulot nito kay Margaux.
“Wag po kayong mag-alala, Tita. Wala pong nagbago. Mahal ko pa rin si Margaux. At wala akong ibang gagawin kundi ang mahalin s’ya.”
Kahit luhaan siya nginitian siya ng ginang. “Salamat.”
Gumanti siya ng ngiti ngunit nabulabog ang ngiting iyon ng pagtunog ng cellphone niya. Nag-aalangan man ay wala siyang ibang choice kundi ang sagutin kung sinuman iyon.
“Excuse me po.” Aniya saka tumayo sabay hugot ng cellphone sa bulsa niya. “Hello, Ivan?”
“P’re, pumunta ka dito sa Bizzare Bar. ‘Andito si Margaux. Badtrip, P’re. Kasama n’ya si Kevin.” Nagmamadaling sabi ni Ivan.
“Shit.” Aniya. “Sige, sige, pupunta na ‘ko. Bantayan mo sila ha.”
Kaagad siyang nagpaalam nang matapos ang pakikipag-usap ay Ivan. “Pupuntahan ko lang po si Margaux. Ihahatid ko na rin po s’ya dito.”
“Sige, mag-ingat ka.” Anang ginang at para na siyang kidlat na lumabas upang puntahan ang Bizzare Bar.