Chapter Seventeen

Pakiramdam ni Margaux nawala lahat ng bigat na nararamdaman niya nang dumaloy sa kanyang lalamunan ang alak. Napantingala siya at napapikit. She missed drinking. Like heavy drinking. Hindi tulad noong kasama niya si Jaiden.

Sa Bizarre siya nagpunta nang takbuhan niya si Paul dahil ayaw pa niyan umuwi. Galit na galit siya nang makita ang dating kasintahan. Kung hindi nga lamang masamang pumaslang ng tao ay marahil nagawa na niya iyon kay Paul. Mabuti na lang at nangibabaw pa rin ang konsiyensya niya.

Her vision seemed blurry. At tila parang fake ang lahat ng nakikita at nahahawakan niya. Pinili niyang muling uminom dahil pakiramdama niya ay iyon ang makakatulong sa kanyang upang wala na lang maramdaman. She cannot deny her edge. Muling nadidiskaril ang buhay niyang akala niya ay naaayos na niya. Pinili niyang baguhin ang lahat. Maging mas mabuting tao na hindi nakilala ng lahat noon. Dahil isa iisang dahilan. Si Jaiden.

Akala niya ay kayang niyang mabuhay nang wala nang pakiramdam. Nang mawala ang kanyang dapat sana ay anak niya, wala na siyang maisip na dahilan upang mabuti nang masaya. Kaya pinili na lang niyang sundin ang gusto ng daddy niya na kuhanin ang kursong Multimedia arts upang makapagtrabaho sa Ad agency nito. Magtatrabaho siya sa Mass Chronicle upang makatulong sa kanyang ina. Itutuloy niya ang buhay niya at hihintayin na lang kung hanggang saan siya dadalhin ng tadhana. Wala na siyang pakialam kung anumang oras ay maaksidente siya at mawala. Kung bigla na lang siyang makatapak ng bomba at magkalasug-lasog. Kung isang dating kaaway ang humarang sa kanya at barilin siya. Walang problema kung buong mundo man ay pinagpaplanuhan siyang paslangin o kung mismong ang langit na ang may kagustuhan niyon. Ang mahalaga ay magawa niyang ang kailangan. In a short senseless term, she lived her life without purpose.

Ngunit biglang si Jaiden ang humarang sa kanyang daan at ginulo ang walang silbi niyang buhay. Kinulit siya nito at unti-unting ginising ang akala niya ay bato nang puso. She never thought of falling deeply in love with him. Ang dahilan kung bakit niya napansing nakakahiyang ipakilala sa binata ang buhay na pinili niya. Na pangit ang nakilala nitong nakaraan niya kaya ginusto niyang bahugin ang kasalukuyan niya. And all of a sudden, her life began to have purpose. She finally knew love.

Napamulat si Margaux nang maramdaman ang tila paghalik sa kanyang leeg. Kaagad siyang umiwas nang maamoy ang hiningang amoy alak na humahalo na tila sigarilyo. Umayos siya ng upo sa couch. Dumikit naman sa kanya si Kevin.

“Bad mood ka na naman.” Pabulong nitong sabi sabay halik sa kanyang buhok ngunit muli siyang umiwas. She felt so disgusted.

Hindi sinasadyang magkita sila ni Kevin. Ang akala niya ay gagantihan siya nito dahil sa pangbubugbog nina Jaiden dito ngunit nagulat siya nang ngumiti ito sa kanya at sinabing wala na iyon kay Kevin. Nagpapasalamat pa nga daw ito at hindi siya nagreklamo.

Ngunit tulad na inaasahan niya at wala pa ring nagbago kay Kevin. Kasama nito ang mga kabarkada nito na laman din palagi ng mga bar. Palibsaha’y pulos laki sa layaw.

“Kevin, please. Gusto kong mapag-isa.” Sabi niya at lumayo dito. Ngunit sumunod ito sa kanya at muling nakalapit.

“Bakit? Nasaan na ba kasi ang savior mo? Si Jaiden. Iniwan ka na?” Sabi nito sabay malakas na tumawa. Nairita siya sa pagtaw nito. “Ikaw naman kasi. Akala mo seseryoshin ng konyong ‘yon. Eh papogi ‘yon eh. Magkaibang mundo ang ginagalawan n’yo. Hindi kayo bagay.”

“At sinong bagay tayo? Wow ha.”

“Oo!” Mabilis niyang sagot. She rolled her eyes. Saka naiiritang umiling.

“Hindi kita gusto, Kevin. Hindi ka pa ba nadala na pinabugbog kita. At pwedeng maulit ‘yon kung hindi mo ‘ko titigilan.” Galit siya nang harapin ito.

Tumawa lang muli ito. Lasing na lasing na si Kevin. At tila lango rin sa drugs. Kaya alam niyang mahihirapan siyang makawala dito. If only Jaiden was on her side. Mapoprotektahan siya nito. But she chose not to be with him. Madadamay lang ito sa gulo niya.

“Weh…” pasuray-suray na sabi ni Kevin.

She snorted sharply. “Bad trip naman! Tabi nga!”

Tumayo siya akmang iiwan na lang ito ngunit pinigilan siya ni Kevin. Nagpumiglas siya ngunit dahil sa may tama na rin ang alak sa kanya ay nabuwag siya. Napahiga siya sa sahig.

“Wow!” Ani Kevin at mabilis na pumatong sa kanya.

“Kevin, ano ba? Lumayo ka nga!” galit niyang sabi habang itinutulak ito palayo sa kanya. “Damn it, Kevin! Get off me!!”

Mabigat si Kevin at nahawakan na nito ang mga kamay niya. “You’re mine, Margaux.”

“Tulong!” Sumigat na siya at muling itinulak ito.

Nagtagumpay naman siya at nakawala dito. Mabilis siyang tumayo ngunit bago pa man siya nakakilos ay may sumugod na kay Kevin at pinagsusuntok ito.

“Jaiden!” Sigaw niya nang makilala kung sinuman iyon. “Jaiden, tama na!”

“Damn you, Kevin! Sinabi ko na sa’yong tigilan mo si Margaux!” Galit na galit si Jaiden habang nakikipagbuno kay Kevin. Kevin this time fight back. Nagsuntukan ang mga ito. Nakita niyang tinamaan si Jaiden. Pinilit niyang pumagitna sa mga ito ngunit naitulak siya ni Kevin. Napasadsad siya sa isang bulto. Mabuti na lang nasalo siya ng isang lalaki.

Nagkagulo na sa buong bar. Mabilis na nakaagaw ng atensyon ang away at nakialam na rin ang mga kasama ni Kevin. Nagulat naman na tila may kasama si Jaiden. Naroon din si Ivan. Nagkaroon na rumble sa bar. Natakot bigla si Margaux. Nag-alala siya para kay Jaiden.

“Jaiden, tama na!” Natataranta niyang sigaw. Sising-sisi siyang nagpunta pa siya sa lugar na iyon. Hindi naman niya akalaing masusundan siya ni Jaiden doon.

Hanggang sa makita na lang niyang may naglabas ng pocket knife sa isang sa kasama ni Kevin at tila pupuntiryahin si Jaiden. Nagulantang siya at nanginig lalo sa takot. Kailangan niyang iligtas si Jaiden.

“Jaiden!” Sigaw niya at mabilis na tumakbo patungo sa binata. Niyakap nito ito mula sa likuran kasabay ng pagsaksak ng patalim sa kanyang tagiliran. Namanhid kaagad siya sa sakit.

“Margaux...” Narinig niyang sambit ni Jaiden. Nakatingin ito sa kanya at mabilis na nakaikot upang yakapin siya. Nakita na nito ang nangyari sa kanya.

“Margaux!” Sigaw ni Jaiden nang bumagsak siya sa mga bisig nito. She saw how his face paled. Ngunit mas nangingibabaw ang sakit sa kanyang tagiliran. Tila nanlalamig siya. Binuhat siya ni Jaiden. Tila rin biglang natigil ang pagkakagulo at natuon sa kanya ang atensyon ng lahat.

“Margaux, no. Ivan! Let’s go! Si Margaux!” Tarantang taranta si Jaiden habang buhat-buhat siya. But her senses were failing. Tila bigla siyang inantok. Nahihirapan na rin siya kumapit kay Jaiden.

“J-Jaiden…”

“Margaux, ‘wag kang matutulog. I’m here.” Hinihingal na sabi nito.

May iba pa itong sinasabi ngunit hindi na niya maintindihan iyon dahil para siyang lango sa kung ano at nilalamon ng antok ang ulirat niya. Tila biglang nawala ang sakit dahil buong katawan niya ay namamanhid. She then closed her.

Ang kanyang ina ang kaagad na nakita ni Margaux nang muli siyang magkamalay. Alam niyang nasa ospital siya.

“Margaux, Diyos ko!” Biglang kilos ng kanyang ina at lumapit sa kanya. “Aina, tawagin mo ang nurse. Gising na ang ate mo.”

“Ma…” mahina niyang tawag sa kanyang ina. Iniangat niya ang kanyang kamay upang abutin ito. Napansin naman niya ang paglabas ni Aina ng kwarto.

“Anak...” Sabi nito sabay bunghalit ng iyak. Hinawakan nito ang kanyang kamay. “Mabuti naman at gising ka na. Anong masakit sa’yo?”

“Nauuhaw ako.” Nanghihina man ay nagawa niyang sabihin iyon.

Mabilis na kumilos ang kanyang ina at inabot ang bulak saka binasa iyon. “Hindi pa pwedeng baso, anak. Heto muna.”

Idinampi nito ang bulak sa kanyang labi. Sinubukan niyang sipsipin iyon. Kahit paano ay naginahawahan siya.

Bumukas naman ang pinto at muling pumasok si Aina. Kasunod na nito ang isang nurse at doktor. Pati na ang kanyang tatay Rod at si Justin. Nakita rin niya ang kanyang daddy na mabilis na lumapit sa kanya.

“How do you feel, Margaux?” Kaagad na tanong ng doctor at iniksamin siya kaagad. Nilentahan nito ang kanyang mga mata. “Nahihilo ka ba?”

“Nauuhaw lang po.” Sagot niya.

“That’s normal.” Anang doktor. “I think you’re okay for now.” Hinarap nito ang mga magulang niya. “Mukhang successful ang ginawang operation sa kanya. But we still have to observe her. Pwede pa rin s’yang makatulog anytime. Sa ngayon, eh, pwede n’yo s’yang kausapin. Just take it easy. She’s still weak.”

Tumango ang kanyang ina. Nagpalaam na ang doktor at naiwan ang nurse upang irecord ang ilang kailangan pa. Matapos niyon ay nagpaalam na rin ito. Kaagad namang lumapit sina Aina at Justin sa kanya. Naupo ito sa gilid kama.

“O, dahan-dahan kayo. Mahina pa ang ate n’yo.” Pagsaway naman ng kanilang ina.

She pushed a smile. “Okay lang ako, Ma.”

Pumalatak ang kanyang ina. “Hay naku. Hindi ka nakikinig. Kasasabi lang ng doktor, hindi ba?”

Hindi na niya pinansin ang kanyang ina. Nilingon niya ang kanyang tatay Rod. Nginitian niya ito. Ganoon din ito sa kanya.

“Sa labas muna kami. Aina, Justin. Kumain muna tayo.” Sabi nito at pinalapit ang mga kapatid niya.

“Thank you.” Aniya sa kanyang tatay Rod.

Totoong lubos ang pasasalamat niya dito dahil sa kabaitang ipinakita nito sa kanya. Pati na ang pagtanggap nito sa kabila ng nangyari noon sa pagitan ng kanyang ina at ng kanyang daddy. He was the most understanding father he knew. Her mother was the luckiest being his wife.

Tumango lang si Tatay Rod at lumabas na kasama ang mga kapatid niya. Saka niya nilingon ang kanyang daddy. Lumapit ito sa kanya.

“Kasama ko si Althea.” Sabi nito.

“Marvin.” Agap ng kanyang ina. “Wag na. Kailangang magpahinga ng anak ko. Tama nang pumayag akong ikaw ang gumastos sa pagpapa-ospital ni Margaux. Pero hindi na ako papayag na mang-insulto pa ang anak mo dito.”

“Anak ko rin si Margaux, Letty.” Anang kanyang ama.

“Ma.” Sinaway niya ang kanyang ina.

Nagbuntong-hininga naman ang kanyang ina. “Hindi kailangan si Althea, Marvin. Okay na ang anak ko. Pakisabi na lang sa kanya.”

Hindi sinagot ng kanyang daddy ang kanyang ina bagkus lumingon sa kanya. Humihingi ng permiso sa kanya. But she was too weak to entertain such a heavy ride. Alam niyang hindi gagawa ng masama si Althea. Hindi naman ito ipagsasabi ng kanyang daddy kung hindi magandan ang intensyon ng kapatid niya.

“Some other time, Dad. Pangako mag-uusap kami. Pakisabi na lang sa kanya na okay na ‘ko.” Sabi niya at pilit na ngumiti.

Nakakaunawang tumango ang kanyang ama. Lumapit pa ito at hinaplos ang kanyang ulo. “Babalik ako. Magpagaling ka, okay? Saka na lang kita papagalitan kapag kaya mo na.”

Tumawa siya nang mahina sabay ngiwi. She knew she had to explain big time. Saka biglang naisip si Jaiden.

“Ma, s-si Jaiden?” Tanong niya.

“Pinauwi ko muna. Ilang araw na kasing walang tulog ang batang ‘yon. Laging nakabantany sa’yo. Mabuti nga’t napilit na ng kuya n’yang umuwi. Pero sabi n’ya babalik daw s’ya.” Sagot ng kanyang ina.

“Ilang araw ba ‘kong tulog?” Tanong niya.

“Kung hindi pa nagising ngayon ay panglima na sana.” Sagot ng kanyang ina.

Naghalo ang lungkot at pag-aalala sa kanya. Nalungkot siya dahil wala ito nang magising siya. Nag-aalala dahil napagod ito. She felt guilty. Siya ang dahilan kung bakit nasangkot si Jaiden sa gulo. She felt she deserved that she was hurt. Siya rin ang naglagay sa sarili sa alanganin. Tulad ng laging nangyayari madalas. Marahil tama nga si Althea. Mahina siya. Hindi niya kayang gumawa nang tama sa lahat ng oras.

“Wag ka na munang mag-isip ng kung anu-ano. Dapat ay magpagaling ka.” Anang kanyang ina.

“Tama ang mama mo. Don’t worry too much. I’ll handle everything. Naireklamo ko na ang grupo ng nakaaway n’yo sa bar. Hindi biro ang nagawa nila sa’yo. At kapag kaya mo na, we will file a case.” Sabi naman ng kanyang ama.

Inayos ng kanyang ina ang kumot niya habang nasa kabilang gilid ng kama ang kanyang ama. She felt happy. Iyon ang unang pagkakataong naroon ang kanyang mga magulang para sa kanya. Napangiti siya. She then realized that she was still lucky having her parents. Kahit pa hindi ordinaryo ang kanyang pamilya. It was still considered a family.

She sighed lightly. Masakit pa rin ang likod niya at bahagya na siyang nahihirapan sa kanyang pagkakahiga nang patagilid. Ngunit kailangan niyang tiisin iyon kung gusto niyang gumaling siya.

“Thanks, Dad for coming. Pero ayoko nang mag-file ng kaso. Gusto ko lang makaalis na dito.” Sabi niya habang napapapikit. Para kasing inaantok na naman siya.

“You’re welcome. Ikaw ang masusunod.” Sabi nito at naramdaman niya ang paghalik sa kanyang sentido ngunit hindi na niya magawang imulat ang kanyang mga mata. Tila nanghihina na naman siya.

“I think makakatulog na naman s’ya.” Narinig niyang sabi ng kanyang ina. She tried to stay awake. Ayaw pa niyang matulog. Masyado nang mahaba ang naitulog niya. Marami siyang nais itanong sa kanyang ina. But she was really weak.

Narinig niya ang pagbukas ng pinto. She tried opening her eyes. But she felt so drunk. Tila naubos ang lakas niya ng sandaling pakikipag-usap na iyon.

“Jaiden.” Anang tinig ng kanyang ama.

Kahit na sa nanghihinang katawan ay nagawa ng puso ni Margaux na mag-iba ng tibok. She felt excited just simply hearing his name.

“Good afternoon po. How’s she?” She heard it right.

Si Jaiden nga ang dumating. Ngunit kung kanina ay nagpipilit siyang manatiling gising nag-iba iyon nang dumating ang binata. She felt disoriented. Parang ayaw na gusto niyang makita si Jaiden. Nahihiya siya. Hindi niya kayang harapin si Jaiden dahil sa gulong ibinigay niya sa buhay nito.

“Nagising na s’ya kanina.” Sagot ng kanyang ina.

“Oh, thank God.” Sabi ni Jaiden at naramdaman niya ang pagdampi ng kamay sa kanyang ulo at humaplos iyon hanggang sa kanyang pisngi.

“Pero nakatulog din agad. Mahina pa s’ya siguro.” Sabi ng kanyang ina.

She wanted to open her eyes. Kahit na parang walang-wala na siyang lakas. Ngunit isang mapait ng katotohanan ang tila gustong pumigil sa kanya.

“Hello, sweatheart.” Pabulong na sabi ni Jaiden. “I’m here now.”

She remained still. Gising pa ang diwa niya kaya ramdam pa niya ito. Kasunod niyon ay ang paghawak sa kanyang kamay. She knew it was Jaiden. Nataranta ang kalooban niya. Ngunit mas pinili niyang magpanggap na tulog na lang.

“Nakapahinga ka na ba?” Tanong ng kanyang ama kay Jaiden.

“Opo.” Sagot lang ni Jaiden. Panay ang haplos nito sa kanyang pisngi.

She wanted to move. Gusto niyang gantihan ang paghawak nito ngunit ayaw sumunod ng isip niya. Dahil sa kabila ng kagustuhan niyang tingnan ito ay isang desisyon ang binuo ng isip niya. Masakit man ngunit kailangan niyang gawin dahil mahal na mahal niya si Jaiden.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.