Chapter Nineteen

Dear S_K_A_R

I was 19 when I first wrote to you. It was when the love of my young life dumped me. Noong time na umiyak ako nang todo sa kwarto ko. Hindi ako lumabas. Wala rin akong ganang kumain.

Humingi ako ng advice sa’yo at ang sabi mo, “Mawalak ang dagat. Maraming mas sariwang isda. Bakit hindi mo subukang manghuli ng iba?” Pero kinontra kita. Kasi nga gusto ko nga s’ya. Pero dinugtungan mo ang sabi mo nang. "All things happen for a reason. Makikita mo rin ang taong nakalaan para sa'yo. Si tadhana ang mismong magdadala sa’yo. Ang nangyari sa’yo ay first step para ihanda ka sa araw na iyon. Kailangang prepared ka na kapag dumating na s’ya. ‘Yong tipong handa ang puso mo. Because he will offer you one great love that a true heart like yours deserves. Kung nasaktan ka man, hayaan mo lang. Lilipas din ‘yan. Wala pa naman akong nababalitaan na na-deads dahil lang sa kaiiyak. At kapag nangyaring masaya ka na dahil natagpuan mo na s’ya, you'll look back on the past and just laugh.”

Skar, sinunod ko ang payo mo. I endured the pain. Pero hindi ako nagtanim ng galit. Nag-look forward pa rin ako na makikita ko si Mr. Right. Sabi mo nga, ipag-pray ko ang pagdating n’ya. And he did! He came and conquered my heart. I get it now. Kaya attached with my letter is my wedding invitation for you. Sana, sana lang, makapunta ka. Gusto kong ma-witness mo ang pinakamaligayang araw ng buhay pag-ibig ko. Maraming salamat. At sana ay tulad ko rin, kasama mo ngayon ang kaligayahan mo.

Grateful to you,

Lily Dreamland

Napangiti si Margaux matapos basahin ang sulat na galing sa isang fan ni Skar. Natuwa siya dahil hindi love problem ang naidulog sa kanya. She thanked her for a happy love story ending. It really made her day. Nagbunga ang halos dalawang taong pagpapayo niya sa mga nangangailangan ng kaibigan pagdating sa pag-ibig. Though she doubted the invitation issue. Hindi siya makakarating. Alam niyang alam iyon ng sender niya. Sadya lang masaya ito kaya isinama siya nito sa listahan ng bisita nito. Kaya masayang-masaya siya.

Napapabuntong-hininga siyang sumandal sa couch. Kasalukuyan siyang nasa favorite restaurant niya sa mismong paborito niyang pwesto. Inabot niya ang paborito niyang espresso machiatto saka hinigop iyon. Halos araw-araw siyang naroon sa naturang restaurant. Madalas ay doon siya nagbubukas ng blog niya o kaya’y nagbabasa ng mga sulat para kay Skar. May free wifi naman.

Napatingin siya sa pocketbook sa tabi ng netbook niya. Kasalukuyan niya iyong binabasa bilang pampalipas oras. Kung minsan kasi ay parang nade-drain ang utak niya kapag aabutan na siya ng deadline para sa article niya. Bukod pa sa demanding na trabaho sa ad agency ng daddy niya bilang intern. Balak kasi niyang maging copywriter.

Inabot niya ang libro. Binuklat niya iyon kung saan naipit ang bookmark niya. Nangangalahati na siya sa pagbabasa.

Kinuha niya ang bookmark saka pinagmasdan. Nawala na ang dating kulay pula nitong hitsura dahil naging brown na. Natuyo na kasi ang bulaklak niya. Inis-pray-an lang niya iyon ng stain paint upang tumigas at hindi tuluyang malagas.

“Isang taon na rin.” Saad niya na animo’y ang natuyong bulaklak ang kausap. “Kumusta na kaya s’ya?”

Umangat ang tingin niya mula sa bulaklak at tumanaw sa labas ng restaurant. Tulad ng madalas mangyari, naisip na naman niya si Jaiden. Matagal na ring wala siyang balita simula nang umalis ito ng bansa patungo sa New York.

Geoff had made a decision. Pinakinggan nito ang pakiusap niya kaya inilayo nga nito si Jaiden. Marahil naintindihan nito ang totoong hangarin niya nang kausapin niya ito. Alam nitong kailangan niyang ayusin ang kanyang sarili. Na kung nanatili sa tabi niya si Jaiden ay patuloy niyang tatakasan ang katotohanan. Lalo lamang siyang lulubog at marahil ay nadamay pa ang binata.

Hindi naging madali para sa kanya ang lumayo kay Jaiden. Naroong pilit pa ring pumunta si Jaiden sa bahay nila at ninais siyang kausapin. Hindi kaagad ito aalis kahit na ilang ulit na itong kausapin ng tatay Rod niya. Mananatili lamang ito sa labas ng bahay nila at kung minsan ay doon na ito aabutan ng umaga. Alam niyang pinahihrapan niya si Jaiden sa kanyang ginagawa. Na nasasaktan niya ito. At ganoon din siya. Subalit iyon lamang ang nakita niyang paraan upang maayos ang lahat.

“Anak, kausapin mo na si Jaiden.” Sabi ng kanyang. Nasa kwarto siya noon samantalang nasa labas lamang ng kanilang bahay si Jaiden. “Pinuntahan na siya ng kuya n’ya pero ayaw sumama. Labasin mo na.”

“Uuwi rin ‘yan.” Sabi niya at muling nahiga.

“Margaux…”

“Ma, hayaan n’yo s’ya.”

Hinawakan ng kanyang ina ang balikat niya. “Magpaalam ka man lang nang maayos.”

Napapikit si Margaux dahil sa biglang paninikip ng dibdib. Iyon ang nais niyang gawin ngunit sa oras na kausapin niya ito ay lalo lamang magiging mahirap para sa kanila ang maghiwalay.

“Hindi na, Ma. Kayo na lang ang kumausap.” Saad na pilit nilalabanan ang isinisigaw ng puso niya.

Naramdaman na lang niya ang paglabas ng kanyang ina sa kwarto. Saka narinig ang pagharurot ng sasakyan. Alam niyang si Jaiden iyon…

Letting Jaiden go was the hardest decision she had made. Pakiramdam niya ay kasamang lumisan ng binata ang puso niya. Araw-araw ay pakiramdam niya ay nahihirapan siyang huminga at hindi na niya alam kung paano lalabanan ang kalungkutan na hindi ito makausap o makita man lang. Na walang kasiguraduhan na muli na niya itong makakapiling. Her life was a mess but having Jaiden out of her life was a great disaster. Parang sa tuwing tutulog siya at ipipikit ang mga mata ay ayaw na niyang magising. Wala rin naman ang tangi niyang dahilan upang maging masaya. Ngunit kailangan niyang panindigan ang naging desisyon. Dahil naniwala siyang iyon ang mas mabilis na paraan upang makabalik siya sa totoong takbo ng buhay. Ang buhay na malaya at masaya.

Matapos ang ilang session kay Dra. Alegre ay lalong naging agresibo si Margaux na tapusin ang pag-aaral. Lalo siyang naging handa na patawarin ang kanyang mga magulang mula sa lihim niyang paninisi sa mga ito kung bakit siya naging illegitimate child. Inamin niya sa kanyang ng mga pagkakamali at pagkukulang. Kasama na doon ang pagtanggap sa pagkawala ng kanyang anak. Pinatawad niya ang kanyang sarili. Piniling tanggalin ang lahat ng galit at sakit ng nakaraan.

Hindi pa rin perpekto ang relasyon niya kina tita Lucile at Althea. Ngunit kahit paano ay civil na si tita Lucile sa kanya at kinakausap na siya ni Althea nang hindi nauuwi sa away. Masaya na siya nang ganoon. Paunti-unti ay natatahimik ang kanyang kalooban at mayroon na siyang peace of mind.

Mula sa pagtanaw ay napalingon naman siya sa hindi kalayuang mesa. Nakita niyang binigyan ng waiter ang babae ng isang talulot ng rose bilang bahagi ng tradisyon ng naturang restaurant. Napangiti siya. Naranasan din niya iyon. Nakita niyang ikinasiya iyon ng babae. Hanggang sa abutan ito ng waiter ng card. Kaagad na nagbalik ang alaala sa kanya.

Tumayo siya at lumapit sa may counter. Naroon ang malawak na statement wall kung saan nakadikit ang mga dedication at selfie ng mga happy customer. Gumala ang mata niya upang hanapin ang partikular na card at larawan. Hindi na kasi niya iyon nakita sa pinagtusukan niya. Ngunit panakunot ang noo niya. Nakailang pabalik-balik na ang kanyang paningin sa lahat ng naroon. Napaisip siya. Marahail ay bagong batch na ang nakalagay doon. Matagal na rin naman iyon.

Lumapit siya sa counter. “Miss, pinapalitan n’yo ba ‘yong mga nakalagay d’yan sa statement wall n’yo?”

“Ah, hindi naman po, Ma’am. Nariyan pa rin ‘yong dating-dati pa. Unless masira po ‘yong card o ‘yong picture saka lang namin tatanggalin. Napapatungan lang ng bago ang mga lumang card.” Sagot ng staff.

“Ah…kasi-”

Ngumiti ang babae. “Hinahanap n’yo ang sa inyo?”

Napapahiya siyang tumango. “Kaso lang wala na.”

Lumingon sa wall ang babae. “Try po natin hanapin.”

Sabay silang lumapit sa wall. Tinulungan siya ng babae na paghahanap sa sandamakmak na card at pictures.

“Alam ko dito ko lang itinusok ‘yon eh.” Aniya.

“Ano pa ba ang nakalagay sa card?” Tanong naman ng staff.

Hindi kaagad nakasagot si Margaux. Hindi magawang sabihin dito na para kay Jaiden ang card na iyon.

“Ahm, Alex Margaux ‘yong nakalagay do’n eh.’ Sabi niya.

“Naku, maam. Wala po ‘ata talaga. Baka po nasira ‘yon kaya tinanggal na lang. Wala rin po kasi ang picture n’yo.” Sabi ng staff matapos ang matagal-tagal ding paghahanap.

Nakaramdam ng lungkot si Margaux kahit paano. Mahalaga iyon para sa kanya. Isa iyon sa mahahalagang alaala ni Jaiden na maaari niyang balikan.

“Sige, hayaan mo na.” Sabi na lang niya sa staff kahit na ang totoo ay parang gusto niyang pagalitan ito. Ngumiti lang ang staff at siya naman ay bumalik sa kanyang mesa.

Nang muling makaupo ay saka naman tumunog ang cellphone niya na nasa mesa. Tiningnan niya iyon at nakitang si Bogie ang tumatawag.

“O, bakit?” Aniya nang sagutin ang tawag.

“Patulong naman.” Sagot nito at kumunot ang noo niya. Kasalukuyang nasa eskwelahan si Bogie. Itinuloy na kasi nito ang pag-aaral.

“Anong problema mo?” Muli niyang tanong.

“Andito ako sa library.” Sabi nito na sinadyang hininaan ang tinig.

“O ngayon?”

Narinig niya ang pag-u.ngol ni Bogie. “Napa-trouble ako.”

Naguluhan siya. “Library? Trouble? Pa’no ng nangyari ‘yon?”

“Eh kasi no’ng isang araw nawala ko ‘yong library card ko. ‘Tapos may kailangan akong i-research daw. Eh kailangan pala ‘yong card.”

“Anong ginawa mo?” tanong niya.

“Eh…nangnenok ako ng card sa classmate-”

“Benjamin Dionisio!” Napasigaw siya dahil sa pagkabigla sabay ikot ng paningin niya sa paligid dahil sa paglingon ng ibang naroroon sa kanya.

“Sorry na. Akala ko kasi makakalusot-”

Malakas siyang umungol. “Anak ka naman ng nanay mo, oh, eh, may picture ang mga library card. Pa’no ka lulusot, aber?”

“Kaya nga sorry na. Nagbakasakali lang naman.” Tugon ni Bogie.

Nagbuntong-hininga siya. “Pambihira ka, Bogie. Akala ko pa man seryoso ka sa pag-aaral mo.”

“Seryoso naman ako kaso...hayaan mo na nga. Ako na lang bahala. Don’t worry ako na lang aayos nito.” Saad nito.

“Aba, dapat lang. Graduate na ‘ko. At isa pa, hindi ko gagamitin ang connection ko sa’yo, ‘no?”

Narinig niya ang pagtawa nito. “Alam ko naman ‘yon. Nasaan ka ba? Kain tayo. Wala na ‘kong klase eh.”

“Naku, baka naman cutting ‘yan, ah.” Nangangastigo niyang sagot.

“Hindi ‘no. Ano? Tara.” Sabi naman ni Bogie.

“Sige. Sa club na lang tayo magkita.” Napapailing na lang niyang sabi.

“Okay, bye.” Saad lang nito at natapos ang pag-uusap nila.

Nagmamadali niyang inayos ang mga gamit niya at inilagay iyon sa kanyang bag saka tumayo. Tiningnan niya ang wristwatch niya. Ala-dos ng hapon. Alas-quatro pa naman ang usapan nila ng kanyang daddy kaya makakatambay pa siya sa club.

Nang maayos ang mga gamit ay nagmamadali siya lumabas ng restaurant. Ngunit nakakailang hakbang pa lang siya nang maalalang hindi pa siya nakakapagbayad. Mabilis siyang pumihit pa balik upang pumasok muli. Binuksan niya ang bag niya habang lumalakad papasok. Kukunin kasi niya ang wallet niya.

“Ouch.” Napadaing siya dahil sa nasagi siya ng makakasabay sa pagpasok. Nasiko nito ang upper arm niya. Hindi naman na niya binigyang pansin iyon dahil nang sisitahin niya ang sumagi sa kanya ay nakaapasok na ito nang restaurant. Napapailing na lang siya habang muli inabala ang sarili sa pagkuha sa wallet.

Kaagad siyang lumapit sa counter nang makapasok. Hinarap siya nang nakausap niyang staff. Ngunit napalingon siya sa statement wall dahil napuna niya ang isang lalaking nakatayo sa harap niyon at may ikinakabit.

Napatitig siya sa lalaki dahil tila iyon ang bumangga sa kanya sa entrance base sa kulay ng suot nitong polo shirt.

“Ma’am.” Pag-abala ng cashier sa atensyon niya.

“Oh.” Aniya at kumuha ng pera upang ibigay dito. “Nakalimutan ko. Bayaran ko na lang dito. Do’n ako sa table sa couch area.”

“Okay, ma’am.” Sabi ng cashier. Siya naman ay muling tiningnan ang lalaki. Naidikit na nito ang card ngunit nanatili pa rin ito sa harap ng wall.

May kung anong nagtulak sa kanya na titigan ang lalaki. At habang tumatagal ay tila nagiging pamilyar sa kanya ang pigura nito. Kahit may kalayuan ay tila nakilala niya ang profile ng mukha nito. Kinabahan siyang bigla.

Kumilos siya at nilapitan ito. At habang lumalapit siya ay lumakas ang tibok ng puso niya kaya lalong tumindi ang kaba niya. Napahigpit tuloy ang hawak niya sa kanyang bag.

Tinabihan niya ang lalaki saka tiningnan ang idinikit nito sa wall. At ang tingin ay nauwi sa pagtitig. Kitang-kita niya ang kanyang larawan katabi ng card. Sa nanginginig na kamay ay hinawakan niya ang card. At muli niyang nabasa ang sulat na ginawa niya para kay Jaiden. Tila nanikip ang dibdib niya.

“Humaba na ang buhok mo.” Sabi ng lalaking tinabihan niya. She bit her lower lip. Saka huminga nang malalim at ibinuga rin. Hindi niya maipagkakamali ang tinig na iyon.

Hindi siya kumilos. Ni hindi siya lumingon. Nanatili lang na nakatingin ang mga mata niyang nagbabadyang lumuha. And for seconds, no one moved nor spoke.

“You also dyed your hair differently.” Saad pa nito.

Lakas-loob siyang lumingon. Tila tumigil ang oras nang sandaling iyon nang masilayan niya ang isang taong laging laman ng isip niya sa loob nitong huli niyang isang taon. Kahit naman ito. Nagbago rin ang hitsura. But to an extent to almost a perfection. Tila nakaganda sa balat nito ang klima ng ibang bansa. Jaiden became really a man. A gorgeuos handsome man. Hindi pa man niya nakikita ang mukha nito ay alam na niya ang kagwapuhang nasa tabi niya.

“Ito talaga ang kulay ng buhok ko.” Tugon niya tukoy ang kulay itim niyang buhok.

Noon siya nilingon ni Jaiden. She gaped. His stare was a moment to keep. Inasahan niya ang galit sa mga matang iyon ngunit hindi. Instead, she saw a smiling stare of an old acquaintance. Like a special friend.

“I knew it. Ikaw ang nakita kong nakaupo kanina sa paborito kong pwesto dito sa restaurant. I can never be mistaken when it comes to you.” Saad nito saka humarap sa kanya. And she was like his magnet. Kusang kumilos ang katawan niya upang harapin din ito.

“Jaiden…” Halos walang tinig na lumabas mula sa kanya. She was shivering in excitement and shock.

Ngumiti ito. “Hi.”

Napangiti na rin siya kahit na naluluha na siya. “Marami akong gustong sabihin sa’yo.”

“Alam ko. My car is waiting outside. Sinusundo ka.”

Napatawa na lang si Margaux habang inabot ni Jaiden ang nanlalamig niyang kamay at hilahin siya palabas muli ng restaurant. It was superbly unexpected. Si Jaiden ang dahilan kung bakit lagi siyang pumupunta sa restaurant ng kuya nito. Inasam niyang muli itong makita upang magpaliwanag. And destiny rewarded her faith. Faith of loving Jaiden without ending. Dahil iyon ang magdadala sa kanya pabalik sa binata. At dumating nga si Jaiden. Alam niya. Alam niyang muli silang magkikita. Upang ipagpatuloy ang isang wagas na damdaming hindi kailangang ipaliwanag ang maraming salita na kailangang pang sabihin.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.