Napangiti si Margaux habang pinapanood si Jaiden na panay ang pagkunot-angat ng kilay habang binabasa ang print out ng mga sulat para kay Skar. Dinala niya ang mga iyon upang basahin habang nasa byahe sila ni Jaiden.
Panay ang iling na inilapag ni Jaiden ang ilang piraso ng papel at nakangiting tumingin sa kanya. Tiningnan naman niya ito habang humihigop ng soup.
“I have a confession to make.” Saab ng kanyang asawa.
It was their honeymoon. At ang byaheng Europe nilang iyon ang regalo sa kanila ng kanyang daddy. Kasalukuyan silang ng Venice.
“Ano naman ‘yan?” Nakaangat ang kilay niyang tanong sabay sandal sa upuan.
“I’m one of your fan. I mean…Skar’s.” sabi nito at namilog ang kanyang mga mata. Hindi siya naniniwala sa kanyang asawa.
“Really? Hindi ko alam na binabasa mo pala ang blog ko.” Aniya.
Tumawa ito. “Well...para palang weird ‘no. Binabasa ko ang mga sulat na ‘to at narealize ko ang ginawa ko no’n.”
Napangiwi siya sabay iling. “Di ‘ko magets. Anong gusto mong sabihin?”
“Sumulat ako kay Skar minsan.”
Tinawanan niya ang sinabi nito. Wala sa tipo ng asawa niya ang gagawing sumulat sa mga ganoong klaseng site.
“Oo nga.” Pagpipilit pa nito dahil panay ang tawa niya.
“Sige nga.” Sabi niya at tumikhim upang tapusin ang tawa niya. “Are you HaveIbeenfool? Sweet_Khim90? Lily Dreamland?”
“Ledom A.” Mabilis na sagot ni Jaiden. “Isang beses lang ‘yon. It was when you tried to ignore me. I will admit, sweetheart. Sobrang desperado ko no’n dahil nahihirapan ako paniwalain ka. You were so closed. Kaya napasulat ako kay Skar. Eh, hindi ko naman alam na ikaw pala ang kausap ko. Sayang.”
Buong pagmamahal niyang pinagmasdan ang kanyang asawa. Natandaan niya si Ledom A. Yeah. She remembered. At aaminin niyang sinagot niya ang sulat na iyon hindi bilang si Skar. Kundi bilang Margaux. Dahil pakiramdam niya ang nang oras na iyon ay si Jaiden ang kausap niya. But she never believed in coincidence. Not until that moment.
“Jaiden.” Aniya sa kanyang asawa. “Salamat.”
“Para saan?” Tanong naman nito.
“Sa pagdating mo sa buhay ko. Hindi ka bumitaw kahit na sumuko ako. Kahit na ilang ulit kitang pinagtabuyan. Minahal mo pa rin ako. I’m so lucky having you. I love you.” Umaapaw ang kanyang pagmamahal niya habang sinasambit ang mga salitang iyon.
“That’s why I love you so, sweetheart.” Sagot nito at inabot ang kamay niyang nakapatong sa mesa. “Pwede mong sabihing sumuko ang isip mo na mahalin ako pero kahit kailan, hindi ako naniniwalang tumigil ang puso mong hintayin ako. Kaya ako bumalik. At paulit-ulit akong babalik kung paulit-ulit mo man akong pagtabuyan. Minsan lang ako magmamahal, Margaux. At ikaw lang ‘yon. I love you so damn much, Alex Margaux. Tatandaan mo yan.”
Pakiramdam ni Margaux ay bumalik siy sa araw ng kasal nila ni Jaiden. She felt like her better half said his undying vow again. Hindi na niya mailarawan ang kaligayahan bumabalot sa kanya. Maraming beses na siyang nagkamali sa buhay. Halos bumigat na siya dahil nawala ang paniniwala niya sa kanyang sarili. But Jaiden kept his heart open for her. Handa siyang mahalin habang buhay.
“I also have a confession to make.” Sabi niya.
Kumunot naman ang noo ni Jaiden. “It’s better be good, sweetheart. The last time I check we promise each other that no more secrets will be told.”
Tumawa siya saka ipinaibabaw ang kanyan kamay na kanina’y hawak nito. Bumaba ang tingin nito sa kanilang mga kamay ngunit bumalik din sa kanya.
“It’s positive.” Saad niya at malapad ang naging ngiti niya.
Ilang sandali siyang tinitigan ni Jaiden marahil iniintidi ang sinabi niya. Hanggang sa dahan-dahang nagliwanag ang mukha nito. Lalo siyang na-excite.
“Magiging daddy na ‘ko?” Tila naniniguro nitong tanong. Mabilis naman siyang tumango.
“Yes!” Nagulat siya nang bigla itong tumayo at iniangat ang mga kamay. Aakalaing may napanalunan itong nakapalaking halaga. He looked so ecstatic. Wala itong pakialam kahit na pagtinginan ito ng ibang naroon sa outdoor restaurant na pulos mga italyano pati ang mga bystanders at dumadaan.
“Jaiden, sweetheart, huminahon ka nga. Nakakahiya.” Napapatawa niyang saway sa asawa.
“But why? Dapat nga tayong mag-celebrate!” Sabi nito sabay hila sa kanya patayo. Mabilis na pumulupot ang braso niya sa kanya. Then he kissed her. At malugod naman niyang tinugon iyon. Never realizing what a romantic scene they made.