Chapter Thirty-Two

Dahil sa sinabi ni Tuycker kahapon tungkol sa magulang ni Alora, ito ako ngayon. Inaaral ang family tree niya. Hindi ko alam kung pati ba boses kailangan kong gayahin, hindi ako magaling sa panggaya ng boses. Mas magaling si Almina sa ganito.

Ang usapan namin ni Tukcer kahapon pagkatapos namin sa mga naunang gawain para sa kasal, ipapalabas lang namin na ako pa rin si Alora. We changed the face of Alora dahil sa na-aksidente ito, at iyon din ang dahilan kung bakit ilang buwan nang hindi nagparamdam sa kanila si Alora. I don't know kung maniniwala ang magulang ni Alora pero bahala na, huwag lang akong mabuking. Kailangan kong ilaban ito kahit may pakiramdam na akong sinusubaybayan na ako ni Allesandra, baka kapag nalaman niyang ginagamit ko si Tucker para makaligtas sa kung ano man ang magiging patibong niya, mas lalo akong mapahamak.

Mabilis ko lang din namang nakabisado ang buhay ni Alora. I need to do thid and I need this to be successful kasi kung hindi, mapipilitan akong patayin ang pamilya niya. But no, damn! Gusto ko nang magbagong buhay.

"Ma'am." Napahinto ako sa ginagawa ko at napalingon sa tumawag, it's Sofia.

Habang pinagmasdan siyang papalapit sa akin, naisip kong baka alam niya kung nasaan sina Almina. Baka palabas lang nila Juder na nawala ang mga kaibigan ko? tangina, nakakabobo!

"Dinalhan na po kita ng snacks." Nilapag niya ang tray na may pagkain sa harap ko.

"Salamat," tugon ko at bumalik sa ginagawa.

Ilang minuto ang lumipas, hindi pa rin siya umaalis. I looked at her, "May kailangan ka pa? I asked.

Kumunot naman ang noo ko nang bigla siyang tumabi sa akin at nilapit ang mukha nito sa akin.

"Narinig ko po kanina si Sir Tucker," bulong nito na ikinataka ko pa lalo.

"Narinig ang alin?" tanong ko, umiwas naman siya ng tingin at hindi nakaligtas sa mata ko ang pagkagat ng labi nito. "Ang alin, Sofia?" tanong ko pa ulit.

"Na may kausap pong Jordan at ano po... binaggit ang salitang kaibigan mo." Agad akong napatyo at iniwan siya.

Jordan? kausap niya si Tucker? Magkakakilala sila? Damn it! So, tama ba ako na si Tucker ang nasa likod nang pagkawala nila Almina?

"A-alora, anong problema ha?" Hindi ko pinansin si Manang na lalapitan na sana ako, I need to go to Tucker. He's in the office right now.

"i droved fast. Kung siya man ang nasa likod nito, hindi ko siya mapapatawad. Paano niya naitago sa akin kung gano'n? Sa iba ko pa talaga malalaman.

Pagkarating ko sa kompanya, mabilis akong pumasok sa kakabukas na elevator, nagulat pa ang ibang nandito pero wala akong panahon sa kanilang lahat. Nang makarating ako sa mismong flor kung nasaan si Tucker, kaagad ko siyang hinanap.

"Where is Tucker?" I asked his Secretary, gulat naman siyang tumingin sa akin na parang nahihirapan sagutin ang tanong ko. "I said, where is Tucker?" diin kong tanong. Lumingon siya sa gilid ko kung saan ang conference roo, akma na sana akong pupunta roon nang hawakan ng Ssecretary niya ang braso ko/

"Sinong nagsabing may karapatan kang idampi ang kamay mo sa braso ko?" Taas kilay kong tanong, kaagad niya rin namang binawi.

"Ma'am, nasa meeting pa po kasi si Sir, bawal mo maisturbo." Napasinghap ako. Bawal ma-isturbo? Ako ang asawa at wala akong pakealam kung bawal.

"Kilala mo naman siguro ako 'di ba? Now, you can call him at dalhin mo siya rito kung ayaw mong ako ang papasok sa loob," mahaba kong saad.

"Ma'am, bawal po talag--Ma'am!" Hinabol niya ako pero hindi niya na nagawa dahil napasok na ako sa conference room and there you are! I saw him, nakaupo sa dulo.

"S-sir, pasensya na---"

"Shut up, umalis ka sa harap ko," putol ko sa kanya. Bumaling ako kay Tucker na ngayo'y nakakunot na ang noo.

I looked at the poeple na nagtataka na rin ang mga hitsura. "ladies and gentlemen, maaari ko bang hiramin ang asawa ko?" I smiled at them, nagbubulongan naman sila.

Tumingin ako sa matandang lalaking tumayo at bumaling kay Tucker, "It seems na emergency ito Mr. Burton. We can move the meeting, right everyone?" Tumango naman ang iilan bilang pagsang-ayon at isa-isa na silang nagsilabasan hanggang sa kami na lang ni Tucker ang nawain.

"May problema ba?" tanong nito sa akin habang naka-upo pa rin kung saan siya nakapwesto kanina.

"Where are they?" I asked, huwag niyang sabihin na hindi niya aaminin.

Seryoso lang siyang nakatingin sa akin, walang nababakas na kahit anong gulat o pagtataka manlang sa mukha nito. "nasaan ang mga kaibigan ko Tucker? bakit mo kilala si jordan, ha?" Hinawakan niya ang dalawa kong kamay nang tumayo na ito.

"They're safe, don't worry."

"Sabihin mo sa akin kung nasaan sila, at bakit mo kilala si Jordan? Are you one of them, ha? Sumagot ka, Tucker. Dapat ba akong kabahan na kasama kita lagi, isa ka bang kalaban?"

Hindi ko na maiwasan ang sunod-sunod na tanong sa kanya, hindi siya mapagkatiwalaan. nang malaman ko kanina kay Sofia na kausap niya si Jordan, mas lalo akong nawalan ng tiwala sa kanya. Sana pala'y kinilala ko muna ang gagong ito nang hindi ako kumakapa sa pagkatao niya.

He heaved a sigh. "I promise, walang masamang mangyayari sa kanila. Just trust me."

"Paano kita pagkakatiwalaan kung nalaman kong kausap mo pala si Jordan? Siya ang huling kasama ng mga kaibigan ko, paano kung may gagawin siya sa kanila? Maliligtas ba sila sa trust me mo ha?

Mawala na lahat sa akin, huwag lang mapahamak ang apat.

He held my handa nang siyang ikinahina ko bigla, parang nilalamon ang kaninang nararamdaman kong inis nang dumapo ang kamay niya sa kamay ko. "Walang mangyayaring masa sa kanila, mapagkakatiwalaan si jordan. And isa pa, hindi ako isa sa kanila. I know, Allesandra didn't tell you guys kung anong klaseng tao si jordan. he's not what you think of him, kaya ako na ang bahala sa mga kaibigan mo," mahabang paliwanag niya.

"But I want to see them," I said.

"Yes you can, but for now baby. Let's finish our preparation for our wedding." He hugges me, nawala tuloy ang inis ko sa pagtawag niya ng baby at pagyakap niya sa akin. Marupok kang haliparot ka!

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.