Chapter Thirty-Three

Dumating na ang araw na inaantay ko, ang makaharap at makilala sa personal ang mga magulang ng taong ginamit ko. Ang mga magulang ni Alora.

"Relax, you can do it. Maraming beses ka nang nagpapanggap." Inirapan ko si Tucker na nasa tabi ko lang.

Alam ko naman iyon pero sana nga ay maniwala ang magulang ni Alora.

Nakatayo kaming dalawa ngayon sa pintuan, inaantay na makapasok ang itim na van na ginamit sa pagsundo sa kanila.

Huminga muna ako nang malalim bago ngumiti nang malawak at kunyari'y naiiyak. Patakbo akong pumunta sa babaeng kakababa lang, si Alona, ang bunsong kapatid ni Alora. Agad ko siyang niyakap.

"Ang laki na nang pinagbago mo Alona," hikbi ko. Hinawakan ko ang dalawang braso nito at nababakas naman sa mukha niya ang pagtataka nang makaharap ko siya.

Pati na rin ang Nanay at Tatay ni Alora at ang Kuya nilang si Anton. "H-hindi niyo po ba ako nakikilala? Ako ito, si Alora." Ngumiti ako sa kanila.

"A-Alora? A-anong nangyayari? Ikaw ba talaga si Alora? Bakit iba ang iyong mukha?" Bumaling ako sa Nanay nilang sunod-sunod na ang tanong, lumapit ako sa kanya at niyakap nang mahigpit na para bang ako talaga ang anak niya at nangungulila ako nang matagal sa kanya.

"N-nay, opo. Ako si Alora, pasensya na kung hindi ko kayo nabisita. May nangyari lang na hindi ko inasahang mangyayari sa buhay ko. P-pasensya na Nay." Umalis ako sa pagkayakap at tinignan silang nagtataka pa rin.

"Pasok po muna tayo sa loob," dagdag ko pa.

Tumingin ako sa mga katulong at sinenyasan silang papasukin ang nga bisita. Lumapit naman ako kay Tucker at humawak sa braso niya, he looked at it at tiningnan ako ng seryoso.

"Loosen up," he whispered. I know, kailangan kong lagpasan ito.

Tahimik ang paligid, tanging mga hakbang ng mga kasambahay at kaluskos lang ng mga gamit sa kusina ang naririnig namin. Bigla akong kinabahan dahil lahat ng kasama ko sa lamesa ngayon ay nakatingin sa akin na para bang sinusuri kung sino ako.

"Alora," tawag ng Nanay ni Alora kaya napabaling ako sa kanya sabay ngiti.

"Bakit Nay? May kailangan po ba kayo? Hindi niyo po ba nagustuhan ang nasa hapag?" go Klai, kaya mo 'yan!

Umiling siya bilang tugon, "Magkwento ka kung anong nangyari at bakit naiba ang iyong mukha." Bumaling ako kay Tucker na ngayo'y parang wala lang sa kanya ang nangyayari, focus na focus sa kausap nitong kasambay, may nga inutos.

Bumuntong hininga ako at saka tiningnan sila isa-isa. I'd make sure na masasabi ko lahat ng prinaktis ko noong nakaraang mga araw kapag dumating ang sitwasyon na ito.

"N-nay, nagkaroon ng trahedya sa mansyon na ito noong nakaraang buwan, isa ako sa mga taong nakaranas ng malupit na sitwasyon. Nasunog ang mukha ko. Si Tucker." Bumaling ako kay Tucker na ngayo'y hinawakan na ang kamay ko. " Siya ang amo ko at siya rin ang tumulong sa akin para mapaayos ang mukha ko. Ang dahilan kung bakit nag-iba ang itsura ko, may usapan kami ni Tucker na palitan ang mukha ko sa mukha ng magiging asawa niya na sana. H-hindi niyo na po kailangan malaman ang buong detalye at baka mapahamak lang din kayo," mahabang pagsisinungaling ko.

"Wala pa rin akong maitindihan. Ang ibig mo bang sabihin, ang mukhang iyan ay ang mukha ng asawa ni Tucker?" Tumango ako sa tanong ni Alona.

"Nagpapanggap ka na maging asawa ng amo mo gamit ang mukha ng tunay niyang asawa?" Tumango ulit ako sa tanong ni Anton.

"Pero bakit anak? Bakit mo sinali ang sarili mo sa sitwasyon na alam mo namang ikakapahamak mo?" Natahimik ako sa sinabi ng Tatay ni Alora.

Hindi ko rin alam kung paano ako humantong sa ganito.

Sabay kaming tumingin kay Tucker nang tumikhin ito. "I will explain everything to you. Patawad kung nailagay ko sa ganitong sitwasyon ang anak niyo pero makakaasa kayo na walang masamang mangyayari sa kanya hangga't ako ang kasama niya. Pinapangako ko iyon." Tumingin siya sa akin na bakas sa mata ang seryoso.

Sa pagkakataon na ito, kaming dalawa na ang magkasama para manloko ng ibang tao. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon kumakampi pa rin sa akin si Tucker at tinutulungan ako sa mga ganitong bagay. Kung tutuusin matagal na niya sana akong ipakulong dahil matagal niya ng alam na hindi naman talaga ako si Alora at isa akong miyembro ng sindikato, pinagtangkaan ko pa ang buhay niya pero sa lahat ng ginawa ko sa kanya. Mas pinili niya akong tulungan at iligtas, sa pamanagitan nang pagpapakasal ko sa kanya. Alam kong para lang din iyon sa negosyo niya at kailangan niya ng anak para sa susunod na henerasyon nila. Ngunit sa ngayon, nagiging iba ang pananaw ko sa pagtulong niya sa akin. Subalit, hindi pa rin naman nawawala sa loob ko kung sino ba talaga siya at ang mga imposibleng gagawin niya sa akin.

Dito na rin muna ang pamilya ni Alora na pamilya ko na ngayon, first time kong magkaroon ng pamilya at nakaw pa. Kahit sa pamilya, ninanakaw ko pa rin talaga.

"Ayos lang po ba kayo dito, Nay?" tanong ko nang ihatid sila sa magiging kwarto nila.

Hindi nakaligtas ang masamang tingin sa akin ng mga kapatid ni Alora, naitindihan ko naman na ayaw nilang maniwala. Pero wala silang choice dahil ako na ang pamilya nila.

"O-oo, kailan ba ulit gaganapin ang kasal mo?" tanong niya rin.

"Sa susunod na linggo na po, huwag po kayong mag-alala. Babalik po ako sa atin pagkatapos ng kasal." Umiling naman siya.

"Huwag na, may asawa ka na at hindi mo na dapat iniiwan ang buhay pamilya. Bumisita o tumawag ka na lang sa amin para alam namin na may pakealam ka pa sa pamilya mo. Alora, galit pa rin kami sa 'yo sa hindi pagsabi sa amin ng totoong nangyayari noong una." Tumango ako.

"Alam ko po Nay, Tay. Pasensya na po," saad ko na lang kahit nahihirapan na akong kaharap sila. "Sige po, magpahinga na po kayo." Niyakap ko siya at ang Tatay.

Nang makalabas ako sa kwarto nagulat pa ako nang may humawak sa braso ko, it was Alona. Masama ang tingin sa akin.

"Sino ka?" I can't move, ang higpit ng hawak niya sa kamay ko. "Alam kong hindi ikaw ang kapatid ko, sino ka at nasaan siya? Saan niyo siya tinago?"

Nakaramdam ako ng kaba at panginginig sa loob, pero mas lalo ko pa itong pinigilan na makita niya. I need to do this hangga't nandito pa sila, "A-alona, nasasaktan ako. A-aray," mahina kong bulong pero mas lalo niya pang hinigpitan ang paghawak sa braso ko.

"Oras na malaman ko kung saan niyo tinago ang kapatid ko, papatayin kita."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.