Tangina niya! Ako pa talaga binantaan niyang papatayin niya? Kung hindi lang ako tinawag ni Tucker kanina, hindi ako makakaalis sa pagkahawak niya sa braso ko.
"Para kang binagsakan ng langit at lupa sa hitsura mo," Tucker said nang makapasok kami sa kwarto namin.
Sinamaan ko siya ng tingin, "Kailan ba tayo magpapakasal para makaalis na sila dito at pupuntahan ko na ang mga kaibigan ko?" tanong ko. He looked at me like he didn't expect me to say that. "Anong tingin ’yan?" I asked.
"Bakit bigla kang nagmamadali?" I rolled my eyes on him.
"I am dying to see them, Tucker---"
"You're dying to get rid on me, Klailea." putol niya sa sasabihin ko. Ano ang ibig niyang sabihin? Kinunotan ko siya ng noo.
"What?" I asked.
"Gusto mo nang kumawala sa akin, but sorry to say this... Hindi ka pa buntis." And by that, iniwan niya akong naka-nganga. Still processing of what he said.
Gago! Nawala na nga sa isip ko ang planong iyon at ano bang inaano niya? Iyon naman talaga ang nasa kontrata naming dalawa.
Nang mapagtanto ko ang ginawa niya sinamaan ko siya ng tingin kung saan siya pumasok, dumiretso lang siya sa banyo. I don't know why I knocked him out but I am fucking frustrated because of him.
"Kailan mo ba kasi ako bubuntisin, buset ka!" I shouted habang kinakatok nang malakas ang pintuan. "Tucker! Open this fucking door, kausapin mo ako. Kailan mo ba ako bubuntisin para makaalis na ako sa'yo. I hate this li---"
"Gusto mo bang ngayon na, my wife?" I gulped twice when the door opened at bumungad sa akin ang hubad niyang katawan. Damn it!
Halos mapaatras ako nang lumapit siya sa akin. Shit. I felt anxious of his presence. "A-anong gagawin mo?" Kinakabahan pa ako.
"What? You said ay bubuntisin na kita? Gusto mo na ba talagang kumawala sa akin? Chill, we're not married yet, woman." He looked at me at sa pagkakataon na ito bigla yata akong nahulog sa mga tingin niya. "Just sit in there and relax, hmm."
Bullshit Tucker Burton, he's getting the spot on me. Damn it!
Tumalikod na siya ulit at iniwan na naman akong nakatulala sa likod niyang walang saplot. Damn, why the hell is happening? Sinalo niya ba lahat noong nagbigay ng hotness sa katawan ang Panginoon? Wait what? What are you thinking, Klailea? Focus on your job.
Ako na lang mismo ang nagluto ng hapunan pero nagpapatulong pa rin naman ako kina Manang. Siya naman lagi nagtuturo na sa akin dito dahil kinukulit niya ako na ako dapat ang magluluto para sa magiging asawa ko, si Tucker. Eh ano pang silbi ng mga cook dito?
"Bakit ba kare-kare, Manang? Paborito niya?" tanong ko habang naghahalo.
"Oo, simula bata pa lang siya iyan na ang lagi niyang ni-re-request sa Mommy nila." Talaga ba? Buti naman nagluluto ang masungit niyang Mommy.
"Eh, iyong mga kapatid niya ba hindi niya close?" naisipan kong itanong, napapansin ko kasi ay kung magkasama silang tatlo, hindi sila nagpapansinan or ganoon ba ang mayayaman na pamilya?
Napatigil si Manang sa paghahanda ng mga plato sa lamesa at tumingin sa akin ng seryoso. "Hindi sila magkapatid sa Ama, iha. Anak sa labas si Tucker."