Chapter Fifty

Hindi ako makapagsalita para sagutin si Thrunder, bumaling ako kay Tucker na kagaya ko ay nagulat din. Hindi ko alam kung magsasalita ba ako at sabhin na oo, ako ang tunay niyang Mommy pero natatakot ako na baka kapag sinabi ko iyon ay magalit siya sa aki, sasabihin niya na iniwan ko siya. Alam kong matalino ang anak ko at hindi imposible na mangyari yon.

Bumaling ako kay Tucker nang hawaka niya ang kamy ni Thrunder. "Son, maayos na ba ang pakiramdam mo? Wala naman bang masakit? Hindi ka nahihirapan huminga?" Sunod-sunod na tanong ni Tucker, umiling naman ang anak ko at saka ngumiti sa amin.

I smiled at him too when he stopped to look at me, mas lalo akong kinabahan. Bumaling ako kay Tucker ulit para humingi ng tulong kung paano ko ito lulusutan.

"You did not answer me...are you my real mom? Why did you kiss my father?" Bakas sa mukha at boses ng anak ko ang inosenteng tanong niya. Bumuntonghininga ako, bakit ba ayaw saguin ito ni Tucker? Inaantay niya ba ako na ang sumagot?

"Uhm...kasi, ano. I am not--"

"She is my girlfriend, son. I'm sorry if I did not tell you about this—"

"How about Mommy Celine? She is your girlfriend too, right?" I bit my lower lip because of my son's question.

Umiwas ako ng tingin kay Tucker nang tumingin din siya sa akin. Totoo ngang sila? Pero bakit niua ako hinalikan? Bakit ako ang kasama niya kung dapat si Celine? "Son, your Mommy Celine is just my friend. Okay? Uhm Mommy, I mean... Your tita Klailea is my girlfriend."

Sinabi niya iyon na para bang hindi ako nagulat dito sa tabi niya. How could he tell out son na girlfriend niya ako, when in fact ay hindi.

Bumaling sa akin si Thrunder at ngumiti ng tipid lang, para akong sinaksak nang makita ang ngiti niya na para bang hindi sang-ayon sa sinabi ni Tucker. Ayaw niya ba sa akin?

"I like Tita Klailea, but daddy...I love Mommy Celine, she's my mother." Gusto kong sumabog, gusto kong saktan ang sarili ko lalo dahil sa narinig mula sa anak ko.

I smiled at Tucker when he looked at me, bakas sa kanyang mukha na nanghihingi siya ng tawad sa akin. Hindi ko siya naningitian, subalit tumalikod ako. "Lalabas lang muna ako," saad ko at hindi na hinantay na magsalita pa sila ulit. Agad na akong lumabas ng kwarto.

I covered my mouth to stop myself from crying. I don't even know how can I express my feelings in front of them, lalo na sa anak ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na nasasaktan ako sa sinabi niya. Gusto kong isigaw na ako ang mommy niya, na dapat ako lang ang kilala niyang mommy pero hindi ko magawa. Dahil sa pagkakataong ito, para akong walang karapatan na sabihin iyon sa kanya. Sino ba naman ako, hindi ba? Iniwan ko siya, hindi ako ang nag-alaga sa kanya noong nagkaroon na siya ng isip bilang bata.

"Hey..." Mabilis akong tumalikod nang marinig na may papalapit sa akin, I was about to walk away when she pulled me. "You're crying," she said.

Bago ko siya lingunin, pinunasan ko muna ang luha ko. I smiled at her nang makita ko na siya. Ngumisi siya sa akin na para bang natutuwa pang nakitang umiiyak ako. "Anong ginagawa mo rito?" Seryosong tanong ko.

Tinaasan niya ako ng kilay na para bang mali ang pagkatanong ko. "To visit my son. Hindi mo kasi inalagaan kaya nangyari ito sa kanya—"

"Magdahan-dahan ka sa pananalita mo, Celine." Sinamaan ko siya ng tingin at mas lalo lang siyang ngumisi sa akin. Napaatras ako nang maglakad siya palapit sa akin lalo.

"Tandana mo ito, kahit sa iyo galing si Thrunder. Hindi ka niya kilalaning Mommy. Tumatak na sa isipan niya na ako lang ang tunay niyang ina...kaya kung ako sa iyo, hindi lang din si Tucker ang dapat mong layuan, kundi pati na rin ang anak ko." Tiningnan ko lang siya ng walang emosyon. Ang kapal naman ng mukha ng babaeng ito para angkinin ang anak ko. Maaari niyang angkinin si Tucker ngunit hindi ang anak ko.

"Lumugar ka rin minsan, Celine. Baka bukas kung hindi mo pa rin alam kung dapat saan ka lang ay mawala ang angas mo." Bumulong ako sa kanya at saka siya nginisihan. Ginawa ko pa rin ang makakaya kong kumalma sa harap niya at sagutin siya kahit sa loob ko ay tama siya, kanina pa nga lang ay siya na ang binanggit ng anak ko.

She laughed. "Come on, Klailea. Simula nang iniwan mo sila, nawalan ka na ng karapatan para lapitan ang mag-ama ko...remember this, Tucker mine and Thrunder as well. Kung ayaw mong mamatay, lumayo ka na."

Ikinuyom ko ang aking mga kamao habang nakatingin sa kanya, she's crazy! Ang lakas niya kung mang-angkin. "Bye—"

"You can't have them, Celine. Kahit anong sabihin mo, ilalaban ko sila." The last thing I said bago ko siya tinalikuran.

Narinig ko pa ang tawa niya na para bang sinasabi na hindi ko siya kayang kalabanin. Naiinis ako! Naiinis ako sa kanya pati na rin sa sarili ko. Why I can't say something to my son? Bakit hinayaan ko rin na si Celine pa rin ang kinikilala niya? Sino ba si Celine?

Ayan ang nais kong aalamin, sa oras na malaman ko ang kahinaan niya. Makakayanan kong kalabanin siya pero bago iyon, kailangan munang makuha ang loob ng anak ko.

Bumaling ako sa pintuan ng kwarto ng anak ko bago ako tuloyang umalis sa hospital. I called my friends, sinabi ko sa kanila na magkita kami sa dati naming hide-outs. Alam din namin na hanggang ngayong ay sira pa rin iyon. Walang ni isa sa aming bumalik para ayusin ang dati naming tahanan dahil hindi pa kami handa sa mga posibleng mangyayari sa oras na magpakita kami dito sa Manila.

"It's been years." I turned to Almina. Kasunod ko ay nakarating na rin sila.

She's right, it's been years. Hindi ko akalain na makakabalik pa kami rito. "Ang daming nagbago sa loob ng ilang taon na wala na tayo rito," Munique said in a serious tone. Tumango ako habang nakatingin sa sira-sirang bahay.

"What's the plan?" We all turned to Jersey. Nagkatinginan din kaming lahat. Ano nga bang plano namin?

"We need to turn this lovely house of ours into a new one. Magsimula ulit tayo, siguro panahon na para hindi na tayo matakot. Panahon na para isipin naman natin na sila lang ang kalaban natin, hangga't magkakasama tayong lima...makakayanan natin."

Natahimik kami at bumaling kay Almina sa sinabi niya. Alam ko rin naman na handa na kaming lumaban sa kahit anong mangyari. Bilang naging tauhan ni Alessandra ng iilang taon, kilala namin siya at sigurado akong hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagbabago. Kapag may gusto siyang sirain, buhay ang kukunin niya. Kaya mas mabuting huwag na rin kaming matakot, dahil ang takot ang maglalagay sa amin sa kapahamakan.

"Let's do this. Alam kong kakayanin natin...and for my son." I smiled at them. Ngumiti rin sila at lumapit sa akin.

"Para kay Thrunder..."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.