Chapter Fifty-One

Ang kaninang pinag-uusapan na ayusin ang aming dating tahanan, ginawa na namin. Tunay na maraming nasira at higit sa lahat maraming hindi ma makita. Lalo na ang picture frame naming apat noong unang araw na magkasama kami sa organization. Pinicture-ran kaming lima noon dahil sabay daw kaming nakita ni Alessandra at by group din. Kahit iyong mga naiwan naming weapons ay nawala na rin. Sinunog nila ang likod ng bahay namin.

"Sa tingin ninyo, anong magagawa natin dito?" Tumingin ako kay Fresha at halata na rin sa kanyang mukha na pagod na siya kakalinis ng ibang parte ng bahay.

Bumuntonghininga ako at saka umupo sa sahig, pagod na rin ako. Tiningnan ko ang mga kaibigan ko nang sabay rin silang umupo. I smiled at them, sabay iling at sinabing, "Hindi natin makakayanan na lahat ay maaayos, siguro kailangan na nating humingi ng tulong."

"Tulong ba kamo? May mga tatawagan ako." Nagtaka akong tumingin kay Jersey nang kunin nito ang cellphone niya at may tinawagan.

"Sino ang tatawagan mo, Jers?" tanong ko. Hindi niya ako sinagot, bagkus mas pinagtuloy niya ang ginagawa niya at lumayo sa amin nang bahagya. Nagkatinginan kaming apat, nagtataka sa aming kaibigan ngunit hinayaan na lang namin siya kung ano ang gagawin niya, basta ang mahalaga maayos namin ang dati naming hide-out.

"Hindi ba mas mabuti kung lumipat na lang tayo ng tirahan? Mas safe iyon at hindi tayo matutunton." Natahimik kami nang sabihin iyon ni Munique, bumaling kami sa kanya at pati si Jersey na kakatapos lang may tinawagan. "Hindi ba?" tanong niya ulit.

Kumunot ang noo ko, akala ko ba ay panahon na para lumabas sa tinataguan namin dahil oras na para lumaban. Anong sinasabi niya na lumayo na lang para hindi matunton. "Hindi ba't pinag-usapan natin na hindi na magtatago? Why are you suggesting again that we should better hide to make us safe." Bumaling siya kay Almina nang itanong sa kanya iyon, umiwas siya ng tingin at halata naman na hindi siya sang-ayon sa amin ngayon pero bakit hindi siya umalma nang pag-usapan muna namin bago kami mag-desisyon.

"Iniisip ko lang din naman ang kapakanan nating lima, ilang taon na tayong ganito pero hindi pa rin natin nagagawa ang gusto nating gawin---"

"Kasi mas pinili nating magtago at hayaan ang takot sa ating mga sarili ang manaig. Kaya nga gagawin natin ito para magawa na rin natin ang matagal na nating plano." Bumaling ako ky Fresha na ngayon ay hindi na rin yata nakayanan ang manahimik. "Munique, anong problema?" dagdag na tanong niya.

Inantay namin ang sagot ni Munique, lumapit ako sa kanya at hinawakan ang balikat niya para ipaharap sa akin. "Natatakot ka ba?"

Tumingin siya sa akin, bago sa kasamahan ko. Lumapit na rin sila kay Munique. "Natatakot ako na baa hindi natin mahanap ang mga pamilya natin dahil lumaban tayo sa kanila, natatakot ako na baka isa o tayong lahat ay mamatay dahil lumaban tayo sa kanila. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng takot sa loob ko ngayon, simula nang lumabas tayo sa kweba ang daming pumapasok sa isip ko na baka mapahamak tayo, na baka hindi natin kaya ang lahat. Dumating sa punto na pinagsisihan ko kung bakit tayo umalis, our life is not safe anymore. Hindi niyo naman siguro ako masisisi kung nakaramdam ako ng ganito, hindi ba?" Mahabang sabi niya.

Ni isa sa amin walang makasagot, natahimik at kahit ako ay hindi alam ang sasabihin. May parte sa loob ko ngayon nang marinig ang mga sinasabi ni Munique na tama siya, baka nga tama siya na hindi namin kayanan kung ano man ang mangyayari. Na baka nga nasanay kaming magtago na lang at naging mahina ng ilang taon. Ngunit kalahati rin sa loob ko na naniniwala na kaya namin, sa kakayahan namin na labanan sila kahit na imposible. Dahil sa ilang taon namig magkasama, mas lalo lang namin nakilala ang isa't isa na akala namin dati ay simula bata, alam na namin kung sino kami. Hindi pa rin naman nawala sa plano namin na hanapin ang mga magulang namin kahi na posibleng patay na sila. Hindi ito ang panahon na sumuko, sa nangyari sa anak ko kanina iyon na ang sign para lumaban ako. Para protektahan ang anak ko dahil hudyat na rin ng kalaban na nagsisimula silang maghiganti sa amin.

Bumaling ako kay Almina nang maglakad palapit sa amin ni Munique, tipid siyang ngumiti at alam ko ang ngiti na iyon ay nakaramdam siya ng kawalang pag-asa ngunit tulad nga ng sinabi ko, hindi ito ang panahon para maging mahina kami.

"Naiintiindihan ka namin, Munique. Siguro sa tingn mo, hindi namin iniisip na hindi ka natatakot o kahiit isa sa atin. Alam naman nating lahat dito na kung mamatay man tayo sa mangyayari, wala tayong pamilyang lalapit sa libingan natin. Alam ko na lahat tayo rito ay sabik na magkaroon ng pamilya, bata pa tayo iyon ang una nating gustong mangyari, hindi ba? But guys...hindi naman natin kailangan sumuko, ang layo na ng narating natin oh. Simula pagkabata natin, naghirap na tayo sa kamay niya, ni Alessandra hanggang sa natauhan tayo na mali ang ginagawa natin. Nakarating tayo rito mismo sa kmga kinatayuan natin kahit imposibleng mangyari pa iyon pero nandito tayo, magkasama pa rin. Munique, Fresha, Jersey and Klailea...ilang taon na tayong magkapamilya na tayo lang ang magkasama, alam kong ilang taon pa nating gagawin iyon kaya bakit tayo susuko, hindi ba? Walang sumusuko sa pamilya natin."

Umiwas ako ng tingin, kinagat ang ibabang labi. Hindi ko maiwasan ang hindi maluha dahil sa mahabang sinabi niya. Bumaling ako kay Fresha na lumapit na rin sa amin. "I know, I am not vocal as you Almina, I am not cheerful as Jersey and Munique and hindi sobrang madiskarte kagaya mo, Klai pero tama si Almina. Munique, kasama mo kami sa lahat ng laban. Kung natatakot ka, maaari mong sabihin sa amin dahil ilang taon na rin naman tayong magkakampi, hindi ba? Kung wala kang tiwala na magagawa natin at makakaya natin lahat, but at least...magtiwala ka sa sarili mo na sa kabila ng lahat, ay kinaya mo at kakayanin mo."

Natahimik kaming apat nang biglang sumigaw ng iyak si Munique kaya agad nami siyang dinaluhan. "Grabe naman kayo magpa-iyak!"

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis, dahil ang dami na naming sinabi pero ang iyak niya ang nagpatigil sa aming lahat. "Wala pa akong speech pero sige, hayaan na. Copy paste ko na lang sinabi nilang tatlo." Hinampas ko si Jerseyy sa balikat niya dahil sa sinabi nito, nagawa pang magbiro.

Lumapit kami sa isa't isa at nagyakapan, pinunasan ko ang luha ni Munique. "Be strong like what you always did, Munique."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.