Chapter Fifty-Three

Agad akong nakarating sa hospital, nagpaalam din ako kina Jersey at Fresha kanina kahit na hindi ako kinakausap. Hindi ko na rin alam kung ano na ang nangyari sa mga bisita ni Jersey, tatawagan ko na lang sila at makikibalita kung maayos na ba ulit sina Fresha at Jersey. Hindi ito ang panahon na mag-aaway kami sa maliit o malaking bagay man.

Hindi ko rin sinagot ang tawag ni Tucker kanina, dumiretso na ako pumunta sa hospital. Nang makarating ako sa floor kung nasaan ang anak ko, binilisan ko ang lakad ko patungo sa kwarto. Bumuntonghininga ako sa labas ng kwarto, hinawakan ang door knob at dahan-dahang binuksan, nagbabasakali na sana maayos ang madadatnan ko pero akala ko lang pala talaga iyon, dahil pagkabukas na pagkabukas ko, nakita ko si Celine na masayang kausap ang anak ko.

I remained calm, kahit masakit sa dibdib na para ba akong sinaksak at sinamahan na binugbog.Wala na bang mas sasakit pa sa nakita ko, masaya ang anak ko habang kausap si Celine. Si Celine na hindi niya naman tunay na ina o baka nga siguro, hindi ko matanggap na siya ang nagpapasaya sa anak ko nang mga panahon na wala ako.

"Klai, kanina ka pa?" Natigil ako at lumingon sa likod nang marinig ang boses ni Tucker, hindi ako makapagsalita nang hindi pa rin umaalis ang tingin niya sa mga mata ko kaya nang mapagtantong nakatingin din ako sa kanya, ako na ang umiwas.

Bumaling sa anak ko na nakatingin na rin sa akin na may ngiti sa kanyang labi, kaya ngumiti rin ako. Hindi ko pinansin si Celine kahit alam kong pasimpleng masama ang tingin sa akin. Tumayo siya at lumapit kay Tucker, hindi ko na sila nilingon pa.

"Hello, little boy." Hinalikan ko si Thunder sa pisngi pagkatapo kong ilagay ang mga prutas sa lamesa na nasa gilid ng lamesa. Binili ko ito kanina bago ako tumuloy rito sa hospital. "How are you feeling?" tanong ko. Hinawakan niya naman ang kamay ko kaya natahimik ako at hinayaan siyang hawakan ako, ang malambot niyang kamay ay masarap at masaya pakiramdam.

"Hello Mommy, Klai! Where have you been? I've been looking for you, look oh. I am now fine!" I bit my lower lip, ngumiti siya sa akin nang malapad. Hinawakan ko ang kamay niya.

"May inasikaso lang si Mommy—"

"She's too busy, baby. Kaya wala siyang time sa'yo, hayaan mo na. Nandito naman ako." Bumaling ako kay Celine nang sabihin niya iyon, lumapit siya sa gilid ng kamay ni Thrunder, sa mismong kabila ko.

Tiningnan ko siya ng seryoso, kita ko rin sa gilid ng aking mata na papalapit si Tucker sa akin ngunit hindi ko siya nilingon dahil nanatili ang tingin ko kay Celin na nakangisi sa akin. Kung wala lang ang anak ko, kanina pa siya binawian ng buhay.

"Is it true, Mommy Klailea?" Agad akong bumaling muli sa anak ko, ngumiti ako sa kanya at hinimas ang buhok niya sabay iling.

"It's not true, baby. I just bought a fruits for you, guso mo bang ipagbalat kita ng apple or orange?" Nakangiti ko pa ring sabi, pasimple akong tumingin kay Celine na masama na ang tingin sa akin, ngumisi ako sa kanya at pasimple ring umirap, tinitiyak na hindi iyon makikita ng anak ko.

Ang kapal ng mukha niyang siraan ako sa mismong harap ng anak ko. "Yes please. Gusto mo rin ba Mommy Celinie?" I stopped when he turned to Celine. Ngumiti sa kanya si Celine sabay iling, mabuti naman marunong siyang humindi.

"Hindi na, baby. Baka ako pa ang ma-hospital—"

"Celine, let's go. Ihahatid na kita sa parking lot." Hindi natapos ang sasabihin niya nang biglang sumingit si Tucker, mabuti naman kung ganoon. Iwan nila kami ng anak ko, hindi naman sila kailangan.

"Hindi ka sasama sa akin?" OA na tanong ni Celine. Bakit ba dito pa sila nag-uusap? Pwede naman sa labas na lang, malayo sa anak ko at malayo sa akin.

"Let's talk outside," he replied.

Hindi ko sila nilingon, inaantay ko lang na lumabas na sila at tuloyang mawala ang presensya nila dto sa loob. Lumapit si Celine kay Thrunder at humalik sa pisngi. "Good bye, baby. I'll see you soon, okay? Pagaling ka dahil pupunta na tayo sa Manila Zoo."

"Yehey!" Pumalakpak ang anak ko, bakas sa kanyang mukha na masaya siya sa sinabi ni Celine.

Ilang minuto ang lumipas ay kami na ng anak ko ang naiwan, umupo ako sa upuan na nasa tabi ng kanyang kama, pinagbabalatan ang mga prutas na pinili niya. He was singing, nakangiti lang ako buong oras sa dami naming pinag-usapan, kinwento niya sa akin ang mga nilalaro niya sa bahay, mga paborito niyang pagkain at even how Tucker took care of him. Pakiramdam ko, sa mga sandaling iyon ay nakilala ko ang mag-ama ko—pumikit ako nang mariin nang maalalang mag-ama ko na ang tawag ko sa kanilang dalawa. Hindi ko maisip ngunit masaya sa pakiramdam, dahil na rin sa mga kwento ng anak ko nalalaman ko kung gaano kabuting ama si Tucker.

"I'm going to sleep para po makalabas na ako rito and we will play, we will go to Manila Zoo!" Ngumiti ako sa kanya, hinawakan ang ulo at ginulo ang buhok.

"You should, little guy. Dito lang ako kung mayroon kang kailangan." Tumango siya sa akin at ngumiti hanggang sa ipinikit na ang mata na may ngiti pa rin sa kanyang labi, napailing na lang ako. He is so cute.

Tatayo na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan at inluwan no'n si Tucker na seryosong nakatingin sa akin. "Let's talk."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, bumaling siya saglit sa bata at sa akin naman. "Mag-usap tayo sa labas," he added. Tinaasan ko siya ng kilay, may dapat ba kaming pag-usapan?

"Ano naman ang pag-uusapan natin? Tapos na kayo mag-usap ng babae mo kaya ako naman ang sinunod mo—" Mabilis kong tinakpan ang bibig ko at umiwas ng tingin sa kanya nang mapagtantong may mali sa sinabi at tono ng pananalita ko. Bakit ba ang tanga mo minsan, Klailea!

I heard him gas pero hindi ko siya nilingon ulit dahil sa kahihiyang sinabi ko. Baka isipin niyang nagseselos ako kahit hindi naman, kahit pa mag-usap sila magdamag ni Celine impakta, hindi ako magseselos. Bahala siya, magtiis siya dahil hindi ko siya kakausapin.

"We will talk about our son, Klailea Lindsay."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.