Sumunod ako sa kanya sa labas, nakaupos siya sa upuan kaya tumabi ako sa kanya habang nakahawak ang kamay ko sa tuhod ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa kung ano ang pag-uusapan namin tungkol sa anak ko. Galing siyang hinatid si Celine, baka kung anong sinabi ng babaeng iyon at malayo pa sa akin si Thrunder.
"A-anong sasabihin mo tungkol sa anak...natin?" mahina kong sabi. Bumaling siya sa akin.
"Uuwi ka na sa bahay at makakasama mo na siya, bibigyan kita ng pagkakataon na maging ina niya." Halos manlaki ang mga mata ko sa narinig mula sa kanya. Bumaling ako sa kanya at ikinalma ang sarili kahit gsuto ko siyang yakapin dahil sa pagpayag niya na makasama ko ang anak ko.
"T-talaga? I mean...iyon naman talaga ang dapat mong gawin, hindi ba? Ang sabi ko nga ay hindi mo dapat akong pagbawalan na makalapit sa anak ko." Tinaasan ko siya ng kilay, nawala ang kaninang saya ko nang napagtantong baka mahalata niyang okay kami kahit hindi.
Kasi tama naman talaga, hindi ko kailangan ang permisyo niya. Sinabi ko naman sa kanya na sasamahan ko ang anak ko. "You and your pride, Klailea. Paano kung hindi ako pumayag na lumapit ka sa anak ko."
"Anak ko rin, hindi ba? At saka, alam kong hindi mo gagawin iyon and hindi mo hahayang gawin iyon sa akin, don't be so ridiculous Tucker." Tumayo ako tumingin sa kanya. "I'm sorry kung sa tingin mo ang pride ko, totoong natatakot akong hindi ka pumayag but this is my chance to prove to my son and...to you na pinagsisihan ko ang ginawa kong pang-iwan sa inyo."
Hindi siya nagsalita, diretso at seryoso lang ang tingin niya sa akin. Hindi pa rin nawawala ang kaba ko sa dibdib pero ang nangingibabaw sa akin ngayon ay ang saya dahil sa pagtanggap ni Tucker sa akin.
Napaatras ako nang tumayo siya at humarap sa akin kaya ang ending ako ang nakatingala sa kanya. Napalunok ako ng dalawang beses, hindi makagalaw. Pakiramdam ko ay binibihag niya ako sa mga mata niya. "Kung totoong nagsisisi ka, gagawin mo ang gusto ko habang nasa pamamahay kita." Kumunot ang noo ko at pinanliitan siya ng mga mata.
Ano ang ibig niyang sabihin? May ipapagawa siya sa akin at dapat ko itong sundin? Paano kung ayaw kong gawin dahil labag sa loob ko, hindi ko na ba makakasama ang anak ko? Ilalayo niya ba ito sa akin? Kung ganoon, hindi ako papayag. Sapat na ang limang taon na hindi ko kasama si Thrunder.
Bumuntonghininga ako at saka tumingin sa kanya ng diretso. "S-sige, gagawin ko kung ano ang gusto mo. Hindi naman siguro iyan labag sa loob ko?" Mahina kong tanong. He smirked at me. Mali ba ang iniisip ko?
"Why would I do something na labag sa loob mo? Alam kong alam mo kung paano gawin ang gusto ko." Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit ayaw pang sabihin at kailangan pa talagang tagalan para alam ko kung tatanggapin ko ba o hindi.
"Ano ba ang kapalit, Tucker? Sabihin mo na dahil babalik na ako sa anak ko," saad ko.
Gulat akong umatras nang lumapit siya sa akin lalo, napahinto ako dahil hinawakan niya ang dalawa kong braso. I deeply closed my eyes when he went closer to me, amoy na amoy ko ang pabango niya at ang mabangong hininga niya. Bakit ba kailangan niyang lumapit kung mayroong sasabihin? Pwede naman na hindi at sabihin na lang habang magkalayo kami nang bahagyan.
"Anong gagawin mo?" Kinakabahan kong tanong nang maramdamang dumikit na ako sa pader at ang katawan niya sa akin, tumingin pa ako sa paligid kung may nakakita pa dahil nasa hallway kami. "Tucker, baka may taong makakita sa atin. Lumayo ka muna." Bumulong ako sa kanya at akmang itutulak na sana siya ngunit hinawakan niya ang dalawa kong kamay at pinigilan ito.
"Makinig ka muna sa sasabihin ko at gusto kong nakaganito tayo habang babanggitin ko ang nais kong ipagawa sa'yo." He is being crazy this time!
"Ano ba kasi iyon?" Diin ngunit mahina kong sabi sa kanya.
I tilted my head, inilayo ang tainga nang maramdamang inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko. "Bakit kailangan mong lumapit ng sobra?" Inis kong sabi.
Ayaw na lang kasi sabihin agad at kailangan pang lumapit nang lumapit sa akin. "Sasabihin ko lang naman na ang dapat mong gawin para sa akin kung gusto mong hayaan kitang lumapit sa anak ko ay...." Inilapit niya pa lalo ang bibig niya sa tainga ko kaya mas lalo akong umiwas kahit wala naman ng iiwasan.
Nakakainis na siya ng sobra! Naramdaman ko pa lalo na dumikit ang bibig niya habang pilit ko pa ring inilayo ang sarili sa kanya. "Sabihin mo na Tucker. H-hindi ako nakipaglaro sa'yo." Mahina kong sabi.
"I just want you to act as my wife...again." Hindi ako nakagalaw. Para bang tumigil ang paligid, tumahimik ang mundo at ang tanging narinig ko lang ay ang sinabi niya na umuulit sa utak ko.
Dahan-dahan akong tumingin sa kanya, lumayo na siya sa akin at seryoso pa ring nakatingin sa akin na para bang wala siyang sinabing kakaiba ngayon lang. "Ano ang ibig mong sabihin?" Nauutal at kinakabahan kong tanong. Baka kasi guni-guni lang ang nariig ko mula sa kanya.
"Huwag kang lumapit, manatili ka lang diyan." Agad kong pigil sa kanya dahil balak niya na namang lumapit sa akin. "Sabihin mo ulit," dagdga ko pa.
Bumuntonghininga siya, pinagmasdan ko ang mapupulang labi niya na ibubuka niya at inahanda ang sarili sa marinig ulit mula sa kanya.
"Be my acting wife, again. Kahit pilit lang, be my wife at gawin mo ang ginawa mo noon." Mas lako akong hindi makagalaw dahil tama nga ang narinig ko.
Gusto niya akong magpanggap ulit bilang asawa niya? Pero bakit? Kailangan ba? Mayroon pa rin ba siyang pinaglilihiman?
"Bakit? Bakit ko gagawin iyon? Matagal na ang panahon, Tucker—"
"Ang alam ng karamihan ay nawala ka lang sa mismong araw ng kasal natin. Hindi ko sinabi sa kanila na tinakbuhan mo ako dahil kahihiyan iyon para sa akin."