Chapter Fifty-Five

Mayroon bang makapagpaalala sa akin kung bakit ako nakarating sa bahay ni Tucker maliban sa dahilan na gusto at kailangan kong makasama ang anak ko? Yeah, that's right! Nandito ako sa bahay ni Tucker habang nakayuko dahil pinagmamasdan ako ng mga katulong niya. Si Thrunder ay masayang tumatakbo sa malawak na sala. Hindi ito ang dating bahay kung saan ko ginagawa ang lintek na mission na iyon na ang naging dahilan ng lahat ng ito. Paano ko makakalimutan ang isang bagay na nagpabago ng buong buhay at pagkatao ko?

I sacrificed that time for him. Maraming nagbago at hanggang ngayon ang kasalanan na nagawa ko ay hindi ko pa rin naitama. Pakiramdam ko habang nakatingin ako kay Tucker mas lalo ko lang naiisip na ang layo ko sa kanya at sa tuwing naiisip ko ang pag-iwan ko sa kanya sa araw ng kasal namin ay naging mas lalong masakit. Paano ko nga ba mababawi iyon? Kaya ko ba talagang baguhin?

"Mommy!" Nanlaki ang mga mata kong bumaling kay Thrunder nang hawakan niya ang kamay ko. Tumingin ako kay Tucker na nakatingin din sa amin ni Thrunder. "Let's go to my room, I will show you my big room!" masaya niyang sabi. Hinayaan ko siyang hilahin ako papunta sa kwarto niya.

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa kwarto niya ay bumungad sa akin ang kulay yelow na paligid. He's favorite color is yellow? Maraming laruan, hinila niya rin ako sa malaking walk-in close ngunit hindi damit ang nakalagay roon kundi ibat'ibang klaseng laruan. Halos manlaki ang  mga mata ko sa tuwa nang makita kung gaano kalaki ang kwarto ng anak ko. 

"Do you like it?" Tumango ako at ngumiti sa anak ko nang magtanong siya. 

"Ang ganda, mahilig ka pala sa robots at mga tiy cars?" Nakangiti kong tanong, tumango naman siya. 

"Yes! Daddy gave me all of these, kapag wala akong kasama maglaro sa labas dito po ako naglalalro sa kwarto ko. Wait, I'll show my friend here!" Kumunot ang noo ko nang lumayo siya sa akin, tumakbo sa gilid ng kama niya at may kinuhang isang remote. 

Friends? Remote ang kaibigan niya? "Ipapakilala po kita kaibigan ko, siya po ang palagi kong kalaro!" Hindi pa rin mawawala ang saya sa kanyang boses at mukha. Nagulat ako nang may biglang tumunog, lumingon ako sa banyo at lumabas doon ang isang malaking robot. Ka-height lang din ng tao. 

Hindi ko maiwasan ang hindi mamangha. Grabe! Ganito kagaling maging ama si Tucker? "Mommy Klai, meet my friend, Lindsay!" Dahan-dahan akong bumaling sa anak ko nang banggitin nia ang pangalawang pangalan ko. Tama ba ang narinig ko. 

Yeah, the robot is a girl pero mas lalo akong nagulat na kapangalan ko ito. "What's her name? Lindsay?" tanong ko at tumango naman ang anak ko bilang sagot.

"Yes, Daddy named her that. I don't know why but I kinda like it!" Malapad ang ngiti niya nang sabihin niya iyon. Napaiwas ako ng tingin dahil sa sinabi niyang gusto niya ang pangalan ng robot, pakiramdam ko ay nagustuhan niya na rin ako. 

"Thrunder, son? Maglaro muna kayo ni Li-lindsay. Kakausapin ko lang si Mommy Klailea mo ha?" Bumaling ako kay Tucker nang pumasok din siya sa kwarto. Tumango naman si Thrunder sa kanya at naglaro na nga sila ng robot. Kumunot ang noo ko kay Tucker kung ano ang pag-uusapan namin. "Can we talk in my room---"

"In your room? Pwede naman sa sala mag-usap tayong dalawa, bakit sa kwarto mo pa?" Mabilis kong sabi at lumabas sa kwarto ng anak ko. Naglakad ako ulit patungko sa sala at umupo sa couch. Bakit sa kwarto niya pa? Pwede naman kasing dito na lang.

"I have something to show you too---"

"Ano iyon? Pwede mong dalhin na lang dito, ayaw kong pumunta sa kwarto mo. Bakit? May robot din ba roon?" Kumunot ang noo ni Tucker sa akin. Ewan ko ba, parang nakakatakot pumunta sa kwarto niya.

"You seems scared, wala naman akong gagawin sa'yo. Come here." Hindi agad ako nakakilos nang hawakan niya ang kamay ko at hinila papunta sa kwarto niya. Hindi ko rin alam kung bakit agad akong sumunod, tila ba nanghihina ako sa kamay niya na humawak sa kamay ko. "Don't worry, wala akong gagawin sa'yo." Lumunok ako ng dalawang beses at umiwas ng tingin sa kanya hanggang sa nakapasok na kami ng tuluyan sa kwarto niya. 

Pumikit ako nang bumungad sa akin ang amoy sa loob ng kwarto niya, naalala ko pa rin ang amoy na ito. Ilang taon na ang lumipas ay hindi pa rin siya nagbabago ng pabango sa loob ng kwarto? "Here." Agad akong nagmulat at gulat na tumingin sa kanya nang magsalita siya. 

Tiningnan ko lang siyang naglakad sa cabinet niya at hinayaan na may kunin doon. "Ano bang ipapakita mo sa akin?" I asked. Kinakabahan na nga ako na nasa loob kami ng kwarto niya. Alam kong matagal na ang panahon at nagkaroon kami ng anak ngunit sa panahon na lumipas at may nangyari ulit sa amin ni Tucker, hindi pa rin nawawala ang kaba ko sa tuwing kaming dalawa lang ang magkasama. 

"Ano ito?" Nagtataka akong tumingin sa kanya nang may iabot siya sa aking malaking box na tama lang para madala ko. 

"Open it," he said. Tiningnan ko muna siya bago ko tuluyang buksan ang box na binigay niya hanggang sa nanghina ako at napaupo sa kama niya. Naramdaman kong tumabi siya sa akin, "remember this? Tinago ang damit na suot ni Thrunder noong araw na iniwan mo siya sa labas ng bahay. Nakakatawang isipin kung bakit ko pa ito tinago." Bumaling ako sa kanya nang hawakan niya ang damit ng anak namin. "Nagbabasakali ako na bumalik ka at gusto ko sa pagbalik mo, maibigay ko ito sa'yo hindi para ipaalala sa'yo kung paano mo kami iniwan ng anak mo kundi ipaalala na iniisip pa rin kita at nagpapasalamat akong ibinigay mo si Thrunder sa akin."

Hindi ako makapagsalita, pinagmasdan ko lang siyang nagsasalita at bakas sa mukha niyang malungkot siya kahit na nakangiti ng tipid. "My son is a blessing to me, I've change a lot not just as a person pero siya mismo ang nagturo sa akin kung paano maging mabuting ama at ina sa kanya. Kilala ka niya kahit hindi niya alam ang pangalan ng mama niya, I always tell him about you dahil ayaw kong makalimutan ka niya. It's funny to think na ikaw pa rin ang iniisip ko sa kabila ng lahat ng ginawa ko, I wonder kung ganoon din ka rin ba, minsan ba iniisip mo rin ako hindi lang ang anak ko?" 

Natahimik siya pagkatapos niyang sabihin iyon, wala akong masabi kundi nakatingin pa rin ako sa kanya. Nasasaktan ako sa mga pinagsasabi niya, pakiramdam ko talaga napaka walang kwentang tao ko. He smiled and hel my hand. Hinawakan ko rin ang kamay niya, alam ko na kung bakit ko rin gustong makasama si Thrunder dahil gusto ko rin makasama si Tucker ulit. 

Tumingin siya sa akin nang hawakan ko ang pisngi niya. "Hindi ko alam kung ilang sorry pa ang sasabihin ko para mapatawad ninyo ako ni Thrunder ngunit gagawin ko ang lahat para bumawi sa kanya at...sa'yo na rin. Alam kong mahirap gawin, mahihirapan kang pagkatiwalaan ulit ako pero Tuckers, totoo ang sinasabi ko na walang araw na hindi ko kayo iniisip. I'm sorry..."

Hinawakan niya rin ang pisngi ko at nararamdaman ko ang hininga niya mula sa kanyang bibig, pumikit ako ng dahan-dahan at naramdaman ko na lang na dumapo ang malambot niyang labi sa labi ko. After a seconds, tumugon ako sa halik niya. 

"I still love you, Klai. Kahit ilang beses kong gusto kang kalimutan at maparusahan sa ginawa mo, mahal na mahal pa rin kita."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.