Chapter Raphael, Sunset Shadow: Chapter 21

Mahabang sandaling hindi nagsalita si Raphael. Nanatili lang itong nakatalikod sa kanya. Ang tanging maririnig lang ang ay mahina niyang hikbi. May pag-asa pa ba ang relasyon nila ni Raphael. Paano pa siya nito pagkakatiwalaan?

Isang malakas na katok ang pumunit sa katahimikan nila. Pagbukas ni Raphael ay pumasok agad si James. “Kuya, may naghahanap sa iyong pulis sa labas. Gusto ka daw nilang makausap.”

Dali-daling lumabas si Raphael. “Anong problema, Sir?”

“Sir, may nag-report po sa amin. Nakita daw nilang hinarang ang van ninyo at sinaktan ang mga sakay doon. Nasa ospital na po ang driver ninyo at bodyguard. Pareho po silang may tama ng bala sa balikat. Habang si Mrs. Imelda Almenderos na sakay din ng van ay nawalan ng malay dahil pinukpok ng matigas na bagay sa ulo.”

“A-Ang anak ko pong si Lawrenz? Kasama po siya sa van.”

“Kinuha po ang anak ninyo ng mga lalaking naka-bonnet. Kasalukuyan na po naming pinaghahanap ang lokasyon niya.”

“Raphael!” Yumakap agad siya dito. “Si Lawrenz. Baka kung ano na ang gawin sa kanya ng mga lalaking iyon.” She remembered that time when Raphael was kidnapped as a young boy. Pati pa si Lawrenz ay dapat dumanas niyon?

“Hahanapin natin siya. He will be safe,” pang-aalo nito sa kanya. Maya maya pa ay nag-ring ang cellphone nito;. “Hello. Dela Merced!” Nagdilim ang mukha nito. “Hindi ka talaga lumalaban ng patas. Ibalik mo ang anak ko.”

Inagaw niya ang cellphone mula kay Raphael. “Oscar, please! Huwag mong sasaktan ang anak ko.”

Humalakhak ito na parang demonyo. He knew that they were in the mercy of his hands. “Pumunta kayong mag-asawa sa address na ito kung gusto pa ninyo na mabawi ang anak ninyo.”

TAHIMIK si Raphael habang bumibiyahe sila papuntang location na ibinigay ni Oscar. Sa kabila ng bilin ni Oscar, humingi pa rin ng tulong si Raphael sa mga awtoridad. Di daw ito susugod nang walang laban.

Matinding takot ang nararamdaman niya. Naalala pa niya ang kwento ni Raphael nang ma-kidnap ito at mamatay ang daddy nito. Ayaw niyang mangyari iyon sa mag-ama niya. Ayaw niyang mawala ang sinuman sa mga ito. Ang mga ito ang pinakaimportanteng tao sa buhay niya.

Subalit iba na ang sitwasyon nila. Alam na ni Raphael na di nila tunay na anak si Lawrenz. Galit din ito sa kanya dahil sa paglilihim niya dito.

“Raphael, I am sorry if I lied to you again.”

“Hindi mo naman kailangang mag-sorry. Sinunod mo lang naman ang bilin sa iyo ni Avon, hindi ba?” anito at nananatili ang kaseryosohan.

“Maiintindihan ko naman kung hindi mo sasagipin si Lawrenz. After all, he is not your real son. Ako na lang ang bahalang humarap kay Oscar.”

“Sa palagay mo ba hahayaan kitang humarap mag-isa sa kanya? At bakit hindi ko sasagipin si Lawrenz? He is my son. Our son. Tayo ang kinilala niyang magulang niya. Wala akong pakialam kung sino ang totoong magulang niya. I won’t let anybody harm him. Mahal ko siya dahil mahal mo siya.”

Napaluha siya. Nabawasan ang alalahanin niya. “Thank you.”

“Marami tayong dapat pag-usapan, Zygryd. Oras na maibalik ko sa atin si Lawrenz, kung kailangang dalhin ulit kita sa isolated na lugar gagawin ko basta masabi lang natin ang lahat ng gusto nating sabihin sa isa’t isa.”

“Hihintayin ko iyan,” aniya at pumikit para manalangin sa kaligtasan nilang lahatl. Gusto niyang manatiling buo ang pamilya niya. Matapos iyon, gusto pa rin niyang makapiling ang mag-ama niya.

Sa isang liblib na lugar ang address na ibinigay ni Raphael. Nauna silang bumaba ng sasakyan habang nagtigilan sa di kalayuan ang mga mobile patrol na kasama nila. Nagkanya-kanya na ito sa pagpalibot sa lugar.

Nang pumasok sila ng compound ay sinalubong na agad sila ni Oscar at nakahanda na rin ang mga tauhan nito na pawang armado.

“Welcome!” anito at yumuko.

“Tama na ang paglalaro mo. Nasaan na ang anak ko?” tanong ni Raphael.

“Easy. Masyado ka namang nagmamadali.” Napailing si Oscar. “Hindi ka sumunod sa instruction ko. Sabi ko walang pulis, hindi ba?”

“I don’t care about your instructions. Just bring my son back!” sigaw ni Raphael. Nararamdaman niya na gustong-gusto nitong sugurin na si Oscar. Kung lalaki lang kasi na totoo si Oscar, hahamunin na lang siguro ito ni Raphael ng suntukan. Hinding-hindi ito uurong tiyak. Si Oscar lang ang duwag.

“Nasa bahay sa likuran ko si Lawrenz. Nag-e-enjoy siya sa paglalaro ngayon.” Itinaas ni Oscar ang isang kamay. May hawak itong maliit na remote controlS. “Huwag kang gagalaw ng masama. Dahil oras na gumalaw ka at di ko magugustuhan, sasabog ang bahay na iyon kasama ang anak mo.”

Nasapo niya ang dibdib sa sobrang pagkagimbal. “Oscar, ano ba talaga ang gusto mo? Huwag mo naman sanang idamay ang anak ko.”

Humalakhak si Oscar. “Iyan ang gusto ko. Ang maging miserable kayo. Lalo ka na, Raphael Lizardo. Nagagawa mong magsaya samantalang sinira mo naman ang buhay ko. Inagaw mo sa akin si Avon. Pati ang negosyo ko sinira mo. While you have a happy family. Magandang asawa at anak. That is not fair!”

“Wala na akong kasalanan doon, Oscar. Ikaw ang sumira sa buhay mo,” anang si Raphael at walang takot na sinalubong ang tingin ni Oscar.

Lalo lang nag-ulol sa galit si Oscar. “Hindi! Ikaw ang may kasalanan.”

Sa palagay nga niya ay nababaliw na ito. he was desperate to get even. Isa-isa nang nilulusob ang mga warehouse nito at nire-raid ang mga marijuana plantation. Isa-isa na ring nahuhuli ang mga kasabwat nitong opisyal sa gobyerno. Kaunti na lang at tuluyan na itong mabubulok sa bilangguan.

“Pakawalan mo na ang anak ko. Ako na lang ang patayin mo. Tutal sa akin ka naman galit, hindi ba?” hamon ni Raphael.

Humawak siya sa braso nito at umiling. “Raphael, no!”

Hindi siya papayag na mawala ang sinuman sa mag-ama niya. Mas gugustuhin niyang siya na lang ang mawala. She didn’t want to go through something awfully painful as losing a loved on right infront of her.

“Akala mo patatakasin kita, Raphael?” nakangising tanong ni Oscar. “I will never give you that satisfaction. Gusto kong makitang maging miserable ka. Kung paanong mabuhay na parang patay na. Mamatay man ako ngayon, gusto kong matiyak na mas magiging miserable ka dahil sa akin.”

“Oscar, huwag mong sasaktan si Lawrenz. Oras na patayin mo siya, sariling anak mo na ang pinatay mo,” kumpisal niya. “Anak mo si Lawrenz.”

Bumakas ang pagkalito sa mukha nito. “Niloloko ba ninyo ako?”

Umiling siya. “Iyon ang totoo.”

Bahagyang umurong si Oscar. “Hindi. Nilalansi lang ninyo ako para pagbigyan ko kayo. Hindi ninyo ako mapapaikot. Kahit kailan walang nakauto sa akin kahit na si Avon. Kaya siya tumakas dahil alam niyang mas matalino ako sa kanya.”

“Nang tumakas si Avon, buntis na siya sa anak ninyo,” wika ni Raphael.

“Anak namin o anak ninyo?” tanong ni Oscar. “Akala mo ba hindi ko alam na pinagtataksilan ninyo akong dalawa.”

“Natapos na ang relasyon namin nang ikasal kayo,” sagot naman ni Raphael. “Alam mismo ni Avon na si Zygryd ang mahal ko. Walang nangyari sa amin. At bago siya mamatay, ibinilin niya si Lawrenz kay Zygryd. At mahigpit na ibinilin ni Avon na huwag ipagsabi ni Zygryd kahit na kanino ang lihim na iyon.”

“Tapos na ba kayong dalawa sa pagdadrama ninyo?” tanong ni Oscar.

HIndi pa rin naniniwala si Oscar sa kanila. Paano nga ba itong maniniwala sa kanila kung nabuhay ito sa kasinungalingan at panloloko?

Malapit na siyang mawalan ng pag-asa. Di niya isusuko si Lawrenz kay kamayatayan kahit na anong mangyari. “Oscar, hindi mo ba nararamdaman na anak mo si Lawrenz? Anong nararamdaman mo tuwing nakikita mo siya? Wala ka bang nararamdaman na lukso ng dugo sa kanya?”

“Wala akong alam sa sinasabi mo!”

“Di man naiintindihan ni Lawrenz, alam kong naramdaman niya na may koneksiyon kayong dalawa. Lagi siyang nagtatanong noon kung magkikita pa kayo. Alam kong naramdaman mo rin iyon.”

Unti-unting natanggap ni Oscar ang katotohanan ng sinabi niya. Napaluhod ito sa labis na panlulumo. “May anak ako? Anak ko si Lawrenz?” Nabitiwan nito ang remote sa damuhan. “Muntik ko nang patayin ang anak ko?”

Nagimbal ang mundo nito na malamang may anak pala ito. Subalit mas malaking pagkayanig ang naramdaman nito nang malamang ang batang muntik na nitong patayin ay sarili nitong anak. Malungkot marahil ang buhay nito dahil wala itong pagkakataon na mahalin ng sinuman.

Maagap na sumugod ang mga pulis upang disarmahan ito at posasan si Oscar maging ang mga tauhan nito. Hindi man lang ito pumalag. Marahil ay tinanggap na nito ang pagkatalo nito. “Huwag ninyong sasaktan si Lawrenz! Ibalik ninyo siya sa mga magulang niya!” sigaw ni Oscar sa mga tauhan.

“Dalhin na iyan sa station,” utos ng head ng rescue team.

Nagpasalamat sila sa mga pulis na tumulong sa pagre-rescue. Maaring iba ang kinalabasan ng lahat kung sila lang ni Raphael ang sumugod.

Malungkot lang na nakatunghay sa kanila si Oscar. Nasa anyo nito ang pagkatalo. “Zygryd, ingatan ninyo si Lawrenz. Ingatan ninyo ang anak ko.”

“HIndi mo na kailangan pang sabihin. Gagawin talaga namin iyon,” wika niya.

“At huwag din ninyong ipapaalam sa kanya kung ano ang tunay niyang pagkatao. Mas mabuti na ang buhay niya sa inyo,” bilin nito at inakay na ito palayo ng mga pulis.

She felt sorry for him. Ni hindi na nito matatawag na anak si Lawrenz. HIndi nito mahahawakan o mahahagkan man lang. Pero nagpapasalamat na rin siya dahil ang pagkaama ni Oscar ang sumagip sa kanilang lahat.

“Mommy! Daddy!” sigaw ni Lawrenz at tumakbo palapit sa kanila.

“Lawrenz!” Mahigpit niya itong niyakap. “My baby!”

Di niya mapigilang mapaluha. Akala niya kanina ay mawawala na ito sa buhay niya. Nagpapasalamat siya sa Diyos dahil naibalik pa rin ito sa kanya. Di man niya ito anak sa dugo, mahal pa rin niya ito bilang tunay na anak.

Ginulo ni Raphael ang buhok ni Lawrenz. “Hindi ka ba nila sinaktan?” Hindi man ito mukhang emosyonal, naulinigan niya ang panginginig ng boses nito. Nakadama rin ito ng takot sa muntikang pagkawala ni Lawrenz.

“HIndi po. Naglalaro nga lang po ako. Saka mabait po si Tito Oscar. Gusto kong mag-thank you dahil hinayaan niya akong maglaro sa toy room niya,” inosenteng wika ni Lawrenz. “Para daw po sana iyon sa anak niya kung nagkaroon siya ng anak. Nasaan na po pala siya?”

Binuhat ni Raphael si Lawrenz. “Nasa malayo na si Tito Oscar. Pero pwede mo naman siyang sulatan para magpasalamat ka sa kanya.”

Kumislap ang mga mata ni Lawrenz. “Gusto ko po iyon!” Di pa rin maikakaila ang koneksiyon nito kay Oscar. Iyon na lang marahil ang pinakamabuti nilang magagawa ni Raphael para sa mga ito.

“Umuwi na tayo,” yaya niya sa mag-ama.

Inakbayan siya ni Raphael at hinalikan ang buhok niya. He didn’t have to say anything. Alam niyang masaya itong uuwi sila na buo ang pamilya nila.

MAINGAT na kinumutan ni Zygryd ang himbing na himbing na si Lawrenz at kinintalan ng halik sa noo. Sa wakas ay tapos na ang mahabang araw na iyon. Nakakulong na si Oscar at ang mga tauhan nito. Binigyan na rin nito ang mga protector ng droga na kaalyado nito. Isang malaki iyong tagumpay sa PDEA. Mababawasan na ang malaking galamay ng droga sa bansa.

“Sana hindi siya na-trauma sa nangyari,” bulong niya.

Nakamasid lang si Raphael habang nakasandal sa tabi ng pinto. “He thought it was only a game. Iyon naman ang sinabi sa kanya ni Oscar and he bought it.”

Inakay siya nito papunta sa kuwarto nila at saka siya niyakap. “Akala ko kanina katapusan ko na. Na baka di ko na kayo makita ni Lawrenz.”

“I feel the same way. Kung interesado rin sana si Oscar sa buhay ko, willing akong makipagpalit. Alam ko magiging miserable ang buhay ko oras na isa sa inyo ni Lawrenz ang nawala. Hindi ko kakayanin iyon.”

Kinintalan nito ng halik ang noo niya. “Ayaw ko rin naman na mawala ka sa akin. I didn’t know how I was able to survive all those years without you in my life. Ang gusto ko na lang noon pumasok sa isang misyon na di ko na pwedeng labasan para di ko na kailangan pang gumising kinabukasan at wala ka pa rin sa buhay ko.”

“We survived it because we know there will come a time that we can be together. Thank you for not letting me go. Salamat din dahil tinanggap mo pa rin kami ngayon ni Lawrenz kahit di mo siya tunay na anak.”

“Shhh..” saway nito sa kanya at pinigilan ng daliri ang labi niya. “Huwag mo nang sabihin iyan ulit. Lawrenz is our son. Walang nagbago. Alam ko na kung bakit tayo ang pinili ni Avon na maging magulang ni Lawrenz. Ayaw niyang maging miserable ang buhay ni Lawrenz kay Oscar.”

“Wala na akong oras para magalit. Sa palagay ko kasi inagaw lang kita kay Avon. Na-guilty ako dahil hindi kayo naging masaya dahil sa akin. Hindi ko tuloy maintindihan kung bakit kailangan niyang magsinungaling sa akin. Bakit sinabi niyang anak ninyo si Lawrenz?”

Dahil alam niyang kaya natin siyang bigyan ng pagmamahal. Lalo ka na. Tinanggap mo siya kahit na inakala mong anak ko si Lawrenz at naging anak ko siya kay Avon kahit na may relasyon tayo. Kung si Oscar ang sinabi niyang ama ni Lawrenz, baka itapon mo lang iyong bata sa dagat.”

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagawa niyang tumawa. “Aaminin ko na nasaktan pa rin ako. Nagseselos ako dahil alam ko na siya ang una mong minahal.”

“Minsan iniisip ko kung mahal ba talaga ako ni Avon. She was forever trying to compete with you. Ikaw naman talaga ang gusto ko. Pero dahil bodyguard mo pa ako noon, hindi pwede. At dahil malapit tayo, gumawa din ng paraan si Avon para mapalapit sa akin. She was sad and lonely. Marami siyang tinatakasan sa buhay. It was my hero complex that fell for her instead.”

“Yes. The hero complex. Sumugod ka pa sa isla para sa kanya noon.”

“Akala ko kasi kaya ko siyang sagipin. Pero ipinagulpi lang niya ako. Ayaw lang siguro niyang makasagabal sa pagtulong sa daddy mo kaya ipinakita niya na nasa kay Oscar na ang loyalty niya. You are the only one who stood up for me. The hero complex wore off. Sabi ko mas gusto ko ang babae na mamahalin ako di dahil sa kaya kong gawin para sa kanya. I just want a woman who is willing to stand up for me. Iyong matapang at walang takot. That’s you.”

“I thought you don’t really love me. Kasalanan ko na kasi pakialamera ako. Binasa ko kasi ang sulat sa iyo ni Avon at nagselos ako.”

“Kasalanan ko rin. Dapat sinabi ko sa iyo ang tungkol doon. Ayokong magalit ka pa kay Avon. You didn’t confront me about it. Sana naipaliwanag ko.”

Yumuko siya. “Natatakot lang ako na sabihin mo mismo na si Avon ang totoong mahal mo at hindi ako. Kaya nagtira ako sa sarili ko kahit na pride. I left. I hope you’ll forgive me.”

Inangat nito ang mukha niya. “Basta mula ngayon, totoo na ang lahat ng sasabihin mo. At aminin mo na rin sa akin ang lahat ng kasinungalingan mo.”

She met his eyes. “I only have one truth to tell. Sana lang maniwala ka sa akin. I love you, Raphael Madrigal Lizardo. I always do. Kahit noong Lander Estrella ka pa. Saying I don’t love you is the biggest lie in my life. It broke our hearts and tore us apart. And I won’t commit the same mistake ever.”

“Kaya siguro ako nasaktan noon dahil nararamdaman ng puso ko na mahal mo ako. At mahirap para sa akin na tanggapin na nagsisinungaling ka lang.”

Yumakap siya sa baywang nito. “No more lies from now on. Kung kailangang maya’t maya kong sabihin na “I love you”, gagawin ko.”

Hinaplos nito ang pisngi niya. He was staring at her as if she was the most beautiful girl in the world. “Ayoko nang basta “I love you” lang.”

The kiss he gave her made her shine more than the setting sun. Tomorrow would be another day and another start for both of them. But for now, they didn’t mind if the whole Sagada would witness how much they love each other.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.