Chapter Raphael, Sunset Shadow: Chapter 20

Paggising ni Zygryd ay wala si Raphael sa tabi niya. Madaling-araw pa lang noon. Sa tingin niya ay alas kuwatro pa lang nang umaga.

“Raphael,” tawag niya dito. Nang lumabas siya ay naabutan niyang nasa sala ang halos lahat ng miyembro ng pamilya at mukhang may masinsinang pinag-uusapan. “Anong nangyari?” tanong niya at kinusot ang mata.

“May bomb threat sa Lizardo Bus!” sagot ni Fawna. “May tumawag sa opisina natin sa Baguio. Kaya naka-alert ang lahat.”

Nawala bigla ang antok niya. “Sino ang responsible? Terorista? Kalaban natin sa negosyo? May nakaaway ba tayo?” sunud-sunod niyang tanong. “Baka prank call lang iyon. Should we believe it?”

Nilapitan siya ni Raphael. “Matulog ka na. Kami na ang bahala dito. We are trying to gatekeep the news para walang makaalam. We are planning to tighten the security to ensure the safety of the passengers.”

Mukhang seryoso nga ang threat at di lang gawa ng isang luku-luko. “Teka, kung hihigpitan ninyo baka mag-panic sila. Mabuti nga sana kung di iyon makakalabas sa media. Pero kahit ano pang gawin, tiyak na masisira ang operasyon. The safest way is to cancel the bus operations for now.”

Napatingin tuloy sa kanya ang lahat habang nakikinig sa argumento niya. “Maraming pasahero ang umaasa sa atin, Ate Zygryd,” katwiran naman ni Klein. “Sa ngayon kailangan lang ng mahigpitang pagche-check ng bagahe. Pero sa dami ng bus natin, kailangan natin ng extra security o kaya extra training sa mga konduktor at driver. We have to be vigilant. Mahirap nang may mapahamak.”

Inakay siya ni Raphael pabalik sa kuwarto. “It is okay now. Everything is under control. Pwede ka nang matulog.”

“Hindi ba ako pwedeng tumulong?” Gusto niyang nasa tabi lang siya ni Raphael sa mga mabibigat na problema tulad niyon.

Kinintalan siya nito ng halik sa noo. “You have nothing to worry about. Ayoko paproblemahin ka pa. Kaya na namin ito.”

Hindi rin siya makatulog kaya binantayan na lang niya si Lawrenz. Bakit pa kailangan mangyari ang gulong iyon? Natatakot tuloy siya sa seguridad ng lahat. Kung sinuman ang may gawa ng gulo sana ay tumigil na.

Malapit na siyang maidlip nang mag-ring ang cellphone niya. “Hello!”

“Nakakatulog ka ba nang mahimbing, Zygryd?”

Kinabahan siya. Di kasi niya gusto ang tono ng tumawag lalo na’t hindi niya ito kilala. “Sino ka? Paano mo nakuha ang number ko?”

“I am Oscar dela Merced at madali sa akin na makuha ang gusto ko.”

Nawala ang antok niya nang makilala ito. “Anong kailangan mo?”

“Hostile as ever. Tell your husband to stop interfering with my business. Sa bawat plantation ko na lulusubin niya, sampung bus ang pasasabugin ko. At kapag di pa rin siya tumigil, baka di lang bus ang pasabugin ko,” anito at humalakhak.

Kinilabutan siya sa banta nito. Bago pa siya nakapagsalita ay naibaba na nito ang linya. Sinubukan niyang tawagan muli ang numero pero number not in use na ang nagre-rehistro sa cellphone niya.

Lumabas siya ng kuwarto at tumuloy sa library kung saan nag-uusap sina Raphael at ang pinsang si Klein. “Can you excuse us for a while, Klein?”

“Sure,” anang si Klein at lumabas ng kuwarto.

“Zygryd, di ba makakapaghintay iyan? Seryoso ang pinag-uusapan namin.”

“Seryoso din ang sasabihin ko sa iyo. Tumawag si Oscar dito at sinabi niya na sa bawat plantation niya na lulusubin mo, sampung bus ang pasasabugin niya. O baka hindi lang ang bus ang pasabugin niya.”

Explicit words spit from his lips. “Siya pa ang malakas ang loob na magbanta samantalang siya itong naninira ng buhay ng ibang tao.”

“Bakit ba tayo ang pinag-iinitan niya?”

“Nalaman na niyang ako ang nagbibigay ng intelligence report laban sa kanya. Alam mo ba na ginamit niya ang shipping company ng daddy mo na nai-take over niya at ang sarili nilang freight company para makapag-ship ng drugs? At sinasamantala din niya ang kahirapan ng ibang mga magsasaka para magtanim ng marijuana. Marami siyang sinisirang buhay para kumita ng pera. Hindi ako papayag na ituloy pa niya ang ginagawa niya.”

“Do you really have to interfere, Raphael? It is not your job.”

“Tumutulong lang ako.”

“Pero lahat tayo dito nadadamay. Pati mga inosenteng tao, pwedeng mapahamak. Why are you so hell bent in putting him in jail?”

“Because that is what he deserves.”

“Bakit si Oscar lang ang pinupuntirya mo? Marami namang taong corrupt sa paligid. If you want to play hero, why don’t you put those corrupts in jail as well? Hindi kaya gumaganti ka lang kay Oscar dahil pinakasalan niya si Avon noon? Hindi mo pa rin nakakalimutan si Avon, di ba?”

Magkahalong iritasyon at pagkagulat at bumakas sa mukha ni Raphael. “Ano ba ang sinasabi mo? Patay na si Avon. Wala na siyang kinalaman dito. Huwag mong sabihin na nagseselos ka? This is not the right time for it.”

She felt guilty for a while. Nagseselos siya dahil mas pinahalagahan pa rin nito si Avon. Iniwas niya ang tingin dito. “Nag-aalala lang ako dahil baka pati si Lawrenz mapahamak. Tiyakin mo na di madadamay ang anak natin.”

NASA labas ng classroom si Zygryd at hininintay ang breaktime ni Lawrenz. Mula nang malaman niyang si Oscar ang responsible sa bomb threats sa Lizardo Bus ay halos ayaw na niyang mawalay ang anak niya sa paningin niya. Di siya komportable kahit na may mga bodyguards nang kinuha si Raphael para bantayan sila.

“Mommy, what are you doing here?” nanghahaba ang ngusong tanong ni Raphael. “Ikaw lang ang mommy na nandito.”

“Ayaw mo ba noon? Special ka. Makakasabay mo pa ako habang breaktime mo.” Binuksan niya ang lunch box nito. “I want to make sure that you will eat properly. Ayoko kasi na mangayayat ka.”

“But they will call me sissy.” Itinuro niya ang mga bodyguards. “Bakit po lagi silang nakasunod sa akin?”

“To make sure that you are safe.”

“May mga bad guys po ba? Di ba, ganoon sa movie?”

Matalino ang anak niya. He must be sensing that there was something wrong. “Well, your daddy loves you so he hired people to watch over you.”

“Okay,” anito at sumubo ng sandwich. Mabuti at di na ito nagtanong pa.

Di pa tapos ang breaktime pero nagpaalam na si Lawrenz sa kanya. Gusto pa daw niyang makipaglaro sa mga kaklase. Masaya na siyang pagmasdan ito.

“Siya na ba ang apo ko? Siya na ba ang anak ni Avon?”

Gulat siyang napalingon at nakita si Imelda na nakatayo di kalayuan sa kanya. “Tita, ano pong ginagawa ninyo dito?”

Mahabang panahon niya itong hindi nakita. Huling beses na nagkita sila ay noong bago ito umalis papunta sa Europe. Malaki na ang ipinagbago nito. She looked older than her age. Napakasimple ng damit nito na wala na sa uso. Kulu-kulubot na rin ang dati nitong makinis na balat. Malayo na ito sa matayog na si Doña Imelda.

But there was something that terrified her. Alam nito ang lihim niya.

“Gusto ko lang sanang makita ang apo ko,” anito sa nanginginig na boses.

Nagpalinga-linga siya. “Halika po. Sa ibang lugar po tayo mag-usap.” Mahirap na dahil baka may makarinig sa sinasabi nito.

Nakarating sila sa Alfred’s Restaurant. Kaunti lang ang tao doon nang mga oras na iyon. Di niya alam kung ano ang gagawin sa tsaa na in-order niya. Ayaw na niyang makita sana si Imelda matapos ang ginawa nito sa Daddy niya. Pero sa pagkakataong ito, di niya ito pwedeng balewalain na lang.

“Paano po ninyo nalaman ang tungkol kay Lawrenz?” tanong niya.

“Nakita ko nang dalawin ninyo si Avon sa sementeryo. Paalis na kayo noon at nakita kong akay-akay mo si Lawrenz. Nang makita ko siya, alam ko na agad na anak siya ni Avon. Parehong-pareho sila ng mata,” puno ng emosyon nitong wika. “Kaya naman ipinagtanong ko kayo. Naawa si Turing sa akin kahit paano. Sinabi niya kung saan kayo matatagpuan at pinahiram niya ako ng pera.”

“Sa akin po ibiniln ni Avon si Lawrenz. Ako po ang legal na ina niya.” Hindi siya papayag na may ibang umagaw sa anak niya. Kanya lang si Lawrenz.

Mapait na ngumiti si Imelda. “Galit sa akin ang anak ko. Sabi niya hindi niya ako mapapatawad. At kapag nagkaapo daw ako, di niya ipapakilala sa akin.”

“Si Avon ang naghirap dahil sa mga kasalanan ninyo.”

Napaluha si Imelda, bakas ang matinding pagsisisi. “Wala akong kwentang ina. Nang mawala sa akin ang lahat, pakiramdam ko wala na ring halaga ang buhay ko. Mahirap na ako, Zygryd. Walang-wala. Nakikitira na lang ako sa barong-barong. Wala na rin akong pag-asa sa buhay. Hinihintay ko na lang na mamatay ako. Pero nang makita ko si Lawrenz, nagkaroon ako ng pag-asang mabuhay.”

“Tita, please! Tahimik na po ang buhay namin. Ito ang gustong buhay ni Avon para sa anak niya. Ayoko ng gulo.” Oras na malaman ni Raphael ang katotohanan, tiyak na masisira ang pagsasama nila. She couldn’t risk that.

“Hindi ako manggugulo. Hayaan mo lang na makasama ko ang apo ko kahit sandali. Alam kong wala akong karapatan na humiling pagkatapos ng mga kasalanan ko. Pero matanda na ako. Gusto ko lang nang kaunting kaligayahan.”

Di siya maramot na tao. Kung tutuusin ay may karapatan si Imelda kay Lawrenz dahil ito ang tunay na lola. “Titingnan ko po kung anong magagawa ko.”

“ANONG ginagawa ni Doña Imelda dito?” tanong ni Raphael sa sinikong tono. Hindi maipinta ang mukha nito dahil nakita nitong magkalaro sina Imelda at Lawrenz sa may lawn. Nakita naman niya na nakabuti sa kay Doña Imelda na makasama si Lawrenz. Mukhang bumata ito. Malungkot nga marahil ang buhay nito.

“Dumadalaw lang siya,” sagot niya habang inaayos ang damit nito sa closet. Di nga lang siya makatingin nang diretso dito. Inayos na niya ang isang linggong pananatili ni Imelda sa Sagada. Binayaran na niya ang upa nito sa Sagada Guesthouse. Nais naman niyang maging komportable ito habang naroon.

“At ano naman ang kailangan niya?”

“Humingi siya ng tawad. At gusto rin niyang makasama si Lawrenz.”

Lalong nagdilim ang mukha ni Raphael habang isinusuot ang polo nito. May importante itong meeting sa mga staff ng Lizardo Bus. HIndi pa rin kasi nawawala ang threat. Unti-unti na iyong naili-leak sa media at makakasama iyon sa negosyo.

“Sana huwag na siyang sumabay sa maraming problema. I want her to stay away from my son,” mariin nitong wika.

“Masaya na siyang makita si Lawrenz. Matanda na siya at gusto lang naman niya na makasama ang apo niya.”

Hinarap siya ni Raphael. “Hindi niya apo si Lawrenz. Hindi sila magkaano-ano. Do me a favor. Ayoko na ng dagdag na problema. Kapag may nangyaring hindi maganda sa anak ko.” Mariing nagdikit ang labi nito. “I swear!”

Nasaktan siya dahil parang pati sa kanya ay galit ito. Nakayuko siya habang nakaupo sa kama. “Ano bang nangyayari sa atin, Raphael?” Kahit sila ay nagtatalo na rin. Ni hindi na sila nagkakatulungan sa problema.

Niyakap siya nito. “I am sorry. Masyado lang maraming problema ngayon. Hindi ko na alam kung paano aayusin. Don’t worry. This will be over soon.”

Humilig siya sa balikat nito. She had her own problems to face. Di rin niya alam kung ano ang solusyon sa problema niya. Oras na malaman ni Raphael ang totoo, hindi na siya nito mapapatawad pa kahit kailan.

“MOMMY, pwede po ba kaming mamasyal ni Doña Imelda sa town?” untag sa kanya ni Lawrenz. Kasalukuyang binabasa ni Zygryd ang business proposition ni Reggie na magtayo sila ng bookstore o kaya ay antique shop. Kailangan marahil niya ng ibang mapagtutuunan ng atensiyon dahil di niya maharap nang maayos ang pagsusulat. Stressed out na rin siya dahil hanggang ngayon ay naroon pa rin ang nakaambang panganib di lang sa Lizardo Bus kundi pati sa lahat ng miyembro ng pamilya nila.

“Mag-iingat kami,” wika ni Imelda.

“Sige po. Pero bumalik po kayo agad.”

Pinasama niya ang bodyguard at ihinatid din ang mga ito ng driver. Halos di na rin niya maasikaso si Lawrenz dahil sa problema. Mabuti at nariyan si Imelda upang aliwin ito. Nakita niya ngayon ang pagmamahal ni Imelda sa kay Lawrenz. Mukhang dito ito bumabawi sa pagkukulang nito kay Avon.

Maya maya pa ay dumating si Raphael. “Nasaan si Lawrenz?”

“Namasyal lang sa bayan kasama si Tita Imelda.”

Nagdilim ang anyo ni Raphael. “Sinabi ko na sa iyo na huwag siyang palalapitin sa anak ko. I don’t trust her. Parang hindi ka na nadala sa ginawa niya sa daddy mo at kay Avon.”

“Pero matanda na siya…”

“I don’t care. Wala siyang karapatan sa anak ko. Di sila magkaano-ano. She made your family miserable. Ano ang dahilan niya para pumasok sa buhay ng anak natin? Hindi ko maintindihan kung bakit mo pa siya pinapayagan.”

“Raphael, please!” Hindi na niya alam kung ano pa ang ikakatwiran dito.

“Kung hindi mo maipapaintindi sa kanya na ayaw natin na nandito siya, ako mismo ang magsasabi sa kanya.”

Pinigilan niya ang kamay ni Raphael. “Apo niya si Lawrenz.”

Bigla itong lumingon sa kanya. “Ano?”

Huminga siya nang malalim kahit parang sasabog na ang baga niya. “Anak ni Avon si Lawrenz. Anak ninyo.”

Natigagal si Raphael. “H-Hindi mo anak si Lawrenz?”

Di niya mapigilan ang pag-agos ng luha. Hindi madaling magtago ng isang malaking sekreto sa loob ng anim na taon. “Nang magtago si Avon sa tulong ni Aling Turing, buntis na siya. Ang sabi niya sa sulat na iniwan niya sa akin, natatakot siyang patayin siya ni Oscar kapag nalamang ipinagbubuntis niya ang anak ninyo. Sa monasteryo siya nagtago. Kakilala ni Aling Turing ang pari doon. Delikado ang pagbubuntis ni Avon. Hindi totoong may sakit siyang leukemia tulad ng sinasabi ng namin. Sinabi na ng doktor na pwede siyang mamatay sa panganganak. Bago siya mamatay, gumawa siya ng sulat. Ipinahanap din niya ako. Sa birth certificate ni Lawrenz, pangalan ko rin ang nakasulat. Patay na si Avon nang dumating ako. Ang tanging naiwan lang sa akin ay sulat na ipinagbibilin niya sa akin si Lawrenz at ayaw niyang may ibang makaalam ng katotohanan kahit na ikaw. Alam niyang magka-hiwalay na tayo. Kaya nakiusap siya na palakihin ko si Lawrenz bilang anak natin.”

Napatiim-bagang ito at nakuyom ang palad. “Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol kay Lawrenz noon pa?”

“Natatakot na baka hindi mo siya tanggapin bilang anak natin dahil matindi ang galit mo sa akin. O kaya malaman mong hindi ako ang tunay na ina niya at ilayo mo sa siya sa akin.” Naisubsob niya ang mukha sa palad at napaiyak. “Napamahal na siya sa akin at ayokong magkahiwalay kami.”

“And all this time, you are cursing me for deceiving you. Iniisip mo na habang may relasyon tayo, may relasyon din kaming dalawa ni Avon.”

Tiningala niya ito. “HIndi ko naman kayo masisisi kung kayong dalawa ang nagmamahalan.” Iyon mismo ang dahilan kung bakit siya lumayo noon.

Inalis nito ang palad niyang nakatakip sa mukha niya. Wala nang galit sa mga mata nito kundi lungkot. “Nagsinungaling si Avon. I am not Lawrenz’s father. We never had that kind of intimacy.”

“Pero nagkikita pa rin kayo kahit na kasal na siya. Ipinakita sa akin ni Oscar ang picture ninyo. At nabasa ko rin ang sulat niya sa iyo na mahal ka pa niya. Hindi ba niyayaya ka pa nga niyang sumama sa pagtakas niya?”

“At iniisip mo na may relasyon kami kaya mo ako iniwan?” Naihilamos nito ang palad sa mukha nito at bumuntong-hininga. “Nirerespeto ko ang kasal ni Avon. Siya mismo ang umamin sa huli na ikaw na ang mahal ko. Pero dahil mababa ang tingin mo sa akin at wala kang tiwala, pinarusahan mo ako sa kasalanan di ko ginawa. Ni hindi mo ako tinanong kung totoo ang mga hinala mo o hindi.”

“Paano ako magsasabi sa iyo kung natatakot akong sa bibig mo mismo manggaling na si Avon ang pipiliin mo? I took the coward’s way out. Akala ko mas magiging masaya na kayo kung mawawala ako sa buhay ninyo.”

Tinalikuran siya nito at idiniin ang noo sa pader. “Look at all these lies. Nakikita mo ba kung paano tayong nasira dahil sa mga kasinungalingan?”

“I am sorry, Raphael. I am sorry for all the lies.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.