Chapter Klein, Kiss of Dawn: Chapter 8

Hindi maialis ni Shandie ang mga mata sa pinto at ang mas matinding pag-aalala sa dibdib. It was supposed to be a perfect night. Katabi niya si Alex at nagpe-perform ang mga guest performers na galing Davao. Pero wala sinuman sa mga ito ang atensiyon niya. “More cherry wine?” alok ni Alex sa kanya. Hindi ito magpe-perform para sa gabing iyon pero sumama ito dahil sa pakiusap niya.

“No, thanks,” tanggi niya. “I’d go for cosmic tea.”

“Parang hindi ka nag-e-enjoy. Don’t you like the performance of the fireball dancer and the singer from Davao? Magagaling sila.”

Pilit siyang ngumiti at muling lumingon sa pinto. “Sorry. I am just worried about Klein and Jade. They are late. Kanina pa nagsisimula ang show.”

“Maybe they want to spend more time alone.”

Kinakabahan siya tuwing hindi nakikita ang dalawa. Pero may magkahalong iritasyon at kurot naman siyang nararamdaman sa dibdib tuwing nakikita niyang masayang magkasama ang dalawa. Ayaw niyang nakikitang masaya ang mga ito.

Tumayo siya. “Excuse me. Hahanapin ko lang sila.”

Pinigilan siya ni Alex. “Stay here, Shandie. They will be here soon. Baka naman may importante lang silang inasikaso.”

“Basta, hahanapin ko pa rin sila,” giit niya at lumabas ng music lounge.

Klein and Jade couldn’t do this to her. Hindi na ba nag-iisip si Jade? Hindi ba nito nakikitang pinaglalaruan lang ito ni Klein? And she must teach Klein a lesson. Hindi nito pwedeng gawing panakip-butas ang kaibigan niya. Dahil siya pa rin ang mahal nito. She won’t allow Jade to fall for him. Klein couldn’t forget her!

Nakasalubong niya si Dianne habang palabas siya. “Shandie!” bati nito.

“Nakita mo ba sina Jade at Klein? Kanina ko pa sila hinihintay.”

“Oo. Kasama ko sila kanina. Look, ang cute pa nga ng kuha ko sa kanila.” Ipinakita nito ang kuha sa video cam. “Nakipaglaro kasi sa amin sila Daloy at Lakbay,” tukoy nito sa dalawang anak ng manager ng Sanctuary. “Wala kasi ang yaya nila kaya nagprisinta kaming magbantay. Tingnan mo. Parang baby nga nila Jade at Klein iyong dalawang bata.”

Parang gusto niyang itapon ang video cam nang makita kung gaano kasaya ang dalawa habang nilalaro ang mga bata. They looked like a real family. An invisible hand painfully grabbed her heart. “Nasaan sila?” tanong niya.

“Nasa playroom ng dalawang bata.”

“Samahan mo ako,” aniya at hinatak si Dianne.

“Dito,” anito at iginiya siya sa taas ng music lounge.

Nang makarating sa taas ay bumungad sa kanya ang kuwarto na may Mickey Mouse poster na nakadikit. Dali-dali niyang binuksan ang pinto. “Jade!”

Natigilan siya nang makitang nakahiga si Klein sa rubber mat. Habang nakadapa dito ang isang taong batang si Lakbay na mahimbing na natutulog. Hindi niya maipaliwanag ang kakaibang init na naramdaman sa puso. Klein looked good with a kid. Hindi niya maisip na bagay sa isang lalaking matangkad at may malaking katawan na tulad nito ang mag-alaga ng bata.

“Shhh!” saway ni Klein sa kanya at inilagay ang hintuturo sa labi. “Huwag kang maingay. Kapapatulog ko lang kay Lakbay.”

“Bakit, Shandie?” tanong ni Jade at lumabas mula sa banyo. May hawak itong feeding bottle na mukhang nililinisan nito.

“Kanina ko pa kayo hinahanap. Naiinip na ako.”

“Pumasok ka muna. Baby sitter pa kasi kami. Walang maiiwan sa mga bata,” paliwanag ni Klein at dahan-dahang bumangon.

Pero hindi niya magawang pumasok sa kuwarto. She was scared. Parang isa iyong kakaibang mundo na para lamang kina Klein at Jade. Paano kung ma-in love si Klein nang tuluyan kay Jade? Ito ba ang makikita niya sa hinaharap? And what would happen to her? She would be alone.

Napasandal siya sa pinto. Naintindihan na niya kung bakit siya nagagalit. Kung bakit siya nasasaktan na makitang magkasamang masaya ang dalawa. Kung bakit natatakot siya na ma-in love si Klein kay Jade. Dahil nagseselos siya. Maybe the attraction she felt for Klein was more powerful than she thought.

“Bumalik ka muna kay Alex. Baka hinahanap ka na noon,” sabi ni Jade at tinulungan si Klein sa paglalapag kay Lakbay sa crib.

Alex? Sa isang iglap ay nawala si Alex sa sistema niya. Samantalang kanina lang ay ito ang gusto niyang kasama. Pero dahil kay Klein ay wala na siyang pakialam pa dito. Mawala na sa kanya si Alex huwag lang si Klein.

“Are you okay?” tanong ni Klein at hinaplos ang pisngi niya.

Napapitlag siya at maang napatitig sa mukha nito. Then reality kicked in. She was in love with Klein. Pilit lang niyang nilalabanan.

“G-Gusto ko nang umuwi. Pwede mo ba akong ihatid, Klein?”

NAKAKABINGI ang katahimikan sa loob ng kotse. Pasimpleng sinulyapan ni Shandie si Klein. Seryosong-seryoso ito sa pagmamaneho. Ni hindi siya nito kinibo mula nang umalis sila sa Sanctuary kanina. Naiwan nila sina Jade at Dianne para bantayan ang dalawang bata. She thought that she would feel better now that she had Klein for herself. Pero kahit katabi niya ito, parang napakalayo naman nito sa kanya.

It was painful to think that maybe it was Jade who was in his mind. Paulit-ulit na umuukil sa isip niya ang masasayang eksena na magkasama ang dalawa. She could still hear their laughter.

Napahikbi siya. It was her fault. Itinaboy niya si Klein palayo. Dahil inisip niya na hindi ito ang lalaking bagay sa kanya. Ilang beses na niya itong sinaktan. Bakit nga naman mamahalin pa rin nito ang isang tulad niya?

“Shandie, what’s wrong?” tanong ni Klein. Narinig pala nito ang pag-iyak niya.

Umiling siya at lalong inilayo ang tingin dito. Kinagat niya ang labi para pigilan ang pag-iyak ngunit kumawala pa rin ang hikbi sa labi niya.

Itinigil nito ang sasakyan at ginagap ang kamay niya. “Come on. Tell me, Shandie,” malambing nitong sabi. “Bakit basta ka na lang nagpahatid sa akin kanina? May nangyari bang masama sa inyo ni Alex?”

Sinulyapan lang niya ito subalit hindi niya magawang magsalita. Hindi niya masabi dito na nasasaktan siya. Na nagseselos siya dahil ang atensiyon nito ay nababaling na kay Jade.

“Klein,” usal niya sa pangalan nito at nagpatuloy sa pag-iyak. Subalit walang mag-iiba kahit sabihin pa niya ang natuklasan. She meant nothing to him now.

He held her in his arms. “It is okay to cry, Shandie. Nandito naman ako para sa iyo,” he said in a comforting voice.

“Sorry.” Sinubukan niyang lumayo dito subalit lalo nitong hinigpitan ang yakap sa kanya.

“Wala akong panyo dahil nabasa kanina. But you can cry on my shirt,” he said and smiled. Humilig siya sa dibdib at pinalaya ang mga luha.

Wala siyang pakialam kung anuman ang nangyayari sa labas. All she cared about was Klein. Na kasama niya ito ngayon. Hindi na ito malalayo sa kanya. She was a fool if she’d let this opportunity pass by. Katulad ito nang gabing magkasama sila sa Batangas. Wala silang pakialam sa mundo. She didn’t have rules and metering stick on love then. Tanging ang nararamdaman lang niya ang hinayaan niyang magpatakbo sa buhay niya.

“Ayokong umuwi sa bahay ninyo nang ganito ang itsura. Can you take me somewhere where I can think?”

“Sure,” sabi ni Klein at ini-start ang sasakyan.

Ipinasok nito ang sasakyan sa Lizardo Farm. Ngunit hindi nila tinahak ang daan papunta sa ancestral house. Sa halip ay tinalunton nila ang ruta kung saan nadadaanan ang maraming citrus fruits. Maya maya pa ay tumigil sila sa isang maliit harap ng isang ethnic house. Sa tulong ng liwanag ng headlight ng sasakyan ay naaninag niyang iyon ay gawa sa pinagpatong-patong na logs na hula niya ay pine wood. Wala ring ilaw kaya hula niya ay walang nakatira.

“We are here,” sabi ni Klein at inalalayan siyang bumaba.

“Nasaan tayo?” tanong niya.

“Nasa dulo tayo ng Lizardo Farm.” Binuksan nito ang pinto ng log house at binuksan ang fluorescent bulb. “Dito kaming magpipinsan nagpupunta noong mga bata pa kami. Tinatagasan namin ang hagupit ng pamalo ni lolo.”

Gawa sa kahoy maging ang loob ng log house. May fireplace din sa isang gilid ng bahay. Napaka-cozy ng lugar. Binuksan niya ang isa pang pinto. It was a porch. Umupo siya sa rocking chair na nandoon.

“Mukhang malayo ito sa ibang bahay.”

Natuklasan kasi niya na nasa slope ng bundok nakatirik ang loghouse. At mula sa porch at tanaw ng maliliit ng ilaw na nagmumula sa kabahayan sa bayan.

“Yeah. Kaya walang makakarinig sa pag-uusap natin kung sakali.”

Inugoy niya ang rocking chair habang nakatingin sa mga ilaw. Parang ganoon din ang pag-asa niya. Aandap-andap. It was worse than finding out that she became infatuated with three guys who were already committed to someone else. Dahil binalewala niya ang nag-iisang lalaking nagmamahal sa kanya.

“Actually, gusto ko lang ng isang tahimik na lugar.”

Umuklo si Klein sa harap niya at ginagap ang kamay niya. “I’m sorry, Shandie. I know you are hurting right now. I could feel your pain.”

Pagak siyang tumawa. “This is nothing, Klein. It is my fault. Kung nag-isip lang sana ako, hindi ako nasasaktan ngayon.”

His finger traced her face. “Kung walang kwenta iyan, hindi ka sana umiyak. Alam ko kung bakit ka nasasaktan.”

Gulat niya itong tiningnan. “How did you know?” Ganoon lang ba kadali dito na malaman? Samantalang ngayon nga lang niya nalaman na mahal niya ito.

“Nalaman mo na rin siguro na babalik na si Rayanne bukas?”

Rayanne? Saglit pa niyang hinagilap sa isip kung sino si Rayanne. Ito nga pala ang girlfriend ni Alex. Iniisip siguro ni Klein na si Alex ang iniiyakan niya. Ni hindi nga niya alam na babalik na ang girlfriend nito. Gusto niyang sabihin dito na hindi iyon ang dahilan ngunit tiyak na maguguluhan ito.

“I don’t really care anymore. Na-realize ko na tama ka. Walang mangyayari sa akin kung ipipilit ko ang sarili ko kay Alex.”

He caressed her hair. “It is not the end of the world, Shandie. Marami pang Alex na dadating,” he said in a comforting voice.

“Pero nag-iisa ka lang.”

Bumadha ang pagkagulat sa mukha nito. “Shandie…”

“I was such a fool, Klein. I neglected you. Samantalang ikaw lang ang nag-iisang lalaki na naka-appreciate nang lahat sa akin.” But she lost him and his love. “I’m sorry for hurting you.”

“I am tough.” Kinabog nito ang sariling dibdib. “Ganoon ako magmahal. Okay lang masaktan. I am willing to give everything for the girl I love.”

“But I don’t deserve your love. Sa halip na pahalagahan ko ang pagmamahal mo sa akin, pinagtawanan lang kita at itinuring na basura. Naging malupit ako sa iyo. Kaya naman naiintindihan ko kung hindi mo na ako mahal. At kung si Jade man ang mamahalin mo, hindi ako tututol.”

Ginagap niya ang kamay nito at ngumiti upang itago ang sakit. Kasalanan naman niya kung bakit nawala ito sa kanya. Sa dami ng sakit na ibinigay niya dito, dapat lang na hangarin niya ang kaligayahan nito.

Tumayo ito at humalakhak. “Shandie, iniisip mo ba na may relasyon kaming dalawa ni Jade? Na in love ako sa kanya?”

“Anong nakakatawa? Lagi kasi kayong magkasama. Tapos mukhang masaya pa kayo. Jade is nice, you know.”

“She is just a friend. Noon pa man ay alam na niya ang istorya natin. Alam mo ba kung paano kami nagkakilala?”

Kumunot ang noo niya. “Paano?”

“Nalaman ko kasi kay Evaine na may kaibigan siyang DJ at columnist na magaling mag-advice tungkol sa love problems. So I seek her advice. Mula noon, naging malapit na kaming magkaibigan. She knows how much I love you. Sabi nga niya, tigilan ko na lang ang kaiilusyon ko sa iyo. Nang sabihin niyang pupunta siya sa Sagada pero may isasama siyang kaibigan, ayoko nga sana dahil tiyak na ima-matchmake lang niya ako. Baka daw sakaling mas bagay tayo.”

She laughed softly. “How ironic! Ako pala iyon.”

“Kaya imposible na mabaling sa iba ang atensiyon ko. Dahil ikaw lang ang babae na hinintay ko. And I am still in love with you.” He held her hand and kissed it. Hindi nga ito nagbibiro. Nakikita niyang mahal nga siya nito.

Nangilid ang luha sa mata niya. “Hindi ko alam kung anong klaseng tao ka. Mahal mo pa rin ako kahit na sinaktan kita?”

Tumango ito. “Gusto na nga akong itulak ni Jade sa bangin para daw matauhan ako. Masokista daw ako. Kahit daw anong logic, hindi uubra sa akin. Kailan ba nagkaroon ng logic pagdating sa pag-ibig? Pero kung naiinis ka sa akin, I can always keep my distance.”

Niyakap niya ito. “No. I want you to stay with me.”

“Are you sure?” paniniyak nito.

She nodded her head and snuggled closer to him. “And if you want, we can continue where we left off. I don’t want to lose you anymore, Klein.”

He smiled then claimed her lips. He drank from her, drawing life from her. She slipped her arms around his neck. They kissed so deeply. Muli niyang naramdaman ang koneksiyon nila sa isa’t isa. Nakadama siya ng panghihinayang sa mga pagkakataon na nawala sa kanila. Why did she deny herself this sweetness? It was so different from what she felt with those guys whom she thought were right for her. What she felt for Klein was more consuming.

She laid her head on his shoulder. He grasped her hands, their fingers intertwined. Katulad ng mga puso nila.

No more Alex. Wala na siyang pakialam sa ibang lalaki. Dahil alam na niya kung sino ang lalaki na gusto niyang makasama.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.