Chapter Klein, Kiss of Dawn: Chapter 9

“Good morning po, Manang Berta!” nakangiting bati ni Shandie nang ito ang mabungaran ito sa kusina.

Dinulutan siya nito ng brewed coffee. “Maaga ka yatang gumising.”

Alas singko pa lang ay gising na siya. “Ayoko pong matulog masyado. Baka marami po akong ma-miss,” makahulugan niyang sabi. Maganda ang gising niya kapag may guwapong boyfriend na pwedeng magpalimot sa kanya ng lamig. “Gising na po ba si Klein?”

“Nasa likod-bahay, nagwo-work out.” Naghiwa ito ng button mushroom para sa vegetable omelet. “Kahit di na siya sumasali sa kickboxing competition, alaga pa rin niya ang katawan niya. Kapag maluwag ang oras niya, nagtuturo siya sa martial arts clinic ni James.” Isang sikat na taekwondo jin ang pinsan ni Klein.

“Ano po ang iniinom niya kapag nagte-training.”

“Gatas. Iyong fresh milk ang gusto niya.”

Tumayo siya at binitbit ang kape. “Dadalhan ko po siya. Doon ko na rin po uubusin ang kape ko.”

Tumungo siya sa likod-bahay na nagsisilbing make shift gym ni Klein. Napatigil siya nang matanaw ito habang sinusuntok ang punching bag na nakasabit sa puno. She admired the lean contours of his body. Kahit naman dati ay maganda na ang pangangatawan nito. But it was more defined now. No wonder napakasarap nitong yakapin. He made her feel safe dahil kaya siya nitong ipagtanggol literally.

Napansin ni Klein na may nakatingin dito. Tumigil ito sa pagsuntok at pinigilan ang punching bag. Saka ito lumingon sa direksiyon niya.

He automatically smiled when he saw her. “Hello, Shandie!”

“Good morning!” bati niya at lumapit dito. “Ipinagdala kita ng gatas. Sabi ni Manang Berta, ito daw ang iniinom mo kapag nagwo-work out.”

Kumuha siya ng towel at pinunasan ang pisngin ito. Inagaw nito ang towel sa kanya. “Kaya ko na ito,” namumula nitong sabi. “You are treating me like a sissy.”

“No.” Tumingkayad siya at hinalikan ito sa pisngi. “I just want to kiss you.”

Humalakhak ito. Parang nagliwanag ang paligid niya sa tawa nito kahit na papasikat pa lang ang araw. “Why are you up so early?”

“Because I want to see you and give you a good morning kiss.” Kung araw-araw ay makikita niya ito paggising niya sa umaga, masarap talagang gumising. “Gusto mo bang dito na lang tayo mag-breakfast?”

He agreed. “Nasaan nga pala si Jade?”

“Napagod kasasayaw kagabi.”

“How about you? Hindi ka nakapag-enjoy kagabi.”

“So what? Kasama naman kita.” Last night was the best night of her life. Dahil hindi na niya kailangan pang lokohin ang sarili.

“I’m flattered,” he said. Hinapit nito ang baywang niya at inangkin ang labi niya. She shivered when he tilted her back more so he could slant his mouth across hers and deepen the caress of his lips.

He tasted milk. She never thought that the taste of milk on a man’s lips could be so sexy. And she wanted to taste him more and more… Both of them were smiling after the mind-boggling morning kiss.

“May gatas ka pa sa labi, Klein,” tukso niya. “Are you busy this morning?”

“Medyo. Makikipagkita ako sa aangkat ng orange at persimmon.” Ito rin ang nagma-manage ng farm habang naroon ito. “Sa hapon ako libre.”

“Mamasyal naman tayo.”

Nilingon siya nito. “Saan?”

“Sa cave.”

“SA CAVE mo gustong pumunta? Ayoko!” kontra ni Jade nang sabihin niya ang plano. “Alam mong takot ako sa dilim. Tapos gusto mo pang doon pumunta.”

Inilabas niya sa closet ang gagamiting damit para sa spelunking. “Basta, doon ko gustong pumunta!”

Humalukipkip ito. “Hindi ako sasama! Pupunta na lang ako sa pottery para mag-aral gumawa ng vase at paso.” Pag-aari ng Arthur, asawa ng pinsan ni Klein na si Sapphire, ang pottery.

Napangiwi siya. Pagdating kasi sa arts ay wala siyang talento. “Tama. Doon ka na lang sa pottery pumunta. Huwag ka na lang sa cave.”

“At sino naman ang kasama mo sa cave?”

Pinigil niyang mapangiti. “Si Klein.”

“Si Klein?” anito sa mataas na boses. Dumungaw ito sa bintana. “Ano bang kababalaghan ang nangyayari? Wala namang eclipse ngayon di ba?” Nakahalukipkip siya nitong hinarap. “Kagabi pa ako nakakahalata. Ipinasundo lang ninyo ako sa driver. Pagdating ko dito, wala pa rin kayo. Nakatulog na nga ako pero hindi pa rin kayo dumadating. Magkasama pa rin kayo ni Klein hanggang hatinggabi?”

“Oo,” sagot niya at isinukat ang shades na bagay sa outfit niya. Pero idinispatsa rin niya iyon dahil di bagay ang shades sa kuweba.

Tumayo ito sa likuran niya. “At saan kayo nagpunta?”

“Sa amin na lang iyon.” Let her think. Para makulta utak nito.

“Ano ba ang mayroon?” pangungulit nito.

Binulungan niya ito. “Kami na ulit.”

“Kayo na?” Napatili si Jade. “Talaga!” Noong una ay excited itong nagsisigaw nang biglang matigilan at namaywang. “Sandali! Gusto ko lang klaruhin.”

“Ano naman?” Malinaw na ngang sila ni Klein.

“Are you serious with him?”

Tumango siya. “Dead serious.”

Tinitigan siya nito. “Do you love him?”

She sighed then smiled. “I do. And I must thank you. Kung hindi dahil sa iyo, hindi ko mare-realize na mahal ko siya. And I wouldn’t find out what I am missing.”

Umupo ito sa tabi niya. “Anong kinalaman ko diyan?”

“Nang makita ko kayong magkasama, nagselos ako. Si Klein lang ang lalaking pinagselosan ko. Iyong ibang lalaki tulad ni Alex, para lang akong batang hindi nabigyan ng candy kapag nalaman ko na may girlfriend sila. But when it comes to Klein, gusto kong maghurumentado kapag nakikita kong sweet kayo. And I told myself that if I wouldn’t accept the truth that I love him, I would lose him forever.”

“How about your rules? Na gusto mo ng guys na matured…”

“Hay, naku! Wala na akong pakialam doon!”

“Sa wakas, natauhan ka rin!” Tumawa si Jade at niyakap siya. “Klein loves you. So you better be nice to him. Huwag mo na siyang sasaktan.”

“Overprotective ka kay Klein. Type mo ba siya?”

“Ako?” Natatawa itong napailing. “Mas gusto ko pang ma-in love sa isang playboy kaysa sa isang one-woman man.”

“Weird. Ikaw lang ang babaeng naringgan ko ng ganyan.”

Humiga ito sa kama. “Well, I love the challenge for one thing. I could turn a playboy into a one-woman man. At ako lang ang mamahalin niya. But a one-woman man would be loyal to his first love. Parang si Klein. He would die loving only one woman. And you should be proud because you are that girl. Don’t waste his love.”

“I would be a fool if I would do that.” Minsan nang nawala sa kanya si Klein. She was a blind fool then. Pero si Klein din ang nag-alis ng piring na iyon sa mata niya. At kabaliwan kung pakakawalan pa niya ito. “Sasama ka pa ba sa cave?”

“Obvious naman na gusto ninyong magsolo. Hindi na.”

“KLEIN, alalayan mo ako sa cave, ha? Huwag mo akong bibitiwan,” malambing na sabi ni Shandie dito at um-abrisyete. Kulang na lang ay sumuot na rin siya sa damit nito. Ayaw niyang humiwalay dito. Nasa Tourist Information Center sila at hinihintay ang tourist guide na magdadala sa kanila sa Sumaging Cave. Marami ring tourist nang araw na iyon kaya kailangan nilang hintayin ang available na guide.

“Gusto mong sumama sa cave pero natatakot ka naman. Huwag na lang tayong pumunta doon. Sa ibang spot na lang,” suhestiyon ni Klein.

Humilig siya dito. “Gusto kong makita ang cave. Saka nandito ka naman para alalayan ako, hindi ba?”

Ang totoo ay tulad din niya si Jade na takot sa dilim. Pero mas magandang opportunity iyon para makasama niya si Klein. Pwedeng-pwede siyang yumakap at sumiksik dito. Para hindi niya maramdaman ang takot niya.

“Klein!” Lumapit ang isang magandang babae dito at hinalikan ito sa pisngi. “It is good to see you here.”

“You had just arrived?” tanong ni Klein.

“Yeah! Naglakad-lakad muna ako. Balita ko may dalawa kang magagandang guests sa farm ngayon. Isa ba siya doon?” anito at sinulyapan siya.

Inakbayan siya ni Klein. “Si Shandie, girlfriend ko. Shandie, this is Rayanne. Girlfriend ni Alex. She had just arrived from New York.”

“Hi!” anang si Rayanne at kinamayan siya. “Are you the same Shandie Klein was waiting for?”

“Teka, bakit alam mo iyan?” tanong ni Klein.

“Ikinuwento ng Ate Sapphire mo sa akin,” tukoy nito sa pinsan ni Klein.

“Rayanne, kanina pa kita hinahanap,” sabi ni Alex.

“Nakita ko kasi si Klein. Girlfriend na niya si Shandie.”

“Talaga?” Tinapik nito si Klein sa balikat. “Congrats, Tukayo. Iingatan mo si Shandie o malilintikan ka sa akin.”

Niyakap siya ni Klein. “I will take care of her.”

“How about dinner one of these days? Dadating din sila Arthur at Sapphire from Europe.” Parehong artist ang mag-asawa at sa Sagada naka-settle.

“That would be nice,” sabi niya. Gusto din niyang makilala ang pinsan ni Klein. And Rayanne was also nice. She also wanted to be her friend.

“Isama mo si Jade,” pahabol ni Alex at sumakay ang mga ito ng Ford Ranger.

Napabuntong-hininga siya. “Rayanne is beautiful.” She was like a goddess. A tall mestiza with long, commercial-like hair and a slim body.

“So do you. Magkaiba nga lang kayo ng ganda. Pero mas maganda ka para sa akin dahil ikaw ang girlfriend ko.”

Kinurot niya sa Klein sa tagiliran. “Binu-boost mo lang ang ego ko.”

“Are you sure you want to join them for dinner?”

“Yeah. Why?” Napansin niya ang pag-aalala sa mukha nito.

“Hindi ka ba masasaktan kung nakikita mong magkasama sina Alex at Rayanne? Baka magselos ka.”

Kinintalan niya ito ng halik sa labi. “Hindi ako magseselos dahil hindi si Alex ang boyfriend ko.” At hindi si Alex ang mahal niya.

“KLEIN, bumaba na tayo!” pakiusap ni Shandie habang nakasandal sa isang pine tree sa gitna ng Mt. Ampacao. Malapit na siyang maiyak sa pagod. Pero kahit yata luha niya ay naipawis na niya.Hindi na niya kayang bitbitin pa ang katawan niya. Gusto na niyang gumulong pababa.

“We are near the summit,” malambing nitong sabi at pinunasan ng face towel ang mukha niya. “You are excited to see the migratory birds, remember?”

Naeengganyo siya sa magandang feedback ng mga foreign tourists tungkol sa bird watching sa Mt. Ampacao. Sa buwang iyon ay doon namamalagi ang iba’t ibang klase ng ibon para takasan ang taglamig sa bansa ng mga ito. Siya pa ang namilit kay Klein na pumunta sa kabil ang pag-aalala nito. Di sana’y mahimbing pa siyang natutulog tulad ni Jade. Alas tres pa lang ay umakyat na sila sa bundok.

“Gusto mong buhatin kita?” alok ni Klein.

Inirapan niya ito. “Yabang!” He was living up to his macho image. Dahil marami na itong bitbit at pati ang bag niya ay bitbit din nito.

“Kumapit ka lang mabuti sa akin. Before you knew it, we are there.”

“Before you knew it, tumalon na ako sa bangin.” Pero kumapit siya sa braso nito para magpa-alalay. She just concentrated on the feel of his body against her. Nakalimutan niyang nahihirapan siya dahil kasama niya ito.

“Ma’am, nandito na po tayo!” anunsiyo ng tourist guide nila.

Humihingal siyang sumalampak sa damuhan. Parang gusto niyang umiyak sa sobrang pagod. “Sa wakas! Parang di ko na kayang maglakad.” Nilingon niya si Klein na gumagawa ng tent. “Tapos na? Gusto kong matulog.”

“Hindi kita idinala dito para matulog.”

“Ano ang makikita ko dito? Tulog pa ang mga ibon.”

Ipinagsalin siya nito ng kape mula sa container. “Maghintay ka lang.”

Inaantok pa rin siya sa sobrang lamig. Mauubos na ang kape niya ay wala pa rin siyang nakikita. She stood up and looked at the dark horizon. Unti-unti iyong nagliwanag dahil sa pagsikat ng araw. Nahigit niya ang hininga. The sunrays thrust over the phantom of clouds. Unti-unti niyang nakita ang pagkahawi ng ulap na nagmistulang ginto dahil sa sikat ng araw.

“Look, Klein! It is beautiful! It looks enchanting! Breath taking!”

Nagliparan ang mga ibon sa kalawakan. Welcoming the bright new day.

He hugged her from the back. “Yes, it is beautiful. I brought you here to see that. Dahil iyon ang pangako ko sa iyo. That I’ll take you to this place.”

“When did you make that promise?”

He buried his face on her hair. “Our first night together in Batangas.”

Humarap siya dito. “Sorry. I don’t remember that.”

“But I do. Did I make you happy?”

“Yes.” She tiptoed and encircled her arms around his neck. She fastened her mouth on his. At first, she thought she was the one taking the lead. When the tip of his tongue grazed her teeth, she suddenly felt helpless.

It seemed so natural. The nature, the dawn and the kiss. At kung aakyatin nila ang bundok na iyon araw-araw para panoorin ang pagsikat ng araw, she surely wouldn’t mind. As long as there was Klein and his kisses.

“I love you, Klein.”

“I wish you’d share every dawn with me,” he whispered then claimed her lips once more. That was her wish too.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.