Chapter Dashielle, Wolf’s Rain: Teaser and Chapter 1

Dashielle was a Grand Slam tennis champion. Nalusutan niya ang lahat ng hirap sa buhay niya at nakuha niya ang pangarap niya. But she was a total failure where Wolf Anthony Allen was concerned, the half-Apache, half-Irish hunk she was in love with.

Bigo siya sa pag-ibig dahil kapatid lang ang tingin nito sa kanya. Paano naman siya makaka-recover dito kung overprotective ito sa kanya pagdating sa mga lalaki?

“You want to stop me from dating Wyndham, right? Yeah, sure! Go ahead and kiss me,” hamon niya. With that kiss, she might be able to prove a few things.

Na sa wakas ay di na bata ang tingin nito sa kanya. Pangalawa, mapapatunayan niya kung kapatid pa nga ang turing nito sa kanya o hindi na. That finally, he would see her in a different light. He would see her as a woman.

“Ready, Dashielle?” tanong ni Steffany, ang senior member ng tennis club na sinalihan niya. Hawak nito ang bola at siyang magse-serve.

“Ready!” sagot niya. She crouched lower while waiting for the ball.

“Ready, girlfriend?” tanong ni Steffany sa ka-partner na si Carole. It was a two out one match. Para iyon ma-enhance ang speed at flexibility niya.

“Ready, Steff!” sagot din ng mga ito.

Ihinagis ni Steffany ang bola sa ere at saka hinataw ng raketa. Hindi masyadong mabilis ang bola kaya mabilis niyang nasagot ang tira. Matapos papuntahin ang bola sa kabila ng court ay nagulat siya nang makitang may panibagong bola na namang humahaginit sa bandang kanan niya. Sinundan ulit niya iyon. Di pa man niya niya nasasagot ang panibagong bola ay may isa pa. At nagsunud-sunod na iyon.

“Run after the ball, Dashielle!” nakangising utos ni Steffany.

Sinubukan niyang humabol subalit halos parang umuulan na ng bola dahil sa sunud-sunod na serve ng mga ito. Hanggang halos ibinabato na lang ng mga ito ang bola sa direksyon niya. Di lang sina Carole at Steffany ang nasa court at tumitira kundi pati ibang member club. Tinamaan na siya sa iba’t ibang parte ng katawan.

Wala na siyang pagpipilian kundi ang iharang ang braso sa mukha upang protektahan ang sarili niya. Napayukyok na lang siya sa isang tabi subalit di pa rin siya tinigilan ng tawanan at pangungutya ng mga ito.

“Is that the best you can do, Asian bitch?” nanunuyang tanong ni Steffany.

“You have no place in this school specially in this tennis club. Why don’t you just go back to the rat hole where you came from?” sagot pa ng isa.

“Yeah! You’ll never fit in here. You are just ruining the reputation of our club, bitch!” anang isa at sinipa siya sa binti.

Napaigik siya sa sakit subalit di siya nagsalita. Di rin niya magawang umiyak kahit na awang-awa siya sa sarili. Freshman student lang siya sa isang private school sa London. Habang mas senior sa kanya ang kalaban niya.

Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit galit na galit ang mga ito sa kanya. She was an Asian and they were Europeans. And it is their race that made them superior.

Sa tingin ng mga ito ay wala silang karapatan sa tennis club. Na kasiraan na maging miyembro siya sa club ng mga ito. Di pa rin nawawala ang racial discrimination. Malas lang niya dahil naging biktima siya niyon.

“Girls, stop it!” anang assistant coach nila na si Ginna at mabilis siyang pinrotektahan mula sa mga humahagis na tennis ball.

“Girls, stop it!” Steffany mimicked and the whole team laughed. Ni hindi man lang ito natakot sa assistant coach nila. “That suits her, Miss Fletcher.”

“Yeah! That Asian even thought that she could defeat us,” anang si Carole, ang assistant ni Steffany.

Nanlaki ang mata ni Gina nang makita ang pamumula ng balat niya mula sa tama ng tennis ball. At maari iyong maging pasa. “God! What have you done to Dashielle? You have no right. I will tell Coach Jeff about this!” banta ni Ginna. Nasa meeting si Coach Jeff kaya ang assistant coach ang nagbabantay sa kanila. Kapag kay Coach Jeff ay di siya basta-basta masaktan ni Steffany. Istrikto ito pagdating sa training at tinitiyak na pantay-pantay ang trato sa kanila.

Naningkit ang mata ni Steffany at inilapit ang mukha kay Ginna. “You will tell Coach Jeff about what I did to that Asian bitch?” Humalakhak si Steffany. “Let me remind you who my father is. He is one of the directors here. Once he finds out that you are favoring this poor scholar over his precious daughter, you’ll lose your job.

Napipilan si Ginna. And she had seen pull off that trick a thousand times before. Lagi nitong panakot sa mga tingin nito ay mahina at matatakot dito. “Resume your practice. Try the cone drill this time,” bilin nito. “I will just bring Dashielle to the clinic.”

She was expecting that. Sino ang gustong kumalaban sa anak ng director sa pagtatanggol sa isang katulad lang niya na ordinaryong estudyante?

“Why waste your time with her?” mataray na tanong ni Steffany. “We are the important members of the club so you must see to it that our training is doing great. Let that Asian bitch attend to her wound.”

“It must be an act. Her skin is thick, right?” dagdag ni Carole. Muling umugong ang halakhakan sa tennis court.

“It’s okay, Miss Ginna. I can go to the clinic on my own. And besides, it is really nothing,” nakangiti niyang sabi at naglakad papunta sa clinic. Narinig niya ang pagtataboy sa kanya ng mga kasama. Na huwag na daw siyang bumalik. Nakuyom niya ang palad at pinigilan din niya ang pangingilid ng luha. Ilang beses na ba iyong nangyari sa kanya? May mga tao na sadyang mapang-api sa kapwa ng mga ito kahit na wala siyang ginagawang masama.

Matalim siyang lumingon sa tennis court. Babalik pa rin siya. She loved tennis. At hindi makakapigil sa kanya ang kalokohan ng mga ito para maabot niya ang mga pangarap niya. “You’ll see! I will be a tennis star someday.”

“DASHIELLE, you don’t have you to pick up those balls. You are still hurt. Why don’t you go home and have a good rest instead?” anang si Miss Ginna sa kanya.

“It’s okay, Miss Ginna. It is my responsibility as a freshman to pick up the balls, fold the net and clean the court. And I am not hurt. What they did a while ago didn’t hurt me a bit,” she answered with a laugh. Kung tutuusin ay siya na lang ang naiwang nagliligpit sa court dahil iniwan na siya ng mga kasamang maglilinis dahil na rin sa utos ni Steffany. Wala naman siyang magawa kundi ang sumunod.

Umuklo si Miss Ginna at tinulungan siyang magpulot ng bola. “I am sorry, Dashielle. I wasn’t strong enough to defend you. You see I owe this job to their family. If I lose it, I don’t know what will happen to my daughter,” malungkot nitong paliwanag.

Nakangiti niyang tinapik ang kamay nito. “I said it’s really okay. I understand so you don’t have to feel guilty. I can take care of my self. And besides, it’s a part of my training. Once I become a professional tennis player, I will face more obstacles. I will meet people worse than Steffany. So I should be able to handle them early on.”

Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi nito habang pinagmamasdan siya. “Know what? I believe that you will be a professional tennis player someday. You can even be a champion. And Steffany is nasty to you because you are really good. If that two on one drill was done properly, you could beat Steffany and the rest.”

“No. That’s an overstatement.”

Pinisil nito ang balikat niya. “I am sure that you can beat them during the ranking tournament. Just practice harder.”

“Thanks, Miss Ginna. I will really work hard.” Kapag nag-top siya sa ranking tournament, kukunin siyang scholar para sa Tamwood International Tennis Camp sa London. From there, she could start competing for junior tennis tournaments.

“I am willing to help. We can practice here on your free time.”

Excited siyang tumuloy sa public tennis court malapit sa eskwelahan nila. Sa tennis machine siya nag-ensayo para di na niya kailanganin pa ng practice partner.

She heard the fenced gate creak but she didn’t pay attention. Alam na kasi niya kung sino ang dumating. It was Wolf.

“As expected, I will find you here. Did you forget that we have a practice?”

“Just two more balls and I am through!” sabi niya at saka tinira ang dalawang magkasunod na bola. Humihingal siyang umupo sa bench pagkatapos. “What’s up?”

He lightly touched her cheek. “What’s with the bruise? Who did that to you?”

“Wolf, it’s nothing. Tinamaan ako ng bola kanina. I didn’t notice that it would bounce towards my face. And it’s part of the training.”

Humalukipkip ito. With that scowl, he looked older than his age. He was like a frightful Apache young warrior who was ready to crush anyone on his way. “Sana hindi ka na lang naglaro ng tennis. Masasaktan ka lang.”

She rolled her eyes. “I told you, it’s really nothing.”

Kinuha nito ang gamit niya na nasa bench. “Importante ang practice natin. Bakit mas inuuna mo pa ang paglalaro mo ng tennis?” sermon nito.

Wolf had no Filipino blood. He was half-Apache, half-Irish. But he was a Filipino by heart because a Filipino family reared him up. Nagmula ito sa isang Apache reservation sa Arizona. Di na nito nakita ang nanay nito na iniwan ito nang sanggol pa ito. Habang ang ama naman nito ay namatay noong pitong taon ito.

Isa sa miyembro ng foundation ay malayo nitong kamag-anak. He was adopted and brought to London. Halos puro mga Filipino ang kasama nito at matalik nitong kaibigan ang Kuya Leonard niya kaya na-adapt nito ang ilan sa mga kaugaliang Filipino pati na rin ang pananalita.

“Wolf, my role is just menial. Nobody would notice if I were not there.”

“Pero di mo rin pwedeng takasan ang duty mo.”

“I know. It is my scholarship that supports my studies. Pero wala akong ginawang tama. Puro na lang ako palpak. Napapahiya lang kayo dahil sa akin.”

They were young performing artists. Karaniwang mga cultural presentation a play ang ipine-present nila. They were part of a prestigious group funded by an international foundation. Ang mga miyembro ay nagsisilbing scholars ng grupo.

Ilang beses na siyang pumalpak sa mga play nila. Nakakadagil siya ng props o ng mga kasamahan niya. Nakakalimutan din niya ang mga steps. Sumali siya sa grupo dahil sa udyok ng kakambal niyang si Leonard at ni Wolf. Performing artist ang mommy niya at kapatid lang niya ang nakamana ng galing nito.

“I still believe in you. Kaya mo naman ang mga steps. Kaya huwag ka munang sumuko at huwag mo akong iiwan.”

Gumuhit ang ngiti sa labi niya. “You are the only reason why I stay with the group. You always believe in me.”

“Ikaw lang naman ang walang tiwala sa sarili mo.”

“I just feel different when I am inside the court and playing. As if I was born to play.” Iyon ang naramdaman niya nang unang beses siyang naglaro ng tennis.

Malungkot siya nitong pinagmasdan. “Kung magte-tennis ka, hindi na tayo magkakasama. Paano pa kita mapo-protektahan? I always want to be with you. Ayaw mo na siguro akong kasama kaya gusto mong maglaro na lang ng tennis.”

“Of course not. You are the only reason why I want to keep on performing.”

Her brother and mother didn’t encourage her to perform anymore. Mommy mismo niya ang nakapansin na half-hearted lang siya kapag nasa entablado. Mabuti daw na humanap siya ng bagay na magpapasaya sa kanya. That was tennis.

Pero si Wolf din ang taong nagpapasaya sa kanya. And he loved the stage. Tulad nito, gusto niyang lagi siyang nasa tabi nito. Kaya kahit na gusto na niyang iwan ang pagiging performing artist, di naman niya maiwan si Wolf.

“YOU still can’t get the steps, Dashielle? Mhegan already taught it to you, right?” galit na sigaw ni Racquel, ang heroine sa play.

Natigil siya sa pagsasayaw at nagulat sa pagsigaw nito. Sa kanya tuloy natuon ang atensiyon ng lahat ng kasamahan nila. Napahiya siya dahil sa harap ng maraming tao pa siya sinigawan. “I am sorry,” nakayuko niyang usal.

“I am sorry? You are wasting our time because you can’t do things right!” mas mataas ang tonong sabi nito.

Lalo siyang napayuko. Wala siyang excuse. Ang totoo ay mahirap ang step na ipinagawa sa kanila. Bagamat nakuha niya, nahuhuli siya sa tiyempo. At sa palagay niya ay naubusan na ng pasensiya si Raquel sa kanya.

“It’s okay, Racquel. She will get it right next time,” Wolf interfered with a smile. “Let’s start from the top.”

Inirapan siya ni Raquel at nagpatuloy na ang practice. Subalit wala na siyang pakialam sa galit nito dahil ipinagtanggol siya ni Wolf. Kaya inspirado tuloy siyang mag-practice matapos iyon. Mahirap ang steps pero di na siya nagkamali.

May dalawang oras silang lunch break bago mag-resume ang practice. Pinili niyang maglakad-lakad na lang sa park di kalayuan sa dance studio. Di kasi siya komportable mula nang sermunan siya ni Raquel. Malamig ang pakikitungo nito sa kanya. “Dito na lang din siguro ako magla-lunch.”

Nagulat siya nang biglang sumulpot si Wolf. “Why are you alone here?”

“I don’t want to upset Racquel’s lunch. I am obviously not her most favorite person at the moment.”

“But you don’t have to eat lunch on your own. Sasamahan kita.”

“Thank you.” Excited siyang umusog sa bench para tabihan siya nito. Binuksan niya ang lunch box. “Well, Mom cooked beef teriyaki. Gusto mo?”

“You don’t really have to ask, you know.”

Alam naman kasi niya na paborito iyon ni Wolf kaya iyon ang ipinaluto niya sa mommy niya. Bawal din kasi sa custom ng mga Apache na kumain ng pork o fish kaya alam na rin niya ang mga pagkaing ayaw nito.

“Thanks for defending me a while ago.”

He patted her head. “Well, it’s not really your fault. Mainit lang ang ulo ni Raquel dahil marami rin siyang iniisip. She’s having a hard time in school. And you did great afterwards. Hindi ka na nagkamali sa mga steps. Nakakahabol ka na.”

“Kung may fans club ako, ikaw siguro ang president.”

“Definitely! I am always here to cheer for you.”

“At malamang ikaw lang din ang member ng fans club ko.”

“Silly. Uulanin ka ng fans someday.”

Ibinuka niya ang kamay. “Ang sabihin mo, umuulan na. Let’s go.”

Pinigilan nito ang kamay niya. “Let’s stay here for a while. Maaga pa.” Binuksan nito ang payong. “I want to watch the rain with you.”

“There’s nothing new about the rain. It always rains in London.”

“But not from where I came from. It is mostly desert. That’s why we have rain dance to ask for rain. I feel good whenever it rains. Like when I am with you. So I hope that we are always like this.”

Humilig siya sa balikat nito. “Yes. Me, too.”

It felt so good to be young and in love. She was sure that he felt the same way. But she would wait for the right time to tell him that. And she would trade everything just to be with him.

MAAGANG pumunta sa dance studio si Dashielle. Gusto niyang mag-practice ng routine nila para hindi na siya maging pabigat sa practice nila. Kung gusto niyang makasama palagi si Wolf, kailangan niyang magtagal sa grupo. “At sa susunod, kailangang ako na ang ka-partner niya. Hindi lang ako minor character.”

“No! I don’t want her back here! She’s just a nuisance in our group,” narinig niyang reklamo ni Racquel nang papasok siya ng pinto. “She can’t get the steps right. She has no talent at all! She doesn’t deserve to be one of us!”

Natigil siya sa pagpasok. Alam niyang siya ang tinutukoy nito. Sumandal na lang siya sa gilid ng pinto at walang napagpilian kundi makinig.

“You are just jealous because Wolf defended her,” Mhegan threw in. Isa si Mhegan sa malalapit sa kanya at anak din ng director nila.

“You are just treating her nicely because you like Leonard. If not for him maybe you are the first one who will kick her out.” Napaungol si Racquel. “When will Wolf stop baby sitting her? It is Leonard’s job to take care of her.”

“Tell that to Wolf,” Mhegan baited. “He likes Dashielle like a sister. You know how much Wolf likes to have a sister. That’s why he took Dashielle in the group instead of letting her join Leonard’s group so he could keep an eye on her.”

Parang tinadyakan siya sa dibdib. Wolf liked her as a baby sister. At baby sitting ang pag-aalaga na ginagawa nito sa kanya. And she was dreaming that they would end up together at the right time. But it was her dream alone.

No, thanks. I already have a brother. And I don’t need a baby sitter.

“Wolf should stop playing older brother to Dashielle. She will screw up our show. And what will happen to Wolf by then? He might lose his scholarship and a chance to go to college. He is risking his neck for Dashielle. Do you want to lose everything? How about Wolf’s dream? Won’t we help him?”

Iyon pala ang tingin sa kanya ng lahat. Panira. Noon lang siya natauhan. At pati mismong si Wolf, inilalagay niya sa alanganin. And she thought Wolf would be better with her. Na masaya ito kapag kasama siya. Pabigat lang pala siya dito. She even made her self believe that she was the most wonderful thing that ever happened to him like the one in fairy tales. It was about time that she wakes up.

MABIBIGAT ang hataw ni Dashielle sa bola. Nakatutok ang tingin niya doon mula sa pagtama niyon sa pader hanggang sa muling pagtalbog pabalik sa kanya. She hit it harder than before. She kept on hitting the ball until she felt someone at her back.

“Playing tennis right away? Akala ko ba may sakit ka?” tanong ni Wolfe.

She didn’t hit the ball coming her way. Hinayaan lang niya iyong humaging sa kanya. “I feel better now,” she said in a bland voice. Subalit di niya ito nilingon. Nanatili lang siyang nakaharap sa pader at mahigpit na hawak ang raketa.

“Okay. Enough of the tennis. We have to go to the dance studio on time. May importanteng announcement si Sir Benjie tungkol sa play natin.”

“Go ahead. Just give my regards to everyone.”

Pumunta ito sa harap niya. “Aren’t you coming with me? May practice pa tayo.”

Inilabas niya ang isa pang bola na nasa bulsa ng shorts niya at pinatalbog sa paanan niya. “What for? Ia-announce lang naman ni Tito Benjie na nag-quit na ako sa grupo. I will concentrate on playing tennis from now on.”

And it was final. Matapos niyang malaman ang totoong sentimyento ng mga kasamahan niya ay tumuloy siya sa mismong bahay ni Benjie para makausap ito. Ipinaliwanag niya na hindi para sa kanya ang pagiging performing artist. Na may ibang bagay na mas makakapagpasaya sa kanya. At iyon ay ang makakabuti sa lahat.

“I thought you want to be with me.”

“It’s entirely different from acting on stage. Ayoko nang maging minor character lang. I want to be a star. And let’s face it. I won’t be a star on stage like you.”

Madilim ang anyo nitong hinawakan ang baba niya. “And you think you can make it by playing tennis? Your classmates call you names and they even hurt you. Are you happy with that? At least I can protect you if you are with me. You belong to the group, Dashielle.”

Tinabig niya ang kamay nito. “I had enough, Wolf! I am not a kid anymore. I don’t need a baby sitter!”

“I care for you! Is that so bad?”

Nakuyom niya ang palad. Before, she loved it when he cared for her. Akala kasi niya ay gusto siya nito. Pero kapatid lang pala ang tingin nito sa kanya. “Thanks for caring, Wolf. But I will take care of my self from now on. And I want to fulfill my own dreams. We can’t always be together forever.”

“So this is your real dream and I am not a part of it.”

Malungkot niya itong tiningnan. “You have your own dream. And I won’t stop you. Kaya sana pabayaan mo na lang ako.”

Matagal na sandali siya nitong pinagmasdan subalit sa huli ay iniwas din ang tingin sa kanya. “If that is what you want.”

Rain started to pour down when Wolf left the tennis court. As if he was out of her life for good. Before, she would willingly stay with him. Kahit na sino pa ang magalit sa kanya basta kasama lang niya si Wolf. She thought that they share the same dream.

Pero siya lang pala ang nangangarap na mamahalin siya nito. Habang siya naman ang sagabal sa mismong pangarap nito.

“I did the right thing. I did it for both of us, Wolf.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.