“Nana Lupe, nasaan po si Mommy?” tanong ni Cindra at saka tuloy-tuloy na pumasok sa villa pagbukas ng gate.
“Ay, Señorita! Bakit ganyan ang itsura ninyo? Saan ba kayo galing?” nanghihilakbot nitong tanong habang nakatitig sa kanya.
Nilingon niya ito. “Nana, please! Nasaan po si Mommy?”
She was too tired. Wala na siyang oras sa mga walang kwentang tanong. Subalit natural lang na matakot ito sa itsura niya. For more than half a day, she drove and drove. From Sagada, she drove aimlessly. Gusto lang niyang pamanhirin ang sakit na nararamdaman niya. The next thing she knew, malapit na siya sa Baguio. Nang makarating sa siyudad ay di pa rin siya nasiyahan. Itinuloy na niya sa Manila ang pagmamaneho. Saglit lang ang pahinga ng sasakyan niya. At halos wala siyang matulog. Isang himala na nakapag-drive siya nang ganoon kalayo. Siguro dahil wala na rin siyang pakialam sa takot. She was too hurt to care.
“Nasa swimming pool ang mommy ninyo. Ipaghahanda kita ng pagkain.”
Tumuloy siya sa pool area. Her mother was lounging at the reclining chair while sipping mango smoothies. Tumigil siya sa paglalakad at namaywang di kalayuan sa likuran nito. “Having a nice tan, Mom?”
“My God, Cindra!” bulalas nito at bumangon. Ibinaba nito ang sunglasses at lumapit sa kanya. She didn’t even bother to cover her body in a white two-piece swimsuit. “What happened to you? You look like a mess!”
“Yes! I am definitely a mess. Thanks to you!” Kinuha niya ang smoothies sa kamay nito. Tinanggal niya ang straw saka niya tinungga.
“Cindra, that is so barbaric!”
“Am I really barbaric, Mom?” Hinatak niya ang kamay nito. “Let’s go then.”
“Where are you taking me?”
“We are going to Sagada,” she answered with her eyes straight.
“No!” tili nito. Nagtaka siya nang di na niya ito mahatak. Nakahawak na pala ang isang kamay nito sa gilid ng French sliding door. “You won’t take me anywhere on Earth.”
Binitiwan niya ito. “Then cover your self. Dahil kahit saan pa kayo kumapit, dadalhin ko pa rin kayo sa Sagada.” She was too numb to care.
“At ano naman ang gagawin ko sa lugar na iyon?”
“You will apologize to Leonard’s mom and to the whole Lizardo family for your conniving lies and your mistakes.” Baka iyon lang ang paraan para matapos ang lahat ng hirap ng kalooban na nararamdaman niya.
Nanlaki ang mata nito. Bumalik ito sa pool area at isinuot ang bathrobe. “Are you out of your mind, Cindra? There is no way that I will go back to that place just to apologize to them. I don’t owe them anything least of all that slut!”
“You know that you do!” she stressed. “Siniraan mo ang mommy ni Leonard sa kina Lola Encar. Sinabi mo rin na boyfriend mo si Tito Martin kahit na hindi naman. Masasabi mo bang hindi kasalanan iyon? Dahil sa inyo, itinaboy nila ang mommy ni Leonard. Hindi nakilala ni Leonard ang pamilya ng daddy niya. Hindi ba kayo nakokonsensiya sa ginawa ninyo?”
Matalim siya nitong tiningnan. “Iyan ba ang sinabi sa iyo ng boyfriend mo? O utos iyan ng Emily na iyon? Mas kinakampihan mo pa sila kaysa sa sarili mong ina!”
“Ako ang may gusto nito, Mommy! Did you really do those?”
“Oo! Ginawa ko ang lahat ng iyon! Masaya ka na?” matapang nitong sagot.
“Then we must go to Sagada. Mag-sorry ka sa kanila.”
Itinulak siya nito. “Ayoko! Narinig mo ako! Ayoko!”
“Hindi kayo makaharap sa kanila dahil guilty kayo. Ilang taon na kayong di nagpupunta sa Sagada dahil natatakot kayong harapin ang mga multong iniwan ninyo. I bet you can’t even visit Uncle Martin’s tomb. Dahil alam ninyong malaki ang kasalanan ninyo sa kanila ng mommy ni Leonard!”
“Wala kang karapatan na sabihin sa akin iyan!”
“Siguro nga wala. Pero kakaladkarin pa rin kita kung kinakailangan.”
“Umalis ka na lang, Cindra! Bumalik ka sa Sagada kung gusto mo! Pero hinding-hindi ako sasama sa iyo.”
Naging matiim ang anyo niya. “Don’t try me, Mom. I am not in a submissive mood at the moment. Wala siguro akong karapatan dahil anak lang ninyo ako. Wala akong karapatang magreklamo tuwing nasasaktan ninyo ako. But I am sick and tired of living this way. Nagugulo ang buhay ko dahil sa kasalanan ninyo. Sa bawat pagkakamali ninyo, sa akin bumabagsak lahat. Kasalanan ko dahil hindi ninyo mahal si Daddy. Kasalanan ko kung bakit ako ipinanganak. Kasalanan ko pa rin kung na naging anak ninyo ako!”
Leonard hated her because she was her mother’s daughter. At hindi siya nito mamahalin dahil doon. Her mother and Leonard. Two of a kind. Ang mga ito ang pinakaimportanteng tao sa buhay niya. Funny. Ang mga ito rin ang mismong nagdudulot sa kanya ng matinding sakit.
“May ginawa ba sa iyo ang Leonard na iyon o si Emily?”
“Leonard just put a nail in my heart. Hindi niya ako mamahalin kahit kailan dahil ako ang anak ninyo. Pareho lang tayo ng sitwasyon, Mommy. Pareho tayong hindi mahal ng lalaking mahal natin. Aren’t you glad?”
Nanginig ang labi nito. Noong una ay kinokontrol pa nito ang emosyon. Sa huli ay tinabig na nito ang lahat ng nasa ibabaw ng stone table. “Masama bang gawin ko iyon para makuha ko ang lalaking mahal ko? Masama ba na maging masaya naman ako? Kung anuman ang ginawa kay Emily, kulang pa iyon! Dahil inagaw niya sa akin ang lalaking mahal ko! Nagkakaganito ako ngayon dahil siya ang minahal ni Martin at hindi ako. It is all her fault!”
She didn’t expect the outburst from her mother. Lagi nitong kontrolado ang emosyon. But now, all the pent-up emotions just seem to blow like a volcano. At wala nang makakapigil dito. Di niya maiwasang maaawa dito. Masyado itong nasaktan dahil di ito minahal ni Martin Lizardo kasunod ang pagkamatay nito. Namatay si Martin na di ibinigay dito ang pagmamahal na gusto nito.
Niyakap niya ang nakalugmok na ina. “It’s okay, Mom. It’s okay. Iiyak lang ninyo iyan.” She could use it. Mukhang matagal na nitong di nailalabas ang mga damdaming kinimkim sa loob ng maraming taon.
“Please, Cindra. I don’t want to face them. They will get mad at me. At hindi ko rin kayang harapin si Emily matapos ang mga ginawa ko sa kanya.”
Hinaplos niya ang likod nito. “You have to be brave and strong. Alam ko na mahirap ang gagawin mo. Pero kailangan mo nang tapusin ito. Pare-pareho na kayong nahirapan, nasaktan at nawalan. You have to ease the burden.”
Mahabang sandali itong lumuha habang yakap siya. Parang isa itong bata na naghahanap ng kalinga. Her mother had always been tough. She lashed out her anger to her because deep inside she was weak. At napagtatakpan nito ang kahinaan sa pananakit sa mga taong mas mahina dito tulad niya. Only she wasn’t a weakling anymore. And mother wasn’t as strong as she seemed.
“Cin, if I apologize to them, will you help me start anew?”
“Yes, Mom.”
“Lalayo tayo sa mga taong sinaktan ko at nanakit sa akin. Ipagbibili din natin ang mga properties natin sa Sagada at hindi na tayo babalik. Magpapaalam na tayo sa lolo at lola mo. We have to get away from all the bad memories.”
“Yes, Mom.” She needed that badly, too. Gusto niyang paghilumin ang mga sugat na dala sa kanya ni Leonard. There was no better way than to get away.
“Iiwan mo na rin si Leonard. Kalilimutan mo na siya.”
Mahabang sandali siyang di nakapagsalita. Could she really forget Leonard? Kaya ba niya itong alisin sa puso niya. Ipinikit niya ang mga mata. “Yes, Mom.”
She had to. He was all but a bad memory.
“TITO Ramil, Tita Encar, I am so sorry. Nagsinungaling ako sa inyo. Lahat ng masasamang bagay na sinabi ko tungkol kay Emily, kasinungalingan lahat. Ginawa ko lang iyon para mapaghiwalay sila ni Martin. It was all my fault,” lumuluhang kumpisal ni Zarah habang nakayukod sa harap ng mag-asawang Ramil at Encar. Nasa sala din ang mag-inang Emily at Leonard na tahimik na nakikinig.
Noong una ay ayaw pang humarap ni Emily sa kanila. Wala daw silang kailangang pag-usapan. Si Lola Encar lang ang nakakumbinsi dito. And everyone was shocked when her high and mighty mother apologized to them and admitted her mistakes.
“Bakit nagawa mo iyon sa amin, Zarah?” galit na wika ni Ramil. “Itinuring kitang parang anak. Ikaw pa mandin ang napipisil ko para kay Martin. Pinagkatiwalaan kita. Tapos magsisinungaling ka lang pala sa amin.”
“Ramil, tama na,” malumanay na sabi ni Lola Encar. “Wala na tayong magagawa. Nariyan na iyan. Nangyari na ang lahat. Patawarin na lang natin siya.”
“Hindi iyon kadali,” anang malamig na boses ni Emily.
“Please!” Ginagap ni Zarah ang kamay nito. “Alam ko na di mo ako mapapatawad dahil nawala si Martin. At kasalanan ko iyon. Hindi ko matanggap na ikaw ang mahal niya. Masyado akong nabulag sa pagmamahal ko. Hindi ko naman alam na hahantong sa kamatayan niya ang ginawa ko. Hindi ko gustong mamatay siya. Gusto ko lang namang ako ang mahalin niya at hindi ikaw.”
“Ma’am Emily, I know that you detest my mother for her lies,” sabi niya. “Hindi madali sa kanya na humingi ng tawad. Pero gusto niyang itama ang pagkakamali niya.”
“Hindi niyon maibabalik ang buhay ni Martin na nawala.”
“Yes. But it was an accident,” depensa niya sa ina. “Pareho lang kayong nawalan. Napatawad na ninyo ang iba. Bakit hindi ninyo subukan kay Mommy?”
Ginagap ni Leonard ang kamay ng ina. “Mom, just do it. Let’s end this.”
Mahabang sandali na tinitigan ni Emily si Zarah. Nagulat sila nang yakapin nito ang huli. “I am sorry. Nasaktan ka sa pagmamahalan namin ni Martin. Mula pagkabata minahal mo na siya. Pero di mo rin kami masisisi. Nagmahalan lang naman kami.”
The two of them clung to each other and cried. Napatawad na nga ng mga ito ang isa’t isa. At alam niyang magiging masaya na rin ang mommy niya dahil wala na itong bigat na dinadala sa dibdib.
Di sinasadyang tumingin siya kay Leonard. Their eyes met. May lungkot sa mga mata nito. Parang hinihiling nito na bumalik sila sa dati. Iniwas niya ang tingin at tumayo. “Excuse me!” Saka siya naglakad palabas. Di na siya kailangan doon.
Narinig niyang may yabag na sumunod sa kanya. It was Leonard. Pinigilan nito ang kamay niya. “Cin, wait! Can we talk?”
“I think we have nothing to discuss.”
“Please! Listen to me first. Marami akong gustong ipaliwanag. Yes, I am guilty. Alam ko na kung sino ka bago ako pumunta sa Baguio. Pero hindi ko intensiyon na saktan ka o paghigantihan. I just want to see you again.”
“If it is not revenge, it is love then?”
“It must be. Dapat iniwasan na kita dahil ayokong maalala ang mga bagay na nakasakit sa pamilya ko. Pero pinili ko pa rin na makita ka. I thought that I’d go crazy if I don’t see you again. At habang nakakasama kita nang matagal, lumalalim lang ang nararamdaman ko. I even risked facing my dad’s family just to be with you. Hindi gawa-gawa ang mga sinabi ko sa iyo. Mahal talaga kita.”
She gave him a sad smile. “Leonard, you don’t have to say it to make me feel better. Tapos na. Magkasundo na ang mga nanay natin. Kung gumanti ka man sa akin, naiintindihan kita. And you are forgiven. Just don’t say another lie.”
“It is not a lie! Bakit ba ayaw mong maniwala?”
“Because I am leaving, Leonard. Magpapakalayo-layo na kami ni Mommy. Hindi mo na kailangang magkunwari sa akin.”
“Kung aalis ka, susundan lang kita. I won’t let you out of my sight!”
“Pabayaan mo na lang ako. Kung makikita pa kita, masasaktan lang ako.” Tinapik niya ito sa balikat nang mamataang palabas ng villa ang ina. “Don’t worry. I will eventually forget about you.”
INILILIGPIT niya ang gamit sa kuwarto nang pumasok ang mommy niya. May dala itong chamomile tea para sa kanya. “Do you need help?” tanong nito.
“Thanks, Mom. I can handle this on my own. Magpahinga na kayo. You have to meet with the Lizardos’ lawyer and discuss the contract.” Ibebenta na ng mommy niya ang lahat ng pag-aari nila sa Sagada at si Emily mismo ang bumili niyon.
“Magpapaalam ka na ba sa mga bata bukas?”
“Yes. Malulungkot sila pero marami namang ibang papalit sa akin. Saka may iba na akong na-train sa scriptwriting. With other member’s help, they can do it.”
“Pwede naman tayong umalis kapag tapos na ang festival. Para naman mapanood mo rin ang mga bata. And I also want to watch the play you wrote,” she said with an air of pride. Nare-recognize na kasi nito ang kakayahan niya at bilang anak.
“Fawna promised to send me a DVD copy of the play.” Ayaw na niyang magtagal pa sa Sagada dahil mas madalas pa niyang makikita si Leonard. Pinipilit nilang mag-iwasan tuwing nagkikita sila. And she didn’t want to take risk anymore. Isang sulyap lang kasi niya ay bumibilis na ang pintig ng puso niya. As if she wanted to see him again.
“Nakapagpaalam ka na ba kay Leonard?”
Tumango siya at itinupi ang mga damit. “Noong pagkatapos pa po ninyong mag-usap ni Tita Emily. Siya pa nga ang unang nakaalam na aalis tayo.”
“Hindi ka man lang ba niya pinigilang umalis?”
“I am sure he is thrilled that I would be out of his life. Makakasama na niya si Mhegan. Baka nga magpakasal na rin sila.”
“Umalis na si Mhegan. I asked Emily. Di naman niya iyon girlfriend.”
“Soon she will be!”
“Bakit parang iba ang nakikita ko? Nakiusap siya sa akin na huwag tayong umalis agad. Na kung pwede mag-stay pa tayo nang matagal. Sinabi pa nga niya na tulungan ko daw siya na huwag tulungang umalis. He loves you.”
Her lips pressed. “Mom, sometimes things aren’t what we see them. Sometimes they are just illusion. Dahil iyon ang ipinapaniwala sa atin ng tao sa paligid natin o ng sarili natin mismo. At sa huli, masasaktan lang tayo.” And it was the lesson she learned. Mabuti nang huwag umasa kaysa mabuhay lang sa panaginip at gumising sa bangungot.
“But you still love Leonard, right?”
“Hindi naman iyon madaling burahin. But I want to start anew. Iyon po ang plano natin, hindi ba? Para maging masaya tayo sa lugar na malayo dito.”
“Sometimes I wonder if that is the right solution. If it’s right to runaway. You can’t escape from Leonard’s memory. Nandiyan lang siya sa puso mo. Di mawawala.”
Pilit siyang ngumiti. “I will try to forget about him. Ayoko nang saktan pa kayo, Mommy. Kahit na nakahingi na kayo ng tawad, may parte pa rin sa puso ninyo na nasasaktan kayo.And I don’t want to add more wound in your heart because of Leonard.”
“Kung hindi dahil sa sinabi ko sa iyo, tatanggapin mo pa rin si Leonard, di ba? Mahal ka man niya o hindi, di ka papayag na mawala siya sa iyo.”
“Yeah, if I was foolish enough. But I am wiser now.”
“Are you really wiser now or nonetheless more foolish than before? Masyado kang nasaktan kaya pakiramdam mo niloloko ka ng lahat ng tao. Hindi mo ba nakikita ang pagmamahal sa iyo ni Leonard tuwing tinitingnan ka niya?”
“Mom, it must be guilt. You mistook it for love.”
“Why don’t you talk to him for the last time? No prejudice. Just listen. Saka mo timbangin kung sino ang dapat mong paniwalaan. Si Leonard o si Mhegan. Baka nakakalimutan mo ang ginawa ko sa magulang ni Leonard. Do you want to end up like them? Yours is worse because you are running away from love.”
Tama ba ang mommy niya? Na gaya ng sinabi ni Leonard ay gawa-gawa lang ni Mhegan ang lahat? Or she was jealous of Mhegan that she would believe the worst in Leonard? “Don’t you think it is too late, Mom?”
“Not yet. As long as you’ll give Leonard a chance, it won’t be too late.”
Niyakap niya ito. “Natatakot ako, Mommy. Paano kung di nga niya ako mahal?”
“Shhh! Don’t be afraid of the truth. Di ba mas matapang ka sa akin? Huwag mong sayangin ang pagkakataon mo na maging masaya. Ilang beses na kitang pinagkaitan ng karapatan na sumaya. And I won’t stop you anymore.”
“Does it mean that we don’t have to leave if Leonard loves me? Paano ka, Mommy? Hindi ba gusto mong magpakalayo-layo dito?”
“Ano pa ba ang tatakasan ko? I feel better now. I already faced my ghosts. At kung nasasaktan man ako, di ko isasakripisyo ang kaligayahan mo.”
Niyakap niya ito nang mahigpit. “Oh, thank you! Thanks, Mom!”
“I am sorry, Cindra. Marami akong kasalanan sa iyo. I am not good enough to be your mother. But I will try to make amends. One day, I might even surprise you. Magkakalakas-loob din akong sabihin kung sino ang daddy mo.”
“You’ll do that for me, Mom? Really?”
Tumango ito. “But I want you to take Leonard back first.”
PUMAPAILANLANG ang magandang tugtog ng kalileng o noseflute nang pumasok si Cindra sa lower hall ng Sanctuary. The music was so sweet. Di ba minsan ay pangarap niyang tugtugin iyon sa kanya ng lalaking mamahalin niya?
Nagulat siya nang makita si Leonard na nakaupo sa makeshift stage. He was the one playing the noseflute. Nakapikit ito at parang dinadama ang musika. Pain was etched on his face. He was pouring his heart on the tune. The music was sweet yet sad, as if saying goodbye to someone he loved. Muntik na siyang maluha.
Di niya mapigilang pumalakpak nang matapos. “That’s a nice one.”
Dumilat ito at nagulat nang makita siya. “Cindra! Pumunta ka ba para sa mga bata? Na-move ng ten o’clock ang practice. Maya maya pa sila dadating.”
Umupo rin siya sa stage di kalayuan dito. “I will really miss this place.”
“Tuloy na ba ang pag-alis ninyo?”
Tumango siya. “Yes. Ngayon lang kami magkakasama nang mas matagal ni Mommy. And we are thrilled about it.”
“Mami-miss mo ba ako kapag umalis ka?”
Nilingon niya ito. “Sa tingin mo ba mami-miss kita?”
“How I wish. Basta ang alam ko mami-miss kita.”
Tumayo siya at nagpalakad-lakad sa stage. “Mahal mo ba talaga ako, Leonard?”
Nanatili itong nakaupo sa gilid at tuwid lang ang tingin. “Kahit naman sagutin kita, di ka maniniwala. Sayang lang, di ba?”
“What if for the last time I will listen?”
Di ito natinag sa pagkakaupo. She breathed out. Hindi naman pala nito kakagatin ang hamon niya. Kung sasabihin nito na mahal siya nito, maniniwala siya. Siguro nga ay di siya nito mahal dahil di naman nito kayang sabihin.
She went still when she heard him play the noseflute again. Pero iba na iyon sa malungkot na awit kanina. The new melody was like a song from heaven. Punong-puno ng emosyon na tumatagos sa puso niya. As if it was as natural as the howling wind. As natural as the flow of the river or the warmth of the sunshine. As natural as love. The realization hit her hard. She was speechless after he finished playing.
Tumayo ito at hinarap siya. “Alam ko na hindi ka maniniwala sa akin kung sasabihin ko lang basta na mahal kita. You may be too tired to hear it. At least, kapag tumugtog ako alam kong makikinig ka.” Inilapit nito ang mukha sa kanya at hinaplos ang pisngi niya. “Did you feel it deep inside you, Cindra? Narinig mo bang mahal kita?”
Tumango siya at malayang tumulo ang luha sa mata niya. “Yes, I do.”
Niyakap siya nito at hinayaan siyang lumuha. Both of them knew that it was tears of joy because they found each other again. “Kung anuman ang sinabi ko sa iyo noon, totoo lahat iyon. When I told you that I love you and I won’t hurt you, it wasn’t theater act. I love you. The hell I care if the people around us ends up hating each other. Basta ang importante hindi natin sasaktan ang isa’t isa.”
“Totoo ba na naging boyfriend ka ni Mhegan?”
Dumilim ang mukha nito. “Never! She’s just like a kid sister to me.”
“I am sorry. Pinaniwalaan ko si Mhegan. I was jealous of her that I believed the worst in you. Hindi ko alam na mommy ko ang may kagagawan ng pagkasira ng pamilya ninyo. And I felt so guilty. Parang ayoko ring maniwala na mamahalin mo nga ang tulad ko. Hindi naman kasi ako nakaramdam ng totoong pagmamahal.”
“I do love you and it’s real. And I told your mom about how I really feel. Baka kasi hindi siya boto sa akin para sa iyo. Kaya sa kanya muna ako nagpalakas.”
Di niya mapigilang ngumiti. “Well, my mom likes you now. Siya nga ang kumumbinsi sa akin na kausapin ka. And I am not leaving anymore.”
“Hindi. Okay lang na umalis ka.”
“Ha? Itinataboy mo ako?” bulalas niya. “I thought you love?”
Nagkibit-balikat ito. “I don’t really care wherever you want to go. Susundan at susundan lang din naman kita dahil mahal kita.”
She rewarded him a kiss for that. Hindi na siya magdududa pa sa pagmamahal nito. They defied a lot for their love. And there was nothing she would do for him. Dahil sa wakas ay mararanasan na niya ang tunay na pagmamahal sa piling nito.
“CONGRATULATIONS! Maganda ang result ng play ninyo,” bati sa kanila ni Sir Benjie. Gaya ng pangako nito ay nanood ito ng play. Nagsama pa ito ng bisita mula sa London. “Balita ko extended ang play ninyo. They are asking for three more runs.”
Nagkakagulo ang mga bata sa pagpapa-picture kasama ang mga audience at mga tourist. Parang local stars na ang mga ito. And they seem to enjoy their fame. They deserved it anyway. Talented naman kasi ang mga ito.
Habang sa isang parte ng simbahan na nagsilbing auditorium ang mommy niya at ang daddy niya na dati nitong kaklase sa college. Biyudo na ang daddy niya. Wala itong naging anak sa yumaong asawa. Sa pagtitig nito sa mommy niya, di malabong masundan siya. Dahil tinanong ng daddy niya kung wala daw boyfriend ang mommy niya.
Kumpleto din ang miyembro ng pamilya Lizardo. Naroon din si Dashielle, ang kapatid ni Leonard na kahalubilo ang mga pinsan. It was a perfect night.
Di na ipinagbili ng mommy niya ang loghouse. Subalit itinuloy pa rin ang pagbebenta sa maliit nilang farm dahil mas mapapalago iyon sa ilalim ng mga Lizardo.
“And it won’t be possible without your help, Sir,” sabi ni Fawna.
“No. We just helped hone the children’s talent. The music is great and the script, too.” Nilingon ni Sir Benjie si Leonard. “Hindi mo pa ba nasasabi sa kanila?”
“Ang alin, Sir?” tanong ni Cindra.
“Gusto naming ipalabas ang Epic of Lam-ang sa London. Iba nga lang ang magiging cast. It would be Leonard’s group and he will be Lam-ang.”
Excited silang naghawak ng kamay ni Fawna. “Are you serious, Sir Benjie?” tanong niya. “Ipapalabas ang play namin sa London?”
“Not only in London. Plano din namin sa New York, Tokyo, Brussels, Paris at sa iba pang bansa. Do you like the idea?”
“It is a great honor,” usal niya. Ang akala niya ay mga taga-Sagada lang ang makakanood ng play niya. Ngayon ay iikot na iyon sa buong mundo.
“And it is my honor to play Lam-ang,” sabi naman ni Leonard at inakbayan siya. “Tiyak na mai-in love lalo sa akin ang scriptwriter ng play.”
“Que ikaw si Binsay, si Lam-ang o si Leonard, in love ako sa iyo.”
“Mamaya na iyan!” saway ni Rose sa kanila. “Magpa-picture na tayo.”
Ilang minuto pa ang lumipas bago naayos ang mga bata. Excited kasi ang lahat na mag-pose nang maayos. Lahat ay gustong maging bida sa picture. “Naisip mo ba kung ganyan kadami ang magiging anak natin?” bulong ni Leonard.”
“Oo ba. Basta ikaw ang magbubuntis,” nakangisi niyang sabi.
Pinisil nito ang ilong niya. “You wish!”
Well, she wouldn’t mind thirty children. It could keep the flame and the love going for the rest of their lives.