Chapter Dashielle, Wolf’s Rain: Chapter 3

Dashielle held her breath. Wolf’s face was near hers. She knew it was a way to intimidate her. But their lips almost touched and she could almost taste the air he breathed out. “A-Are you going to kiss me?”

“What?” gulat na gulat nitong usal.

“You want to stop me from dating Wyndham, right?” At iyon lang ang naiisip niyang paraan para mapigilan siya nito. “Yeah, sure! Go ahead and kiss me,” hamon niya. With that kiss, she might be able to prove a few things.

Na sa wakas ay di na bata ang tingin nito sa kanya. Sawang-sawa na siya sa pagtrato nito sa kanya na parang bata. Pangalawa, mapapatunayan niya kung kapatid pa nga ang turing nito sa kanya o hindi na. That finally, he would see her in a different light. He would see her as a woman.

Pinigilan nito ang balikat niya. “Dashielle, wait!”

She gave him a sultry smile. Ginaya din niya ang ang blonde na kasama nito kanina at nilaro ang necktie nito. “Maybe if you kiss me, I’ll consider canceling my date with Wyndham.”

He gave her a horrified look. “What the heck are you doing? Are you out of your mind? If this is your idea of a joke, it is not funny.”

“Who told you that this is a joke? You started this.”

“Seryoso ako tungkol kay Wyndham. He will only hurt you and I only want to protect you, Dashielle.”

“Yes. I am serious about the kiss as well.”

Halos bumaon ang daliri nito sa balikat niya sa higpit ng pagkakahawak nito. “Stop it! Anong gusto mong gawin ko para tumuwid ang utak mo?”

He was mad. Kapag galit kasi ito ay nakakapagsalita ito ng Filipino. Para daw lalo niyang maintindihan ang sinasabi nito at matanim sa kukote niya. And his Filipino was more polished. May pagkakataon na sa Pilipinas ang assignment nito at sa mga lugar pa na Tagalog lang ang alam ng mga bata. Now he was using it a weapon against her.

Magaan niyang tinapik ang dibdib nito. “Ang puso mo, Wolf. Hindi ko alam kung bakit nagagalit ka. A kiss is just a kiss.”

“And kiss is something that is so casual to you.”

Nagkibit-balikat siya. “It is just like a greeting.”

“But that is not the type of kiss you are asking from me.”

“Yes, you are right!”

She wanted that mind-boggling kiss from him. She just wanted to appease her own emotions. She had been kissed before. And it wasn’t pleasant on her part. Not that she encouraged them. May mga lalaki lang na sadyang tingin ay pwedeng humalik sa kahit sinong babae. Akala din ng mga ito ay siya ang babae na basta-basta nagpapahalik. So they ended up with her handprint on their cheek and she was called Ice Queen afterwards. But Wolf was different. He never tried to kiss her. Not even on the cheek or at the back of her hand.

Itinaas niya ang kamay. She knew that it was a little low and childish. Isang halik kapalit ng hindi niya pakikipag-date sa iba. “Forget about it! Forget that I asked for a kiss. Forget that you want to stop me from dating Wyndham.” She gritted her teeth. “Stop interfering with my life.”

She had to accept the fact. Men like Wyndham liked her. Pero ang lalaking gusto niya ang ayaw naman sa kanya.

Kung mawawala na ito sa buhay niya, siguro naman ay makakalimutan na rin niya ang kahibangan niya dito. She wanted to have a normal love life. At hindi siya magiging open sa relasyon kung lagi itong nakasunod sa kanya. There would be no room for any man in her life as long as Wolf was around.

“Too bad. Wala pa akong sinasabi na pwede ka nang makipag-date sa kanya.”

Nakuyom niya ang palad at namaywang. Gusto na niyang sumabog sa sobrang inis dito. “Huwag mo nang pakialaman ang buhay ko! Bakit hindi na lang ikaw ang humanap ng ka-date mo para hindi mo na ako ginugulo?”

“This has nothing to do with me.”

“No! You are wrong!” Sabi ng Kuya Leonard niya, masyado daw busy si Wolf para makipag-date. Kung ayaw nito sa kanya, sana ay humanap na lang ito ng babaeng ide-date nito. Para naman di na siya umasa pa na baka gusto siya nito dahil buntot ito nang buntot sa kanya. “Hindi naman kita pakikialaman kung gusto mong makipag-date. Bakit pinakikialaman mo ako? It’s not that I asked you to follow me around. It is not my fault that you don’t have a sex life.”

His nostril flared like a bull. “And you do have a sex life, Dashielle?” Hinawakan nito ang leeg niya. “Just try and I will wring your neck. Stop acting so sophisticated. It doesn’t suit you.”

She felt so scared for a while. Pero umatake pa rin ang pagrerebelde niya. “And what do you want me to do? Die a virgin?”

“No. Ayoko lang matulad ka sa ibang babae na ginagawang laruan ang mga lalaki. O sumasama sa lalaking hindi nila mahal. Don’t put your self so low.”

“Now I am low because I asked you to kiss me. Well, I will live the way I feel. Stop running my life, Wolf. Mind your own,” aniya at saka tinalikuran ito.

“Come back here, Dashielle! We are not yet through.”

Wala siyang pakialam kung ano pang banta ang gagawin nito. Kahit na pilipitin pa nito ang leeg niya. He broke her heart. What could be worse than that?

Natauhan na siya. Kapatid lang ang tingin nito sa kanya.

I was so stupid to expect that things would change between us.

Simula bukas, lalabanan na niya si Wolf. Di na nito pwedeng patakbuhin ang buhay niya. Tama nang sinugatan nito ang puso niya.

“MOMMY, you told me that Wolf is not coming,” reklamo ni Dashielle kay Emily habang nagtsa-tsaa sa garden ng hotel na tinutuluyan nila.

“He didn’t watch your match. Humabol lang siya sa victory party mo. Hindi ba sabi mo sa akin, ayaw mo lang siyang makita sa match mo?” kalmanteng sabi nito at in-adjust ang brim ng wide hat nito. Katatapos lang nilang mag-shopping.

Pupunta kasi ito sa Sagada kinabukasan at gusto daw nitong pasalubungan ang mga kabataang miyembro ng cultural club. Parang anak na kasi ang turing nito sa mga scholars ng foundation. Di na ibang tao ang turing nito.

“Pero nandito pa rin siya! And he is trying to run my life.”

“He only cares for you. Alam mo ba na tinapos agad niya ang schedule niya sa Arizona para lang makapunta dito sa Melbourne. He is really sweet.”

“Hindi daw ako pwedeng makipag-date sa iba.”

“Concern lang siya sa iyo. Your brother is not here to keep an eye for you. So he just takes the responsibility…”

“He is not my brother! And nobody imposed the responsibility on him.” Mas masama pa nga ang loob niya dahil kung concern man ito sa kanya, iyon ay dahil kapatid lang ang tingin nito sa kanya. “Please bring him to Sagada with you. Mas malaki ang maitutulong niya kay Kuya Leonard sa paghahanda sa festival kaysa sa akin.”

Kung hindi siya magmamakaawa sa mommy niya, tiyak na susunod si Wolf kahit saan siya pumunta. Titigil lang ito kapag bumalik na siya sa tennis camp para mag-training. Alam kasi nito na naroon na ang coach niya para magbantay sa kanya. Wala nang ibang lalaki na pwedeng makalapit sa kanya sa tennis camp.

Sa pagkakataong ito ay bakasyon niya. Sa Pilipinas niya planong magbakasyon. May aayusin lang siyang ibang bagay sa London at mananatili na siya sa Sagada sa loob ng ilang linggo. Ilang buwan pa bago ang Wimbledon kaya mahaba pa ang bakasyon niya. At ang gusto ni Wolf ay sasabay pa ito sa kanya sa pagpunta sa Sagada.

Minasahe ng mommy niya ang sentido nito. “Dashielle, please! Huwag mo nang dagdagan pa ang sakit ng ulo ko. I already gave Wolf his assignments. Bakasyon na niya ngayon kaya wala na akong karapatan na mag-utos o humingi ng kahit anong pabor sa kanya. If you want him off your back, why don’t you tell him yourself?”

“Because he won’t listen.” Sa mommy lang niya ito nakikinig.

“He is old enough to know what he is doing.”

“Yeah! Thanks, Mom!” sarkastiko niyang sabi at hinalikan ito sa pisngi. “I will just prepare for my date. Ayokong ma-late. Baka dumating na si Wyndham.”

Pakiramdam ni Dashielle ay wala siyang kakampi. Di man nagsasalita ang mommy niya pero alam niyang mas pabor dito na nasusundan siya ni Wolf. Masaya yata ito na nato-torture ang puso niya.

Namimili pa lang siya ng sapatos na ipa-partner sa damit niya may mag-doorbell. Sinulyapan niya ang wall clock. “It is just six thirty. Masyado naman yatang maaga si Wyndham,” aniya at tinungo ang pinto. Nang sumilip siya sa peephole ay si Wolf ang naroon. Dali-dali niya iyong binuksan. “Wolf, go away! If you think you…”

Natigil ang litanya niya nang makitang naka-formal suit ito. Nakalugay pa ang buhok nito kaya mukha itong model na rarampa sa catwalk. “Hi! I see, you are not yet ready.” Tuloy-tuloy itong pumasok sa suite niya. Parang mas at home pa ito sa kanya. “Magbihis ka na. Sa couch lang ako. Hihintayin kita.”

“W-Wait, Wolf! Am I missing something here? Anong hihintayin? At bakit ganyan ang suot mo?” She knew how much she hated formal suits. “Saan ka pupunta? Wala naman tayong usapan, di ba?”

“You have a date tonight.”

Kumunot ang noo niya. “And so?”

“I am coming with you.”

“What?” She sounded like a firecracker that suddenly burst.

Bahagya nitong hinawi ang bintana at pinagmasdan ang metropolis ng Melbourne. “Well, I can’t stop you from going out with Wyndham. So I will join your date instead.”

“You can’t do that! You simply can’t!”

“Of course I can. You can’t leave this place without me. I am sure your date won’t mind. Unless he had unscrupulous things in mind.”

Nasapo niya ang pisngi. “Why are you doing this to me?”

“Don’t be distressed. It is not a bad thing. I am just concerned.”

“Concern? I am twenty-five and I still have a chaperone.”

“Maraming bodyguard ang ka-date mo. Kaya wala akong nakikitang masama kung sasama ako sa date mo bilang bodyguard mo.”

Humalukipkip siya at matalim ang mata itong tinitigan. Mukhang nag-e-enjoy ito sa torture na ginagawa sa kanya. Lalo siyang di makakapag-concentrate sa date nila ni Wyndham. Masisira tiyak ang gabi niya. Alam talaga ni Wolf ang gagawin para tuluyang masira ang gabi niya. “Hindi ka sasama sa amin.”

“Then we can stay here instead. Where you go, I go!”

Inirapan niya ito at tuloy-tuloy pumasok sa kuwarto niya. She wanted to give in to his ploy. Gusto yata niyang magkulong na lang sa kuwarto niya kasama ito at kalimutan na lang ang mundo. “Tanga ka ba, Dashielle? Magpapakabaliw ka na naman sa kanya. Then he would tell you that he only sees you as his sister. Paano na ang pangako mo sa sarili mo na lalabanan mo siya? Do it!”

Pinangatawanan niya ang desisyon. Kahit na gusto niyang I-cancel ang date nila ni Wyndham, pinili na lang niyang maghintay sa kuwarto at hintayin ang pagdating nito. Tinikis niya si Wolf at di ito nilabas. Kailangang masanay na siya. Di pwedeng lumambot ang puso niya nang basta-basta kay Wolf.

Eksaktong alas siyete nang makatanggap siya ng tawag mula sa front desk. “Miss Gomez, Mr. Wyndham Archer is waiting for you at the lobby.”

“Thank you.” Awtomatikong tumayo si Wolf paglabas niya ng kuwarto.

“Are you ready to go?” tanong nito.

“Yes. Naghihintay na sa lobby si Wyndham. And I am afraid you won’t be a part of our date. Thanks for the offer but I don’t need a bodyguard.”

“But Dashielle…”

“I know. Hindi kita mapipigilan na sumunod sa akin.” She tossed the room key to him. “Bahala ka kung gusto mong sumama. Pero oras na makita kitang nakasunod sa akin, hindi na kita kakausapin kahit kailan.”

“NOTHING beats skiing at St. Moritz. Have you tried it?” Sa isang classy Italian restaurant sila nag-dinner ni Wyndham. And she enjoyed the evening with him. Hindi kasi ito boring kausap. At dahil pareho silang mahilig bumiyahe, marami silang napag-uusapan tungkol sa mga lugar na napuntahan na na nila.

“Yes. After an International Series match. It was really, really fun. But after a celebrity broke her neck during my stay, I decided to leave right away. Na-realize ko na mahal ko pa ang buhay ko. If I would die, definitely not from skiing.”

“Accidents happen everywhere. Kahit simpleng bagay lang ang ginagawa mo o kahit nagte-tennis ka pa.”

Or simply thinking about Wolf maybe. She sighed. Luminga siya, umaasa na sinundan nito. Or maybe he is packing his bags now and will leave for Sagada tomorrow.

“Have you been to Sagada, Wyndham?” she asked.

Tumango ito. “Yes. That place is like a piece of heaven.”

“I will be there two weeks from now.” The first week of her stay in the Philippines consists of courtesy calls and press conferences. “And I am planning to stay longer. Para makasama ko ang family ng father ko.”

“I will be in Baguio for the Panagbenga festival. We have a mansion there.” Ginagap nito ang kamay niya. “Gusto mo ba doon ang next date natin?”

She laughed. She didn’t see it coming. Magyayaya na naman ito ng panibagong date. Then she suddenly froze. Nakaupo si Wolf ilang mesa ang layo sa kanila. He was wearing a grim expression. Hindi ito natutuwa na nakikitang masaya siyang kasama si Wyndham. Parang bigla siyang na-guilty at binawi ang kamay kay Wyndham. Dahil doon ay natabig niya ang baso ng wine at kumalat sa mesa.

“Oh! I am sorry!” bulalas niya at biglang tumayo. Her hands were trembling. Di niya alam kung dahil sa pagkakatabig sa wine glass o sa pagkakita niya kay Wolf.

Nilapitan siya ni Wyndham. “Are you okay? You are pale.”

Nasapo niya ang noo niya. “I am just tired.”

Ano ba ang nangyayari sa kanya? Nakita lang niya si Wolf, nadi-disorient na naman siya. Wala naman siyang dahilan para matakot dito.

“Maybe I shouldn’t push you much. Ihahatid na kita sa hotel mo.”

Nang tumingin siya sa table kung saan ito nakaupo kanina ay wala na si Wolf. Nagngitngit siya. Sinadya nitong magpakita sa kanya para masira date nila ni Wydham.

Pagdating sa hotel ay nasa lobby na agad si Wolf at naghihintay sa kanya. “Tapos na agad ang date ninyo? Are you okay? May ginawa ba siyang masama sa iyo?”

She punched the elevator button. “Yes, tapos na ang date namin. Thanks to you!”

“Bakit? Anong ginawa ko?”

Napaawang ang labi niya. “You have the nerve to ask? You ruined my date! Hindi ba ako pwedeng gumalaw nang wala ka sa paligid ko?”

Natigagal ito. “Dashielle…”

“Hindi na ako makahinga kapag nasa paligid ka. I want to live my own life!” Pagbukas ng elevator ay pumasok siya agad. She pushed the close button right away. Di niya hinayaang sumama pa ito sa elevator. Nakita niya ang lungkot sa mata nito bago sumara ang elevator. Subalit nangibabaw ang inis niya. “That’s the last straw, Wolf. I will never let you interfere with my life anymore. At wala na rin akong pakialam sa iyo.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.