Hinataw ni Dashielle ang bola sa pader at sinalo iyon pagbalik sa kanya nang marinig niyang bumukas ang gate ng court. Nakangiti siyang humarap sa bagong dating. Alam kasi niyang si Wolf iyon. “Good morning!”
“You are too early. It isn’t six in the morning yet,” anito at tiningnan ang sportswatch. “Akala ko susunduin kita sa Lizardo Farm.”
“I couldn’t wait anymore. Excited na ulit akong mag-practice.” Ngayon lang niya makakasama na maglaro si Wolf. Kailangan niya itong bawian dahil iyon ang kapalit ng halik na tinanggihan nito. “You can choose your racket.”
He stomped his foot to test the court. “I think this is not bad. Considering na nagmadali si Aunt Emily sa pagko-construct dito.”
“Actually, its not an ordinary court. Watch.” Inilapag niya ang bola sa lupa at gumulong iyon pababa. “Hindi pantay ang court na ito. The tennis court goes with the plantation when Mom bought it. So she just had everything restored. She didn’t even know that the court is uneven until I played here a while ago. Want to try it?”
“Hindi rin namin alam. Nobody plays tennis around here. Ipinagawa lang ang court para sa iyo. I think we would have an interesting match.”
“Which?” tanong nito at itinayo ang raketa sa lupa. Mamimili siya kung rough o smooth. Ang smooth ay kapag bumagsak ang raketa sa lupa nang tama ang letra na nasa dulo ng grip. At rough naman kapag baligtad ang bagsak ng letra.
“Rough!” Baligtad ang letter D na nasa dulo ng raketa nito. It was her chance to serve. “Service,” sabi niya dahil siya ang magse-serve sa game na iyon.
“End,” anito at pumunta na sa baseline. Nasa baba si Wolf ng court habang siya ang nasa taas dahil inclined ang court. Tumalon-talon ito bilang paghahanda sa simula ng match nila. “It doesn’t really feel any different, does it? It’s like playing in a usual court.”
“Here I go!” She tossed the ball somewhere slightly behind the left of her head. She bended her knees, arched her back and turn her shoulders that your back was almost facing the net. She swung her racket and it brushed the back of the ball.
“I know that move. Napanood ko na iyan. It’s a twist serve and it is expected to aim the opponent’s face,” sabi ni Wolf. “It is not hard to return.”
Naghanda naman si Wolf sa pagtalbog ng bula. Subalit sa halip na tumalbog papunta sa mukha nito ay lumipad ang bola palayo. “Huh! Anong nangyari?” aniya.
“Dashielle, masyado mo naman akong pinagbibigyan,” ngingisi-ngising sabi ni Wolf at mas madali dito na sagutin ang bola. Nag-iba ang projection ng bola dahil na rin hindi pantay ang court. Mukhang mahihirapan siya kahit si Wolf lang ang kalaban niya. Dahil ang galaw mismo ng bola ang makakalaban niya.
“Drat!” usal niya at nag-straight shot. Saka niya natuklasan na di nga madali na tumakbo sa naturang court dahil di iyon pantay. Bukod pa sa nagbago ang tira ng mga bola nila dahil sa nakatagilid na court. Even her twist serve didn’t work.
“Parang ayoko nang tumakbo. Gusto ko na lang gumapang.” Kung ganoon ay di lang siya ang nahihirapan kundi si Wolf din.
“Oh, no!” usal niya nang mag-cross court ang bola nito. Di niya mahabol. Nakahinga siya nang maluwag na di pumasok ang bola. “Out ka! Fifteen-love!”
“Ano? Love mo ako?” sigaw ni Wolf matapos niyang ihagis ang bola.
“What?” aniya at pumalpak ang serve. Tumama ang bola sa net.
“Fault!” deklara ni Wolf.
“Anong sabi mo?” tanong niya.
“Fault! Kapag nag-serve ka ulit at fault ka, double fault na. Ibig sabihin, fifteen-fifteen na ang score natin.”
Umiling siya. “It’s not that. May sinabi ka pang iba kanina.”
“Nothing. I just echoed our score. Fifteen-love, right?”
“Are you sure?”
“Yes. Bakit? Ano ba ang narinig mo?”
Umiling siya. “W-Wala.” Baka nagkamali lang siya ng dinig. Hindi naman siguro nito alam kung ano ang nararamdaman niya dito.
Di na siya makapag-concentrate sa laro. Paulit-ulit niyang naririnig ang sinabi ni Wolf. Kung mahal daw siya nito. Paano kung iyon nga ang itananong nito?
She missed her footing. Di rin niya natamaan ang bola. Bago pa niya nalaman ay di na niya nakontrol ang paa at tuloy-tuloy na siyang dumadausdos pababa ng court. “Wolf, watch out!” sigaw niya nang makitang mababangga na siya sa net.
Sa halip na umiwas ay sinalubong pa siya ni Wolf. Sa takot marahil na masaktan siya. Ang resulta ay pareho silang nabuhol sa net. Wolf was lying on the ground and she was lying over him. Napatitig siya sa mukha nitong bakas ng sakit. “Ouch! That hurts!” he groaned. “Are you hurt?”
Napailing siya. She was simply too stunned to speak. His face was just an inch away from her. She could feel his warm body against her. Sinubukan niyang makawala pero nakabuhol ang net sa katawan nila. Di niya maigalaw ang kamay.
“Uh oh! I guess we are in trouble.” Sinubukan nitong makawala pero lalo lang nagkakalapit ang katawan nila. It was agonizing to move.
“Wolf, do something!” she said in panic. Kailangan niyang makawala. Hindi niya gusto ang nararamdaman niya kay Wolf. She was starting to feel hot. Alam niyang normal iyon sa isang babae na makakadikit sa katulad ni Wolf. Pero paano kung mahalata nito ang reaksyon niya? Di na niya maitatago.
Nagtaka siya nang di ito gumalaw. Pumikit lang ito. “Iyan. Nakapikit na ako. Sige na. Pwede mo na akong halikan. Go ahead.”
“What?” Iyon na nga ang iniiwasan niyang isipin. Iyon pa ang idiniin nito. “May oras ka pang magloko. Ganito na nga ang nangyari sa atin.”
“Ganito nga ang nangyari sa atin at wala tayong magagawa. Malayo ang mga tao dito dahil walang trabahador, di ba? Wala silang pasok. Kaya wala ring makakakita sa iyo kapag hinalikan mo ako. I won’t mind. Alam ko naman na matagal mo nang pangarap na mahalikan ako. You asked for this twice already. Dahil di matutuloy ang practice natin, then go for the kiss.”
“Wolf, be serious!” protesta niya at iniwas ang tingin dito.
Ilang beses na itong tumanggi na halikan siya. Pagkatapos ngayon ay binibigyan siya nito ng kalayaan na halikan ito. Naninibago tuloy siya. Di na ba kapatid ang tingin nito sa kanya at nagbago ang isip nito?
“Okay. I won’t tease you.” Pumikit ulit ito. “Kunyari na lang tulog ako at hindi mo alam na hahalikan mo ako. I won’t tease you either afterwards. Promise.”
She didn’t want to kiss him. But he looked so tempting with his eyes closed. He was like a sleeping prince waiting to be awakened by a princess’ kiss. She wondered what it feels like to kiss a man.
Lagi na lang siyang ninanakawan ng halik ng mga lalaking hindi naman niya gusto. And now, it was her chance to kiss the man she loved. Excitement welled up inside her. Wolf was giving her the liberty to kiss him. She wouldn’t miss that chance. Baka magbago pa ang isip nito. Sayang naman.
Pero paano naman niya ito hahalikan? Kunyari nangawit ang leeg niya at di sinasadyang hinalikan ito. That’s a nice plan. She closed her eyes. Unti-unti siyang inilapit ang labi dito. Her heart was beating too fast until their lips met.
Her eyes widened then she closed it when she felt a sensation with that simple touch. Sensation was running through her veins. Did she feel the ground shake or she just shivered when his lips nipped hers?
She gasped for air and opened her mouth. She heard him groan and his tongue penetrated her mouth. It was too intimate. Magkalapit ang katawan nila. And now he was kissing her as if he was branding her as his. It was just a kiss but she felt like falling into oblivion. She was starting to lose control and giving her mouth to him in total abandon.
Mabilis niyang nailayo ang labi dito. His eyes were still closed. Parang Prince Charming na nasiyahan sa halik ng isang prinsesa. “Oh, God!”
“Dashielle, Wolf!” anang mga boses na tumatawag sa kanila.
“Si Kuya iyon at si Cindra, di ba? Nandito kami!” sigaw niya.
Sa isang iglap, natuliro siya matapos itong halikan. Yes, she enjoyed it. Pero paano ba siya magpapaliwanag? Di rin niya alam kung paano
“Huwag kang sumigaw. Natutulog pa ako. Ang ganda ng panaginip ko. Sa panaginip ko, hinalikan mo daw ako. I hope that dream won’t end.”
Namula siya. Drat! Now he was teasing him. Samantalang sabi nito kunyari ay natutulog ito at hindi di nito alam. Hiyang-hiya na nga siya.
“Wolf, dumilat ka na. Please! Huwag ka namang ganyan.”
Dumilat ito. “Anong ginawa ko? Natutulog ako dito.”
Nagngitngit siya. Sa tingin kasi niya ay pinaglalaruan lang siya nito dahil gumaganti ito sa kanya. Palibhasa ay in-engganyo niya itong halikan siya. And now that she kissed him, he was making fun of her. Di siya papayag madehado.
She smiled mischievously. “Go ahead. Matulog ka. Managinip ka hanggang gusto mo. Mare-rape ka nang wala sa oras, Wolf. At kapag nangyari iyon, mahuhuli tayo ni Kuya. Mapipikot ka. Mapipilitan kang pakasalan ako.”
Bigla itong dumilat. “Rape? You will rape me? T-Teka lang! Leonard!” mas malakas nitong sigaw. “Tulungan mo kami dito!”
Pinigil niyang matawa sa reaksyon nito. Para namang may magagawa nga siya para ma-rape ito. Pinakamalapit na niyang magagawa ay ang halikan ito. Mukhang takot na takot nga itong magpapikot sa kanya.
“Dashielle! Wolf! Anong nangyari sa inyo?” tanong ni Leonard at tinulungan silang makawala sa net. “Parang mga isda kayo na nahuli sa net.”
“Bakit ganyan ang itsura ninyo?” tanong ni Cindra. “Wolf, are you okay?”
“Oo. Medyo masakit lang ang tadyang ko,” anito at umarteng nasasaktan. “Mabigat si Dashielle. Malakas kasing kumain. Puro torta blitz at brownies iyan.”
“You are so annoying!” Nagagawa pa nitong mang-inis at magbiro samantalang hindi na nga siya makatingin nang diretso dito. What should she say after that kiss? She asked for it and now she didn’t know how to handle it.
Biglang naging malambot ang anyo nito. “Di ka naman nasaktan, di ba?”
“No. Ikaw ang nadaganan ko nang bumagsak ako.”
“Okay lang kahit na mabigat ka at hindi ako makahinga. Safe ka naman. And sometimes, sacrifices has its reward.”
“Anong reward iyon?” naghihinalang tanong ni Leonard.
Natigil siya sa pagpagpag sa sarili. Tumingin siya sa nakangising si Wolf. She knew that he was pertaining to the kiss. The imprint of the kiss was still there. At hindi iyon madaling makalimutan.
“Anong breakfast ninyo, Kuya? Makikikain ako,” mabilis niyang pag-iwas.
Di naman siguro siya ibubuko ni Wolf. Di papayag ang Kuya Leonard niya oras na malaman ang nangyari. Titiyakin nitong pananagutin si Wolf kahit pa sabihing halik lang iyon. Kapatid kasi niya ito at si Wolf naman ay matalik nitong kaibigan. At ayaw naman niyang mapilitan si Wolf.
“Huwag ka nang kumain. Kita mong nabalian na nga ng tadyang si Wolf dahil sa kabigatan mo,” kantiyaw ni Leonard.
Binato niya ito ng tennis ball subalit mabilis iyong nasalo ng kapatid niya. Nagtawanan lang ito at si Wolf. Inirapan niya ang dalawa. “Akala ko pa mandin nandito si Kuya para suportahan ako sa practice ko. Maninira lang pala ng araw. Hindi naman ako ganoon kabigat, ah!”
“Lambing lang ng Kuya Leonard mo na mang-inis. Ipagluluto na lang kita ng breakfast na gusto mo,” sabi ni Cindra.
“Bakit nga pala pinuntahan ninyo kami?” tanong niya.
“Nagyayaya ang ibang kaibigan namin na mag-picnic sa Bokkong Falls. Gusto nila isama naming si Wolf. Crush kasi nila. Sumama ka na rin.”
“Ah! Marami palang nagkakagusto kay Wolf dito. Sasama ako.”
PASIMPLENG pinagmasdan ni Dashielle si Wolf habang kausap ang mga babaeng may gusto dito. Mukhang enjoy na enjoy itong makipag-usap. Di naman ito masyadong friendly sa mga babae. Sa kanya lang ito mabait. Pero ngayon, pagkatapos niya itong halikan, parang walang anuman dito na makipagngitian sa iba. Di tuloy niya maiwasang magngitngit.
“Kung nagseselos ka, lapitan mo na si Wolf,” udyok ng Kuya Leonard niya na nagluluto ng barbeque. “Huwag ka na dito. Wala ka namang naitutulong.”
Binaligtad niya ang barbeque. “Anong nagseselos? Hindi, no?”
“Ano ba talaga ang nangyari sa inyo kanina? Kapag kasi tumitingin sa iyo si Wolf, di ka makatingin nang diretso. Mag-share ka na. Kakambal mo naman ako.”
Pinandilatan niya ito ng mata. “Kuya, kailan ka pa ba naging tsismoso?”
“Hindi ko ise-share sa iyo ang sekreto ni Wolf.”
Idinikit niya ang tainga dito. “Ano iyon?”
“Secret!” bulong nito sa kanya.
Hinampas niya ang braso nito. “Niloloko mo lang ako, eh!”
“Gusto ko lang namang sumaya ang love life mo, Dashielle. Sabay tayong ipinanganak sa mundo. Kapag masaya ako, gusto ko masaya ka rin. Natural boto na ako kay Wolf. Bata pa lang tayo kasama na natin. Mapagkakatiwalaan. Di nalalayo ang kaguwapuhan sa akin. Saka alam ko na aalagaan ka niya.”
“Hindi ba kapatid lang ang tingin niya sa akin?”
Nagkibit-balikat ito. “Pwede ba iyon? Hindi pa rin kayo magkapatid. At kahit na may topak ka pa minsan, ikaw pa rin ang gusto ko para sa best friend ko. Kung ayaw niya sa iyo, pikutin na lang natin kung gusto mo.”
“Kuya, hindi naman ako desperada. Anong pikot?” Naisip na nga niya iyon kanina. Pero mas gusto pa rin niya na kusa siyang mahalin ni Wolf.
“Sali naman ako sa kwentuhan ninyo,” anang si Wolf at lumapit sa kanila.
“Huwag na. Doon ka na lang makipag-kwentuhan sa kanila.” Inginuso niya ang mga babaeng may gusto dito. “Hindi naman enjoy dito.”
Kinulbit nito ang pisngi niya. “Hey, what’s wrong?”
“Nagseselos lang iyan!” kantiyaw ni Leonard.
Siniko niya ang kapatid. “Anong selos? Pag-umpugin ko pa kayong dalawa!”
“Ano daw?” tanong ni Wolf.
“Nagseselos nga,” sabi ni Leonard. “Galit sa iyo. Iwan ko muna kayo, ha?”
Umuklo si Wolf sa harap niya. “Are you mad at me?”
Nginisihan niya ito. “No.”
“Hindi ka galit sa nangyari kanina?”
“It’s nothing!” He wasn’t affected by the kiss. Ganoon na rin siya.
“If you are not mad, why are you pouting? Nakakapangit iyan.”
“Kung ayaw mo sa mga pangit na tulad ko, iyon na lang mga kausap mo kanina ang kausapin mo. Huwag ka na lang dito,” pagtataboy niya. Tutal mukha naman itong mas enjoy sa company ng ibang babae.
“Okay. Mukhang ayaw mo nga akong kausapin. Then I won’t bother you.
Then she heard a splash on the water basin under the waterfalls. Parang naging natural swimming pool kasi ang binabagsakan ng tubig sa falls. Narinig niya ang hagikgikan ng mga babae. “Yabang! Dapat hindi ko na lang siya hinalikan kanina. Masyado na niyang ibinagsak ang pride ko. Tapos nagagawa pa niyang magpasikat sa ibang babae. Nakakainis talaga!”
“Wow! Ang tagal na ni Wolf sa ilalim ng tubig pero di pa umaahon!” humahangang sabi ng isang babae at pumapalakpak. “I love you, Wolf!”
Napalingon siya sa falls. Di pa rin umaahon si Wolf. Hangos siyang lumapit sa falls. He was in danger. Malamig ang panahon nang araw na iyon. February ang pinakamalamig na panahon sa Sagada. At kung bababad pa ito sa tubig, tiyak na hypothermia ang aabutin nito kahit sabihing sanay ito sa lamig.
“Wolf, don’t be a show off! Lumabas ka na!” sigaw niya. Lalo siyang natakot nang di pa rin ito umaahon. “Wolf!” sigaw niya at tumalon sa tubig. Hindi siya papayag na may masamang mangyari dito. Sasagipin niya ito. She couldn’t lose him.
Saktong pagtalon niya sa basin ay siya namang pagsulpot ni Wolf. Sumigaw siya sa sobrang pagkulat. Pumalupot ang kamay nito sa baywang niya para alalayan siya.“Gotcha!Di mo sinabi sa akin na gusto mo palang maligo,” nakangiti nitong sabi.
“You are not hurt? Ang tagal mo sa ilalim ng tubig. Akala ko…”
“I am perfectly fine. Sanay ako na sumisid dahil ginagawa ko iyon sa reservation kapag naglalaro kami ng mga bata doon. Umiiyak ka ba?”
Hinampas niya ang dibdib nito. “Let me go, Wolf!” Idinaan na lang niya sa galit ang pag-aalala niya dito. Niloloko lang pala siya nito. “Ang yabang mo kasi!”
Inahon siya nito tubig. “Hindi ko naman alam na mag-aalala ka. I am sorry.”
“Huwag mo nang ulitin iyon. It really scared me to death.”
“Galit ka ba sa akin?”
Umiling siya. Inanod na ng tubig ang galit niya dito. “Hindi na.”
“Payag ka pa rin na makipag-date sa akin?”
“Bakit ako pa? Sila na lang ang I-date mo.”
Pumalatak ito. “Basta. Mamayang seven susunduin kita.”